SA loob ng dalawang araw, parang nasa impiyerno si Gray. Miserableng-miserable ang kanyang pakiramdam dahil hindi niya alam kung saan naroroon si Hannah. Tinatawagan niya ito pero hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone na para bang gusto nitong sabihin sa kanya na 'bahala ka sa buhay mo'.
Nag-message na rin siya sa kaibigan nitong si Chesca pero hindi ito sumagot.Kahit nakaramdam siya ng inis, parang gusto niyang umasa na dito tumakbo si Hannah. Kung hindi kasi'y siguradong nag-chat na ito sa kanya. Ngunit ngayong nakita niyang may kasamang lalaki si Hannah, parang nagduda siya kung si Chesca nga ba ang tinakbuhan nito.
"Damn it, shit!" sigaw niya. Parang gusto niyang kumuha ng bato at ibato sa lalaking iyon kahit nasa loob pa ito ng kotse. Mula sa kanyang kinatatayuan, kitang-kita niya ang paghalik nito kay Hannah. Pakiramdam tuloy niya'y may malaking kamay na lumamutak sa kanyang puso dahil damang-dama niyang nagdurugo ngayon iyon.
Bestfriend niya si Hannah at ngayon lang niya ito nakitang may kasamang lalaki. Hindi tuloy niya mapigilan ang makaramdam ng sobrang pagkataranta. Paano kung bigla na lang itong maging boyfriend ni Hannah.
Umiling siya. Naisip niyang sinabi nga pala ni Hannah na hinding-hindi ito mag-aasawa dahil natatakot itong hindi magtagumpay ang marriage nito. Sa kaisipang iyon ay gusto niyang makahinga ng maluwag kaya lang pumasok na naman sa isip niyang gusto nga pala ni Hannah na magkaanak.
Nang bumaba ang lalaki ay nakangisi pa nang tapunan siya nito ng tingin. Gusto man niyang sumugod at manuntok pero hindi niya magawa. Wala siyang karapatan. Bestfriend lang siya ni Hannah. Mas okay ng mamatay siya sa pagpipigil na magwala kaysa naman magalit na naman sa kanya si Hannah.
Sa dalawang araw na hindi niya alam kung nasaan ito ay parang gusto na niyang mamatay sa sobrang pag-aalala.
Lalapitan na sana niya si Hannag para kumprontahin ng, "Honeybunch!"
Marahas na paghinga ang pinawalan niya dahil kilalang-kilala niya ang boses na 'yon. Malakas at matinis. Kaya naman hindi na siya nagulat nang makita niya si Nicole. Tulad ng dati, naka-sleeveless ito at maikling-maikling shorts. Kung dati'y natatakam siya kapag nakikita ang legs nito ngayon ay parang wala na iyong dating sa kanya.
"I miss you so much na."
"Nicole...." naiiritang bulalas niya nang bigla na lang siya nitong yakapin. Tinangka rin siya nitong halikan pero nakaiwas siya. Ewan niya kung bakit parang tumututol ang kalooban niya na makita ni Hannah na mayroong humahalik sa kanya.
Minsan na silang nagkaroon ng sekswal na ugnayan ni Nicole at hindi na niya iyon hahayaan pang maulit. Para sa kanya, once is enough.
"Bespren, pasok na kayo sa bahay mo. Baka diyan pa kayo magkalat," wika ni Hannah na parang nang-aasar pa. Ngunit kahit na nakangiti ito ay hindi naman nito magawang ipagkaila ang talim ng tingin nito kay Nicole. Kung hindi lang niya alam na badtrip talaga si Hannah dito'y gusto niyang isipin na nagseselos ito.
Well, ganu'n naman talaga ang bestfriend niyang si Hannah. Masyado itong prangka at sinasabi agad kung ano ang nasa isip. Ngunit, alam niyang may paninindigan ito kaya hindi niya maiwasan ang magtaka. Nu'ng isang araw lang ay gusto nitong 'magpaanak' sa kanya pero ngayon...
"Papasok kayo sa bahay mo?" kunot noong tanong niya. Sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas na humakbang.
Wala siyang paki kung impit mang tinawag ni Nicole ang kanyang pangalan. Ang mga mata niya'y nakatutok lang kay Hannah na abot tenga ang ngiti. Naningkit tuloy ang kanyang mga mata. Naisip niyang kaya ganoon ang klase ng ngiti nito ay dahil nakatikim ito ng halik sa lalaking kasama nito ngayon na parang christmas light na umiilaw ang mga mata.
"Yes, bisita ko siya. By the way, this is Oliver Pascua, and he is my bestfriend, Gray," wika ni Hannah. Bahagya lang siya nitong sinulyapan tapos itinuon na nito ang pansin sa Oliver na 'yun.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan para hindi sumiklab ang nadarama niyang pagrerebelde. Dalawang gabi siyang hindi nakatulog sa kakaisip kung nasaan na ito. Kahit na may hinala siyang nasa poder ito ni Chesca ay hindi pa rin siya mapakali dahil hindi siya nakatanggap ng kumpirmasyon buhat sa kaibigan nito. Hindi rin tuloy siya makakain dahil sanay siyang kasamang mag-breakfast si Hannah. Bigla rin niyang na-miss ang mga kuwentuhan at asaran nila.
"Wala ka ba talagang planong mag-girlfriend ng matino? Palagi na lang kitang nakikitang may kasamang babae. Buti sana kung iisa pero paiba-iba."
Hindi niya napigilan ang matawa sa reaksyon ni Hannah. Para bang diring-diri habang naiisip ang kanyang pambababae. Iyon nga lang kahit na lukot ang mukha nito'y hindi rin maipagkakailang napakaganda ng kanyang bestfriend. Kung mag-aayos lang ito'y talbog ang mga babaeng parang doberman kung makabuntot sa kanya.
"Bakit ikaw, wala ka pang boyfriend?" tanong niya sa halip sagutin ang tanong nito. Napakahirap naman kasing sagutin iyon dahil kahit sa sarili niya'y hindi niya iyon magawang sagutin.
"Wala naman akong balak na mag-asawa. Ayokong sumakit ang ulo at ma-brokenhearted kapag iniwan ako. Ang gusto ko lang, magkaanak."
Natawa siya sa sinabi nito. "Hindi ka magkakaanak kung wala kang karelasyon na makakasama mo sa paggawa ng baby."
"Pwede kaya."
Ewan niya kung bakit ng sabihin ni Hannah ang mga salitang iyon, bigla siyang nag-panic. "Huwag mong sabihin na makikipag-one night stand ka?" aniyang pigil na pigil pa ang paghinga.
"Tange, may IVF procedure. Kailangan lang may sperm," wika nito sabay iling tapos inis siyang tinitigan. "Ang dami-daming gustong magkaanak samantalang ikaw, tinatapon mo lang ang sperm mo."
Gusto niyang humagalpak nang tawa ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa dahil napatitig siya kay Hannah. Magkaharap silang kumakain noon habang nagbi-breakfast. Hindi rin niya naiwasang itanong sa sarili, bakit ba parang paganda nang paganda si Hannah sa kanyang paningin?
"Iniwan ka na ng bestfriend mo, tulala ka pa rin dyan," sabi ni Nicole sabay yakap sa kanyang beywang. Napigil tuloy ang kagustuhan niyang sundan si Hannah ang lalaking iyon.
Damn! Inis niyang sabi sa sarili. Hindi lang niya matukoy kung saan para saan ang pagmumura niya. Sa pagyakap sa kanya ni Nicole o sa pambabalewala ni Hannah sa kanya.
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw