Share

Lovely Weakness
Lovely Weakness
Author: erblesscyrinedagas

Prologue

Life is not just about happiness, sometimes we also need to sacrifice something or someone really, really important to us.

Para makamit natin yung mga bagay na matagal na nating gustong makamtan, kailangan nating  i-let go yung sa tingin natin nakakahadlang sa pangarap nating 'yon. At yun ang ginagawa ko ngayon.

"I'm letting you go now Jerimiah." I said as i cry. Mahirap, masakit, pero kailangan. "I'm doing this not because i fall out of love from you, no, that will never happen, but this is the right thing to do." Sa pagkakataong iyon ay hindi na rin nya napigilan pang umiyak.

Masakit na pinapakawalan ko sya, pero mas masakit yung nakikita ko syang nasasaktan ng sobra dahil sakin. Pero wala akong magagawa, ito ang dapat mangyari. Pinunasan ko ang mga luha nya gamit ang mga kamay ko, pero kahit anong gawin kong punas doon ay patuloy lang din iyong nagbabasa dahil napapalitan ng panibagong luha, gaya ko.

"Hindi ko gustong ako ang maging rason para hindi mo matupad ang mga pangarap mo, ako din sa sarili ko may mga pangarap din ako, gusto ko ding matupad lahat ng 'yon, pero para mangyari yon...  k-kailangan muna nating m-maghiwalay." Pinipigilan kong mapahikbi ng malakas. Kailangan kong maipaliwanag sa kanya, kailangan nyang maintindihan, kahit gaano pa kasakit.

"Jerimiah, we need to wait for the right time, we—"

"When will be that right time baby? I don't think I can wait for the right time, i can't, i just can't baby. Isipin ko palang na mawawalay ka sakin, pakiramdam ko mababaliw na ako, there is so many what if's, what if may makilala kang iba? What if makalimutan mo 'ko? Sa tagal mo dun paniguradong marami kang makikilala, pano kung, pano kung...?"

Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya, siguradong hindi nya kinaya, katulad ko, pakiramdam ko hindi ko kakayanin, pero kailangan, kailangan kong kayanin.

Pero kung kanina nasasaktan ako dahil alam Kong magkakahiwalay kami, ngayon Naman nasasaktan ako dahil sa mga sinasabi nya. "Wala ka bang tiwala sakin ha Jerimiah? Hindi pa ba sapat yung mga pinagsamahan natin para magtiwala ka sakin? Hindi ko ba naiparamdam sayo yung pagmamahal ko? Para sayo?" Hindi ko na mapigilang magtaas ng boses dahil sa mga sinasabi nya, wala syang tiwala sakin, hindi sya nagtitiwala sakin.

Ang isiping iyon ang lalong nagdadagdag sa sakit na nararamdaman ko kanina. Kanina, nasasaktan ako dahil kailangan ko syang iwan, para sa ikabubuti naming dalawa. Pero ngayon, nasasaktan ako dahil pinapakita nya na wala syang tiwala sakin, ang sakit na. Sobrang sakit.

"No! That's not what i mean, baby, please!"

Pilit nyang inaabot ang mga kamay ko pero pilit ko ring iniiwas sa kanya iyon, humakbang sya palapit sakin at awtomatikong napaatras ako. Natigilan sya, ganon din ako.

Hindi dapat ganito, hindi ganito ang inaasahang kong magiging resulta ng pag-uusap namin. Pero hindi na namin napigilan ang aming damdamin, mga emosyong pilit na kinukubli pero pilit din kumakawala.

 "I'm sorry, i'm sorry baby, please." Paulit-ulit nyang sinasabi ang mga salitang 'yon. At paulit-ulit ko ring nararamdaman na sinsero sya, pero siguro, kailangan kong gamitin ang pagkakataong ito para mas mapadali ang lahat, kahit masakit.

"Siguro nga, kailangan muna nating m-maghiwalay, masyado pa tayong immature sa mga bagay-bagay eh." pinilit kong ngumiti sa kanya, at paulit-ulit din syang umiling.

"We're not yet over baby, not yet!" Pagkukumbisi ko sa kanya. Hindi pa naman talaga ito ang katapusan namin. "This is just the start of our journey, but for this journey, we have to be separated, we need to. Please Jerimiah, please, intindihin mo naman." Paki-usap ko pa. "Kailangan muna nating hanapin ang sarili natin."

"But we can do it together." Mahinang anas nya. Umiling naman ako.

"No baby, we need to do this. Separately."

"I will wait for you baby, please wait for me too, please." He pleaded. Niyakap nya ako Ng mahigpit, at ganon din Ang ginawa ko.

"I will, i will." With that, we started walking, going back to the event. Pumunta muna ako sa restroom para mag-ayos, ayokong makita nila ako na ganito, nakakahiya. Nang makontento sa hitsura ko, lumabas na ako. Nadatnan ko naman sya na nasa labas na ng pintuan ng restroom. Bahagya lang syang tumingin sakin at iginiya nya na ako papasok sa pinagdadausan ng event.

Parehong halata sa mga Mata namin  na kagagaling lang namin sa pag-iyak pero binalewala namin iyon.

Humiwalay na ako sa kanya at dumiretso na sa table ng kaibigan ko, kasama namin sa table ang asawa nya at anak nila na 1 month old pa lang. Tiningnan naman ako ni Monique nang may pag-aalala. "Kumusta ang naging pag-uusap nyo?" Pambungad na tanong nya nang nakaupo na ako sa tabi nya. Bahagya lang akong ngumiti pero nauwi yun sa ngiwi, heto na naman, nagbabadya naman ang mga luha ko, pero pinigilan ko.

