Pinanood ni Lois kung paano akong yumuko at humawak sa tiyan ko.
“Buntis ka ba?” Itinaas ko ang tingin ko at ngumiti ng maliit. Nanlaki ang mata niya at napahawak sa bibig. “Magiging Tito na ako?” gulat niyang sabi. Tumango-tango ako. Masayang-masaya siyang tumayo at nagsisigaw. “Magiging Tito na ako!” Napangiti ako. Ang refreshing pakinggan. Dahil puro kasal ang narinig ko sa bahay nang malaman namin na buntis ako. “Alam na ba ’to ni kambal? Paniguradong matutuwa iyon kapag nalaman niya.” Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling-iling. Napakunot noo naman siya. “Huwag mong sabihing itatago mo ’yan?” “Hindi naman. Sa ngayon kasi hindi pa klaro ang pag-iisip ko. Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip-isip.” Bumuntong hininga siya. “Mabuti kang tao, Miya. Alam kong pipiliin mo pa rin ang mas makakabuti kaysa ikapapahamak mo at ng magiging anak mo.” “Sa tingin mo ba magiging isa akong mabuting ina?” “Oo naman. Ngayon pa lang na iniisip mo iyan ay sigurado ng ikaw ang the best mom,” nakangiti niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang reassuring pakinggan kapag galing sa kaniya. Ngumiti rin ako. Papunta kami ngayon sa condominium ni Lucas para ipaalam na payag na ako sa kasal. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso habang hinihintay naming magbukas ang elevator sa floor niya. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng condo…na sana hindi na namin ginawa. Bumungad sa amin pagpasok pa lang namin ay ang nagkalat na bra at damit ng isang babae sa sala. Tinawag ni Lois si Lucas pero walang sumasagot. Mahina pandinig ko pero dahil kami lang naman ang nandito, dinig na dinig ko ang kalabog na parang may binabayo at ang malalakas na ungol. Sinundan namin ang bakas ng nagkalat na damit sa sahig. Unti-unti naman itong pinulot ni Lois ng tahimik. Nakarating kami sa kwarto ni Lucas. Nakabukas ang kwarto niya at kitang-kita ko kung paano nakaibabaw sa kaniya ang babae habang siya naman ay umuungol. Tuwang-tuwa ang babae sa ginagawa niyang pag-iiwan ng marka sa leeg ni Lucas. Naramdaman ko na lang na tahimik na umaagos ang luha sa mata ko. Sumilip si Lois sa kwarto at nakita ang kahalayang ginagawa ng kakambal niya. Mukhang sarap na sarap sila dahil hindi manlang nila narinig ang pagtawag ni Lois at ang pagbukas ng pintuan. Nandilim ang paligid. Nakatakip ang malalaking kamay ni Lois sa mata ko. Sa laki ng kamay niya, sakop na ang buong katawan ko. Dinig na dinig ko rin kung paano niya sinarado ang pinto ng kwarto at ang pagpihit niya sa katawan ko. Tumingin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Hindi ko alam kung malungkot ba siya, nanghihinayang o gustong mag-sorry. “Wrong timing tayo, Lois,” natatawang sabi ko at nagmamadaling lumabas. Pagdating ko sa pinto ay lumingon ulit ako sa kaniya na ngayon ay nakayuko na. “Pasensya na pero hindi ko kayang makisama sa ganiyang klase ng lalaki.” Pagkatapos no’n ay umalis na ako, mabibilis ang hakbang. Bakit ba sa akin nangyayari ito? Kung kailan naman nakapagdesisyon na ako. Sumilip ang eksena kanina sa isipan ko. Umiling-iling ako. Niyakap ko ang sarili. Diring-diri ako sa sarili ko ngayon. Kung sino-sinong babae pala ang dinadala niya sa kama niya. Sana iniwan niya na lang ako sa bar. Sana hindi niya na lang tinanggal ang medyas ko at umalis na lang kaagad sa kwarto nang maihiga ako. Ilang babae na ba ang nadala niya roon at nakasagupa niya ng halik? Pang-ilan ako? Pinalis ko ang luhang dumausdos sa pisngi ko. Nakakadiri. Diring-diri ako sa sarili ko. Hinding-hindi na ako ulit maglalasing o iinom pa ng alak. Pulang-pula ang mukha ko ng makauwi ako sa bahay. Dumiretsyo agad ako sa kwarto, kahit hindi pa nakakapagpalit ay humilata na ako sa kama ko. Napahawak ako sa tiyan ko. “Maling kamuhian ka at lumaki na walang ama. Sorry anak kami pa ang naging magulang mo.” Umalpas muli ang balde-baldeng luha mula sa mata ko. Parang free flow sa tabi na walang tigil. Nakatagilid ako ng higa habang nakayapos ako sa tuhod ko habang umiiyak. Sa ganoong pwesto ako nakatulog. Paggising ko ay bumungad sa akin ang maamong mukha ni Hannah. Nagtitipa siya sa laptop niya habang nakaupo sa tabi ko. Nakapusod siya ng pa-messy bun at nakasuot ng salamin na halos mas makapal pa sa salamin namin sa cr. “Aga mong natulog. Pagdating ko himbing na himbing ka na,” aniya ng hindi tumitingin sa direksyon ko. Umupo ako sa tabi niya at yumakap sa kaniya. “Nagising ba kita?” malambing niyang tanong at tumingin sa akin. Umiling-iling ako. “Hannah! Gising na ba si buntis?” Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Solene. Baliw talaga. Nag-iba agad ang tawag sa akin porket buntis ako. “Oo,” sagot ko naman, bahagyang pasigaw. Sabay kaming napatingin ni Hannah sa pintuan ng bumukas ito at at agad na sinarado ni Solene. Dali-dali siyang dumiretsyo sa akin. Inilagay niya ang hintuturo sa labi niya na lalong nakapagpagulo ng lahat. “Huwag kang maingay. Magtulog-tulugan ka muna para hindi ka maabutan ni Teru na gising,” sabi niya at panay tingin pa sa bintana. “Ano naman ngayon kung makita siyang gising ni Teru?” tanong ni Hannah. “Gosh, Hannah! Parang hindi mo naman nakita si Teru kanina! Ngayong alam na no’n na buntis si Miya paniguradong lalo no’n i-push ang kasal nitong babaita!” Napatakip sa bibig si Solene at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. Pinahiga niya ako at pinatungan ng kumot. “Shocks! Nandiyan na yata siya. Naririnig ko ang paglangitngit ng kahoy, e,” natatarantang sabi niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. “Hannah, gising na ba si insan?” “Hindi pa rin, e.” “Gabi na hinahanap mo pa. Sa susunod mo na lang kausapin. Kaka-stress ka rin, e,” maarteng sambit ni Solene. Bumuntong hininga si Teru. Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Agad akong bumangon ngunit mali yata ang ginawa ko. Dahil ang akala kong nakaalis na ay nakatayo na sa harapan naming tatlo.Kasalukuyan kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Teru. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Kevin, ang anak ng may-ari ng isla na tinutuluyan namin sa loob ng tatlong taon. “Hello? Napatawag ka?” panimula ni Teru. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang cellphone. “Hello?”“Hey, Miya. Kumusta kayo diyan?”“Okay naman.”“Do you mind getting a plus one tomorrow to celebrate Mina's birthday?”[Kinabukasan]Tinataas baba ni Solene ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Dinig na dinig ko pa ang impit niyang tili habang kumakain ng chocolate cake. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng table. Nilapit ni Hannah sa akin ang sarili niya at bumulong. “Nanliligaw na ba sayo ’yan at napunta pa rito?”Nanlaki ang mata ko at matigas na umiling-iling. “Ano ba ’yang iniisip mo? Hindi, a!”Ikinibit niya ang labi sabay tango. “Okay. Magpapanggap na lang ako na hindi tunog in-denial ang boses mo.” Nagkibit balikat siya. “Sa bagay, mas gugustuhin ko namang siya na ang kasa
“Sol,” mangiyak-ngiyak ako. “Hindi ko alam kung nasaan ako. Si Mina hindi ko rin mahanap bigla siyang nawala sa hawak ko. Kanina lang nasa tabi ko siya pero ngayon—” Humikbi ako. First time lang nangyari sa amin ito at hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng hanapin. First time ko na lang din mapunta sa lugar na ito at wala akong kaalam-alam kung saan siya unang hahanapin. Sa mga coffee shop? Sa playground? Sa fast food? Sa mga nagbebenta ba ng mga street food? Sa mga bazaar? Saan? Ang daming shop. Ang daming kanto na puwedeng puntahan. Paano na lang kung na-kidnap pala siya? Paano kapag kinuha nila ang organs ng anak ko?! O kaya ay tinali nila ito at ginutom? Paano kung...tutukan nila ng baril at patayin?! Paano kung—Dinig na dinig ko ang pagmumura ni Teruya sa kabilang linya na nakaagaw ng pansin ko. “This is what I'm talking about! Ayan na nga at nangyari na!” sigaw ni Sol sa kabilang linya. “Anong gagawin ko? Tatawag na ba ako ng mga pulis para hanapin siya? Maghahanap na ba
