Share

Chapter 6

Author: Yarnie
last update Huling Na-update: 2025-05-21 14:24:14

Naalala ko ang sagutan nina Teruya at Solene noong una naming malaman na baka may nangyari sa amin ni Lucas.

“Matanda na si Miya. Alam niya na ang gagawin kung sakali mang nangyari ’yon. Masiyado ka lang makaluma kaya hindi mo matanggap.”

Mali ka, Solene. Hindi ko alam ang gagawin ko. Litong-lito na ako.

Hindi ko mabilang kung pang-ilang buntong hininga na ang narinig ko mula kay Teruya na nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Sa kaliwa ko ay nakaupo si Solene habang naghahanda naman ng kape at salad si Hannah sa kusina.

“Nagkausap na ba kayo ni Lucas?” tanong ni Teru pagkalapag ni Hannah ng kape at salad sa lamesita.

Bumagtas sa alaala ko ang senaryo noong huli namin siyang nakita ni Lois. Umiling-iling ako. “May kausap siyang iba,” sagot ko at nilantakan ang salad.

Umupo sa kanan ko si Hannah at binuksan ang laptop niya.

“Kailangan niyo na mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal.”

Ibinaba ko ang kutsara at inilagay ito sa mangkok. Tumingin ako kay Teru. “Bakit ba gustong-gusto mo akong magpakasal?”

“Hindi natin kakayanin kung ang sweldo mo lang ang ipangkakain mo sa bata. Kailangan mo iyong pera pangtustos diyan at ang pera na pangsuporta sayo ni Lucas. Kapag naman natapos ang kontrata o may nangyaring anumalya ay pwede na kayong maghiwalay,” sagot niya.

Ngumuso siya at tumingin kay Hannah. Kunot noong tumingin ako rito.

“Sinusulat ko na ang contract niyo para sayo pa rin ang pabor at hindi ka maabuso.”

Ipinakita niya sa akin ang laptop niya.

CONTRACT MARRIAGE AGREEMENT

This Contract Marriage Agreement is entered into on [Date] by and between Lucas Chavez and Miyazaki Mendoza, collectively referred to as "Parties A and B."

ARTICLE 1: PURPOSE AND TERM

1.1 The Parties agreed to enter into a marriage contract for the purpose of obtaining the money given by the company, and received the support money of Party B from Party A and to escape blind dates of Party A set up by his own mother.

“How did you even know about blind dates?” gulat na tanong ko kay Hannah.

“Sinabi niya noong umalis ka. May dala siyang contract no'n, e. Kinausap na rin siya ni Teru that time,” mahinahong sagot niya.

Binasa ko pa ang ilan sa mga nakasulat at napatango na lang.

Maya-maya pa ay dumating si Lucas sa bahay kasama si Lois. Tinawagan na pala ni Teru para makapag-usap na kaming dalawa. Matapos mapirmahan ang dapat pirmahan, tumayo na ako.

“Ayusin mo na mga gamit mo, Miya. Lilipat ka na kina Lucas.”

Ibinaling ko ang atensyon kay Teru na prenteng nakaupo lang sa sofa at inuubis ang salad.

“Kailangan ko ba talagang lumipat pa? Ayoko sa condominium niya tumira. Ang dumi-dumi,” sabi ko habang nakaturo kay Lucas.

Sa gilid ng paningin ko ay nakita kong kumunot ang noo ni Lucas. “As far as I remember, palaging malinis iyon.”

Umiling-iling ako. Nako. Ilang babae na nga dinala mo roon, tapos malinis?

“Okay, then. We can go to my house. But it is not as big as my condominium.”

Tumingin ako kay Lois. Ngumiti ito sa akin at tumango.

“Okay,” tipid kong sagot at pumasok na sa kwarto ko upang mag-impake.

“What was that?” dinig ko pang sabi ni Lucas.

Kaunti na lang ang inayos ko na gamit dahil pinakialaman na ni Hannah ang mga gamit ko kagabi matapos kong matulog. Hindi ko alam kung kanino ba talaga kampi ang babaeng ’yon. Kung sa akin ba o kay Teru.

Tignan mo at maayos na lahat. Iyong mga personal na gamit at work related papers ko na lang ang kailangan kong i-impake.

Pagbaba ko ay agad akong tinulungan ni Lois. Agad naman akong nagpasalamat. Mabuti pa itong si Lois mabait, hindi tulad ng kakambal niya.

Tatlong maleta at dalawang malaking bag ang dala ko pwera pa ang shoulder bag at tote bag na nakasukbit sa akin ngayon.

Dahil sa kagustuhan kong maiayos ang pamilya ko, at may kalakihang ama ang anak ko, napilitan pa akong pumayag sa sitwasyon na ’to.

“Kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang. Papabili ko na lang kay Pyrson.”

Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Lucas.

“Sino kamo? Pyrson? As in si Secretary Pyrson?”