"Okay na, pumayag na sya." Kahit hindi ko gusto, ay nanginginig pa rin ang boses ko nang sabihin 'yon. Hinawakan naman nya ang kamay ko at pinagaan ang loob ko, pero kahit ano yatang sabihin nya, ay hindi gagaan ang loob ko. "Magpakatatag ka, kaya mo yan, kaya ninyo yan." Tumango na lang ako sa kanya. Wala naman din akong magagawa eh, eto na talaga ang nakatakdang mangyari samin.

Pero kahit na ba, sisigiraduhin kong kami pa rin sa huli, pero ngayon, magtitiis na muna kami. Tutal mas masarap ang  pleasure after pressure. 

Sinikap kong libangin ang sarili ko sa event, nakipaglaro lang ako sa anak nila Monique at David.

Sa wakas, natapos din ang event. Makakapagpahinga na din ako.

Sana.

Kinabukasan, tanghali na akong nagising dahil late na rin akong nakatulog kakakisip sa mga bagay-bagay. Kahit sa pagkain ay nakatulala lang ako, lumilipad ang utak ko sa kung ano na ang mangyayari sakin pagkatapos nito. Dahil kahit na ilang beses ko mang itanggi, kahit ilang beses kong sabihin na malakas ako, alam ko sa sarili kong mahina ako, mahina ako pag dating sa kanya.

He's my weakness after all. My lovely weakness. Pinilit ko ang sarili kong kumilos, nag empake ako at naghanda dahil mamayang gabi ang flight  ko papuntang America. Hindi alam ni Jerimiah na mamayang gabi na ako aalis, ayokong sabihin dahil baka mas lalo lang akong mahirapang umalis. Mahihirapan ako dahil alam kong marupok ako pagdating sa kanya.

Pagkatapos mag impake ay nakatulala na lang ako sa kung saan. Wala naman na akong gagawin dahil naka ligo na ako at tanging ang flight ko na lang ang hinihintay ko. Kung kanina ay puro negatibong bagay ang tumatakbo sa utak ko, ngayon ay iniisip ko na ang mga dapat kong gawin para hindi masayang ang pagsasakripisyo kong ito, ang pagsasakripisyo naming dalawa. Napag desisyonan ko rin na putulin ang kahit na anong koneksyon ko sa kanya pag dating ko dun. Kahit ang sa kaibigan ko, dahil sigurado akong pati si Monique ay gugulihin nya para lang malaman nya ang kalagayan ko. At ayoko namang maging magulo ang buhay ni Monique dahil sakin. Problema ko 'to kaya dapat kong harapin 'to ng mag-isa. Kakayanin ko para sa kanya.

Isang oras bago ang flight ko umalis na ako sa bahay, nag taxi lang ako dahil wala namang maghahatid ng kotse ko pabalik dito sa bahay kung yun ang dadalhin ko. Ilang segundo ko pang tiningnan ang kabuuan ng bahay mula sa labas bago ako tuluyang pumasok sa taxi. Mabigat ang loob ko habang nagbabyahe ako papuntang airport. At mas lalo pang nadagdagan ang bigat nang tuluyan na akong makarating don.

Mahigit 30 minutes pa ang meron ako bago ang flight ko kaya umupo muna ako at tumulala na lang ulit. Bumalik lang ako sa sarili ko nang mapansing nagsimula nang umalis ang mga kasama ko sa upuan, nang tingnan ko naman ang oras ay sampung minuto nalang pala bago umalis ang eroplano. Dali-dali akong tumayo at sasakay na sana nang may marinig akong kaguluhan sa di kalayuan, and there, I saw my man, pilit na kumakawala sa pagkaka hawak ng mga guwardya sa kanya at nag sisisigaw, paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko.

"Hindi nyo na ako naiintindihan? Ha? Ang Sabi ko bitiwan nyo ako, kailangan kong pigilan Ang girlfriend ko ano ba." Singhal nya sa mga may hawak sa kanya. "Nicca, baby, bumalik ka dito, mag-usap muna tayo. Nicca, wag mo naman akong iwan ng ganito.” Unti-unting humina ang boses nya sa mga huling katagang binitawan nya, pero malinaw pa rin sa pandinig ko lahat ng mga sinabi nya.

Muli na namang nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko habang makatingin sa eksenang yon, mas lalo lang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko. "I'm sorry baby, i'm sorry." Mga huling katagang binitawan ko bago pinilit ang sarili na tahakin ang daan patungo sa pangarap.

Kahit na ilang minuto na ang nakalipas mula nang makasakay ako sa eroplano, ay patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Wala na akong paki-alam sa kung ano ang hitsura ko at kung ano ang iisipin ng mga taong sakay din ng eroplano. Kanina pa ako nga ako pinagtitinginan dito pero binalewala ko lang. Gusto ko lang mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, kahit na parang imposible dahil sya lang naman ang may kakayahang gawin yon. Sya ang kailangan ko pero ako ang nagtulak sa kanya palayo sakin.

Mali.

Ang pangarap ko pala ang nagtulak sa aming dalawa para magkalayo. Napapa-isip tuloy ako, tama ba ang desisyon ko? Pero sa tuwing naiisip ko na kulang pa ako para sa kanya, sa tuwing naiisip ko na kailangan may maipagmamalaki ako para ipaglaban sya, saka naman sinasabi ng puso ko na tama lang ang naging desisyon ko. Na kahit masakit, ay kailangan kong magtiis. Tutal sa kanya din naman ang uwi ko eh, sana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status