Share

Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)
Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)
Author: BITUING GRACIA'S

CHAPTER ONE

last update Last Updated: 2025-03-01 18:06:17

SHIENA CORDOVA POV.

Hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak, habang pinagmamasdan ang aking kapatid na hindi pa rin nagigising. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera ngayon, upang makabayad dito sa hospital at sa mga utang. Halos million na halaga ang kailangan para sa operasyon. Ngunit, saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga? Hindi ko na kaya, kailangan ko nang lumapit ngayon sa aking nobyo. Gagawin ko ang lahat upang mailigtas ang kapatid ko, maging kapalit man nito ang aking buhay.

"Alex, nakikita mo naman ang kapatid ko. Alam mong nalubog na rin ako sa utang. Maaari bang pautangin mo ako? Kailangan na kailangan ko ngayon ng pera, upang maoperahan na ang kapatid ko. Pakiusap Alex, pagbigyan mo ang hiling ko kahit ngayon lang..." pagmamaka-awa ko.

"Tsk! Ano ka ba! Wala ka na bang ibang malapitan? Kundi ako! Shiena! Mula nang dumating ka sa buhay ko, naging malas na lahat! Alam mo, wala kang kwenta ehh, kaya hindi mo maililigtas ang kapatid mo! Maghiram ka sa iba, pero sa akin huwag na huwag mo nang uulitin pa!" napakupot ang aking labi.

"Teka lang, Alex, pakiusap naman. Wala na akong ibang malapitan, pakiusap, Alex," sabay hagulhol ko sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang mga butil ng luha na tumutulo sa aking mga mata.

"Walang hiya! Huwag mo nga akong kapitan!" Kasabay nito ang kanyang pagtanggal ng aking kamay na nakawahak sa kanyang braso. Itinulak niya ako nang malakas, dahilan na nawalan ng balanse ang aking katawan.

Pinilit kong tumayo, ngunit nang maitayo ko na ang aking katawan. Bigla niya akong sinipa, dahilan din nito ang aking pagbagsak muli. Sobrang sakit ang natamo ko, nanginginig na pati ang mga tuhod ko.

"Tinawagan mo lang talaga ako, para papuntahin dito at mangutang! Mahiya ka, Shiena. Maghintay na tayo, kailanman hindi naman kita minahal. Akala ko nang una, maayos lang babae. Hindi pala! Kahit isang piso nga ay wala ka! Wala kang silbi sa buhay ko! Tapos, uutangan mo pa! Tsk! Walang kwenta!"

Napalingon ako sa paligid. Saksi ako sa mga matang masamang nakatingin sa akin. Sinabayan pa ng kanilang pagtawa. Ramdam na ramdam kong ikinakahiya ako nang lahat. Dahil, sa kahihiyan, hindi ko napigilan ang aking sarili na tumakbo papalabas ng hospital. Sa kakaiyak ko, halos matakpan na ang mga ko ng mga luha ko. Hindi ko makita nang maayos ang daan. Hanggang sa, naramdaman kong may kung anong bagay ang aking nabangga sa aking harapan. Dahan-dahan kong itinaas ang aking paningin. Malamig niya akong tinitigan.

"Tiyak akong, pinagtatawanan mo din ako," sambit ko sa aking isipan.

"Patawad, hindi ko po sinasadyang mabangga ka," nakayukong saad ko.

Hinintay ko siyang magsalita, ngunit kahit isang letra lang ay walang lumabas sa kanyang bibig.

"Patawad po, ulit."

Nagawa kong humakbang, ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. Hinawakan niya ang aking kamay. Ramdam ko ang init nito. Tila'y may gustong sabihin.

"May sulosyon ako sa problema mo, kung papayag ka. Ililigtas ko ang kapatid mo, sa isang kondisyon." Malamig pa rin ang kanyang boses, ganun din ang kanyang mata.

Kumabog ang aking dibdib. Tila'y naguguluhan at may halong tuwa. Totoo kaya ang kanyang sinasabi, paano naman niya ako matutulungan. Paano niya rin nalaman ang sitwasyon ng aking kapatid?

"Ano ba ang pi-pinagsasabi sa-sabi mo?" putol-putol na salitang lumabas sa aking bibig. Hindi kasi ako makapaniwala sa kanyang sinambit.

"Pag-usapan natin ang lahat, ngunit ayaw ko rito sa lugar na ito. Nais kong ikaw lamang ang makakaalam sa pag-uusapan nating dalawa, at hindi ito pwedeng marinig ng iba, maliwanag?" Mahina subalit madiin ang boses.

Napalunok laway ako, pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay. Suminghap siya at ibinigay sa akin ang isang maliit na tuwalya. Nahihiya akong tanggapin ito sa kanya. Subalit, sa kanyang itsura ay hindi siya pumapayag na hindi ko ito tanggapin. Kaya, kinuha ko na lamang at nagpasalamat. Ginamit ko ito, tila'y may kung anong dumampi sa aking dibdib. Gumaan ang aking pakiramdam.

Kalaunan, niyaya niya akong sumakay sa kanyang sasakyan. Subalit, nakaramdam ako nang takot baka kung ano ang gawin niya sa akin. Iniling ko ang aking ulo sabay yuko.

"Kung ganun, hindi ka ba sanay? Ayos lang, maglalakad-lakad na lang tayo. Huwag kang matakot, wala din naman akong gagawin sayo, isa pa hindi ako interesado sa katawan mo. Kaya, huwag mo sanang isipin na may masama akong gagawin."

Tanging tango ang aking pagsagot. Ngayon, naglakad-lakad nga kami. Ramdam ko ang malamig at tahimik na paligid. Hinihintay kong magsalita siya, dahil siya naman ang may gustong sabihin sa akin.

"Ngunit, kung hihintayin ko pa siya kailan ba kami mag-uusap? Bakit ba naman kasi, ang tahimik niya. Kanina lang, natuto naman siya magsalita. Tapos ngayon, wala na naman akong marinig sa kanya," sambit ko sa aking isipin habang napapangiwi na lamang ako.

Napapa-isip pa rin ako sa kapatid ko. Hindi ko nagawang magpaalam kanina. Kaya, dapat pala tapusin ko na agad ang dapat naming pag-usapan.

"Oo nga pala, ano na ang pag-uusapan natin?" tanong ko, upang masira ang katahimikan na ito.

"Simple lang naman ang gusto ko."

"Ano ba 'yon?" pagtataka ko.

"Pakasalan mo ako, at ibibigay ko ang lahat ng gastusin para sa kapatid mo. Susuportahan din kita."

Napahinto ako sa paglalakad, parang umatras ang aking dila, kasabay ng paghinto ng oras. Ano ang pinagsasabi niya, kasal? Hindi laro ang pagpapakasal, malaki din ang ibig sabihin nito. Ano ba ang akala niya sa akin papayag? Kung ganun, ano ang mangyayari? Kapag hindi din ako pumayag, tiyak na hindi magagamot ang kapatid ko. Ito lamang ang pwedeng maging sulosyon ko ngayon. Ngunit, paano ko haharapin ang lahat?

"Ano? Papayag ka ba o hindi? Ngayon ko lang sasabihin 'to, ngayon lang din ako nakipag-usap nang ganito. Kung tatangihan mo pa ang inaalok ko, baka hindi mo na ako makita pa. Kaya, ngayon pa lang ibigay mo na sa akin ang sagot mo."

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko alam, kung anong salita ang dapat maunang lumabas sa aking labi. Naghahalo ang aking pakiramdam, gumugulo na rin ang aking isipan. Papayag nga ba talaga ako??? Ano ang mangyayari, kung magiging asawa ko ang lalaking hindi ko naman mahal???

