تسجيل الدخولBinuksan ni Anton ang cellphone matapos niyang hablutin iyon kay Peachy. Lowbat na ito, kaya agad kinuha ni Anton ang kanyang power bank at isinaksak ang cellphone habang ini-scroll iyon. Una niyang binuksan ang kanyang call history at nakita naman niyang walang kakaiba doon. Wala siyang tinawagan noong oras na iyon maliban sa kaibigan na nasa Maynila. Sinubukan din niyang buksan ang kanang chat box , maging ang Messenger, pero wala namang kakaibang mensahe o messages. Gumawa ang binata sa kanyang gallery at doon nakita niya ang ilang larawan na kuha sa Baguio. Hanggang sa napadako ang mga mata niya sa isang unknown video. Wala itong pangalan at madilim ang thumbnail, kaya alam ni Anton na hindi niya alam ang video na iyon.Binuksan niya ang video, pero madilim lamang iyon na para bang nakataob. May ingay sa video ; may nagsasalita, kaya itinutok niya ang volume. At habang pinakikinggan ang video, malinaw na narinig niya ang boses ng isang babaeng puno ng pag-aalala at halatang tako
“Sino ang tinutukoy mo? Ano'ng ibig mong sabihin? Linawin mo nga ‘yan, Peachy!” mariing sita ni Donya Soledad."Pwede ba, Peachy, stop this nonsense. Hand me back my phone at sabihin mo na lang kung saan mo ito nakita." Wala sa mood na sabi ni Anton. Problemado siya kay Amara at kung hindi sila ginambala ng babae ay nakaalis na sana siya para hanapin si Amara.Hahanapin niya ito kahit saang sulok ng mundo. Alam ng lola niya ang bahay ni Amara, kaya ang lola niya ang pag-asa niya. Amara is an innocent and naive woman, kaya hindi maglalakas-loob siyang umalis at manatiling mag-isa sa Manila. Kaya ang hula ni Anton ay baka umuwi sa bahay nila ang dalaga.“Well, madali naman akong kausap, Anton. Ang totoo, nakuha ko ‘yang lumang cellphone ni Anton sa loob ng kabinet ni Amara. Nakasiksik sa mga gamit na halatang itinatago niya,” sabi ni Peachy habang nanlilisik ang mga mata. “Kaya ang tanong ko sa inyo… paano napunta kay Amara ang cellphone na nawala kay Anton noon pa?”“Nooo! Ibigay mo sa
"Hindi naman sa nagpumilit dahil hindi naman ako kailangan pilitin noon. Nasaksak ang ama niya sa palengke kaya kailangang maoperahan agad-agad. Sa pribadong ospital na dinala, kaya napilitan na silang magbayad ng deposito at kailangan na agad nilang ipasok sa operating room. Marahil naalala ni Amara ang sinabi ko noon na kapag may problema ay tawagan ako, kaya nang tumawag siya ay ginamit ko na ang sitwasyon para alukin siya na paligayahin ka at akitin.Alam kong napipilitan siya pero bulag ako noon sa kagustuhang protektahan ang mana mo, kaya nagpaja bato ako sa tawag ng konsensya." kuwento ni Donya Soledad."Limang milyon ang offer ko at hindi tinanggap ni Amara ang kabuuang iyon. Ang tinanggap lamang ni Amara ay ang ginastos ko sa hospital at sa buong gamutan ng ama niya at konting puhunan na maiiwan sa mag-asawa sa pagluwas niya sa Maynila. Ang kaso, bago nakaluwas ng Maynila si Amara, tinamaan ng bagyo sa Benguet at nangyari naman ang aksidente mo. Kaya, after six months pa bago
Tahimik na nakinig si Donya Soledad, at habang tumatagal ay unti-unting nabuo ang isang hinala sa isip ng matanda. Tinitigan ni Donya Soledad ang apo, at sa tanong niya ay halos hindi na makahinga si Anton sa kaba at kalituhan.“Kung ganyan nga ang totoo, kung si Amara talaga ang Arabella na laging nasa alaala mo, bakit hindi niya sinabi sa akin? Noong una pa lang, inamin niyang wala siyang alam at pumayag siya sa kontrata ko nang walang pag-aalinlangan. Pero nang makita ka niya, nang malaman niyang magkakilala na pala kayo noon… bakit tinanggap pa rin niya ang lahat? Bakit hindi niya sinabi sa iyo? O kahit man lang sa akin? Bakit itinago niyang magkakilala na pala kayo?” mariing tanong ng matanda, puno rin ng pagtataka. Napayuko nang sobra si Anton, tila ba dinadaganan ng libu-libong bato ang kanyang dibdib.“Hindi ko po alam, Lola… talagang nalilito ako,” garalgal niyang sagot. “Parang pinagbabaligtad ang mundo ko. Marami pang malabo sa alaala ko at hindi pa lahat bumabalik nang bu
