Parang minulto si West. Anong klaseng malas ito? Ni hindi naman siya kumain ng isda ngayon pero bakit parang may tinik sa lalamunan niya.Si Whitney. Sa dinami-dami ng gabi, siya pa ang naka-duty sa ER.“Ano’ng nangyari?” tanong ni Whitney, pero sa mata niya, si Amber lang ang tinitingnan nito.Pagkakita sa mukha ni Amber, halos malaglag ang tray niya. Parang biglang naging manonood sa teleserye si West, kalmado at tahimik sa isang tabi.“Bali ang paa niya,” paliwanag niya. Ang kanyang puting polo ay may bahid ng dugo—hindi kanya, pero halatang may dinaanang gulo.Lumuhod si Whitney upang tingnan ang sugat sa talampakan ni Amber. “Kapit ka. Malalim ang sugat. Kailangang linisin ko ng maayos para hindi ka ma-tetano.”Nang dumikit ang hydrogen peroxide sa sugat ni Amber ay…“Aaaah! Aray! Ang sakit! Aaaaah!”“May bakal kasi. Kailangang i-disinfect. Tiisin mo na lang. Para rin sa kakayahan mong makalakad.”Namumula ang mata ni Amber sa sakit. Alam niyang tama si Whitney, pero ang kirot ay
Sa kalagitnaan ng gabi, nagising si Amber sa sakit. Tumagilid siya sa kama, nakakurba ang katawan niya at hirap na hirap sa sakit na nararamdaman niya.Agad nagising si West. Hinaplos niya si Amber, inaalalayan siyang uminom ng gamot sa sakit, at hindi siya umalis hangga’t hindi naramdaman ni Amber na humupa ang sakit.-Pag-gising ni Amber sa umaga, hindi si West ang nandoon.Si Lilith ang bumungad sa kanya.“Sis, gising ka na?”Hinaplos ni Amber ang mga mata niya. “Nasaan na ‘yong aso?”“Anong aso?” tanong ni Lilith, medyo nalilito.“Si West.”“Oo, sabi niya may case daw siya sa korte kaya umalis nang maaga.”“Trending ba ako?”Umiling si Lilith. “Hindi. Si Atty. Lancaster daw ang bahala sa lahat.”“Amethyst, ano ba talagang trabaho ni Atty. Lancaster? Sobrang lakas niya, ‘di ba? Sabi ng mga nurse, grabe raw ang nangyari kagabi, kinagat na siya’t tinusok ng karayom pero parang wala lang daw sa kanya.”Napairap naman ang kausap niya. “Malakas? Kung e di sana magaling siya at hindi ma
Nang marinig ni West ang apelyidong "Harrington," isang pangalan agad ang pumasok sa isip niya, si Amber. Isang natural na reaksyon. Pero nang tuluyang lumapit ang lalaki, saka lang niya napagtantong hindi si Amber iyon.Si Adam Harrington pala.“Boss Harrington,” aniya sa malamig pero magalang na tinig. Hindi siya tumayo mula sa kinauupuan. “Ano'ng sadya mo?”Walang pasintabi, naupo si Adam sa silya sa harap niya, kampanteng inireklina ang katawan at pinisil-pisil ang manggas ng kanyang amerikana.“Makikipag-usap tungkol sa posibleng kooperasyon,” sagot nito, may kumpiyansang ngiti sa labi. “Siyempre, kay Atty. Lancaster mismo.”Sa halip na papel o kontrata, inilabas ni Adam ang cellphone at marahang inilapag sa mesa ni West. Maliwanag ang screen, ang headline mula sa social media na nakasulat sa malalaking titik: "Amber Harrington, nahuli sa isang pribadong pulong kasama ang kasintahan sa kaniyang mansyon."Hindi kumurap si West. Tahimik siyang tumingin sa screen, pinapanatili ang m
Pagkabitiw ni Amber ng kanyang huling salita, biglang nagkagulo ang paligid. Isa-isang nagbagsakan sa sahig ang mga kalalakihan, nagpagulong-gulong, at nagsimulang mag-hip bridge na parang mga baliw.Tumingin si Amber kay West, mapanuri ang mga mata.Nag-angat ng tingin si West, kalmado.“Tama ang sinabi ng pinakamatanda,” aniya. “Hindi kami inutusan ni President Harrington na saktan kayo. Gusto lang niyang malaman kung sino ang kinakausap mo at kung saan mo itinago ang matanda. Wala nang iba.”Napatingin si Amber kay Harvey, na para bang gustong maglaho sa hiya.“Magaling ka palang magsalita,” malamig na komento niya. Mabilis na naintindihan ni West ang patama. Isang iglap lang at tinawag niya si Harvey gamit ang tingin. Tumalima ito at pinalabas ang mga tauhan.Muling lumubog sa katahimikan ang sala. Sa ilalim ng mainit na ilaw, nakatayo si West sa harap ni Amber, isang kamay sa bulsa, habang nakatitig sa kanya.“Kumusta ang paa mo?” tanong niya, banayad ang boses ngunit mabigat ang
