LOGINDEVI POV “Winston!” wika ko nang may pagbabanta sa boses. Isang malakas na pagtawa naman ang kaagad na kumawala sa bibig niya Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa pero ang weird talaga nitong si Winson. Hindi ko din talaga inaasahan na may ganito pala siyang klaseng pag-uugali Kung kailan nagkaka-edad tsaka naman naging masayahin. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hininga. Kung ganito lang sana siya kabait noon, eh di sana walang dahilan para maglayas ako noon.. Ganoon pa man, pilit kong itinaboy sa isipan ko ang tungkol sa bagay na iyun. Gusto ko kasing i-enjoy na muna ang buong umaga. "Eh, ikaw…sasama ka ba sa amin sa swimming mamaya?” maya-maya, tanong ko. "Kung gusto mo, sasama ako." kibit balikat niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit pero kusa akong napangiti. "Pwede naman, kung gusto mo.." baliwala ko din namang sagot sa kanya Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na pwede naman pala kaming mag-usap ng matino at kaswal. Siguro, dahil ni isa sa aming d
DEVI POV "HEY, good morning! Gutom ka na ba? Malapit na itong maluto." nakangiting wika sa akin ni Winston nang paglingon niya, nahuli niya akong nakatayo dito sa may pintuan ng kusina Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Pero sa huli, tuluyan na akong pumasok dito sa loob ng kusina para maghanap ng maiinom na tubig Tama....kailangan ko nga palang uminom ng tubig. Kaya naman, kaagad akong naghanap ng baso pero, bago pa man ako makapagtanong dito kay Winston, nakangiti niya nang iniabot sa akin ang baso at isang bottled water. "Here..drink this," wika niya "Hmm, thanks." sagot ko din naman. Pagkatapos noon, naglakad ako patungo sa may mesa at naupo. "Tanghali na pala..." mahina kong sambit. Ang akala ko talaga, aalis kami ng madaling araw kanina pero tanghali akong nagising. At hindi naman pwedeng isisi ko iyun dito kay Winston "Yes, mukhang napasarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising." nakangiting sagot niya sa akin Hindi ko naman mapigilan ang mapabu
DEVI POV “BABALIK na ako sa mansion.” Muli kong wika kay Winston matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mula nang sabihin ko ang huli kong mga salita kanina, hindi na siya muling nagsalita. Tahimik lang siyang nakaupo habang nakatanaw sa malayo. Ngunit kahit wala siyang sabihin, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding lungkot na tila pilit niyang ikinukubli. “Pwede namang dito ka na lang matulog,” seryoso niyang sagot habang ibinabaling ang tingin sa akin. “Sa mansion, sigurado akong hanggang ngayon maingay pa rin doon.” Bahagya akong napabuntong-hininga. “Pero aalis ako bukas ng umaga,” sagot ko rin sa parehong seryosong tono. Muling nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kirot na nakapaloob sa mga titig niya. Para bang may gusto pa siyang sabihin ngunit pinipili niyang manahimik. “Dito ka na lang muna magpahinga,” nakangiti niyang sabi. “Mamayang madaling-araw, babiyahe tayo pabalik ng mansion.”