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #40

    "Huh? May sinabi ba ako? 'd ba wala naman? Hahaha," sabay nakakalokong tawa ko. "I heard it. Tell me, are you jealous?" "Huh? Anong selos? Bakit naman ako magseselos. Kanino naman ako magseselos huh?" sabay tanggal ko ng kamay niya sa bewang ko. Binaling ko rin ang paningin ko sa ibang dereksiyon. Halos napakurap ako sa ginagawa ko. "Okay, if that so. Hmm, get inside." Malamig niyang boses. Wow ahh, kanina lang ang lambing tapos ngayon bigla na lang siya magiging malamig sa akin."Huh????? Ahmm, gusto ko pa dito ehh..." "Hmm, you want here? Why? Malamig na pumasok ka na." Pagpipilit pa niya sa akin."Huh? Ayaw ko nga bakit naman ako makikinig sa 'yo. Isa pa, gusto ko pa nga magpahangin dito. Huwag ka nga makulit diyan." Tila ang paglalambingan namin kanina ay nauwi ngayon sa rambulan namin' dalawa. "Sh*t, bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka!" Pasigaw na wika nito. Dahilan na makaramdam ako nang inis."Aba! Sinisigawan mo ba akong matanda ka??? Tigilan mo nga ako, ikaw na lang

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #39

    "Shiena, ano ba ang ginagawa mo? Mukhang wala ka sasarili mo ahh," biglaang pagsulpot ni Stephen. Nandito pala ako sa tapat ng malaking bintana at pinagmamasdan ang mga bituin at buwan. "Ano ba, bakit ka ba nandito? Isa pa, kailangan ka nang bata doon sa loob. Doon ka na lang kaya," pagsusungit ko sa kaniya."Pinaalis mo ako? Why? Did I do something wrong?" Pagtataka niya.Ito talagang Stephen na 'to hindi na lang nakikinig ehh."Wala, bakit ba. Isa pa, gabi na pahinga ka na," binago ko ang tuno ng boses ko upang hindi siya mag-isip nang kung ano. Syempre, mabait din ako ehh."Kakagising ko lang, pinapatulog mo na agad ako. Ikaw ang dapat pumasok sa loob dahil alam kong hindi ka pa nagpapahinga. Kapag malaman 'to nang kapatid ko, nalulungkot siya gusto mo ba 'yon?" Mukhang pinagtatangkaan pa niya ako. Akala niya naman madadala ako. "Hindi ahh, naiintindihan ako ng kapatid ko. Isa pa, tulog siya huwag ka na lang maingay diyan. Dahil kapag kami mag-away, mag-aaway din tayong dalawa. A

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #38

    Palaisipan pa rin sa akin ngayon ang sinabi ni Stephen. Loko talaga siya, porket matanda siya kaysa sa akin ehh. Hayts, ano ba naman 'to. By the way, nandito ako sa kwarto, samantalang siya naman ay nasa ibaba kasama ang bata. Hindi naman ako inaantok ehh, bakit ba ako nandito sa kama at naka-hilata. "Shiena. You're right, you signed the contract because of your love. Hindi ako magpapabayad sayo. Then, don't think too much. Hindi ko asawa ang babaeng 'yon." "Sheina, I'm sorry kung hindi ako bumalik nang maaga. I'm very sorry kung hindi kita napagpatanggol at maprotektahan. But now I'm here at your side. And I'm making sure na wala nang makakasakit sayo." "Hmm, huwag mo na lang isipin ang mga sinabi ko." KAINIS BAKIT KO BA NAIISIP ANG MGA SINABI NITA KANINA! Mahigpit akong napayakap sa unan ko sabay paulit-ulit na padyak ng paa ko sa hangin. Ayaw ko siyang isipin, pero bakit ganun. Gayunpaman, nagpapasalamat talaga ako na bumalik siya. Sana lang totoo ang ang sinabi niyan

