LOGIN
[TAMARRA’S POINT OF VIEW]
Nagising ako sa malakas na kalabog na sa tingin ko ay nagmula sa kwarto nila mommy at daddy. Malakas na puto ng baril ang sunod na narinig ko. Gumapang ang pangamba sa dibdib ko lalo nang maalala ko ang sinabi sa’kin dati ni Sarah. “May gustong pumatay sa mga magulang mo, Ara.” Napatakip ako sa tenga ko dahil para bang nag eecho ang mga katagang iyon. Ayaw kong mag-isip ng masama lalo na sa kalagayan ko ngayon. Gusto kong tingnan ang nangyayari sa taas, pero halos hindi ko maigalaw ang mga paa kong nanginginig at para bang nawalan ng lakas. “ARA ANAK, TUMAKAS KA NA!” Isang malakas na sigaw ni daddy ang nagpagising sa ulirat ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko at tinungo nga pintuan ng kwarto. “ANAK TUMAKBO KA NA!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang kalagayan ni mommy. Naliligo siya sa sariling dugo, may sinasabi siya ngunit hindi ko ito marinig basta’t ang naintindihan ko lang ay ang kumpas ng kaniyang mga kamay. Pinapa-alis na niya ako. Sa kabilang dako, nakikipaglaban si daddy sa isang lalaking may takip ang mukha. Matangkad siya at maskulado, ang kaniyang tindig ay parang mamamatay tao. Nang magawi sa akin ang kaniyang paningin, napagtanto ko na para bang pamilyar sa’kin ang kaniyang mga mata. “TAKBO NA TAMARRA!” Muling sumigaw si daddy bago sunggaban ng suntok ang lalaki. “Hindi mo mapapatay ang anak ko.” “Ayos lang, ang importante mapatay ka naming traydor ka!” Napalingon ako kay mommy na bilang at mahina na ang paghinga. Ramdam ko ang maiinit na luha na rumaragasa sa aking mukha. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay sinikap kong tumakbo palayo sa bahay. Ilang beses pa akong natumba dahil sa sakit ng paa ko. Saglit ako napahinto at naghabol ng hininga. “Ano’ng nangyayari? Panaginip ba ito? Hindi ito totoo, nananaginip lang ako. Isang masamang panaginp ito!” Nanginginig kong wika at sinampal sampal ang magkabila kong pisnge. “Ara, ano’ng nangyari sa’yo? Bakit ka naglalakad ng walang… tsinelas?” Hindi makapaniwala si Sarah na nakita niya ako sa ganitong ayos. Hindi ako makapagsalita at puro iyak lang ang nagawa ko. Literal na tinakasan ako ng bait pansamantala, nagwawala ako at maski ako hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi ko. Nagpapapadyak ako sa sahig dahilan ng mas lalong pagkasugat ng mga paa ko hanggang sa nawalan ako ng lakas. Namalayan ko na lang na nasa loob na pala ako ng bahay nila. “Ara, what happened?” Hinawakan ako sa pisnge ni Cheska na kararating lang. Nag-iwas lang ako ng tingin at nagsimulang magsitulo ang mga luha ko ng maalala ko ang sinapit ni mommy. Marahil pati si daddy ay wala na rin. Bakit kasi ang hina ko. Dapat pala criminology ang kinuha kong kurso para sana kahit papaano nakalaban manlang ako kanina. Sana’y nailigtas ko ang mga magulang ko. “Napadaan ako sa bahay nila, bukas ‘yong gate at sobrang tahimik. Parang wala na doon ang mga guards nila,” wika pa ni Ivan na nasa bukana pa lang ng pintuan. Tumango ako at huminga ng malalim. “S-Someone killed them,” usal ko na tila ba’y nanginginig pati ang dila ko. Umapaw ang katahimikan, lahat sila nanlaki mga mata habang nakatingin sa’kin. Umiling si Sarah at lumapit sa’kin. “Huwag mo’ng sabihin na nagkatotoo ang hula ko, Ara?” Hindi ko siya sinagot, humagulgol na lang ako sa braso niya. “Pero paano mo ba nahulaan Sarah? May nagsabi ba sa’yo?” “Ano’ng nagsabi, Cheska. Sino naman ang magsasabi sa’kin?” “Alam natin pareho na hindi ka manghuhula, paano nga kasi!” Inawat na lang sila ni Ivan dahil para bang nakaroon sila ng tension. “Okay fine. May nagsabi nga sa’kin. Hindi ko ‘yon kilala, basta lalaki siya, nakatakip naman ang mukha eh. At ito, nakakatakot ang aura niya, kaya natakot ako na sabihin ang lahat. Basta sinabi ko lang kay Ara, na may gustong pumatay sa mga magulang niya,” paliwanag ni Sarah at naupo sa tabi ko. “Bakit kasi hindi mo sinabi na may nagpapasabi. Ide sana sinabihan ni Ara ang mga magulang niya!” bulyaw ni Cheska. “Hindi ko naman kasi alam na seryoso ang lalaking iyon. Akala ko nakikisabay lang siya sa Halloween,” depensa naman ni Sarah. *** Bigla akong kumaripas