Share

Love start at Contract
Love start at Contract
Author: Bravey Majestie

Unang Tagpo

last update Huling Na-update: 2024-08-12 20:44:12

♡ KABANATA 1 ♡

I have to accept the truth, na isa lang akong pambayad utang sa isang CEO, diborsyado at nagmamay-ari ng isang malaking construction company! Sinasabi nila na siya ang billionaire son ng San Miguel, bukod sa mayaman ay kilala rin siya! Sa tabloid man o sa telebisyon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na makilala siya o makita! Wala rin naman sa akin kung makilala ko pa siya, dahil sinasabi ni Mamay at Papay na malaki ang agwat niya sa akin, at sigurado naman ako na hindi ko siya magugustuhan.

Kapalit ng dalawang milyon ang kaligayahan ko para sa dalawang taong pagsasama kay Earniel Lao. Pagsasama na kailangan matapos upang mabayaran ang utang namin sa kanila. Walang ibang choice kundi kasal.

I never met him in person, since the day na sabihin sa akin ni papay na kailangan kung pumunta ng San Miguel para makita at makilala ang mapapangasawa ko, ganun sila kabilis na pinaalis ako, walang pasabi, basta biglaan, nakabasta na agad ang mga gamit ko, hindi naman karamihan at sadyang pinili lang ni Mamay, lalo na ang mga paborito ko at maayos.

Tinapos ko lang ang agahan para may lakas ako na makita ang taong kukupkop sa akin ng ilan taon! Wala naman ako magawa dahil ako ang panganay at magtataguyod sa pamilya, at para na rin sa kanila, upang matustusan ang pag-aaral ng mga nakakabata kong kapatid na sila Paula, Maureen at Elias, na nasa elementarya at high school pa lang. Hindi na nakakapagtrabaho si Papay dahil sa iniinda niyang sakit sa paa, habang si Mamay naman ay tindera sa palengke ng mga isda.

Hindi na ako hinatid nila Papay, mamay at ng mga kapatid ko! Nagpasundo lang sila ng habal habal para ihatid ako sa terminal ng umaga na iyon. Ayoko rin makita sila na umiiyak. Ito rin ang kaunang- unahang pagkakataon na mawawalay ako sa kanila, pagkatapos ng labing walong taon.

Dumating na ang bus, luminga-linga pa ako sa paligid, umaasa akong pipigilan nila ako o ninuman na ayaw akong umalis sa San Agustin, na liblib na probinsiya.

Limang segundo bago ko pa tinapak ang paa ko sa hagdan ng bus, pero wala akong nakita na kahit anino nila, malungkot akong umupo sa bus! Sabay napasandal na lang ako at naghintay na umandar ito. Sobrang mamimiss ko ang lugar ng San Agustin, lalo na ang panahon ng kabataan ko, na talagang sinulit ko! Pero ano nga ba ang naghihintay sa akin sa San Miguel? Makakabuo ba ako ng masayang alaala roon? O uuwi akong walang napala!

Pinagmamasdan ko ang paligid mula sa bus na sinasakyan ko, nililingon ko ang mga nakakatabi ko, isinasalarawan ko kung ano ba ang itsura ni EARNIEL LAO! Sa pangalan ko lang siya kilala, tunog pa lang ay mukhang matandang negosyante na. Sumandal ako at iniisip na lang na babalik ang lahat sa dati kapag nakabayad.

Limang oras ang lumipas, pasado alas dos ng makarating ako sa terminal ng San Miguel, dito ko daw aantayin ang sundo ko.

Hindi ako sigurado kung makikilala nila ako kaya tumayo ako sa gilid at naghintay, ng may lumapit sa akin na dalawang tao isang lalake at isang babae, parehas silang nakaformal na damit, may hawak na larawan ang babae at tumitig sakin na parang kinikilala ako.

“Ikaw ba si Doreena Salvador?” saad ng babae at nilahad ang palad niya sa akin. Mukhang sila na nga ang taong tinutukoy ni Mamay na susundo sakin papuntang Mansiyon ng mga Lao.

“Ako nga po? Sino po kayo?” Inusisa ko muna sila, dahil hindi ko naman sila kilala, at sabi nga ni Mamay maraming masasamang tao sa San Miguel dahil dito ang lupon ng mga tao na magkakaiba ang pinanggalingan.

“Melody Ma’am security in charge ni Mr. Earniel Lao! - At siya naman si Jerome ang driver!” Hindi ako tinignan ng lalaki na napakaseryoso ng mukha.