Nagtataka ang mukha ni Lucas nang tumingin sa akin.

“Oo, si Secre—” Hindi niya naituloy ang sasabihin at napahawak sa bibig niya. “Ang ibig kong sabihin si Clark. Iyong driver ng Lolo ko.”

Dahan-dahan akong napatango habang pinoproseso ang sinabi niya.

Tinuro niya ang magiging kwarto ko. Nasa kaliwa ito kung saan dadaan ka muna ng sala bago ka makarating dito.

Iginala niya rin muna ako sa loob ng bahay at tinuro ang mga lugar at gamit na pinahanda na niya sa tinatawag niyang Clark.

Paglabas niya ay nilibot ko ang paningin sa aking bagong kwarto.

Napabuntong hininga ako. It is for the better, right?

Umagang-umaga palang ay tinakpan ko na ang tenga ko at tumagilid ngunit hindi pa rin tumitigil sa pag-iingay si Lucas. Pinupukpok nito ang kaserola gamit ang stick. Tinatapat pa nito ito malapit sa mukha ko.

“Bangon na!”

“Five minutes pa!”

“Ang tanda mo na nagsasabi ka pa rin ng five minutes? Tumayo ka na!”

Napapikit ako at biglang bumangon. Masama ang tingin na ipinukol ko rito.

“Ang tanda mo na rin para mangbulabog ng ganitong oras!”

Tumingin ako sa alarm clock sa side bed table ko. Nakaturo ang maliit na kamay nito sa number six at ang malaki sa number 12.

“Alas sais pa lang! Ang aga-aga mo mangbulabog!”

Nagkibit balikat lang siya. “Maghilamos ka na muna at tanggalin mo muna iyang muta mo bago tayo mag-usap,” sabi nito sabay turo gamit ang stick sa mukha ko.

Napahilamos na lang ako sa mukha sa inis.

Pakipaalala kung bakit kailangan kong tumira dito. Peste! Araw-araw ko ba ’tong titiisin? Ay, baka tumanda akong maaga dahil sa kaniya!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 51

    Nakayuko ako habang sapo-sapo ang ulo. Nakaupo ako sa terrace ng bahay at dinadama ang lamig ng simoy ng hangin. May kalakasan ang hangin at kung wala pang nakapatong na kumot sa hita ko, hindi ako magtatagal dito sa labas. Ngayon ko na lang ulit ito ginawa simula nang umuwi kami. Hindi man nito nalulusaw ang iniisip ko, napapayapa naman ang isipan ko, sana...“Ano ba iyang iniisip mo? Ang lalim naman yata,” pabirong sabi ni Hannah at umupo sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko at nagsalubong ang mata namin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paanong sisimulan. Para bang may nakabara sa lalamunan ko, nanunuyot na hindi ko maintindihan. “Miya?” tawag pansin niya. Ramdam ko ang bahid ng pag-aalala sa toni ng boses niya. “Ayos lang naman kung hindi mo sabihin. Nagbibiro lang ako. Hindi ko naman akalain na mayroon ka pala talagang iniisip na problema.”Tumikhim ako bago magsalita. “Lumapit sa akin si Mina kanina. Gusto na raw niya ng Daddy. Gusto niyang tumira na kasama namin si Ke

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 50

    “Bakit nga pala nandito si Kevin?” tanong ni Teru habang naghihiwa ng pinya.Tulog na talaga siya kanina. Hindi na nga nakapagpalit dahil nang lumipat siya sa kwarto niya, tulog agad. Naalimpungatan nga lang dahil sa sigaw ni Solene sa kusina. Pare-pareho pa kaming kumaripas ng takbo papunta roon. “Bakit ba kasi hinayaan niyong siya ang magluto? Nakalimutan niyo na bang nasunog ang buong bahay natin dati dahil sa kaniya?” gigil na gigil na sabi ni Teru matapos patayin ang kalan. Nakasunog na si Solene dati? Hindi ko yata matandaan na nangyari iyon. Matalim na tinignan ni Teru si Solene. “Huwag na huwag ka na lalapit o pupunta rito sa kusina. Nakakatakot ka.”Ngumuso si Solene. “Hindi ko naman sinasadya.”“Kaya nga pumunta ka na sa sala. Mag-order ka na lang nang mag-order. Wala na akong pakialam kung ilang beses niyong gamitin ang pangalan ni Miya sa pag-order online, huwag ka lang lumapit dito sa kusina.” Itinuro ni Teru ang sala at pinanlakihan ng mata si Solene. Umismid naman sa