ng takbo at tinahak ang daan pabalik sa’min. Dinig ko pa ang pagtawag sa’kin ng tatlo pero hindi ko sila pinansin. “MOMMY. DADDY!” Bago pa ako makapasok ng tuluyan may humablot sa braso ko kaya nawalan ako ng balanse. Napapikit na lang ako ng mariin at ihinanda ang sarili na bumagsak. “Don’t be stupid. You want to be killed too?” Isang matipuno at matikas na lalaki ang sumalo sa’kin. Isang tattoo ang nakapukaw sa attensiyon ko, it’s the same tattoo that daddy has. Magkakilala ba sila? “Who are you?” “Hindi mo kailangan malaman ang pangalan ko. Anak ka ni Rodger, tama?” “Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo kung hindi mo rin naman sinasagot ang tanong ko?” Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. “Sinasabi ko sa’yo, magpakalayo-layo ka na dito dahil tiyak isusunod ka nila,” aniya at tumalikod na. Hindi na ako naka imik pa o sigawan man lang siya upang huminto. Pinanuod ko lamang siyang naglakad palayo at nang makaramdam ako ng mga yabag papalabas sa bahay, kaagad akong nagtago sa halamanan namin. “Tiyak nakalayo na siya. Hayaan na muna natin ang batang iyon, babalik din iyon dito.” “Kailangan na nating umalis. Alam kong tatawag iyon ng pulis, gusto mo bang mahuli tayo?” Dalawang lalaki ang nag uusap sa labas ng main door namin. Pareho sila matatangkad, pero ang isa ay may kaputian. “Kung hindi ka palpak, ide sana malinis ang trabaho natin.” “Ako pa ang may kasalanan. Sino ba ang nakatulog sa’tin? Simpleng p****k lang nakatulog ka na. Hangal!” “Tama na iyan! Pareho kayong walang silbi! Huwag na huwag ninyong hahayaan na mabuhay ang anak nila, dahil baka dumating ang araw na iyon ang umubos sa’tin.” “Di hamak na babae lang siya, Boss,” giit ng isa at tila ba’y minamaliit ako. “Babae nga, pero alam kong magmamana iyon sa ama. Lalo pa’t nasaksihan niya ang pagbagsak ng mga magulang niya.” Nakatalikod ang lalaking tinawag nilang boss kaya hindi ko makita ang mukha nito. “Naintumba na natin si Rodger, at kapag napatay natin ang anak niya, wala ng makakagulo at pipigil sa organisasyon natin,” ani pa nito at naglakad na palabas. “Nakita ko siya, tumakbo patungo sa direksiyon na iyon.” Biglang sumulpot ang lalaking naka usap ko kanina at tinuro ang direksyon patungo sa kabilang kalye. Bakit niya kinakausap ang mga mamamatay taong ito? Kasama din ba siya?“Hoy teka lang! Saan niyo dadalhin ang katawan ni Jake! Dalhin niyo siya sa Hospital!” nagsisisigaw ako nang may pumasok sa loob na tauhan ni Davielle.“Halika na Ara. Kailangan ka ng lumipat sa itaas,” ani ni Nigel habang hatak-hatak ako.“Ano ba talaga ang plano niyo sa’kin? Pinatay pa talaga ninyo si Jake!”“Kung hindi namin siya binaril, marahil si Davielle ang namatay,” katwiran pa niya.“Ano naman ngayon kung mamatay siya? Eh dapat nga siya ang nasa kalagayan ni Jake ngayon,” sagot ko at inirapan ito.“At kakayanin mo ba talaga na makitang wala ng buhay ang minsan mo ng minahal?”Natigilan ako saglit dahil sa naging tanong niya. Sa tuwing naiisip ko ang ideya na ginamit lang ako ni Davielle, hindi ko maiwasan na masaktan. I really never see it coming. Masyado akong naging panatag at nasanay sa mga pinakita niyang kabaitan. Nasabi ko pa nga na complete package siya eh. Pero siya pala ang literal na bangungot sa buhay ko.“Sorry Ara, sumusunod lang din kami sa utos ni Davielle. Ka
[Tamarra’s POV]Nagising ako na hindi ko halos maigalaw ang mga kamay ko. Madilim at tahimik ang paligid. Napasinghap ako nang maalala ko ang lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay.Si Davielle.“Boss, mukhang gising na si Ara.” Boses iyon ni Miguel at kasunod na narinig ko ay mga yabag papalapit.Kahit papaano ay may liwanag na akong naaninag. Pumasok si Davielle kasama ang tatlo niyang kaibigan.“Boss Davielle, ano ang ibig sabihin nito?”Napalingon ako sa isang sulok nang marinig ko ang boses ni Jake. Nakagapos ang mga kamay at paa niya. Napatingin ako sa sarili kong katawan, pareho lang pala ang kalagayan namin.“Paano mo naatim na itali ang sarili mong asawa?” sumigaw si Jake nang makita niya ako. Nagtatangis ang kaniyang bagang at tila gusto niyang manlaban, pero bago pa man siya makakilos ay may itinurok si Nigel sa kaniya.“Ano’ng ibig sabihin nito?” nauutal kong tanong sa kanila.Nakatayo si Davielle pero hindi siya humaharap sa’kin.“I have to keep you here. Hindi ka p’w