Sa pagkakarinig ko ng pangalan ni Earniel, mukhang nakumbinsi na nila ako na sila na nga ang sundo ko! Agad kinuha ng driver ang bag na dala ko! At inakay naman ako papasok sa kotse ng babae at pinaupo ako sa likuran bahagi.

Magaan naman ang pakiramdam ko sa biyahe kahit naninibago ako sa lamig ng sasakyan at sa lawak nito, Sobra akong napapaisip kung gaano nga ba kayaman ang isang Earniel Lao! Talaga bang bilyonaryo siya dahil may ganito siyang kagarang sasakyan at mga tauhan.

“Bakit hindi si Mr. Earniel Lao ang nagsundo sakin? Nirarayuma na ba siya?” usisa ko. Nasamid ang babae bago niya ako nilingon sa likuran.

Minsan may pagkaprangka ako magsalita! Pero hindi ibig sabihin masama na ako, sinasabi ko kung ano ang pumapasok sa utak ko. Expressive ako, hindi ako malihim lalo na pagdating sa feelings, at ginagawa ko din ang mga bagay na satingin ko ay tama - Masaya ako sa pagiging totoo ko kesa magpanggap na mabuti pero hindi!

“Si Mr. Lao ho ay masyadong abala sa negosyo niya! Kaya hindi ho talaga siya magsusundo.”

“Legal ba lahat ng negosyo niya?”

“Oho! Ma’am legal lahat ng negosyo niya! At sadyang masipag po siya!”

“Masipag din ako!” Pabida ko sa sarili ko. At ito rin ang nakakainis sa ugali ko ang pagiging pabida!

Naputol rin kaagad ang usapan namin at naging tahimik ang paligid. Inantok ako sa biyahe. Wala ako maisip gawin, lahat ng mga hilig ko at pinagkakaabalahan ko ay hindi ko nadala, kung meron man ay hindi ko mahahalungkat dahil nakalagay sa trunk ang dala kong bag. Nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil lipas na ang kain ko ng pananghalian. Kaya minabuti ko na maidlip na lang! Nagising ako ng kalabitin ako ni Melody. Pagbaba ko ay sumalubong sa akin ang napakaraming kalalakihan at kababaihan kapwa sila nakayukod. Nakakasopresa na para akong prinsesa.

Sa magara at malapalasyong bahay ako napukaw ang tingin! Kahit pa ang may kaya sa aming lugar ay hindi ganito kagara ang bahay.

Sumunod na lumipat ang tingin ko ng bumukas ang malaki at malawak na pinto. lumabas ang isang matandang lalaki na may tungkod at palapit sa aming kinatatayuan.

“Kumusta ka Doreena! Maligayang pagdating ” Nilahad niya ang kamay niya papunta sa akin. Tinanggap ko iyon kahit may pag-aalinlangan ako.

“Kinagagalak ko po kayo makilala!” Sabay nagpokus ako sa mukha niya. Biglang sumagi sa isip ko at maalala ang sinabi nila Mamay at Papay ng pakatitigan ko pa ng husto ang matandang nasa harap ko, base sa description na sinabi nila.

“K-kayo H-ho b-ba s-s-s- E—” Kaya pala hindi rin niya ako masundo, dahil sa hindi na siya gaano makalakad ng mabilis.

“Ako nga! Mabuti at nabanggit ng papa mo ang pangalan ko!” Natatawa niyang sabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang taong pakakasalan ko sa itsura at edad nasa pagitan siya ng pitongpu o higit pa. – “Mabuti at maayos ka nakadating, nasa san Agustin narin ang pera. Halika at ng mapirmahan muna ang kontrata.” Hindi ko na nagawang magsalita kaya sumunod na lang ako sa kanya papasok ng malaking bahay.

Sa isang kwarto kami pumasok na parang opisina, punong puno ito ng napakaraming libro! Naupo ako at tinignan ang nilapag niyang papel at ballpen sa lamesa. Pinasadahan ko lang ng tingin ito at hindi na gaanong binasa.

“Magkakabisa ito sa kapag natuloy ang kasal.” Ligpit niya sa papel at isuksok ang pinaglagyan nitong envelope sa maliit na kabinet at i-lock.

“O-okay po!” Ilag pa rin ako tignan ang matandang naglalakad sa unahan ko ng makalabas kami ng opisina niya. Hindi ko maisip na siya ang taong makakasama ko ng pansamantala. - Napabuntong hininga ako bago ko buksan ang kwartong tutuluyan ko. Marahil ilang babae na rin ang tumao rito at natulog! Ilan babae na rin kaya ang nakasama ng isang Earniel lao sa buong magdamag? Nilamig ako ng ma-imagine iyon! Nakakasuka at hindi magandang isipin.

