LOGINNAPANGUSO SI Bidzill at nagtago sa mga bisig ni Amelia habang ang mukha ay parang inaagrabyado. “Mom, hindi ko kilala ang lola na 'yan… nakakatakot siya.”
Hinaplos ni Amelia ang likod ng bata para patahanin ito, saka tumingin kay Talia.
“Tita, bakit niyo naman nasasabi ang mga bagay na 'yan?” malumanay niyang sabi. “Noon, napilitan kaming maghiwalay ni Conrad dahil sa pressure niyo at ng mga Pineda. 'Yun pa lang, proof na wala akong choice. Bumalik lang ako dahil lumaki na ang anak ko at hinahanap na niya ang daddy niya.” Yumuko siya at ngumiti nang mapait sa bata. “Tingnan niyo ang kilay at mata ni Bidzill, hindi ba’t kamukhang-kamukha ni Conrad?”
Sumandal si Talia at nagpakawala ng isang misteryosong tawa. Kalmado ang mukha nito, pero matalas at hindi kumbinsido ang mga mata.
“Kamukha?” malamig nitong sambit. “Children haven’t fully grown yet. Sa ganyang edad, pwedeng maging kamukha niyan kahit sino. Marami na akong naranasan sa buhay. Nababasa ko ang iniisip ng mga kabataan. You were capable of doing something so outrageous back then, Amelia. Sinong magsasabing hindi ka gagawa ng kwento ngayon… at para sa anong rason?”
Kung sigurado lang sana ang ginang na dumadaloy ang dugong Carnell sa bata, baka pag-isipan pa nito.
Tumagos ang mga salitang iyon sa puso ni Amelia. Bakas ang panic sa mukha niya at tumaas ang boses niya. “Iniinsulto niyo ang pagkatao ko! Kung hindi kayo naniniwala, sige, dalhin niyo si Bidzill sa isang paternity test!”
Mas lalong lumamig ang tingin ng ginang. Puno ng babala ang tono nito. “Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling. Hangga't walang paternity results, hindi magbubukas ang pinto ng pamilya Carnell para sa'yo. Nagsisimula pa lang kaming mag-establish dito sa Pampanga, at ang kasal nina Haile at Conrad ay malapit na. Ang biglaan mong paglitaw ay dalawa lang ang ibig sabihin. Alinman sa gusto mong gamitin ang impluwensya namin para i-angat ang status ng anak mong illegitimate, o bumalik ka para maghiganti.”
Isang matalino at dominating na ‘old fox’ talaga si Talia Carnell.
Namutla si Amelia. Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya ang isang anino sa may pinto. Sa sumunod na segundo, bigla siyang lumuhod habang yakap nang mahigpit ang kanyang anak.
“Don’t cry… don’t cry,” hikbi niya. “Kasalanan ni Mommy dahil hindi ako sapat. Sa loob ng maraming taon, wala kang tatay, wala kang lola…”
“Mama! Anong ginagawa niyo?!”
NAGMAMADALING PUMASOK si Conrad, bakas ang pagod sa mukha. Galing pa siya sa kumpanya para ayusin ang mga gulo, ngunit ang sumalubong sa kanya ay ang cold authority ng kanyang ina at ang nakaluhod na si Amelia kasama ang bata.
Biglang kumirot ang ulo niya sa stress. Agad siyang lumapit at tinulungan ang mag-ina na tumayo. Nanatili si Amelia sa kanyang ‘quiet forbearance’ na akto. Habang pinapanood siya, walang naramdaman si Talia kundi matinding disappointment.
“Sasabihin ko 'to sa huling pagkakataon,” malamig na sabi ni Talia. “Dahil walang paternity test, hindi ko papayagang magsama kayo ng anak ko.”
Bakas ang frustration sa mga mata ni Conrad. “Ma, bakit ba ang tigas pa rin ng ulo niyo gaya ng dati? Bakit hindi niyo mapagkatiwalaan si Amelia?”
Tumaas ang emosyon niya habang nagsasalita, lalong humahaba ang boses.
Bahagyang itinuro ni Talia ang kanyang baba patungo sa kusina. Natigilan si Conrad, tila nabulunan sa sariling mga salita.
Nandoon pa sa loob si Haile. Kailangan niyang magpigil.
“Ma,” sabi niya matapos ang ilang sandali, pinipilit pakalmahin ang tono. “Please, tigilan niyo na ang pakikialam sa amin ni Amelia. As for Haile… mahal na mahal niya ako. Tama lang na isuko niya ang posisyon niya bilang Mrs. Carnell. Kailangan kong panagutan si Amelia. Kung hindi ko gagawin 'yun…anong klaseng lalaki ba ako?”
Lalong nanginginig si Amelia sa mga bisig niya.
