"Ayos lang, kung ayaw mo. Aalis na ako," sabay talikod niya sa akin.
"Saglit lang, sige, sige, papayag na ako. Basta tutuhanin mo ang sinabi mo. Ikaw ang magbayad sa lahat ng gastusin dito sa hospital. Tuparin mo rin ang sinabi mo na susuportahan mo ako, para masuportahan ko rin ang kapatid ko." "Maliwanag sa akin ang lahat. Mula bukas, ipapalipat ko ang kapatid mo sa mga maling na manggagamot. At mula rin bukas, sa akin ka na uuwi." "Ha? Ano? Sayo, ako? Uuwi???" sabay turo ko sa aking sarili. Parang wala naman ito sa usapan namin kanina, kaya ano ang pinagsasabi niyang sa kanya ako uuwi? Ano ba ang tinutukoy niya? "Sandali lang, wala naman 'yan sa usapan, ehh." "Hindi, hindi pwede, isang bahay lang ang dapat tinitirahan ng mag-asawa. Kung ayaw mo, huwag na lang natin ituloy pa." "Ha? Gusto ko, gusto ko, papayag ako. Basta, hi-hindi tayo pwedeng magkatabi sa pag-pagtulog." "Kung 'yan ang nais mo." "Talaga? Papayag ka? Kung ganun, 'yan na ang napag-usapan, ahh. Dapat wala nang ibang madagdag o mabawasan, maliwanag?" "Maliwanag, may isa pa. Ayaw kong magkagusto ka sa akin. Kontrata lang 'to Shiena, kaya wala kang karapatan na magkagusto sa akin." "Alam ko 'yan. Hindi din naman kita magugustuhan, dahil hindi na ako interesado pa sa mga lalaki, kaya huwag ka mag-alala. Mr. Stephen." Kalaunan, nagpaalam na muna ako sa kanya. Upang magtungo muli sa aking kapatid. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya, dahil sa wakas magagamot na rin ang kapatid ko. "Lina, magigising ka na, sabik na sabik na ang ate mo sayo, kumapit ka lang, ah. Gumagawa nang paraan ang ate, kaya lumaban ka diyan, mahal na mahal kita," sabay hawak ko sa kanyang kamay. Kinaumagahan, narito kami ngayon sa isang hospital. Malaki at magara, base sa postura at kasuutan ng mga doctor. Halatang nasa mataas ang kanilang posisyon. Ganito nga ba kayaman si Stephen, para dalhin sa ganitong pagamutan ang aking kapatid. Sa oras na ito, wala rito si, Stephen. Siguro nga marami siyang pinagkaababalahan ngayon. Tanging, mga tauhan lamang niya ang naghatid sa amin sa lugar na ito. Ang mga taong kasama niya rin kagabi. Ilang oras akong naghintay na matapos ang operasyon. Puro dalangin ang aking magawa. Dahil sa sinabi ng doctor kanina, mas lalong malubha na daw ang kalagayan ng aking kapatid. Nang lumabas ang mga doctor, agad akong lumapit sa kanila. "Doc, kumusta po ang kapatid ko? Maayos na po ba ang lahat? Magigising na po ba siya? Kailan po ba, doc?" sunod-sunod na aking katanungan. "Uminahon ka lang po. Maghintay lang tayo ng tatlong araw, naging maayos ang naman ang operasyon." Inilipat nila ng ibang kwarto ang aking kapatid. Sa aking pagbabantay, nakaramdam ako nang antok. Ngayon ko lamang naalala na mula pa kagabi, wala akong tulog. Unti-unti nang hina ang aking katawan, kasabay nito ang pagbagsak ng aking mata. Inakala kong matutumba ako, subalit may kung sino ang humarang sa akin. Dahilan, na napasandal ako sa kanyang dibdib. Kilala ko ang amoy na ito. Tiyak akong siya nga. "Anong ginagawa mo? Kung pagod ka na, magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo na kaya." Itinaas ko ang aking tingin. Si Stephen, nga. Ngunit ano naman ang ginagawa niya dito? "Anong ginagawa mo dito? Isa pa, ayos lang ako." Umayos ako sa pagtayo, kasabay sa paghimas ng aking ulo. "Nandito ako, para sunduin ka. Baka, nakakalimutan mo ang usapan nating dalawa ka-gabi. Mukhang maayos na ang kapatid mo, kaya tuparin mo ang napagkasunduan natin." "Ha? Ngayon, na pala 'yon. Pasensya na, nakalimutan ko. Pweda bang sa ikatlong araw na lang? Gusto ko munang bantayan ang kapatid ko. Walang ibang magbabantay sa kanya, kundi ako lang." Dahan-dahan siyang humakbang at mas lalong napalapit sa amin. Umatras ako, subalit hindi niya ako tinigilan. Halos maliit na lang ang espasyo, magkakadikit na ang mga mukha namin. Nagkatitigan kaming dalawa, malamig ang kanyang mga mata. Inilapat ko ang aking dalawang kamay sa kanyang dibdib, sabay tulak sa kanya. "Ano ba, ano ba ang ginagawa mo? Wa-wala naman 