Malawak na kwarto ang bumungad sakin ng makapasok ako, na parang buong bahay na namin sa San Agustin. Napahiga agad ako sa malambot na kama, sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nakahiga sa ganito, hindi ako sobrang ambisyosa, sakto lang, ngunit hindi maalis sa isip ko ang maging maganda ang buhay! Sa piling ng isang Lao.

Naudlot ang pagmumuni ko ng may kumatok. Binuksan ko at tignan kung sino!

Si Earniel na naman, na mabagal na pumasok sa loob ng kwarto.

Napayuko lang ako ng magtama ang aming paningin! 18 years old pa rin ako, at kung hindi dahil sa utang ng pamilya ay ayaw kong matali sa kanya. Ayoko marehistro ang pangalan niya bilang asawa ko.

“Dito ka muna tutuloy, kapag natapos na ang kasal - ay sa iba kana titira!” Mabagal siyang magsalita, na may pagkagaralgal, marahil ay dahil na rin sa kanyang edad. Pero napaisip ako sa sinabi niya lalo na ng sabihin niya na sa iba na ako titira?

“Tama ho ba rinig ko, sa iba na ako titira pagkatapos ng kasal natin?” Bigla siyang naubo at natawa ng malakas. Hindi ko mawari kung magsasalubong ba o tataasan ko siya ng kilay – ano kaya ang nakakatawa sa sinabi ko?

“Anak! Hindi ako ang mapapangasawa mo!” Halakhak pa rin niya! Nakahinga ako ng kaunti ng malaman iyon pero sa kabilang banda ay bigla rin akong nahiya. Ngunit sino nga ba si Earniel? Ano ba itsura niya?

“T-talaga po bang hindi kayo si Earniel? Buong akala ko ay siya na si Earniel, dahil nga sa isip ko ay matandang mayaman.

“Akala ko nasabi na ng papa mo kung sino ako! - Don Enricko Lao ang pangalan ko!” Nasapo ko ang noo ko ng makalabas siya, at hanggang sa paglabas niya ay rinig na rinig ko ang pagtawa niya. Parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko at ayoko ng lumabas pa ng kwarto dahil sa kahihiyan.

Hindi na ako nakatulog ng hapon na iyon, na sana ay ipapahinga ko, laman ng isip ko ang kahihiyan! Maya maya ay may kumatok isang katulong ang bumungad sa akin ng umawang ang pinto. Nagpapatawag na ng hapunan ang pamilya Lao. Sumunod ako ng makaalis ito sa pinto.

Masasarap na pagkain ang nakahilera sa lamesa na parang may fiesta! Napatitig ako sa mga lalaking nakatayo sa magkabilang gilid ng hapagkainan. Tinitignan ko kung sino ba sa kanila si Earniel. Dahil walang ibang lalaki sa lamesa na iyon kundi si Don Enricko lang at isang matandang babae at isang batang babae.

Tumayo ang isang may edad na babae, papunta siya akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinihila papuntang lamesa.

“Halika na! Kain na! Masama pinaghihintay ang pagkain!” urong niya sa bakanteng silya.

“Maraming salamat po!” sabi ko ng makaupo.

“Ako pala si Victoria ang nanay ni Earniel” Pakilala niya ng makaupo siya sa tabi ko. May katandaan na rin ito pero hindi makikita ang wrinkles niya sa mukha, halatang alaga ang kutis nito sa makabagong pampaganda ngayon.

“Kinagagalak ko po kayo makilala ako po di Doreena o Doree in short ho!”

“Nabalitaan kong hinahanap mo si Earniel?” Bumuntong hininga siya habang nagsasandok ng kanin! – “Yung batang iyon hindi na iyon umuuwi rito may sarili na kasing bahay!”

“Ma! Stop talking to strangers!” Napatingin ako sa babaing satingin ko ay halos kasing edad ko lang. Matalim ang titig ang ginawad niya sa akin. Kaya matalim rin ang isinukli kong tingin.

“Siya pala si Chandy! Nakakabatang kapatid ni Earniel.”

“I want Sister Selena! What the heck probinsiyana ang ipapalit ninyo?” asik niyang sabi.

Hindi ko gaanong kilala si Selena pero ang alam ko lang ay siya ang first at ex-wife ni Earniel Lao.

“Chandy tumigil ka” (CL) (Chinese language)

“I don’t like you!” (CL) Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, pero nakaduro ang hintuturo niya sa akin, bago siya padabog na umalis ng hapag kainan.

Saloob loob ko ay parang magkakasundo rin kami ng bata na iyon.

“Huwag mo na lang siya intindihin!”