Samantala, sa loob ng malaking mansyon, malalim na ang gabi nang matapos ang mahabang usapan nina Anton at Donya Soledad. Tila malinaw na sa kanya ang lahat ng sinabi ng lola na matagal na pala itong nagpapahanap kay Amara, at may mga plano na talaga para sa dalaga. Ngunit sa kabilang banda, hindi maipaliwanag ni Anton kung paano niya sasabihin sa matanda ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Maging siya mismo ay ayaw pa ring maniwala sa mga hinala at posibilidad na pilit niyang itinatago. Dahan-dahan siyang dumungaw sa pintuan ng silid ni Amara, at agad siyang kinabahan nang makitang bukas ito at walang tao sa loob. Mabilis siyang pumasok at lalong nagpa-panic nang makitang walang bakas ng dalaga."Amara? Amara… nasaan ka? Amara!" malakas niyang tawag habang pinihit ang bawat sulok ng silid. Narinig ni Donya Soledad ang gulo at ang malakas na boses ng apo, kaya mabilis din itong lumabas ng kanyang sariling silid at nagmadaling lumapit."What's wrong, Anton? Bakit ka sumisigaw nan
"Namatay sa sunog ang pamilya ni Amara?" Nadismaya si Mathew dahil hindi ganoon ang kuwento ng kilala niyang may-ari ng kuwintas.“Sinabi pa ni Evelyn na wala siyang kamag-anak at walang mapupuntahan, kaya nagtungo siya sa Nueva Ecija, at doon namin sila nakilala. Magsasaka lang kami noon at matagal nang nagnanais na magkaroon ng anak, ngunit hindi biniyayaan. Kaya tinanggap namin sila at pinatira sa aming munting bahay. Ngunit makalipas lang ang isang buwan, biglang naglaho si Evelyn. Nag-iwan lang siya ng sulat na nagsasabing ipinagkakatiwala na niya sa amin ang bata. Siya naman daw ay pupunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay.” Huminto sandali ang ina ni Amara at tumingin sa malayo, tila bumalik sa mga panahong iyon.“Noong tanggapin namin si Amara, suot na niya ang kuwintas na iyon sa kanyang leeg. Hindi ko ito inalis o tinanggal, sa pag-aakalang baka iyon ang maging tanda o pagkakakilanlan ng bata balang araw. Pati ang damit na suot niya noong unang dumating sa amin ay maingat
"Sa character ni Lola Soledad, alam mo naman siya, 'no? Siya yung tipo ng taong tuwid ang landas at matigas ang paninindigan. Siya yung klase ng tao na laging makatwiran at hinding-hindi hahayaang may mang-aalipusta o manlamang sa kapwa. Kaya nga hanggang ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung b
Nang sumunod na araw, tila isang sirang plaka na paulit-ulit ang nangyari. Katulad ng eksaktong nangyari kahapon, nagtagpo ulit sila ni Peachy. Pababa ito sa hagdan habang si Amara naman ay papasok na galing sa garden ng mga edible plants. Muli na naman siyang inapi, inalipusta ng babae at pinipili
Biglang may boses na umaalingawngaw sa likod niya. "Ikaw na naman." Napalingon si Amara, nagulat nang makita si Anton sa likuran niya. "Sinusundan mo ba ako?" Hindi na sumagot si Amara. Wala na siyang ganang makipagtalo.Sobra na ang pang-iinsulto na natanggap niya mula kay Anton at sa dalawang mat
Anton is disgusted, gusto niyang tumawa. "Miss," tawag niya sa babaeng kausap. "You're not my type ," tila nandidiring sabi pa niya sa babae. Pinasadahan niya ulit ito ng tingin. Mukhang lokal sa lugar ang babaeng makapal ang makeup. Kinilabutan si Anton nang banggitin nito sa kanya ang salitang "ma