“Huwag po kayong mag-alala, Tita,” mahina sabi ng dalaga. “Ipapahatid ko kay Conrad ang paternity test results sa mga susunod na araw.”
Lalong uminit ang ulo ni Conrad. Hindi niya maintindihan kung bakit parang pinagtutulungan nilang lahat sila ni Amelia. Nag-uumapaw ang determinasyon sa kanyang mga mata.
“Kahit hindi ko pa anak si Bidzill, pakakasalan ko pa rin si Amelia. Marami na akong nabigong tao, hindi ko hahayaang mabigo ko rin siya.”
Siyempre, sinasabi lang 'yun ni Conrad dahil kampante siyang anak niya ang bata. Naniniwala siyang ang ‘mabait’ niyang si Amelia ay hindi magsisinungaling sa kanya.
Matapos sabihin ‘yon, eksaktong lumabas si Haile mula sa kusina, nagpapanggap na walang narinig. May tipid na ngiti sa mga labi ng dalaga.
“Tita, gutom na po ba kayo?” malumanay nitong tanong. “Ready na po ang dinner.”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Conrad. Nang makita ang composure ni Haile, dumaan ang konting guilt sa dibdib niya.
‘Anong nangyayari sa akin?’
Nang mapansin ang pagka-distract ni Conrad, palihim na hinila ni Amelia ang laylayan ng damit niya sa anggulong hindi makikita ni Haile. Lumingon si Conrad at nakita ang namumungay na mga mata ni Amelia. Agad na bumalik ang atensyon niya rito.
“Halika,” sabi niya sa mag-ina. “Kumain muna kayo rito. Huwag kayong magpalipas ng gutom.”
Nang makaupo na, tahimik na nagsimulang kumain si Haile nang mag-isa. Nang magsasandok na ng kanin si Conrad, napansin niyang hindi sapat ang pagkain. O mas tamang sabihin, hindi sapat para sa dalawang dagdag na tao—sina Amelia at ang anak nito.
Agad na nagdilim ang mukha niya, at ang guilt na naramdaman niya kanina kay Haile ay naglahong parang bula.
“Anong ibig sabihin nito?!” bulyaw niya. “Hindi ba sinabi ko sa'yong darating sina Amelia at Bidzill ngayon? Bakit hindi mo dinamihan ang niluto mo?”
“Sinabi mo lang na may isasama kang tao para mag-dinner. Hindi mo sinabi kung ilan. 'Yun lang ang sapat na ingredients na meron sa bahay,” kalmadong sagot ni Haile.
Ramdam ang tensyon, kinuha ni Amelia ang pagkakataon.
“Conrad, please, huwag mong sisihin si Haile,” malambing nitong sabi. “Baka hindi lang maganda ang pakiramdam niya kaya wala siyang energy. Hayaan mo nang si Bidzill ang kumain. Okay lang sa akin na hindi mag-hapunan.”
“Mom, gutom na ako!” sigaw agad ni Bidzill. “Gusto ko nang kumain!”
Pinanood ni Conrad si Amelia na tila laging nagpaparaya, at lalong sumabog ang inis niya.
Hirap na nga itong nagpalaki ng bata mag-isa, tapos napahiya pa sa nanay niya, at ngayon ay sadyang pinagkakaitan ni Haile. Pagod na pagod na siya sa pag-aayos ng mga iniwang trabaho ni Haile sa kumpanya, tapos ito pa ang madadatnan niya sa bahay.
“Haile,” malamig niyang sabi. “Hindi naman mahirap magluto ng dalawa pang ulam. Masyado kang nagiging bastos. Kilala kita, hindi mo dapat ginagawa 'to.”
Dahil sa senyas ng mata ni Amelia, tahimik na lumapit si Bidzill sa tabi ni Talia at bumulong, “Lola… gutom na po ako.”
Si Talia na kanina pa tahimik ay bahagyang kumunot ang noo. Ang salitang ‘Lola’ ay tila may kinurot sa puso niya. Nang titigan niyang mabuti ang bata, mas kamukha nito si Amelia, pero may bakas nga ng itsura ni Conrad.
Matapos ang sandaling pag-aalinlangan, hindi nito pinigilan ang kanyang anak at hindi rin siya nagsalita para ipagtanggol si Haile. Tila ba’y tahimik itong sumasang-ayon sa nangyayari.
NANG MAKITA ang lahat ng ito, tuluyan nang lumamig ang puso ni Haile.
Magkakapareho lang pala silang lahat.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang chopsticks at iniangat ang kanyang ulo. Malinaw at kalmado ang kanyang mga mata.
“Conrad,” mahina niyang sabi. “Naaalala mo ba kung anong araw ngayon?”
Nagulat si Conrad, naputol ang galit nito, at bakas ang pagkalito sa mukha.
