Share

Chapter 3

Author: Nanami
last update Last Updated: 2025-08-17 16:55:34

Kinabukasan ng madaling araw, sumakay kami ng bus ni ate Darlene patungong Maynila para dalhin niya ako sa magiging trabaho ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko.

Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kakaisip kung ano ang mga posibleng mangyari lalo na't kapag nakasahod na ako. Ang saya siguro sa pakiramdam!

Kaya dapat, sipagan ko!

"Bale ako na pala ang magpo-process ng about sa magiging benefits mo. Yung magiging amo mo ro'n, siya ang mismong magi-interview sa 'yo at magpapasahod. May mga accounts ka na ba para sa benefits?" tanong ni ate Darlene.

"A-Ano ba 'yong mga 'yon?" nagtataka ko namang tanong. Hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi niya.

"Benefits para sa health mo, sa ipon and all. Mukhang hindi mo pa alam. H'wag kang mag-alala dahil tutulungan na lang kita na makagawa ng account. Ako na ang bahala. Basta ang gagawin mo lang, magtrabaho ka nang maayos," payo pa sa 'kin ni ate Darlene. Tumango ako at ngumiti sa kaniya bilang sagot.

HINDI ko akalain na nakatulog pala ako sa byahe. Nagising ako pero nasa kalagitnaan pa rin kami ng daan.

"Malapit-lapit na tayo, Mercedes. Ito nga pala. Binilhan na rin kita ng pagkain. Baka nagugutom ka?"

Kinuha ko ang binili niyang dalawang nilagang itlog at tinapay na may palamang hotdog. May kasama rin itong tubig.

"Salamat, ate Darlene," saad ko bago kumain. Bigla na lang may pumasok sa isipan ko kaya napatanong ako sa kaniya. "Kilala mo ba kung sino yung magiging amo ko?"

"Basta si Sir Tarvande ang magiging amo mo. To tell you honestly, hindi ko talaga siya kilala. Yung anak niya kasi ang nagpapa-assign ng tagapagbantay para sa tatay niya," paliwanag ni ate Darlene. Sandali na lang akong napatango sa kaniya.

Halos isang oras at mahigit pa ang nagdaan hanggang sa makarating na kami sa terminal ng bus. Nakita ko na ang pangalan ng lugar na 'to ay Pasay.

Isa-isa na kaming bumaba nang pumarada na ang bus. Sumakay na rin kami ng sasakyan na ang pangalan ay taxi dahil ang sabi ni ate Darlene, mas mabilis kaming makakarating sa bahay ng magiging amo ko.

Matapos lamang ng mahigit bente minuto, nakarating na kami papasok sa bawat malalaking bahay at natapat sa isang malaking gate.

"Ito po ang bayad. Tara na, Mercedes," saad ni ate Darlene. Sa pagbaba namin, bumungad sa harapan ko ang isang napakalaki at napakagandang gate.

"Sino sila?" tanong sa 'min ng gwardya.

"Ako si Darlene. Ako yung pinapapunta ni Sir Red dito. Nand'yan po ba si Sir Tarvande?" tanong naman ni ate Darlene.

"Ahh... kayo po si ma'am Darlene Hernandez?" paninigurado ng gwardya.

"Opo. Ito po ang ID ko," saad naman ni ate Darlene. Nang makasiguro na ang gwardya ay pinagbuksan niya kami ng gate. Pumasok na kami ni ate Darlene patungo sa malaking pinto ng mala-palasyong bahay.

"Ang ganda naman dito! Ang laki-laki ng bahay! Napakayaman naman ng magiging amo ko!" pagmamangha kong sabi kay ate Darlene habang nagniningning ang mga mata kong tinignan ang buong paligid.

"Oo, mayaman talaga ang may-ari nito. Tara na sa loob."

Sa pagpasok namin, nagsabi si ate Darlene sa isang kasambahay na nandito na kami. Pinaghintay kami saglit at 'di kalaunan, may dumating na isang matandang lalaki na hindi ko alam kung anong edad. Maputi na ang buhok niya at balbas sarado rin siya. May guhit-guhit na rin ang mukha niya, pero ang katawan, malaki na para bang sanay magbuhat ng mabibigat na bagay. Nakapormal ito na suot at may salamin din ito sa mga mata.

Sa tindig at pagtingin pa lang niya sa 'min, para niya kaming pinagbabantaan.

Ito ba ang babantayan ko? Mukhang malakas naman.

"Hello po, sir. Kami po pala ang—"

"Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na hindi ko kailangan ng alalay? Bakit ba ang kulit ninyo?!" tanong kaagad ng matandang lalaki sa medyo kataasang boses. Mukhang hindi niya gusto ang pagdating namin.

"Si Sir Red po ang nagpasabi sa 'min kaya nagpa-hire po kami ng magiging alalay po ninyo. Ito po si Mercedes Abeleda. Siya po ang magbabantay sa inyo," pagpapakilala sa 'kin ni ate Darlene. Ngumiti ako sa magiging amo ko at marahang tumango paibaba.