“Naku! Sanay na po ako sa ganyang mga bata!” Natatawa kong sabi, sanay na ako sa dami ng bata sa amin ay mananawa na lang ako. May makukulit, maiingay, at mga sobrang pasaway, na parang hahanapin ko sa iyon lalo pa ngayon nandito ako sa magulo at modernong bayan ng San Miguel.

Pagkatapos ng hapunan ay sinama ako ni Madam Victoria sa isa pang bakanteng kwarto, malaki at malinis rin, pero hindi ko alam kung bakit niya ako dinala rito.

“Pagnamimiss ko siya pumapasok ako sa kwarto niya!” hagod nito sa sapin ng kama.

“Kaninong kwarto po ito?” usisa ko at naupo sa kama.

“Kay Earniel ito!” Nanahimik siya ng sandali at natulala.— “Magmula kasi ng mamatay ang kuya niya ay sa kanya na inatang lahat ng responsibilidad ng kompanya.”

Napatungo na lang ako, napansin ko na may dinampot siya, isang makapal na photo album. Ang sabi niya ay si Earniel ang lahat ng nasa larawan ng umpisahan niyang buklatin.

Nasisiyahan siyang ikwento sa akin ang laman ng photo album na iyon! Nang isara niya ay nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nangungusap ang kanyang mga mata at nababanaag ko ang matinding kalungkutan.

“Kapag tumira kana sa kanya, pwede mo ba akong tawagan at balitaan ako kung ano na ang nangyayari sa kanya?” Mas naramdaman ko ang lungkot niya ng marinig ko ang boses niya, na parang ako ay nadudurog, iniisip ko na ganito rin kaya ang mararamdaman nila Mamay at Papay ngayong hindi na nila ako kasama at ang pag-uwi ay hindi ko alam kung gaano pa katagal.

“Oho! Babalitaan ko kayo! Lahat lahat sasabihin ko sa inyo!” Sumaya rin ako ng makita ko siyang sumaya. Kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya.

Nang makalabas si Madam Victoria, hinayaan na muna niya ako na maiwan sa loob ng kwarto ni Earniel, para raw makilala ko ito kahit papaano, kaya lang sa bawat larawan na nakikita ko ay wala akong nakitang ngiti ni isa! Pirmi siyang nakasimangot na parang pinaglihi sa sama ng loob!

Sa mga kuha niya sa larawan ay pawang bata rin kaya nahihiwagahan ako kung ano na siya ngayon!

Pansin ko na parang malungkot rin ang kanyang mga mata. Malungkot pa rin kaya siya hanggang ngayon?

Binitawan ko na ang photo album at lumabas ng makaramdam ako ng antok.

Iniisip ko kung kelan ko kaya siya makikilala?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love start at Contract    102. Crose Destiny

    Malapit sa isang train station ang nahanap ko na bagong apartment, maliit at kongkreto sapat sa iisang tao, hindi ko nagawang bumalik ng San Agustin dahil ayokong mag-alala muli ang mga magulang ko, lalo pa at nasa kanila na ang anak namin na si Earen na kanilang alaga. Hindi ko alam kung gaano ako tatagal rito, ngunit parang gusto kong sanayin ang sarili na mag-isa. Abala ang mata ko sa pagtingin sa terris ng apartment, nasa ikalimang palapag ang tinitirhan ko numero 57, may fire exit na hagdan kung sakaling may sakuna, at elevator para mabilis makaakyat at baba. May kakaunting gamit kaya hindi ko na kailangan mamili ng sobra. Itinago ko na din ang sim na nakasalpak sa phone ko at ang pera sa card ko ay inilabas ko na. Dahil buo na ang aking pasya wala ng balikan, dahil iyon rin naman ang hiniling niya. Nagtry na din ako maghanap ng pwedeng pagkaabalahan, kagaya ng paghahanap ng trabaho. Matapos ang isang linggo ay nakakuha naman ako ng trabaho isang receptionist sa isang mali

  • Love start at Contract    101: He wanted a Divorced

    Akala ko ay okay na kami ng araw na iyon, ngunit pag-uwi niya ay matabang na naman siya sa akin, para akong multong dinaanan niya ng lumapit ako. Napahawak ako sa kwintas, para saan nga ba ito? Hindi ba ito sign ng pagiging okay namin o talaga bang simpleng regalo lang ito. Pinilit kong balewalain ang lahat kaya pinuntahan ko siya sa kwarto, napansin kong nakaupo siya sa kama at parang tulala. Agad kong binuksan at nilapitan siya, saka lang siya gumalaw. Sa wardrobe siya nagtungo. “Inihain na ko na ang dinner natin, baka pwedeng magsabay naman tayo!” Pinipilit ko ilagay ang ngiti sa labi ko kahit pa punong puno ng takot ang dibdib ko na baka tanggihan niya. “Kumain na ako sa labas, kaya ikaw na lang!” Matabang niyang sabi, at tuluyan ng nawala ang ngiti ko, hindi na rin ako nakipag argumento at lumabas muli ako ng kwarto. Bumalik ako sa kusina, unti-unti kong niligpit ang mga nakahain, nawalan na rin ako ng gana, kaya ang display na alak ang napagdiskitahan ko. Nang tamaan