Tahimik na nakaupo si Amber sa tabi ng malawak na bintanang salamin, tanaw ang araw na unti-unting nilulubog ng hapon. Namumula ang pisngi niya, parang bagong gising mula sa panaginip o... tukso. May kakaibang lambing sa paraan ng pagkakahawak niya sa manggas ng kanyang damit, habang bahagyang nakabuka ang mga labi, tila may kinikimkim na sagot.“Amber,” ani Lilith habang lumalabas mula sa villa, dala ang tray ng mga prutas. “Para kang sinaunang espiritung gagamba na pinahiran ng pulang tina.”Napatingin si Amber, napairap at umismid. “Marunong ka pa bang makipag-usap ng normal?”Tumawa si Lilith, di alintana ang tono ng kaibigan. “Gifted ako, alam mo 'yan.” Inabot niya ang tray. “Ano bang sinabi ni Atty. Lancaster? Namula ka hanggang tenga.”Napahinto si Amber. Hindi pa rin niya makalimutan.“Kaya mo bang putulin ang maliit kong alaga?”Napahawak siya sa sentido at mariing pinikit ang mata. “Hay naku,” bulong niya. “Anyare sa pinapagawa ko sa’yo? Kay Abilene?”Agad namang sumeryoso s
Nagpost si Lilith sa social media ng isang emosyonal na entry na parang siya ang nagdusa. Nang araw ding iyon, dumating si Gideon.Hindi man lang ito bumati. “Same show. Kung hindi ka pupunta, lalamang si Bea.”Napataas ang kilay ni Amber.“Episode four ngayong gabi. Sakto sa pagbabalik mo. Trending ka na, in fairness. Supportive ang fans mo kahit ‘di ka na makalakad. At oo nga pala, kailangan mong sumalang sa livestream mamaya.” Ani Gideon.-Sa Wutheir Game Show, patuloy pa rin ang pagbubukas ko ng blind boxes.Pero iba ang patakaran ngayon. Pagkabukas ng kahon, bibigyan ka lang ng tatlumpung minuto para hanapin ang guro’t magsimulang matuto ng kung anumang nakuha mo. Walang palusot, walang pakiusap."Simulan na ang pagbunot ng papel.""Si Amber na muna!" agad na sigaw ni Bea sabay isang hakbang paatras. May ngiting tuso sa kanyang mukha, halatang may plano. “Kakagaling lang niya sa injury, hayaan na natin siyang mauna.”Tiningnan nito si Amber na parang naaawa, pagkatapos ay biglan
Muling nagbalik ang afternoon tea ni Amber sa law firm ni West Lancaster matapos itong itigil nang kalahating buwan. At dahil doon, parang pista ang naging pakiramdam sa opisina, para bang binusog silang lahat ng ina nilang sobrang mapang-aruga.Taliwas sa pangalan nito, hindi talaga tsaa ang hinahanda kung hindi snacks para sa mga empleyado ni West.Pagbalik ni West sa kanyang opisina, hindi na siya nagulat nang makita roon si Amber.“Hindi ba’t sinabi mo noon na titigil ka na sa pagpunta rito?” tanong niya, may bahid ng inis sa boses.Abala si Amber sa pagguhit sa isang papel. Hindi siya agad tumingin kay West at tinapos ang kanyang ginagawa.“Huwag mo akong udyukin. Baka magalit ako,” sagot niya sabay ngiti na parang walang kasalanan.Lumapit si West para silipin ang kanyang ginagawa. “Anong sinusulat mo diyan?”“May partnership tayo sa isang brand. Plano kong ayusin ang group purchase para sa mga babaeng abogado rito.” Tumitig siya kay West. “Morale booster. Ikaw na rin ang may sa
