Share

Love in the Shadows of Unexpected Marriage
Love in the Shadows of Unexpected Marriage
Author: Cephari

1. Positive

Author: Cephari
last update Last Updated: 2025-09-12 20:18:37

Madaming beses nang sinubukan ni Celine ang mga pregnancy test na kanyang binili, ngunit iisa lamang ang lumalabas na resulta.

Kinabahan siya kaya’t napagdesisyunan niyang pumunta sa ospital upang magpakonsulta.

"You're pregnant, it's Positive." Malinaw at diretsong sinabi ng doktor habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Nakaupo pa rin si Celine sa kama nang iabot nito ang maliit na sobre na naglalaman ng resulta.

Marami nang kababaihan sa kanilang edad ang nakaharap ng doktor na iyon para magpa-test, at madalas ay hindi rin nila nais ang mga ganitong klaseng resulta. Kaya’t hindi na nakapagtataka na hindi maipinta ang reaksyon ni Celine sa kanyang narinig.

"First time mo ba ito? Kung hindi, kailan ang huli?" tanong ng doktor, habang tulala pa rin si Celine.

"Yes, ito ang first time ko." halos maiyak na sagot niya, habang nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha.

"Ipapaalala ko sa’yo, ang paulit-ulit na aborsyon sa maikling panahon ay maaaring magdulot ng habambuhay na pagkabaog," mariing sabi ng doktor kay Celine.

Doon siya biglang natauhan. "Ayaw ko ng abortion. Gusto ko itong bata… aalagaan ko siya," mabilis niyang tugon, pinutol ang sinasabi ng doktor.

Bahagyang lumambot ang mukha ng doktor nang marinig iyon. "Dalawang linggo ka nang buntis. Nasa tamang posisyon ang bata sa iyong sinapupunan at healthy ito. Ngunit kailangan mong magpacheck-up nang regular," malumanay nitong paalala.

Tumango na lamang si Celine bilang tugon.

Habang naglalakad siya sa hallway, mabagal at tila walang direksyon, hindi niya namalayang pumasok siya sa isang sagradong silid. Napabalik lamang siya sa ulirat nang kalabitin siya ng isang nurse.

"Ma’am, bawal po kayo dito," magalang na paalala ng nurse.

Lumingon si Celine, saka suri sa paligid. "Ay, pasensya na, hindi ko napansin," sagot niya sabay alis papunta sa sakayan ng jeep. 

Maya-maya pa’y dumating na ang jeep na sasakyan pauwi. Habang naka sulyap sa labas ng bintana, hindi niya mapigilang mag-isip.

‘Matatanggap kaya ito nila Mama at Kuya? Paano kung hindi?’ Isa lamang iyon sa mga bumabagabag sa kanya, at ramdam niya pa rin ang kaba hanggang ngayon.

Pagbaba niya, agad niyang natanaw ang mga prutas na nakahilera sa talipapa. Naengganyo siyang bumili upang simulan na ang kanyang healthy living, para sa sarili at para sa sanggol na kanyang dinadala. Pagkatapos nitong bumili ng prutas dali-dali narin itong pumunta sa bahay nila.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok sa bahay, mula sa malayo pa lang, mula sa gate hanggang sa loob, narinig na niya ang tila mainit na komosyon, pagkahawak palang niya sa doorknob para buksan ang pinto naririnig niya si Amelia, nanay niya, at si Marko na nakakatandang kapatid ni Celine

"Oo nga, pero ikaw, marunong kang tumulong dito sa bahay. Mga bayarin tulad ng kuryente at wifi, ikaw ang nagbabayad buwan-buwan, tapos may pa-grocery ka pa." sarkastikong sambit ni Amelia.

"Ma, si Line tumutulong din naman. Sa gawaing bahay, minsan pati sa grocery. Mababa lang kasi sweldo niya, minimum wage, but masipag naman siya magtrabaho," mariing depensa ni Marko sa kanyang kapatid.