[Davielle’s Point of View]“Gumawa kayo ng peke na kopya ng file na ito. Kailangan na maiba ang silyo, pero dapat hindi nila mahalata,” utos ko kina Nigel na ngayon ay naghahanda na ng mga armas.“Noted boss.”“Sa tingin mo boss, ano ang totoong pakay dito ni tanda? May balak ba siyang ibenta ito sa mga pulis?”Napa-isip ako dahil sa tanong ni Miguel. May punto naman siya. Maaaring pagkakitaan ni master Lou ang files na ito, o baka naman may iba pa siyang plano dito. “Bakit hindi na lang natin sunugin iyan at ng wala ng ibang makakuha pa?” mungkahi ni Bruce.“Hindi natin ito pweding basta na lang na sirain. Kailangan itong mapunta sa mga tapat na alagad ng batas,” sagot ko.“Ibibigay mo sa mga pulis? Madadamay ka niyan!”“Saka ko na ito ibibigay sa kanila kapag natapos na akong gumanti para sulit naman kung makulong ako,” sagot ko at ngumisi sa kanila.“Grabe ka talaga boss.”Lumabas ako saglit at napagdesisyunan kong dalawin si lola Lorna. Pagkarating ko sa bahay niya, hindi na ako
[Davielle’s Point of View]“Ano’ng klasing mukha yan? Para kang natalo sa lotto.”“Nag-away ba kayo ng honey mo?”“Baka hiniwalayan ni miss ganda.”Isa-isa ko silang tinapunan ng masamang tingin. Itinaas ko ang kamay ko at lahat sila gulat ang ekspresyon sa mga mukha.“Paano niyo nakuha iyan? Bumalik na ba ang alaala niya?” tanong ni Miguel habang hindi pa inaalis ang titig sa kamay ko.“I don’t know if she’s telling the truth.” Diretso akong pumasok at naupo sa swivel chair. Inilapag ko sa mesa ang red envelope kasabay ang isang hiwalay na folder.“Ano ba ang sabi niya?”“Hulaan ko. Hindi niya inaamin na may naalala na siya, tama?”I simply nod as an answer. “So, what now? Bakit hindi mo siya isinama dito? Hindi ba naninilikado ang buhay niyo doon?” pakamot-kamot sa ulo si Nigel habang hindi napirme sa kaniyang kinatatayuan.“The fudge Nigel. Maupo ka nga, nahihilo na ako sayo!” sita dito ni Miguel at hinila ito paupo.“I don’t care anymore!”“WHAT!” Lahat sila nanlaki ang mga mat
“N-No. Huwag kang lumapit sa’kin!” Napasigaw ako nang nagtangka siyang lumapit sa’kin. Dahan-dahan akong umatras, hanggang sa may mabangga akong matigas na bagay. No, hindi pala bagay. It’s Jake.“What’s wrong? We have to go home,” aniya at hinawakan ang nanlalamig kong kamay.“Sorry boss, hindi ko siya napigilan,” ani ni Jake na nakahawak na sa braso ko.“It’s fine. She’s right, hindi ko mabubuksan ang secret room na ito kung wala siya. Now, let’s go back home, baka matunugan pa tayo ng kalaban.”Malamig ang mga tingin ni Davielle. Nauna na siyang maglakad, hindi manlang ako tinanong kung ayos lang ba talaga ako. Hindi manlang ako hinintay.“See, I already told you, Ara,” bulong ni Jake kaya hindi ko mapigilan ang mga luha ko.“Did he really just used me, Jake?”He shrugged his shoulder at tinapik ang balikat ko. “Don’t worry, I’m still here, Ara.”“Get in the car, now!” maawtoridad na wika sa’kin ni Davielle. Gaya ng utos niya, sumakay ako sa kotse. “Sinundan mo ba kami?” tanong
“Can you give me enough time to think about it? Hindi madali ito para sa’kin,” wika ko at naupo na mabibigat ang mga balikat.“I will wait for your decision, Ara. Sana this time, maging mautak ka.”Tumango lang ako at kahit mabigat sa loob ko ang lahat ng nalaman ko, pinilit ko pa rin na ngumiti. “Hindi ka pa rin nagbabago. You still smile even the situation is tough.”“That’s life. Kailangan nating sumabay sa laro ng buhay.”Lumapit siya sa’kin at naupo sa tabi ko. “Always remember, nandito lang ako… handa akong maghintay sa muli mong pagbabalik.”Hindi pa rin talaga nag pro-process sa utak ko ang mga sinabi niya. About him, my bestfriends and about the past. Para bang ang hirap paniwalaan ang lahat. Maybe because I never see it coming. “By the way, are you aware that lola Lorna is also a Sanchez?”“Tama! She is also… wait. Possible kaya na magka pamilya pa kami?” Tumingin ako sa kaniya at napatingin naman siya sa’kin. “Kilala mo ba ang mga relatives ko?”I was frustrated when he