DEVI POV '"BAKIT dito mo ako dinala?" seryosong tanong ko kay Winston. Sa harap namin ay ang umuusok ng cacao chocolate na ginawa mismo ni Manang pagkapasok pa lang namin dito sa loob ng Villa "Alam ko kasi na naghahanap ka ng lugar na tahimik kaya dito kita dinala." sagot din naman niya kaagad sa akin "Okay na ako doon sa mansion." sagot ko din naman kaagad sa kanya "Alam kong hindi! By the way, masarap iyang hot chocolate habang mainit pa kaya inumin mo na." wika niya. Kaagad naman akong napatitig sa umuusok na chocolate drink bago dahan-dahan na hinawakan ang tasa at sumisimsim ng kaunti "So, what do you think, okay na ba sa iyo ang templa?' nakangiting tanong niya sa akin. "Okay lang naman, hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain.'" seryosong sagot ko. Kaagad din naman siyang napatango "Siya nga pala, Devi, talaga bang wala kang balak na magtagal dito sa probensya? I mean, nandito ang Mommy mo at sure akong malulungkot siya kapag umalis ka kaagad." seryoso niy
DEVI POV Kaagad din namang nagmenor si Winston. Bumagal ang pagpapatakbo niya sa saskayan habang tinitingnan niya din ang tinuturo ko. "Ang bagong municipal hospital." maya-maya ay sagot niya. Muli akong napatitig sa gusali. Hospital? Hindi ko inaasahang magkakaroon ng ganoong kalaking pasilidad sa Altera. "Hospital iyan?" hindi makapaniwalang ulit ko. Ngumiti siya nang bahagya. "Oo. Dalawang taon pa lang mula nang matapos ang construction." sagot niya sa akin. Kaagad din naman akong napatango habang tahimik akong nagmasid habang unti-unti namin iyong nalalagpasan. "Impressive. Parang kailan lang pero kay laki na nga talaga ng ipinagbago ng lugar na ito.” Seryoso kong wika. "Yeah, malaki na talaga…” nakangiti niyang wika. "Kung ganiyan naman pala kaganda ang ospital ninyo, bakit nahihirapan pa rin kayong maghanap ng doktor?" seryosong tanong ko. Bahagyang natawa si Winston habang nakatutok ang mga mata niya sa kalsada. "Dahil hindi naman gusali ang problem
DEVI POV Huwag kang mag-alala. Sandali lang naman tayo. Isa pa, nasa trentahin ka na para lokohin pa kita," seryoso niyang muling wika. Awtomatiko namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Akala mo naman, ako lang ang trentahin sa aming dalawa. Eh mas matanda pa nga siya kumpara sa akin eh. Gayunpaman, wala na rin akong nagawa kundi pagbigyan siya sa gusto niyang mangyari. Tutal, kung magkukulong lang din ako sa kwarto, malabo rin akong makapagpahinga. Sa lakas ng tugtugin at ingay ng mga tao, baka sumakit lang ang ulo ko. Kasama si Winston, sumakay ako sa kanyang kotse. Ilang sandali lang ang lumipas at binabaybay na namin ang mga kalsada ng probinsya ng Altera. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Marami sa mga establisimyentong nakikita ko ay bago sa aking paningin. May mga bahay ding mukhang kamakailan lamang itinayo. Napakalayo na talaga ng narating ng probensyang ito. Ang dating lugar na halos walang maayos na kalsada ay ngayon ay maunlad na. Ang mas n
VENUS POV TAHIMIK lang akong nakamasid kay Darren habang pinapanood ito na nakatunghay sa babaeng nakahiga sa loob ng kabaong. Alam kong malungkot ito sa pagkawala ng ex-wife nito at naiintindihan ko iyun “HI! Ano nga nga pala ulit ang pangalan mo?” nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig ko a
VENUS POV HINDI ko maitago ang lungkot na nararamdaman ng puso ko habang naglalakad ako pabalik ng kwarto ni Darren. Tapos na kaming mag-usap ni Madam kung saan, kinumpirma nga nito sa akin na inaayos na lang ang visa ng mga ito at lilipad na patungo sa America ang buong pamilya para sa pagpapaga
VENUS SAKAY ng chopper, bumiyahe sila pabalik ng Manila para sa check-up ni Darren. Habang nasa biyahe sila, napapansin niya ang pagiging tahimik ni Darren. Kung kinakausap niya ito, palaging matipid ang sagot nito kaya hinayaan niya na. Narinig niya sa Ina nitong si Madam Laura na ito ang kauna
VENUS POV “Hi, saan ka galing? Nakausap mo na ba si Mommy?” nakangiting tanong sa akin ni Darren. Pagkatapos ng medyo masinsinan naming pag-uusap ng Ina nitong si Madam Laura, muli akong bumalik sa silid nito para i-check ang kalagayan nito. tapos na ito sa harap ng computer at nadatnan ko ito