“Four years ago today,” pagpapatuloy niya. “Officially kong hinawakan ang finance department ng Carnell Group at sinalba kita mula sa pagka-bankrupt. At sa mismong araw na 'to last year, formal kang nag-propose sa akin. Sabi mo, ipagluluto mo ako araw-araw mula noon, bilang pasasalamat dahil pinili kita.”
Bahagyang kumurba ang mga labi ni Haile.
“Naghihintay ako. Pero kahit isang beses, hindi mo tinupad ang pangakong 'yun. At ngayon, sa halip na gawin 'yun, nagdala ka ng ibang babae sa bahay natin at pinagalitan mo ako dahil hindi ako nakapag-luto nang sapat.” Lumingon siya nang kalmado kay Amelia na nagbago ang timpla ng mukha, saka kay Talia na hindi mabasa ang iniisip. “Mukhang nakalimutan mo na talaga. Siguro ako nga ang nakakasira ng mood niyo.”
Tumayo siya. “Aalis na ako. Enjoy your meal.”
Nang hindi man lang sinulyapan ulit si Conrad, tumalikod siya at naglakad palayo. Ang kanyang bawat hakbang ay puno ng determinasyon at walang bahid ng pag-aalinlangan.
HINDI INAKALA NI Conrad na si Haile, na bihirang sumagot sa kanya, lalo na sa harap ng kanyang ina, ay gagawa ng ganitong eksena. Hindi man lang nito nirespeto ang dangal niya.
Nagdilim ang mukha ni Talia. Binigyan nito ang lahat ng isang matalas na tingin.
"Tama na! This perfectly good family has to be torn apart!"
Kinagat ni Amelia ang kanyang labi, hinila ang anak, at mahinang nagsabi, “I’m sorry. Kasalanan ko 'to. Nagdulot ako ng gulo sa pamilya niyo.”
Kumunot ang noo ni Conrad. “Anong pamilya niyo? We’re—”
Bago pa man siya makatapos, tumakbo na palabas si Amelia. Sobrang sakit na ng ulo ni Conrad.
Akma na sana siyang susunod nang biglang mag-ring ang phone niya. Boses ng kanyang secretary na puno ng kaba ang narinig niya.
“Mr. Carnell, nakatanggap po si Mr. Hernandez ng email mula kay Ms. Montinola. Nagwi-withdraw na po siya sa new energy project team. At ngayon po, naghahanda na si Mr. Hernandez na bawiin ang lahat ng investment niya sa Carnell Group. Anong gagawin natin?!”
Napatigas ang katawan ni Haile.Nauutal siyang sumagot. “Sino—sinong nagsabing tinitignan kita?”Agad siyang bumawi at nagtanong, “Bakit mo ba ako hinahanap nang ganitong oras?”Calm na sumagot si Hudson Miller, “To discuss our engagement.”Dahil sa indifference niya, lalong kinabahan si Haile. Nag-echo sa isip niya ang sinabi ni Miranda kanina.Kung hindi dahil sa balak nitong bawiin ang engagement, bakit siya pupunta rito ng madaling araw?Huminga siya nang malalim, itinaas ang kanyang baba, at matapang na nagsalita.“Lilinawin ko lang—kung nandito ka para bawiin ang lahat, it’s too late. Hinding-hindi ko ibabalik ang singsing na binigay mo. Mr. Miller, paano mo nagagawang bawiin ang salita mo?”Napatalon sa gulat ang driver sa harap. Sa buong syoda, iilan lang ang may lakas ng loob na pagsalitaan si Mr. Miller nang ganoon.Bahagyang lumingon si Hudson. Isang tipid na ngiti ang dumaan sa mga labi niya.“Are you afraid I’ll break the agreement?”Seryosong tumango si Haile. “A person
Biglang napatayo si Conrad. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan.“Humanap kayo ng paraan para ma-stabilize ang kabilang panig. Sabihin niyo, pagod lang si Miss Montinola at kailangan ng pahinga. Tell them she’ll explain everything later. Pakiusapan niyo silang huwag i-give up ang Carnell family.”Hindi na niya tinignan si Amelia na halos mawala na sa paningin niya. Agad niyang dinial ang number ni Haile. He needed answers. Now.Pero ang tanging sumalubong sa kanya ay ang malamig na boses ng operator: The phone you are calling is power off.Isang matinding inis ang sumiklab sa dibdib niya. He felt restless. Irritable.Hindi niya maisip kung paanong ang babaeng dati ay sunod-sunuran at napakalambing ay biglang magiging ganito.He didn’t believe it. Koa Haile Montinola had no one. Isang probinsyana lang siya—kung iiwan niya ang Pampanga, saan siya pupunta? Pulubi siya sa kalsada.Dahil sa isiping iyon, medyo kumalma si Conrad. Inisip niya na kailangan lang amuhin si Haile.Masyado yata
