Share

Chapter 1

Life for Nicca is boring without danger and violence, that is why, here she is again back at the arena, watching a goddamn wrestling.

Kabi-kabilaang ingay ang maririnig, kasama na doon ang boses ni Nicca  na isinisigaw ang pangalan ng lalaki na pinili nya para sa pustahan. Dalawang libo din ang ipinusta nya doon.  Masakit sa tenga ang hiyawan ng mga tao pero walang may paki-alam, basta ang gusto lang nila ay manalo ang kani-kanilang pambato.   

Sa kabilang banda, bored lang na nakatingin ang isang binata sa mga tao sa arena, he's not really into this things pero kinaladkad na sya ng mga kaibigan dito eh. Isa sa dalawang tao na nasa loob ng ring ay kaibigan din nya, na professional wrestler, at yun din ang pambato ni Nicca. Ayaw na ayaw talaga nya na pumupunta sa ganitong klaseng lugar, hindi naman sa natatakot sya, sadyang sayang lang talaga sa oras ang mga ganitong klase ng lugar.

Sa huli ay nanalo din ang pambato ni Nicca kaya doble pa sa doble ng pusta nya ang nakuha nya, nasisiyahan talaga sya, hindi lang dahil nakakapanood sya kundi dahil nadadagdagan pa ang pera nya kapag nananalo ang pambato nya. Umalis sya doon ng may malaking ngiti sa labi. Ngayon naman ay pupunta sya sa lugar kung saan ginaganap ang illegal racing o drug racing, kasali sya sa paligsahan, at hindi naman sa pagmamayabang pero madalas syang manalo sa paligsahang iyon, maliban na lang kapag yung matandang huklubang iyon ang kalaban nya na syang laging nangunguna sa lahat ng paligsahan, ako lang ang pumapangalawa. Hindi naman talaga matanda yun, sadyang trip ko lang talagang tawaging matanda, 'bat ba?

Hindi ko pa kailanman nakita ang mukha ng nilalang na 'yon. Actually wala pa kahit isa sa samin ang nakakita sa pagmumukha nun.

At ngayon nga, ay makakalaban ko na naman sya, mangungulelat na naman ako, tsk.

Minsan talaga kung ano pa ang nagpapasaya sayo yun pa ang laging dahilan ng pagka-inis mo. Hayst. Nagsimula nang maghiyawan ang mga tao nung pumasok na ang mga kalahok, kasama na ako dun at ang damuho. Kumaway-kaway pa ang mga kasama ko sa mga taong nanunood. Attention whore. Wala naman akong  paki-alam sa kanila, mas gusto ko na lang simulan na agad ang racing. Pumasok na ako sa sa sasakyan ko, at naghanda. Ng mag go signal na umarangkada na agad ang  mga kasama ko, kami na lang ng damuho ang naiwan, ilang segundo pa ay pinaandar ko na rin ang akin at ganon din sya. Nakakainis dahil parang sinusundan nya lang ako, mabilis kong pinaandar ang akin at sinasabayan lang nya ang bilis ko hanggang sa malampasan na namin lahat ng kalaban at kami na lang  ang natitira, pero hanggang ngayong ay sinasabayan nya na lang ang pacing ko. 

Nainis naman ako lalo kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko ng sasakyan, sa puntong 'yon ay hindi na nya ako pinagbigyan, mas binilisan pa nya ang takbo ng sasakyan nya kesa akin, pero hindi nya hinaharangan ang daan ko, na para bang hinahamon nya ako sa sundan ang bilis nya, na mas lalo kong ikinainis, pinilit kong sabayan ang bilis nya, pero putek lang, hindi ko sya maabutan, hanggang sa makarating kami sa finish line, and as usual, sya ang nanguna. Na naman.

Inis akong lumabas ng sasakyan. Sinalubong naman ako ng damuho, at kahit naka maskara sya ay nakita ko ang pag taas ng isang sulok ng labi nya, na mas lalo ko pang ikinainis, siniringan ko sya at sinadya ko pang banggain ang balikat nya nang magkasalubong na kami, pero ako pa ang nasaktan. Ang tigas ng balikat nya, pero kahit na ganon ay pinilit kong hindi ipakita na nasaktan ako, nilingon ko sya at nakita ko syang dire-diretso lang na naglalakad at bahagya pang umuuga ang balikat pataas at pababa, mukhang pinagtatawanan pa ako ng damuho. Inis na inis akong bumalik ng bahay at padabog na pumasok, padabog din lahat halos ng ginagawa ko, muntik ko pang mabasag ang baso ng ilapag ko ito sa sink ng malakas pagkatapos kong uminom.

Um-order na lang ako ng pagkain bago ako maligo dahil nanligkit ako. Saktong pagtapos kong maligo ay dumating ang in-order kong pagkain, kakain na lang ako, pampalipas inis din 'to. Sinabayan ko na din ng panonood ng movie ang pagkain. 

Nang ma-boring ay natulog na lang ako. Hindi naman ako natatakot manaba eh, dahil di din naman ako tataba, araw-araw  ay iginugugol ko ang umaga ko sa gym, nakikipag sparring sa ring, dahil hindi naman ako pinayagan ng mga magulang kong maging professional wrestler, kaya pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa mga sparing sa gym. Okay na din to, kahit papano napupunan ang desire ko na lumaban at makipag bugbugan.