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #37

    "Don't ask na lang if hindi matino ang tanong mo." Pagsusungit nito. "Huh? Hindi ba 'yon matino? Gusto ko lang naman malaman kasi parang ang sungit sungit mo ngayong araw na 'to." Pagrereklamo ko sa kaniya. Medyo mataas pa rin ang boses ko. "Hayts, stubborn." "Huh? Ano sabi mo? Hindi ko narinig ang hina ehh. Lakasan mo naman." Pagrereklamo ko ulit sabay kamot sa batok ko. "I don't say anything. Kung ano ano na lang ang naririnig mo. I think you need to take a sleep na lang kaysa sa isturbuhin mo ako rito. Isa pa ang ingay ingay mo, baka mamaya magising pa ang alaga ko." Malalim niya akong tinitigan ngunit ano naman ngayon. Hindi naman ako takot sa tulad niyang masungit."Hindi ako inaantok. Ikaw na lang kaya ang matulog. Total parang pagod ka naman ehh." Bumalot sa boses ko ang pag-aalala ko sa kaniya. "No, I'm not sleepy." Sagot pa nito na may malamig na tinig."Ede huwag, ikaw na nga 'tong pinapatulog ikaw pa nagrereklamo!" Bulalas ko sa kaniya. Kainis talaga ang tulad niya.

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #36

    "Ano ba, bakit ka ba natutuwa pa diyan?" Naiinis na wika ko sa kaniya. Subalit hindi manlang siya sumagot. "Bahala ka nga diyan!" Dagdag ko pa na may malalim na boses. Hmmp, kainis naman. Pumagitan sa aming dalawa ang katahimikan. Ehh syempre naman ako sanay sa tahimik. Hmm, makapag-isip-isip nga kung ano ang pwedeng maging topic namin' dalawa. Wahh! Tama, ekwento ko kaya sa kaniya ang nakakatuwang lalaki na nakilala ko. Kaso lang hindi na kami nagkita ehh, kailan kaya ulit 'yon. "Hmm, Stephen may sasabihin pala ako sayo." Mahinhin kong sambit sa kaniya. Habang siya naman seryoso sa pag-aayos ng mga pinggan. "What is it?" Seryosong boses niya. "Ahmm, may nakilala pala akong lalaki no'ng wala ka rito." Napapangiwi ang labi ko habang sinasabi ito. "Who?" Deretso niyang titig sa akin. Naging malalim din ang boses niya. Saksi pa ako sa kilay niyang biglang nagkasalubong. "Ahmm, si Cyrux. Cyrux ang pangalan niya." Nakangiti na sagot ko. Ngunit, parang nag-aalangan ako dahil ang t

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #35

    "Ahm, Stephen, heheh naiipit ako ang bigat mo rin ahh kahit yakap lang." "Huh? I'm sorry, I'm sorry. I didn't mean it." "Hindi ayos lang. Miss mo naman ako diba? Ang cute naman kung ganun." Pinipigilan kong makilig baka kung ano pa ang isipin niya. "Ate! Kuya! Hali na po kayo rito, kakain na po tayo!" Eii, pasigaw na singit ng kapatid ko. Kainis naman ang kapatid ko. Hindi ba pwedeng mamaya na lang. "Let's go, Shiena." Malambing niyang boses. Mukhang kakaiba naman ang Stephen na umuwi ngayon. Parang niya ba 'to sa akin. "Sige, sige, mauna ka na susunod ako. Dito lang ako sa likod mo." Sabay ngiti ko. "No. Come with me." Muntik akong mapasigaw sa ginawa niyang paghila sa kamay ko. Hanggang sa nakarating kami sa hapag kainan. Naka-upo na rin rito nang maayos si Sky na sinasabi ni Stephen. "Hello po Tita, mommy." Tila'y naguguluhan siya kung ano ang itatawag niya sa akin. "Ahm, mommy na lang ang itawag mo sa akin," sabay ngiti ko. Halos malaking pagtataka naman ang bumalot s

