Masuk"You better sit, Amara.You're my guest and not my maid. Ano bang naisip mo? Natulog ka lang, bigla na akong naging amo sa'yo?Akala ko ba kuya mo ako," sabi ni Marhew. Nais matawa. Sa sulok ng kanyang mga labi ay gumuhit ang pinipigil na ngiti."Sorry, K-Kuya Mathew. Naisip ko lang na habang naririto ako ay ayokong maging pabigat. Sanay naman ako sa gawaing ganito," sabi ni Amara. "I'm so sorry about the past, Amara. I promise to do my best to change that if you trust me. Now, relax and eat. Bawal kang malipasan ng gutom. Later I'll check kita. Tatawagan ko rin ang kaibigan kong OB for the prenatal check. You see, I'm a trauma doctor, Amara," sabi ni Mathew.Tumango-tango si Amara at ngumiti, saka umupo sa tapat ni Mathew. Isang makahulugang titig ang namagitan sa dalawa. Si Mathew ang unang bumigay at medyo natawa sa sarili.Gusto niyang batukan ang sarili nang maalala niya ang pagkakataon na nakita niya si Amara sa kalsada na walang malay. Sa unang pagkakataon, akala niya ay tumibok
"Ah, ganun ba? May hinahanap ka pa lang, kapatid. Sana mahanap mo na siya. Ah, Doc, maraming salamat talaga sa kabaitan mo. Hindi mo alam kung paano ako makakabawi sa'yo," sabi ni Amara."Walang anuman, masaya akong gawin ito sa'yo kung alam mo lang,"sabi ni Mathew. Biglang nanahimik ang paligid. Nakaramdam ng kakaiba si Amara."Bakit ang bait mo sa akin, Doc? Ayokong mag-isip ng masama, pero sana maintindihan mo na nagdadalang-tao ako at may lalaki sa buhay mo. Kaya lamang ako tumatakas dahil may mga bagay na hindi ko maipapaliwanag habang wala siyang maalala." prangkang sabi ni Amara. Ayaw niyang magkaroon ng ibang ideya si Mathew sa paghingi niya dito ng saklolo. Bagama't napakabait nito.Tumawa si Mathew at naaliw sa pagiging prangka ng kapatid. "Wow, ganyan ka kalupit mang basted, Amara. Ouch! Ang sakit naman," sabi ni Mathew."Ano, teka, ang ibig mong sabihin, iyon ang ina mong kapalit. Doc, naman. Huwag naman iyon.Ayaw kitang saktan," nalulungkot na sabi ni Amara."Biro lang ,
Matapos ibaba ang tawag mula sa imbestigador, nanatiling nakatayo si Mathew sa tapat ng kanyang sasakyan. Halos hindi siya makagalaw sa halo-halong damdaming bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Ang kaba, tuwa, at labis na gulat ay tila nag-uunahan sa kanyang dibdib. Sa wakas... matapos ang mahabang panahon ng paghahanap at pag-asa, nahanap na niya ito. Si Amara ang babaeng kanyang tinutulungan, ang babaeng kanyang pinagkakatiwalaan ay siya pala ang kapatid na matagal na niyang hinahanap. Wala siyang kaalam alam na malapit lang pala ito sa kanya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad niyang tinawagan muli si Amara. Nang sumagot ito, narinig niya agad ang pangamba sa boses ng dalaga. "Doc?" "Amara," mabilis ngunit may halong nanginginig na tinig na panimula ni Mathew. "Pumunta ka na rito. Huwag ka nang mag-alala sa kahit ano. Magmadali ka. Hihintayin kita. At huwag kang matakot. Kapag nandito ka na, ligtas ka na. Hindi na kita hahayaang mapahamak." Nagulat si Amara sa biglaang
Matapos mapag-isipang mabuti ang buong sitwasyon, hindi na nag-aksaya pa ng oras si Amara. Kinuha niya ang kanyang telepono at agad na tinawagan si Mathew. Kailangan niya ng tulong sa pagkakataong ito at si Mathew lamang ang naiisip niya. Magaan ang kalooban niya sa lalaki at ramdam niyang mabait ito at totoo ang concern na ipinakita nito sa kanya. Samantala.... Sa kabilang dako naman, saktong tumunog ang telepono ni Mathew habang nakatayo siya sa gilid ng isang car wash sa Baguio. Kasalukuyan niyang pinapanood ang paglilinis ng kanyang sasakyan, at bagama't dapat ay nakabalik na siya sa Maynila dahil sa dami ng kanyang mga pasyente, pinili muna niyang manatili rito. Kailangan niyang kumpirmahin ang kanyang hinala, at sa sandaling iyon ay hinihintay niya ang tawag mula sa isang ahente na matagal na niyang pinagkakatiwalaan. Ang taong tumutulong sa kanya sa paghahanap sa kanyang nawawalang kapatid. Agad niyang sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Hello, Amara,"