NAPANGUSO SI Bidzill at nagtago sa mga bisig ni Amelia habang ang mukha ay parang inaagrabyado. “Mom, hindi ko kilala ang lola na 'yan… nakakatakot siya.”Hinaplos ni Amelia ang likod ng bata para patahanin ito, saka tumingin kay Talia. “Tita, bakit niyo naman nasasabi ang mga bagay na 'yan?” malumanay niyang sabi. “Noon, napilitan kaming maghiwalay ni Conrad dahil sa pressure niyo at ng mga Pineda. 'Yun pa lang, proof na wala akong choice. Bumalik lang ako dahil lumaki na ang anak ko at hinahanap na niya ang daddy niya.” Yumuko siya at ngumiti nang mapait sa bata. “Tingnan niyo ang kilay at mata ni Bidzill, hindi ba’t kamukhang-kamukha ni Conrad?”Sumandal si Talia at nagpakawala ng isang misteryosong tawa. Kalmado ang mukha nito, pero matalas at hindi kumbinsido ang mga mata. “Kamukha?” malamig nitong sambit. “Children haven’t fully grown yet. Sa ganyang edad, pwedeng maging kamukha niyan kahit sino. Marami na akong naranasan sa buhay. Nababasa ko ang iniisip ng mga kabataan. You
NAGLABAS SI Conrad ng isang velvet box na inihanda nito nang maaga. Sa loob nito ay isang elaborately designed na pink tassel skirt.Isang beses lang itong sinulyapan ng dalaga bago nagsalita na para bang tinatamad. “Hindi ko gusto ang kulay na 'yan. Ibalik mo na.”Napakatagal na nilang magkasama, pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Conrad na ayaw na ayaw ni Haile ng maliliwanag na kulay. Hindi rin nito alam kung anong klaseng style ang laman ng wardrobe niya.Ha! Ang dress na 'to, mukhang mas bagay sa taste ni Amelia. Mukhang nilahat na ni Conrad ang mga babae—na lahat sila ay mahilig manamit nang ganito.Kahit si Hudson Miller na isang beses pa lang niyang nakakausap, mas nakuha pa ang aesthetic preferences niya kaysa kay Conrad. Talagang mapaglaro ang tadhana, laging ipinapaalala sa kanya sa mga maling pagkakataon kung gaano ka-absurd ang relasyong ito na ‘destined’ daw pero hindi naman talaga para sa isa't isa.Kumunot ang noo ni Conrad habang tinititigan ang reaksyon niya,
“IT’S BEEN A WHILE.”Bahagyang kumurba ang mga labi ng binata, pero hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata. Mababa at kalmado rin ang boses.Napatigil si Haile, bakas ang gulat. “Have we met… before?”Siyempre, kilala niya ito. Sa Manila, sinong hindi nakakakilala sa nag-iisang heir ng mga Miller? Assets worth hundreds of billions, plus talent at looks na talagang outstanding. Pero higit sa lahat, kilala ito sa pagiging malamig at tila walang pakialam sa mundo. Sa business man o private life, ang mundo ang umiikot lang sa binata—hindi ito ang sumusunod sa iba.That’s Meleck Hudson Miller.Pero kung kilala siya nito, ibang usapan na 'yun.Nanatili ang tingin nito sa mukha niya. Direkta at walang paliguy-ligoy, dahilan para mailang si Haile. 'Yung mga mata nito, parang binabasa ang bawat iniisip niya. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga at nag-iwas ng tingin. ‘Bakit siya nakatitig nang ganyan? May dumi ba sa mukha ko?’Hindi sumagot si Hudson. Sa halip, marahan nitong itinulak ang isa
May isang buwan pa siyang natitira, at gagamitin ni Haile ang bawat araw para maningil sa kanilang dalawa.Isang tawag lang ang kinailangan para i-terminate ni Haile ang isang key project na nagkakahalaga ng halos one hundred million. Kung natapos ito, dodoble sana ang net worth ng mga Carnell. Pero may pride siya. Hindi na siya muli magiging babaeng bulag na nagbibigay nang walang hanggan.KINABUKASAN, nagmamadaling bumalik si Conrad mula sa ibang bansa. Wala na ang mapaglarong aura nito. Galit na galit nitong itinulak ang pinto ng opisina at dinatnan si Haile na kalmadong humihigop ng tsaa, tila walang pakialam sa mundo.“Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?!” bulyaw nito. “Finalized na ang collaboration kay Mr. Anderson. Tapos mo na ang kalahati ng design drafts. Bakit mo kinansela ang ganito kaimportanteng project nang wala akong permiso?!”Halos matawa si Haile nang maisip na naabala niya ang bakasyon nito sa ibang bansa. Kaya naman ginamit niya ang isa sa mga paboritong excuse