'yan sa sa u-usapan diba?" putol-putol kong boses, habang niyayakap ang aking sarili. "Hmm... Ano ang dumi ng utak mo. Hindi ako interesado sayo, maliwanag? Pinapaalala ko lang ang napagkasunduan natin. Sa ayaw at gusto mo, pakakasalan mo ako sa araw na ito." "Ha? Akala ko ba titira lang ako sa bahay mo ngayon? Ikakasal na agad tayo? Wala nga akong masusot para diyan. Hindi nga ako nakapaghanda, tapos ngayon mo na gusto???" "Hindi na mahalaga 'yon. May pipirmahan ka lang." "Ano naman 'yon? May pipirmahan lang ako tapos kasal na tayo? Anong klaseng kasal ba 'yan?" "Huwag ka na magreklamo, gawin mo na lang." "Oo na, pero paano ang kapatid ko?" "Tanging mga tauhan ko na ang bahala. Sumama ka na sa akin, malayo pa ang tutunguhan natin." "Bakit, hindi mo na lang dinala ang pipirmahan ko???" "Nakalimutan ko," sabay lingon niya sa ibang dereksiyon. Makalilimutin din naman pala, gwapo nga mukhang mahina naman ang utak. Kalaunan, hinawakan niya ang aking kamay. Binitbit niya ako hanggang sa makalabas kami sa hospital. Nasa tapat kami ngayon ng sasakyan niya. Nagdadalawang isip akong pumasok. Hindi ako umimik, tanging nagawa ko lang ang pagmasdan ang sasakyan. Maya-maya pa, naramdaman ko ang titig niya. Ngunit, hindi ako nagpadala. Pinapasok niya ako, pero iniling ko lamang ang ulo ko. Napasinghap naman siya sabay sapo sa noo niya. Mukhang nagalit ko yata, lagot ako nito. Bigla niya akong binuhat. Nagawa ko pang pumiglas, ngunit tuluyan na niya akong ipinasok. Sinubukan kong buksan ang pinto namg sasakyan. Subalit, ang tigas parang naka-gandado. "Ano ba? Pwede naman tayo maglakad, kailangan bang sumakay pa?" "Kung maglalakad ka, kaya mo bang umabot ng ilang buwan, bago marating ang bahay ko???" "Hindi." "Hindi naman pala, kaya huwag ka diyan magreklamo. Pasalamat ka nga, sinundo pa kita." Hindi na ako nagsalita pa. Lumingon siya sa aking katawan. Dahilan, na nagdala ito nang pagtataka sa aking isipan. Ano ba ang binabalak niya? Bakit ganyan siya kung makatingin at umasta sa akin?F A S T F O R W A R DDumating na nga ang tamang gabi. Nahihiya ako, dahil, sa tingin ko, mukhang mayayaman kang ang kumakain dito. Hindi ko naman 'yon afford. Kawawa naman ako nito. Pero, syempore, si Stephen ang nag-invite sa akin dito. Kaya, dapat lang na siya ang magbabaad ng lahat ng kakainin ko. Hmm, hindi naman pwedeng ako 'di ba? Dahil malalagot talaga siya sa akin. Kapag ginawa niya 'yon. By the way, hindi ko maiwasan ang mapalingon sa paligid. Nakikita ko ang mga kasuutan ng ibang babae na naririto. Ay hindi pala iba, dahil, lahat talaga sila ay puro naka-ayos. Tapos ang kaharap naman nila ay puro isang lalaki. Date kaya 'to? Wait? Date??? Hahha nagkakamali yata ako. Si Stephen, makikipag date sa akin/ Ay wow, chamba!"Kanina ka pa hindi mapakali. Hindi ka ba comfortable dito? Kasi, wede naman tayo lumipat sa aiba," biglang wika niya. Napatingin ako sa mesa. Ang dami na niang order. Kinuha ko ang meno na nasa tabi ng pinggan ko. Pagkabukas ko nito. Tila lumabas ang mga mata
"Ikaw talaga na lalaki ka. Ano ba ang oumasok sa isip mo huh, Stephen? Grabe ka naman makayakap sa akin kanina. Akala mo kung sino, Isa pa, pinakita mo pa talaga sa kapatid ko nohh? Pati sa bata? Hindi man lang oumasok sa isipan mo, kung ano ang pwede nilang isipin sa ginawa mo," pagrereklamo ko. Niiinis ako ehh. Kung gumlaw naman kasi ehh. Porket gwapo siya, gaganyanin na niya ako. Hmmm, ano naman ngayon? Gutom tuloy ako ngayon. Imbis kanina pa ako kumain ehh. Ngayon lang tuloy tapos kaharap ko pa siya. Ang sarap niya talagang tirisin."Come on, I know you like what I have done. So, don't worry. I will do it again kapag may pagkakataon pa," nakangising saad niya. MUNTIK KO NA TULOY MAILUWA ANG KINAKAIN KO."Ano ba ang sinasabi mo diyan? Nakakakain ka naman ngayon nang maayos ahh. Tapos, ganyan ka pa mag-isip? Alam mo, mukha kang ewan. Hindi ko alam ung ano ang ginawa mo ka-gabi ahh. Pero, parang ewan ka talaga ngayon. Pero sana lang, maya-maya lang umayos na ang pag-iisip mo okay? At