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 49

    “Bakit pala nandito si Kev?” tanong ni Hannah, dina-divert ang usapan. “Nag-aaya ng kasal,” tamad kong sagot. Nanlaki ang mata niya at napanganga. Umupo si Sol sa harapan namin, yakap-yakap ang isang box. “Ano ulit sabi mo? Hindi ko narinig,” sambit ni Sol. Sumandal siya sa sofa at ni-relax ang likuran niya. “Sabi ko nag-aaya magpakasal si Kev,” pag-uulit ko sa sinabi. Tila nawala ang lahat ng pagod niya at lumingon siya sa direksyon ng lalaki. “Seryoso Kevin?! Inaaya mo talaga magpakasal ang kaibigan ko?”Tumingin sa amin si Kev. “Oo,” natatawa niyang sabi. Binuhat niya si Mina at lumapit sa amin. Tumabi ito sa akin. Ako lang naman ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Kevin. Sina Solene ay walang alam. Hindi nga rin nila mahalata, e. "Wow! Approve agad! ’Di ba, Hannah?”Tumango-tango si Hannah. “Oo. Approve ka na agad sa amin. Wala kang dapat pang alalahanin kung suporta namin ang kailangan mo.”Nahihiyang tumango si Kevin sabay tingin sa akin at tinaas baba ang kilay niya.

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 48

    Nagbabasa ng dyaryo si Teru nang dumaan ako sa harapan niya, dala-dala ang isang tray na puno ng dede ni Mina. Ibinaba niya ang binabasang dyaryo at sumunod sa akin. Nilapag ko ang tray sa lababo. Pinunasan ko ang lamesa sunod ang lababo. Sumandal siya dito. "Ano ba ’yon?” tanong ko. “Kanina ka pa nakasunod.”“Wala pa bang dumadating na parcel mo?”Kumunot ang noo ko. “Wala naman akong ino-order online. Bakit? Um-order ka rin ba gamit pangalan ko?” “Ha?”“Um-order ka rin ba kako gamit ang pangalan ko?”“Bakit ko naman gagawin ’yon?”"Hindi ko alam. Sina Sol at Hannah ganoon ang ginagawa, e.”Kumunot ang noo niya. “Hindi ka manlang nagtanong kung bakit?”“Hindi na. Sure naman akong hindi nila gagamitin sa mali ang pangalan ko, e.”“Hindi mo ba naisip na baka may tinatago sila sa ’yo?”“Bakit ikaw? Sa tingin mo ba wala ka ring tinatago?”Hindi siya sunagot bagkus ay lalo lamang kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa malayo at biglang napamura. Dali-dali siyang umalis sa pwesto at luma

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 47

    Miya's POV Payapa na ang gabi nang makarinig ako ng mahihinang sigawan mula sa kusina. Tahimik ang paligid kaya kahit ang mga kaluskos ay maririnig mo. Inalis ko ang nakabalot na kumot at dahan-dahang umalis sa higaan. Ayokong magising si Mina. Umalis na ako sa higaan at naglakad papunta sa kusina. Maliliit lamang ang hakbang ko at tahimik. Ayokong makakuha ng atensyon. Sinilip ko kung sino ang nag-uusap at nakitang magkakaharap sina Teru, Hannah at Solene.May tinitimplang kape si Hannah samantalang may kinakain namang vegetable salad si Solene. Si Teru naman ay inaayos ang tea bag sa baso niya. Lalapit na sana ako ng magsalita sila, pero hindi ko marinig. Lumapit pa ako para marinig ko ang usapan nila. Nagtago na rin para hindi nila mapansin. May ilang kaluskos pero nawala ang mga boses. Kumunot ang noo ko. Bakit nanahimik bigla?Sumilip ako at nakita silang tatlo na masama ang tinginan sa isa’t isa. Nagpapaligsahan ba sila kung sino ang pinakamatalas tumingin? Ay, paniguradong p

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 46

    “Anong nangyari? Bakit kayo nag-iiyakan diyan?” pabirong sabi ni Kevin, bigla na lamang siyang sumulpot sa kung saan. May hawak pa siyang ice cream sa magkabilang kamay niya. “Dada!” masiglang bati ni Mina sa kaniya. Pinantayan niya si Mina. “Heto ang ice cream ni baby Mina.” Tumingin sa akin si Mina. Nakangiti akong tumango. Inabot naman ito agad ng bata sa kaniya. Pagkatapos ay iniabot naman ni Kevin sa akin ang ice cream. “Para naman sa pinakamagandang Nanay.”Natawa ako. “Nauwi ka lang dito, nambola ka na. Hindi ka naman ganiyan sa Maynila,” sabi ko at kinuha na rin sa kaniya ang ice cream. Ngumisi siya. "Siyempre. Kaharap ko ba naman ang pinsan mo. Ang init kaya ng dugo sa akin no’n, girl!”Nasamid ako at masamang tinignan siya. “Ginagawa mo na naman akong shield. Iyong totoo, nahuli ka ni Ma'am na may katawagang lalaki no?”Napakamot siya sa ulo niya. “Oo. Binantaan pa nga akong hindi na raw ako makakaalis dito sa isla kapag hindi ako tumino.” Lumabi siya. “Kaya may naisip

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status