Umiling si Amelia at napatawa nang may halong pangungutya. "Masipag? Siya? Kung masipag talaga si Celine, edi sana hindi lang isang libo ang binibigay niya sa akin buwan-buwan. Ang tagal na niyang nagtatrabaho pero iyon lang? Baka may tinatago siyang ipon. Hindi lang natin alam."

Bahagyang lumapit si Amelia kay Marko at bumulong, ngunit sapat ang lakas ng tinig para marinig ni Celine na nakatayo sa labas ng pinto. "Naalala mo ba yung biyudong walang anak na laging dumadalaw dito? Tinatanong niya kung may asawa na si Celine."

"Yung taga-kabilang barangay?" tanong ni Marko, nagtataka.

"Oo. Inalok niya ako ng isang milyon para pakasalan si Celine. Gusto niya raw may kasama sa bahay niya. Kita mo naman ang mansion niya, malaki, maraming ari-arian. Mayaman." Puno ng pang-uudyok ang tinig ni Amelia.

Nanlaki ang mata ni Marko. Buong akala niya, ang kanilang ina ang nililigawan ng lalaki. "Ma, hindi ba dapat si Celine ang magdesisyon para sa sarili niya? Hindi tayo."

"Isang milyon ’yon, anak. Magiging milyonaryo tayo! Mamaya, sasabihin ko sa kaniya." puno ng tuwa at kasakiman ang boses ni Amelia.

Ngunit bago pa man siya makapagsalita muli, bumukas ang pinto. Doon, tumambad si Celine, galit ang mga mata. "Ayokong magpakasal sa kanya!"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Amelia. "A-anak… kailan ka pa diyan? Binibiro ko lang ang Kuya mo. Huwag mong seryosohin." Nagkunwari itong mahinahon, pilit ikinukubli ang kanyang kaba.

Ngunit hindi na napigilan ni Amelia ang tunay na damdamin at nagsalita nang diretsahan. "Pero kung tutuusin, mabuti siyang tao. Wala na siyang asawa, wala ring anak. Walang masama kung siya ang mapapangasawa mo."

"Ayaw ko pa rin," mariing tugon ni Celine, puno ng galit at poot.

Dito tuluyang naputol ang pagpipigil ni Amelia. "Ang kapal ng mukha mo! Pinalaki kita, pinakain kita, at ito lang ang igaganti mo sa akin? Sinasabi ko na sa’yo, kailangan mong pakasalan ang lalaking iyon, sa ayaw mo man o sa gusto!"

Sa kabila ng mabibigat na salita ng kanyang ina, marahang hinaplos ni Celine ang kanyang tiyan. Ang iniisip niya ngayon ay hindi lamang ang sarili, kundi ang maliit na buhay na unti-unti nang nabubuo sa loob niya.

Mula pa noong pumanaw ang kanilang ama, ramdam na ni Celine ang pagkiling ng ina kay Marko. Ang mga bagong damit, masasarap na pagkain, at kahit simpleng atensyon, lahat ay kay Marko. Samantalang siya, kadalasan ay nakakalimutan.

Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nanatiling mabait si Marko, palaging nagtatanggol at nag-aalaga sa kanyang kapatid.

Subalit ngayong umabot na sa sukdulan ang lahat, ang plano ng kanyang ina na ipakasal siya sa taong hindi niya mahal para sa kapalit na isang milyon, hindi na siya nanahimik.

Huminga ng malalim si Celine, pinipigilan ang panginginig ng tinig at pagtulo ng luha.

"Buntis ako!" mariin niyang sigaw, umaalingawngaw sa buong bahay.

Napako sa pagkakatayo si Amelia at Marko, parehong natigilan sa rebelasyong iyon.

"Kaya kong pakasalan ang taong nagdulot nito sa akin," dagdag ni Celine, nanginginig ngunit matatag, "pero ang ipakasal ako sa isang lalaking hindi ko mahal? Ibang usapan ’yan."