Hala, hindi ko man lang napansin na nakauwi na siya? Sabi ko pa naman kanina na hihintayin ko siya. Tapos nakatulog lang pala ako. Ang daya ko naman pala.Napangiti akong makita ang kumot sa akin. Ang gentle man naman niya sa akin. Gayunpaman, napansin ko naman na siya naman ang walang kumot. Ito talagang si Stephen, inuna pa rin ako pala ako. Hindi bale na lang.Tumayo naman ako, dahan-dahan na lumakad habang dala-dala ang kumot. Nang makalapt ako sa kaniya. Pinagmasdan ko muna ang gwapo niyang mukha. Ang kinis niya talaga at ang puti pa. Hindi halata na matanda ka na. Pero, sa akin ayos lang naman. Dahil age doesn’t matter naman ‘di ba? Basta masaya at magkasama ay ayos na ‘yon. Nakikita ko naman sa ‘yo na mabuti kang tao. Siguro nga, maraming tao ang nagkakagusti sa ‘yo. Pero, hindi mo sa akin sinasabi. Kung sa bagay, sino ba naman ako para pagsabihan mo? Matado na yata akong nag-aasume.Upang matapos na ang usapan ay inilagay ko na ang kumot sa kaniyang katawan.Ayan, hindi ka pwe
SHIENA POV.Hindi ko alam kung bakit, mukhang bad mood itong kapatid ko na umuwi. Hindi naman niya sinasabi sa akin kunga ano ang problema niya. Pero, gayunpaman ay salamat na lang dahil, ayos lang siya. At ngayon naman masaya ang bata sa kinakain niyang ice cream.Pero, ito naman si Stephen, ang tagal bumalik, anong oras na. Kung gusto nga niya doon na lang kaya siya matulog kung saan siya ngayon. Total, wala naman akong pake-alam sa kaniya. Sino ba siya para pake-alaman ko 'di ba? Aswa lang naman niya ako sa papel. At isa pa, hindi naman ako ang-aalala. Pero, kainis naman bakit kasi ang tagal tagal niyang bumalik! Ano ba inaakala niya, na mimiss ko siya? Wala nga akong pake-alam sabi 'di ba? Bahala siya sa buhay niya!Dahil wala naman akong ginagawa. Naisipan ko na lang na ausapin itong kapatid kong wala sa mood. So, ito na nga, marahan akong lumapit sa kaniya."Lina, ano ba ang nangyari sa 'yo? Kanina ka pa tahimik, tapos nakasimangit pa. Sabihin mo nga kay ate, ano ba ang nangyar
LINA POV.Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan ang kausapin k ang sarili ko. Wala naman akong pake-alam, kung ano pa ang sabihin ng iba, na nakatingin sa akin ehh. Basta, gusto ko magsalita at magsalita.Hay naku. Ang ate ko, masyado na siyang nagiging busy ngayon. Dahil sa bata, nagagawa niya ang lahat na gusto ni Sky. Kung ano ang hilingin nito, binibigay din agad ni ate. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Napapansin ko lang talaga, na medyo, wala nang oras sa akin si ate ko.Ayos lang naman ehh, para mahasa rin si ate. Malapit na siyang magkaroon nang sarili niyang pamilya. Kaya, ayos lang sa akin kung may iba siyang inaasikaso ngayon. Sadyang hindi lang yata ako na sanay na wala sa akin ang atensiyon ng ate ko. Ngayon, kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko. Hindi bale na nga lang. Bibili na lang ako ng ice cream.Maya-maya pa, nakarating na rin ako sa tapat ng isang tindahan. Nakangiti akong humakbang upang buksan ang pintuan. Subalit, hahawakan ko pa lang ang pintuan, ay b
SHIENA POV."Hmm, sky do you want to eat something?"Mukhang mapapalaban ako nito sa isang bata. Napaka-english, hindi man lang sinabi sa akin ni Stephen, ang tungkol dito. Ito tuloy ngayon, sabak na sabak ako sa englishan."Mommy, I want ice cream." At nagrequest pa nga talaga."But, we don't have ice cream here. You're ninong said, we don't go outside. Because, it's a lot of bad guys outside." Pagpapaliwanag ko sa bata. Naging malungkot naman ang mukhsa niya. Mukhang sabik na sabik na siyang lumabas. Kaso lang hindi ko siya pwedeng ilabas, kahit saglit lang. Dahil, ako ang malalagot."Mom, I miss to go outside. I want to go in the play ground." Sinasabi ko na nga ba enn.Hindi lang pala sa englishan ako mapapalaban. Kundi pati na rin sa kakulitan. Bakit kasi ang tagal bumalik ngayon ni Stephen. Sobrang busy ba talaga siya sa work niya? "Baby, hindi takaga pwede ehh. Magagalit sa atin ang ninong mo. Do you want him to get mad at us?" Payo ko muli rito sa bata. Sana naman makinig na.