Share

Chapter 2

I was busy dreaming of something beautiful, when my phone suddenly rung. Pupungas-pungas akong umupo at kinuha ang cellphone para sana saguting ang tawag pero bigla naman tumigil sa pag ring yun. Hindi ko na lang ito pinansin at inilapag na muli sa bed side table, umunat-unat muna ako bago tumayo, nakakaisang hakbang pa lang ako nang muli na namang mag ring ang cellphone ko, yumuko ako at nakitang unknown number ang tumatawag, pagkatapos ng pangatlong ring ay namatay yon kaya tumuloy na ako sa pag hakbang.

Ikalawang hakbang, nagring na naman ang cellphone ko at same number pa rin ang tumatawag, kukunin ko na sana para sagutin pero namatay na naman yun.

Pangatlong hakbang, nagring na naman at same number pa rin, i-uunat ko pa lang sana ang kamay ko ng mamatay na naman yon. nag sisimula na akong mainis. Tinalikuran ko na lamang Ito.

Pang-apat na hakbang nag ring na naman pero hindi ko na nilingon dahil namatay agad iyon.

Panglimang hakbang, nag ring na naman, at namatay agad.

Pang anim na hakbang, nag ring na naman pero this time mas matagal na kaya sa sobrang inis ko ay dali-dali ko itong sinagot kahit hindi ko pa nakikita ang caller ID sigurado akong yung unknown number to.

"Ano bang kailangan mo kanina ka pa tawag ng tawag tapos pinapatay mo naman? Ang aga-aga pinapainit mo ang ulo ko." Pagalit kong sigaw dito dahil sa sobrang inis. Ilang sedundong  katahimikan, akmang bubulyawan ko ulit ito pero bigla itong tumikhim sabay banggit ng pangalan ko.

"Ehem! Nicca Anderson." Sobrang gulat ko. Tiningnan ko ang caller ID saka ko lang nakumpirma na si dad nga ang tumawag.

"D-dad, d-daddy." tawag ko sa kinakabahang boses. Nalintikan na, kinakabahan ako ng sobra-sobra, si daddy, sinigawan ko? O to the  M to the G. patay na talaga, katapusan ko na. Katapusan ko na.

"What a very warm greetings for your old man here, Ms. Anderson." Mahihimigan ang pagka-sarkatiko sa boses nya. Patay na talaga. Napapikit pa ako sa sobrang kaba.

"I'm sorry Dad, i thought it was the unknown number calling me again." Mababang tono na ngayong ang gamit ko.

"Oh really?" Sarkastikong tanong nito.

"Didn't i told you when you were still young not to talk to strangers? An unknown number means stranger, young lady." Napa-upo na ako sa sobrang kaba, making my father angry is the last thing I would do. "I'm sorry." Tanging nasabi ko na lang.

Narinig ko syang huminga ng malalim bago nagsalitang muli. "Anyway, the reason why i call you early in this morning, which you answer with a goddamn shout." He stated, which makes me shut my eyes again, because i can sense the irritation in his voice.

"is to tell you that your presence is highly needed here, first week of the month, next month. I will be expecting you here Nicca." Napatango naman ako kahit na hindi nya ako nakikita. "I'll be there dad, don't worry." Tugon ko. 

"Good. And please, fix that attitude of yours, learn to read the caller ID first before answering a call." Yun lang at pinatay na nya ang tawag. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. Kasalanan talaga 'to ng may-ari ng number na yun eh. Inis kong i-blinock ang number na yun bago simulan ang araw ko, na nasira na ng kung sinong poncho pilato.

Katulad kahapon, ibinuhos ko ulit sa sparing  ang lahat ng sama ng loob ko.

"Kahapon pa ata mainit ang ulo mo Nicca?" Sebastian, my sparing partner ask. "May mga tao lang talaga sa mundo na gustong gusto makakita ng mga maganda kahit galit, at isa na ako sa mga maganda kahit galit na 'yon, kaya ganon na lang sila ka pursigidong galitin ako." Sagot ko sa kanya, alam kong medyo mahangin ang dating ko pero wala akong pake, eh kung sa gusto kong mag loko ngayon eh, 'bat ba?

Natawa naman sya sa sinabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin sabay suntok sa mukha nya na hindi na naiwasan. Ako naman ngayon ang napangisi. "Ang pinagkaiba ko lang talaga sa kanila ay mas nagiging hot at lalong lumalakas ang sex appeal ko kapag nagalit, kaya madalas ay lalaki ang gumagamit sakin." Nakangisi ko pang dagdag. 

"Kamag-anak mo ba si Amihan? Ha Nicca? O baka naman nasobrahan sa hangin ang utak mo kaya masyado kang mahangin magsalita?" Nawala naman ang ngisi ko sa sinabi nya, ngayon ay sya na ang naka ngisi sa'ming dalawa.