Maraming tao ang nawiwirduhan sa hilig ko, pero ano bang paki Alam nila? Eh Kung sa dito ako masaya eh, bakit ba? Sinasabi nila na hindi daw gawain ng isang babae ang makipagbugbugan, napapaismid nalang ako. Sa isip nila lalaki lang ang may kalayaan sa bagay na yon, nasaan ang gender equality na sinasabi nila? They even called me barbaric because of my hobby, like what the f? Minsan hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Napakababaw naman kasi ng pakahulugan nila sa salitang barbaric. 

They even called me the black sheep of the family, like, what the f again? Masaya nga ang pamilya namin kahit na ako lang mag-isa ang anak nila mom and dad, tapos sila na wala namang alam sa kalagayan ng pamilya namin ay huhusgahan kami? What the f na naman para sa kanila.

KINABUKASAN, as usual, sa gym agad ang punta ko para sa daily routine ko, nandun na din ang makaka sparing ko ngayon, na lagi ko namang ka sparing. Minsan nga gusto ko ng iba naman kaya lang wala ng ibang mas magaling sa kanya dito eh, kaya pinagtatyagaan ko na lang. Nagsimula na kaming maglaban, at ibinuhos ko sa kanya lahat ng sama ng loob ko kahapon lang, na dala-dala ko hanggang ngayon.  "Easy ka lang boy, sparing lang to, masyado mo namang sineseryoso." Sabi nya nang mapansing masyado na akong nagiging marahas, mas marahas pa kesa sa lagi kong ipinapakita. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi nya at itinuloy ang paglabas ng sama ng loob. "Someone's grumpy huh!" Kumento pa nya.

Sa huli ay natalo ko sya, dala na rin ng sobrang inis ko. Ngayon magaan na ang loob ko kahit papano. 

Bumalik ako sa condo unit ko na nasa ika-apat na palapag lang ng gusali, nasa ikalawang palapag naman ang gym na 'to. Nagpahinga muna ako saglit bago maligo. Pagkatapos ay lumabas ako ng gusali para mag tanghalian sa pinaka malapit na restaurant dito. Habang kumakain ako ay may bigla namang pumasok dahilan para magbulungan ang mga tao dito. Hindi ko nakita kung sino ang pumasok dahil naka focus lang ako sa pagkain ko, pero naiirita talaga ako sa ingay nila, gusto ko na silang singhalan pero kinalma ko lang ang sarili ko, at tiningnan ang pinagkakaguluhan nila. Lalaki lang pala, pamilyar ako sa ibang mukha dahil nakita ko na ang ilan sa magazine ng best friend ko, sila yung mga hottest bachelors in town, wala naman akong paki, hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na parang bulateng binudburan ng asin, parang bubuyog na bulong ng bulong at parang  maiihi na nakakita lang  ng gwapo. 

Hindi naman ako masyadong mahilig sa lalaki, hindi rin naman ako man hater, sa katunayan ay nagkaroon ako ng boyfriend noon at naging maayos naman ang paghihiwalay namin kaya malabo na maging man hater ako. Sadyang 'di lang talaga ako mahilig sa lalaki. Wrestling at racing pa pwede.

Tinapos ko na lang ng mabilis ang pagkain ko para maka alis na ako dito. Pagkatapos kumain ay nag iwan ako ng ilang libo pambayad sa kinain ko at tumayo para lumabas na, madadaanan ko pa ang table ng mga bachelor bago ako tuluyang makalabas. Hindi naman maiwasan ng mata ko na tumingin sa kanila, sa isang partikular na lalaki, sa hindi malamang dahilan, Nakita ko ring nakatingin ito sa akin kaya iniwas ko ang paningin sa kanya at tuluyan ng lumabas ng restaurant. Sa daan pabalik sa condo, hindi nawala sa isip ko ang lalaking yun, hindi ko alam kung sino sa kambal yun eh, Kung si Jerimiah ba o si Jeremy Bietuo. Hindi ko alam, at naiinis ako sa sarili ko dahil paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang lalaking yun. Bakit ko ba iniisip yon?

Pinilit kong iwaglit sa isipan yun, wala dapat akong paki-alam. Tama wala dapat. Bigla ko na namang naisip yun nang tuluyan na akong makapasok sa unit ko, Kaya inis kong sinambunutan ang sarili ko ng paulit-ulit. "Umalis ka sa utak ko." Bulong ko habang hawak-hawak pa rin ang buhok ko. Pero 'di pa rin ako tinatantanan ng isiping yun kaya sa sobrang inis ay napasigaw ako.

"Argh! Sabi nang umalis ka eh, alis."

"How rude, kadarating ko lang eh." 

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig ko yun. Napatingin agad ako sa sofa sa sala at nakita ko so Monique, best friend ko na nakatingin sakin na parang bang nababaliw na 'ko. Feeling ko nababaliw na nga ako.

"What are you doing here?" I ask her. "Wala lang, boring sa bahay eh." Bored na Sabi nito. "Eh ikaw? Bakit para kang baliw kanina? Anong problema mo?" Sunod-sunod na tanong nito sakin. Nagkibit-balikat na lang ako, ayaw ko namang sabihin sa kanya dahil paniguradong aasarin nya lang ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status