“I really don't get it why you approved of it!” naiinis na sabi ni Sol habang hitak-hitak ang maleta niya. “Kailan ka ba titigil? Kanina ka pa talak nang talak,” naiinis na ring sagot ni Teruya habang kinakalikot ang tenga. Rinding-rindi na yata sa kakasalita ni Solene. Nanahimik ako. Ako naman may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. Pero ikinikibit-balikat ko na lang dahil masaya at ngitingiti si Mina. Naupo muna kami ni Mina sa couch sa loob ng lobby. Sina Solene at Teruya naman ang dumiretsyo sa front desk. Mula rito at kitang-kita ko pa rin ang busangit na mukha ni Solene at ang nakakunot na noo ni Teruya. Iyong kumakausap tuloy sa kanila mukhang natatakot dahil sa mga itsura nila. Ilang saglit pa ay lalong umasim ang mukha ni Solene nang may lumapit sa kanila na lalaki at kumausap kay Teruya. Nakasuot ito ng black suit at may hila-hila ring maleta. Sa likod niya ay may nakasunod pang dalawang lalaki na nakasuot din ng black suit. “Mommy kailan po magpapakasal sina Tito Ter
[ Three Years After]Miya's POV Pumapalakpak ako habang nakangiting nakatingin kay Mina. Magtatatlong taon na siya sa susunod na linggo, at ngayon pa lang siya nakalakad! Nauna kasi ang pagsasalita niya kaysa sa paglalakad. Sabi nila anak ko raw si Mina. Hindi rin naman ito maitatanggi dahil kuhang-kuha nito ang lahat ng facial features ko. Magmula sa mata, kilay, iling at labi. Pero ang kutis niya ay mala-gatas, iba sa amin ni Teruya na morenang-morena ang kutis.Kahit na ganoon, na wala man akong maaalala, at kahit na hindi ko man alam kung sino ang ama. Gusto ko pa ring mahalin si Mina at ibigay ang lahat sa kaniya. Sabi ng doctor kaya mabagal ang proseso ni Mina sa mga bagay-bagay, side effects daw ito dahil maaga ko siyang pinanganak. Magiging okay naman ang lahat, masanay lang daw dapat si Mina. Pero wala naman akong makitang mali sa bata. Normal ito sa paningin ko at hindi kailanman naging abnormal sa mata ng iba. Wala man akong matandaan pero napaka-espesyal ng bata sa akin
Solene's POV“Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby niya?”“Matagumpay po ang operasyon pero sa ngayon hindi ko po masasabi kung matagumpay nga. We still need a week for more observation kay patient.”“Nailigtas po ba silang pareho?”Ngumiti ang doctor at dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at napaatras ng kaunti. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nalaman. “Kailan po magigising si Miya?”“Maybe later or tomorrow. As of now, kailangan lang po natin maghintay. If you'll ask about the baby, okay ang bata pero kailangang ilagay siya sa incubator lalo na at anim na buwan at kalahati pa lamang po siya sa tiyan ng mommy niya,” sagot ng doctor. “After po mailagay sa sariling room ang patient at si baby sa NICU, we can proceed sa procedures and mga needs na kailangan pa nila. So, if you may excuse me.”Nagyakapan kami ni Hannah. Parehong ligtas si Miya at ang baby niya! Hindi namin napigilan at kusang naglabasan ang lahat ng luha namin. Masayang-masaya kami ni Hannah sa nal
Solene's POV Maraming pulis ang dumating. Nagkukumpulan sila. Dahil sa height ko ay mabilis akong napunta sa likuran sa halip na sa unahan. Itinulak ko silang lahat para makapasok ako. Agad kong dinaluhan ang walang malay na katawan ni Miya. Niyakap ko siya at tinalik-tapik. Nanginig ang kamay ko nang maramdaman ang basang katawan niya...Iniangat ko ang kamay at lalong nanginig nang makita ang kulay nito. Dugo, puro dugo!Nilingon ko sina Teruya.“Nasaan na ang paramedics?! Duguan ang kaibigan ko!”May sigawan. May ilang putok ng baril. Nagkakagulo na ang lahat ngunit ang paningin ko ay nakapako lamang kay Miya. Tinalik-tapik ko ang pisngi niya. “Miya? Miya! Miya!” Bumuhos ang mga luha ko habang pilit na ginigising ang katawan ni Miya. Hindi ka pupwedeng mawala, Miya. Hindi pwede. ---Sapo-sapo ko ang mukha ko sa kamay ko habang nakayuko at nakaupo sa harapan ng operating room. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi kanina. Ang alam ko lang, nasa panganib ang mag-ina. Naiiyak ako