 Alam nyo yung nakakainis? Yung pag mumukha nya, nakakainis, masyadong pangit. Sa sobrang pangit nasipa ko pa sya sa mukha, kaya ayun, ang dating pangit, mas pumangit pa. Napatawa naman ako nang makita kong pumutok ang labi nya dahil sa pag sipa ko. "May sinasabi ka Seb?" Pilyang tanong ko. Bigla-bigla naman nya akong iniwan dito sa ring kaya mas lumakas pa lalo ang tawa ko. Umuwi ako pagkatapos kong pagtripan so Sebastian. Ang epic talaga ng mukha nya.

Actually, hindi naman talaga pangit si Seb.  Pero hindi din naman pogi, sakto lang ganon. Nainis lang talaga ako ng sobra kaya bigla syang pumangit sa paningin ko. 

Time flies fast, lumipas ang oras, araw, gabi, linggo at ngayon na ang araw nang pag alis ko papunta sa bahay ng parents ko. Ngayon daw kailangang kailangan ang presensya ko.  Nakikinig lang naman ako ng music habang nasa biyahe papuntang Laguna, 'di ko na din dinala ang sasakyan ko since ipinadala naman ni daddy ang isa sa mga driver namin para sunduin at ihatid ako papunta sa bahay nila, yes bahay nila. Hindi ko kino-consider yon as bahay ko dahil ang bahay ko lang ay ang pinaghirapan kong bilhin. Simulan nung kumikita na ako ng sarili kong pero, naging independent na ako, hindi na ako nanghihingi ng pera sa parents ko para mabili ang mga luho ko, pinaghihirapan ko na yon, pero hindi naman pumapalya si daddy sa paglalagay ng pera sa bank account ko, hindi ko lang talaga ginagamit ang binibigay nila. But soon magiging bahay ko din yon dahil ako lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan nila.

Pagkarating ko dun ay pinagbuksan pa ako ng pintuan ng driver namin. Sinalubong naman ako agad nila Mommy at Daddy sa bungad ng bahay, sa may pintuan. Sabay nila akong iginiya papunta sa sala at doon nag-usap. Hindi naman ako napagod sa byahe dahil ilang minuto lang naman yun, hindi naman inabot ng oras.  

Pagkatapos ng ilang saglit lang, pinakawalan na ako nila mommy dahil may iba pa silang gagawin. Ako naman, dumiretso lang sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kuwarto ko.  Humiga lang ako at nakipagtitigan sa ceiling. Ilang sandili pa ay nakatulog ako sa sobrang pagkabagot. Nagising ako sa katok sa pintuan ko. Tumayo ako at pinagbuksan ang kung sino man ang kumatok doon. Nadatnan ko naman ang kasambahay namin sa labas. "Ma'am pinapatawag na po kayo sa dining area." Magalang nitong saad, tinanguan ko na lang  Ito at umalis naman ito sa harap ko. Sinara ko na ang pinto saka dali-daling nag-ayos, ayoko silang paghintayin ng matagal.

Nang makontento sa hitsura ay lumabas na ako at tinahak ang daan patungong dining area. Nadatnan ko naman sila mom and dad na nagtatawanan. Napangiti naman ako, hanggang ngayon talaga, kahit matatanda na sila ay sweet pa rin sila sa isa't-isa. Nung naramdaman nila ang prisensya ko ay lumingon sila sa kinaroroonan ko, nanatili naman ang ngiti sa labi ko at ganon din sila. "Come here honey, take your sit na para makapagsimula na tayo." Mas lumawak pa ang ngiti ko bago ko sya sinunod. 

Tahimik lang kami kumain pero hindi naman awkward ang atmosphere. Maya-maya pa ay nag salita na si daddy.

"You know Nicca, i'm not getting any younger, so your mother is." Panimula nito. Tiningnan ko nnaman sya. "Kahit ikaw, hindi ka na bumabata, kung tutuusin ay pwede ka nang mag-asawa." Dugtong pa nito at tumawa. I cringe at the thought of me, getting married. Hindi naman sa ayokong mag-asawa at mag karoon ng sariling pamilya, gusto ko, pero hindi pa ako handa doon. Pakiramdam ko masyado pa akong bata para doon. Though i'm already 25 years old, but i'm still young to get married, so, no. No no. Maghintay ka lang muna future husband, hindi pa ready ang future wife mo.

Sana naman hindi maisipan ni dad na i-arrange marriage ako. Dahil sa uri ng buhay namin, hindi imposible yon. So para maka siguro ay nag tanong na ako. I don't want to jump into conclusions.

 "Dad, please tell me that you're not going to arrange a marriage for me." I said flatly. "Oh no, no, no honey, i'm not gonna do that, it's not my thing you know, i want you to find your own king, like how i find my very own queen." Saad nito sabay tingin sa mommy ko. Minsan talaga naiinggit ako sa kanilang dalawa. Iniisip ko nga kung magiging katulad din ba ng love story nila ang akin, dahil kung ako ang tanungin, gusto ko.

"Then what?"  I ask bluntly. Nagtinginan muna sila bago sumagot...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status