  • Love start at Contract    100. Another Wedding Anniversary

    Isang malakas na sound ng alarm ang nagpagising sa akin, dinampot ko ang phone na nasa loob ng drawer, na hindi ko nakita kahapon.Walang password kaya nabuksan ko kaagad, sa message app ako nagpunta, pero katulad ng sabi ng mayordoma ay wala naman ako natanggap na mensahe mula sa kanya.Saka ko tingnan pa lahat ng mga nasa notification, nahagip ng mata ko ang isang anniverary notes na kanina ay tumunog.Wedding anniversary ang nakasulat.“Para kanino?” kaya dagli akong bumangon at bumaba, sa mayordoma ako nagpunta na noon ay naghahanda ng almusal.“Magandang umaga Madam!” Bati nito sa akin.“May ideya ba kayo rito?” Pakita ko sa kanya ng phone“Sa pagkakaalam ko ay Wedding Anniversary ninyo iyan ni Master Lao!”“Wedding Anniversary namin?” Sa pag-iikot ko rito ay wala naman ako nakita na kahit anong magpapatunay na kasal kami, kahit pa sa kwarto.— “May ideya ba kayo kung kelan ang balik niya?”“Kadalasan naman ay gabi na siya umuuwi at sa opisina siya dumederetso! Meron ako numero n

  • Love start at Contract    99. Who is Ekio

    Nakalabas na ako sa ospital si Denver ang sumundo sa akin, at nasa opisina na rin si Earniel, kaya tahimik ang bahay ng dumating ako, habang pinagpasya ni Earniel na iuwi si Earen sa San Agustin habang nagpapagaling ako rito, base na rin sa kwento ni Denver kaya nakaramdam ako ng pagkalungkot.“Hindi ko ba pwedeng puntahan siya sa opisina?”“Pasensiya na pero hindi maari, bilin niya rin na siguraduhin na nakauwi kana para magpahinga.“O-okay!” Pagkahatid ni Denver sa akin ay umalis rin siya kaagad.Ginala ko na lang ang sarili sa kabuuan ng bahay, muli akong nanibago, dahil ba tila nagbago narin ang paligid sa paningin ko.Nilibang ko na lang ang sarili sa paglalaro ng tubig at paglublob ng paa sa pool. Nakakaaliw pero hindi nakakagaan ng loob.Nang may matanaw akong mukha sa likuran ko, kaya napapihit ako ng malala ako, si Ekio na ngayon ay nasa likuran ko at may ngiti sa labi, ang mga kamay niya ay punong puno ng kung ano ano, dagli akong umahon para lapitan siya.“B-bakit narito k

  • Love start at Contract    98. My Cold Husband

    Habang nasa ospital ay hindi ko inaasahan ang isang bisita, halos matakpan ang mukha niya ng isang bouquet ng roses at ilang box ng chocolate na parang sobra para sa isang pagdalaw. “Hello kumusta kana? Magiliw niyang bati sa akin.” Agad naman ako napabangon kahit sobrang sakit pa ng katawan ko. “M-mabuti naman, salamat sa pagdalaw mo!” “Siya nga pala para sayo!” lapag niya ng bulaklak sa mga hita ko. Kahit nakakailang ay tinanggap ko, ayoko lang isipin ni Earniel na may namamagitan sa amin. “S-Salamat ulit!” “Mabuti at nailigtas ka ni Mr. Lao!” nagulat ako ng tumayo siya at bigla akong yakapin, hindi ako kaagad makakilos para pigilan siya. “Sana hindi ako nakaistorbo!” namilog ang mata ko ng makita si Earniel na nakatayo sa pinto kasama si Denver, kaagad ko natulak si Ekio. “Ah…kanina ka pa ba?” “Sige aalis na lang ako!” Gusto ko siyang lapitan at pigilan, pero hindi ko magawa dahil sa pilay ko sa katawan. “Sige Sir! Aalis din ako maya maya babantayan ko siya!” Sambit ni Ekio

  • Love start at Contract    97. Lost and Found

    Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status