“Hindi mo alam na muntik na akong atakehin sa puso habang nasa ibang bansa, salamat sa mga tsismis tungkol sa ‘yo at kay West,” bulalas ni Blake habang pabagsak na naupo sa velvet na upuan, ang kulot niyang buhok ay tila eksena mula sa isang fashion shoot. “Araw-araw akong nagtatrabaho, tapos sa gabi, tsismis ang ulam ko. Grabe, ang sarap! Habang tumatagal, lalo akong nagiging adik!”Nakasandal si Amber sa pintuan ng cloakroom ni Blake, naka-cross ang braso at may mapanuksong ngiti. “Kaya mo lang ako pinatawag? Para mag-report tungkol sa love life ko?”Umiling si Blake sabay irap. “Uy, hindi naman ako ganun kababaw!” ngumiti siya. “Isasama kita sa isang lugar. Magre-relax tayo.”Nagtaas ng kilay si Amber. “Relax?”“Hello? Ilang araw ka nang miserable dahil di mo mapasakamay si West. Tama lang na rewardan mo ang sarili mo.”Nagliwanag ang mga mata ni Amber. “Saan?”Ngumisi si Blake ng may kapilyahan. “Isang male model restaurant, ‘yung Patrick Dawn. Lahat imported. Alam mo na…”Napangi
“’Di ba’t si Ms. Harrington ‘yon?” bulong ng isang babae habang marahang iniikot ang baso ng champagne. “Sabi’y naghihingalo na si Mr. Harrington. Pero parang wala lang sa kanya?”Nasa likod ng crowd si West, tahimik na nakamasid. Ang tinutukoy ng babae ay walang iba kundi si Amber Harrington, nagniningning sa ilalim ng ilaw, waring nilikha mula sa parehong materyales ng kanyang bestidang kulay,champagne. Nakangiti siya habang nagtataas ng baso, nakikipagkuwentuhan na parang nasa isang masayang pagtitipon at hindi isang gabi ng trahedya.“’Yung mukhang nakikipag-toast sa sariling tagumpay? Siya nga,” kumpirma ni West ng walang emosyon sa kanyang tinig.Sa tabi niya ay lumingon si Amber kay Blake, kunwaring nakikinig, may bahid ng pagkabigla sa mukha. Kahit ang pagkukunwari niya’y, syempre, may dating pa rin.Sa gitna ng maraming tao, isang lalaking bilugan ang katawan at parang pinalambot na siopao ang mukha, ay dahan-dahang inilabas ang cellphone. Itinaas niya ito upang kuhanan ng la
Tahimik ang buong kainan. Parang sabay-sabay na tumigil ang lahat sa paghinga habang nakatitig kay West.Lahat sila, abala sa tahimik na pagsusuyod ng kanilang utak, parang may kanya-kanyang script kung paano siya iinterogahin.Si Walter ang unang bumitaw. “Si Amber ba?”Walang imik si West. Nanatiling kalmado ang itsura niya, pero sa loob-loob niya, gusto na niyang tumayo at umalis.Si Whitney ang sumalo ng tanong. “Siyempre siya ‘yon. Obvious namang gusto siya ni Kuya, nagpapakipot lang.”“Kung gusto mo siya, dalhin mo siya dito!” sabat agad ni Charlie. “Wala naman sa amin kung artista ‘yan o ano pa. Basta gusto mo, ayos na.”Napakagat ng labi si West. Sumasakit na ang ulo niya.“Mayaman ang pamilya ni Amber,” seryosong tanong ni Walter. “Tingin mo ba, minamaliit nila tayo?”“Eh mayaman ka rin naman, Kuya,” sabat ni Whitney. “Okay, sige, hindi kasing-yaman ni Ginoong Harrington, pero sapat na ‘yon para i-spoil si Amber habambuhay.”“Cheers!” ani Charlie at masayang itinaas ang hawak
Sa masikip na cubicle ng banyo, saka lang natauhan si Amber. Nanlalamig ang balat niya, at nang tumingin siya sa paligid, napagtanto niyang nakaupo siya sa kandungan ni West, hingal pa rin, bahagyang nanginginig ang mga binti.Nilingon niya ang lalaki sabay titig sa mga daliri nitong kanina lang ay nasa loob niya.Maayos pa rin ang suot nito. Suit, kurbata, walang gusot.Sandali... nangyari ba talaga 'yon?Pero intact ang damit niya. Walang napunit. Walang bakas ng kaguluhan.May narinig siyang mahinang tunog ng pinunit na tissue.Napalingon siyang muli.“Kamay mo ang ginamit mo?” tanong niya, puno ng inis at hindi makapaniwala.Tahimik na nagpunas ng daliri si West gamit ang tissue, hindi man lang tumingin sa kanya. Isang mahinang tunog ng pagsang-ayon lang ang isinagot niya, para bang wala lang nangyari.Napuno ng galit si Amber. Nag-apoy ang pisngi niya sa hiya, pero higit sa lahat, sa galit.“Walang hiya ka,” singhal niya.Ano ‘to? Isang malaking kahihiyan?Ang daming lalaki ang g