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #34

    "Ano ba pinagsasabi mo diyan, Stephen? Ilang araw ka lang naman na wala ahh, tapos ngayon na nanganak ka, sa akin mo pa talaga ibibigay ang responsibility na dapat ikaw ang gagawa? Tigilan mo nga ako, kahit mahilig ako sa mga bata at gustong-gusto ko sila. Hindi ko pa rin anak 'yan. Tsyaka, sabihin mo nga sa akin paano ka ba nagkaroon ng bata? Sino ba ang nakabuntis sayo? Tapos iiwan sayo ng mag-isa ang batang 'yan? Anong klaseng tao siya? Binubuntis buntis ka niya tapos hindi ka niya pananagutan? Aba hindi 'yon pwede. Ituro mo sa akin kung sino, nang sa ganun ako mismo ang bubugbog sa taong 'yon." Naiinis na boses ko. Kulang na lang lumabas na sa tenga ko at sa ilong ko ang usok ehh. "Ninong, is she crazy? Parang nakakatakot din po siyang maging Mommy, pwede po bang iba na lang?" Ay wow naman, mukhang mas lalo pang lumiliyab ngayon ang buong katawan ko ahh. Nakakatakot? Crazy? Anong crazy pinagsasabi ng batang 'to? CRAZY FOR STEPHEN? AY GAGI! HINDJ PWEDE PATI BA NAMAN UTAK MO SELF N

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #33

    SHIENA POV.Hindi ko inaasahan na sa pagbukas ko ng pintuan ay si Stephen ang bungad sa akin. Ngunit gayunpaman naging masaya pa rin ang tibok ng aking damdamin. Dahil sa wakas ay nakabalik na siya at nagkita na rin kami. "May anak ka na pala. Kaninong bata 'yan? Ang bilis mo naman magka-anak. Tapos ang laki agad." Pagtataka ko naman. Pero, infernes ang cute ng bata. Mahilig pa naman ako sa bata. Pero, kainis naman may anak na agad siya? Ilang araw lang naman kami hindi nagkita tapos uuwi siyang may anak na? Walang kwenta naman ang babae na Ina ng bata kung ganun. Dahil, hindi man lang niya sinamahan si Stephen. "Tsk!" Tanging tipid niyang sagot. Kasabay pa nito ang pagpasok niya sa loob. HUH? ANONG NANGYARI? NAGTANONG LANG NAMAN AKO DIBA SELF? ANG SUNGIT NAMAN, PORKET MAY ANAK NA EHH. Matapos nilang pumasok ay agad naman akong sumunod. Ang galing na rin ahh, porket siya ang nagbigay ng condo na 'to kay Lina, kung maka asta bahay niya. HOY! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, BISITA KA LANG DIT

  • Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)   #32

    ANOTHER DAY I was shocked nang makarating ako sa bahay. I didn't expect na si Mommy and Liana ang madadatnan ko. What the fuck are they doing here. I felt Anger when I found out na pinaalis nila si Shiena, without my permission. "Who said? Sino ang nagsabi na paaliasin niyo rito ang taong minamahal ko!" I shout to them with my deeper voice."Who the hell are you talking about? Ang babaeng 'yon ba ang tinutukoy mo! The girl na mukhang cheap, hampas lupa! Stephen, hindi kita pinalaki upang mapunta ka lang sa mga walang kwentang babae! How dare you to shout me like that because of a girl!" My shout on me. "Tsk! Mom, I'm hoping na hindi na ka na lang bumalik, kung kasama mo lang din naman ang babaeng 'yan! Did you think, gagawin ko talaga ang nais niyo! I don't want to marry a girl na kahit katiting lang ay wala akong maramdaman' pagmamahal!" Hindi ko na makontrol ang aking sarili, dahil galit na lamang ang nakabahid sa aking dibdib. "Ninong, please stop I'm afraid." Nabaling ang akin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status