Ang katahimikan na sumunod ay mabigat, nakabibingi, at sa gitna nito, kitang-kita ang pagkabigla sa mukha ni Amelia, at ang pagkadismaya na natitigan ni Marko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    10. My Boss

    Halatang nanginginig sa kaba ang babaeng kasama ng ina ni Celine. Ramdam nito na baka totohanin ni Celine ang pagbabanta na tatawag siya ng security mula sa ibaba ng gusali.“May araw ka rin. Tandaan mo, babalik ako.”Mariin at mabigat na sambit ng kanyang ina, bago tuluyang lumabas ng bahay at ibagsak ang pinto na tila ba gumuhit ng pangako ng hinaharap na gulo.Huminga ng malalim si Celine, pinipilit pakalmahin ang dibdib na halos kumakawala sa tindi ng kaba. Sa wakas, nawala rin ang panganib sa loob ng kanyang tahanan. Ngunit hindi rin ganap na kapanatagan ang dumapo sa kanya. Isa lang ang sigurado—hindi pa rito nagtatapos ang bangungot.Hinaplos niya ang kanyang tiyan, bahagyang namimigat. Apat na buwan na rin ang sanggol na dinadala niya. Binalaan siya ng kanyang doktor na huwag masyadong ma-stress, huwag pagurin ang sarili, at manatili sanang payapa ang kanyang kapaligiran. Ngunit paano iyon mangyayari kung mismong dugo ng kanyang dugo ang siyang nagdadala ng unos sa kanyang buh

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    9. Security

    “Una, ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, kung ano ang suot mong brief kahapon, iyon pa rin ang suot mo ngayon. Wala akong binago doon. At kung natatakot ka, huwag na—nakita ko na rin naman ang tinatago mong iyan, wala akong intensyon na mali.” Bahagya siyang ngumiti, pilit binabawas ang bigat ng sitwasyon.“Pangalawa, sobrang lasing ka kagabi. Hindi ka na makalakad, kaya may kasama kang naghatid sayo. Halos mabali ang katawan niya sa bigat mo, kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”“Pangatlo. bakit ako nandito? Dahil ikaw mismo ang nagsabi kagabi… na dito na lang ako matulog sa tabi mo.”Tahimik ang sumunod na sandali. Nakayuko si Celine habang nagsasalita, tila ba iniisip kung paano tatanggapin ni Adrian ang kanyang paliwanag.Si Adrian nama’y napakunot ang noo, pilit inaalala ang mga nangyari. Ngunit kahit anong pilit, wala siyang maaninag na alaala ng nagdaang gabi—parang isang blangkong papel ang kanyang isip.“Talaga ba…?” mahina niyang tanong, halatang hindi makap

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    8. Hangover

    "Adrian," mariing wika ni Cinco habang minamaneho ang kotse, "isipin mo si Celine. Kung makita ka niya kanina... kung nalaman niya..." Napahinto ito, nag-igting ang panga. "Hindi niya deserve ang ganun."Hindi nakasagot si Adrian. Wala siyang lakas ni boses para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging naroon sa kanyang dibdib ay guilt-matinding guilt na tila unti-unting lumulunod sa kanya, higit pa sa alak na kanyang ininom.Pagkarating nila sa gusali kung saan sila naninirahan, agad na pinindot ni Cinco ang pinakamataas na palapag ng elevator. Tahimik lang silang dalawa sa loob, tanging tunog ng umuugong na makina ang maririnig, habang hawak-hila niya si Adrian na halos matumba na sa bawat hakbang.Nang makarating sa pinakamataas na palapag, kinaladkad niya ito hanggang sa mismong pintuan. Halos hindi na makagalaw si Adrian, kaya pinaupo muna siya ni Cinco sa malamig na sahig, sabay pindot sa doorbell nang sunod-sunod.Lumipas ang mahigit limang minuto ng walang sagot, bago tuluyang bumu

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    7. Guilt

    Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig."Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid."Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para ba

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    6. Announcement

    Ilang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-ma

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    5. Penthouse

    Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status