Agad na kumilos si Anton. Halos tumakbo na siya pabalik sa kanyang sasakyan habang hindi na mapakali sa kaba at takot. Kasunod niya si Donya Soledad na bagaman kalmado sa panlabas, ay punong-puno rin ng pangamba sa kalooban. "Anton, sandali! Maghunos dili ka, baka mapahamak tayo at magkaproblema pa?" paalala ni Donya Soledad nang patakbohin ni Anton ang kotse nang napakabilis at hindi man lang nagpreno sa mga humps. " Saan mo balak simulan ang paghahanap?" tanong ng matanda habang nakakapit sa puuan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Anton. Humarap si Anton sa kanyang lola, puno ng pagsisisi at takot ang kanyang mukha. "Ang sabi mo kanina, Lola , baka umuwi si Amara sa kanila. Pero naisip mo kung umalis si Amara nang ganito. Alam niyang hahanap-hanapin natin siya sa kanila. Kaya baka hodi doon nagpunta si Amara, hindi ba?" sabi nito. "Naisip ko rin 'yan, pero lalo na nang malaman ko ang kalagayan niya, tiyak na hindi hahayaan ni Amara na sumama ang loob ng kanyang ina. Pero saan nati
"Siya ang mahal mo? Siya ang nais mong pakasalan? Akala ko ba ay mahal mo rin si Amara. Bago dumating kanina si Peachy ay nais mo pa nga siyang hanapin, di ba? " Naguguluhang sabi ni Donya Soledad. "Lola, si Arabella ay si Amara. Ang mukha ng babaeng Arabella na nasa alaala ko ay kamukhang-kamukha ni Amara," sabi ni Anton. At may palagay ako na si Amara ay si Arabella noon pang nasa resort kami, pero lalo ko iyong napatunayan ngayon na nakuha ni Peachy ang cellphone ko sa gamit ni Amara dahil si Amara ay si Arabella. Si Amara ang nakasama ko sa transient house. Si Amara ang nanglakas ng loob na isuko ang pagkabirhen sa lalaking crush niya para hindi masayang sa matandang paliligayahin niya." "Oh, Jesus Christ. Si Amara ay si Arabella. Pero bakit naman isinuko ni Amara ang pagkababae?" takang tanong ni Donya Soledad. Hindi ko ma-gets kung bakit iyon ginawa ng dalaga. "Ang sabi ni Arabella sa akin noong gabing iyon, kung mawawala daw ang virginity niya ay gusto naman daw niya ay sa k
Binuksan ni Amara ang pinto at sumalubong sa kanya ang malakas na ulan at hangin ng bagyo. Naroon ang kanilang kapitbahay na binata at nakakapoteng nakaabang sa pinto."Romar, Romar, tulungan mo ako, paki-alalayan mo si Ama," sabi niya sa kanyang kapitbahay."Ako ang bububat kay Mang Tunig. Buhatin
"Ano ho? Halos magkano ho, Doc?" halos mapasigaw pa si Amara.Pero hindi niya matanong ang kanyang ina bukod kase sa halos hindi ito makausap dahil sa shock. Hindi rin ito tumitigil sa pag-iyak. Halos tuliro si Amara; hindi sapat ang kinita niya sa pag-indak kahit pa ang ipon niyang pangpunla sana n
Mula sa kanyang malaking tote bag, kung saan halos naroon ang lahat ng kailangan ng dalaga, inilabas niya ang isang pekeng JBL Bluetooth speaker na hulugan pa niya kay Abdul, isang suki niya. Ikinonekta niya ito sa kanyang Oppo na cellphone, na hulugan din niya kay Abdul.Tapos na niyang mabayaran a
La Trinidad, Benguet, Taong 2020Ang tribo Gumak ay isang maliit na pamayanan sa isang bayan sa Benguet. Namumuhay ang mga tao sa pamayanan sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay. Karamihan sa mga babae roon ay kung hindi manananim ng repolyo ay manananim ng broccoli o curly flowers, mga gulay na mam