"Siya? Tsk! Mukhang bata pa. Ilang taon ka na? 17?" tanong nito sa 'kin.

"22 na po ako," pagtatama ko.

"Kahit na. Tsk! Bakit kasi kailangan pa ng mag-aalalay? Ano ba ang akala sa 'kin ni Red? Mahina? Hindi kaya ang sarili?" naiinis pang tanong ng matandang lalaki.

"Mas mainam po siguro sir na tawagan po ninyo si sir Red para—"

"Hindi na kailangan. H'wag mo 'kong pangunahan," pagtutol ng matandang lalaki sa sinasabi ni Darlene.

Napakasungit naman pala ng taong babantayan ko.

"Ayoko ng makipagbangayan pa sa anak ko. O sige, tatanggapin ko ang babaeng 'to bilang mag-aalalay sa 'kin, pero hindi sa lahat ng panahon. Ayokong parang may asong palaging nakabuntot sa 'kin," saad pa ng matandang lalaki.

Napangiti ako nang malapad dahil sa sinabi ng matandang lalaki. Bagaman halatang napilitan siya, masaya naman ako dahil may trabaho na ako!

"I-Ibig niyo pong sabihin, tanggap na po ako?" masaya kong tanong sa magiging amo ko.

"Bingi ka ba, hija? Hindi ba't kasasabi ko lang?" tanong naman ng matanda.

"P-Pasensya na po, sir. Maraming-maraming salamat po sa pagtanggap sa 'kin! Salamat po talaga, sir! Gagawin ko po lahat ng makakaya ko para mapagsilbihan ko po kayo nang maayos!" pangangako ko sa kaniya.

"Dapat lang. Magpaturo ka kay manang para may magawa ka kaagad," pag-uutos sa 'kin ng amo ko kaya agad akong kumilos.

Bago pa man ako makalayo, narinig ko pa ang sinabi niya.

"Ikaw naman, sabihin mo sa anak ko na hindi palaging siya ang masusunod. Makakaalis ka na."

Sa laki ng bahay, hinanap ko pa kung nasaan ang kusina ng malaking bahay ni sir ngunit may isang matandang babaeng kasambahay naman ang sumulpot sa unahan ko.

"Sino ka, ineng? Saan ang punta mo?" tanong nito.

"Ako po si Mercedes Abeleda. Ako po 'yong bagong kasambahay at magbabantay po kay sir..." napaisip pa ako dahil nakalimutan ko ang pangalan ng amo ko.

"Sir Fiandro?" tanong niya. "Bakit ang bilis mo naman yatang natanggap?"

"H-Hindi ko po alam e, pero pinahahanap niya po sa 'kin si manang para maturuan ako. Sino po ba 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Ako ang hinahanap mo," saad ng matanda. Doon ay marahan akong napatango dahil siya pala ang tinutukoy ni sir Fiandro. "Ako si Lucelle o mas kilala sa tawag na Manang Lucelle. Ako ang mayordoma sa mansion na ito. Sumunod ka sa 'kin."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving The Tarvande   Chapter 25

    "Kumusta po?" tanong ko kay Manang Lucelle. Ngumiti siya sa 'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa.Mabuti naman. Nagsisimula pa lang kami."Mercedes, kinakabahan ako. Baka mamaya nito, kahit na gawin ko ang plano natin, hindi naman niya ako mamahalin sa huli," pag-aalalang sabi ni Manang Lucelle nang lapitan niya ako."Manang Lucelle, h'wag po kayong mag-alala. Nasa likod niyo lang po ako. Basta po, gagawin natin yung pinag-usapan nating plano," bulong ko naman kay Manang Lucelle para lumakas ang loob niya. Ngumiti naman siya sa 'kin.Naging abala kami ni Manang Lucelle sa kani-kaniya naming trabaho. Tinanggap naman siya ni sir Fiandro para bumalik dahil nakiusap ako. Alam ko naman kasing mabuting tao si Manang Lucelle.Kaya lang, sa pagbabalik niya, hindi na siya ang mayordoma. Naging isa siya sa mga kasambahay. Siya ang nakatoka sa paglilinis ng pool, tumutulong sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa pagbabalik niya, pansin ko ang maraming inis na inis—isa na ro'n si Anj

  • Loving The Tarvande   Chapter 24

    Tinitigan ko ang litrato ni sir Fiandro. Ito pala siya noong kabataan niya. Mga nasa 20 mahigit siguro ang edad niya rito?"Binigay niya 'yan sa 'kin kasama ng maikling sulat," sabi pa ni Manang Lucelle. Dahil doon ay binasa ko ang nakasulat sa likod ng litrato.'Mahal na mahal kita, Lucelle. Itago mo 'to bilang tanda ng pagmamahal ko. Magsasama pa tayo sa habang buhay, tandaan mo.'Nakakalungkot lang isipin na ang pangakong nakasulat dito ay hindi tinupad ni sir Fiandro."Alam niyo, Manang Lucelle, may nakita nga rin po ako noong naglinis ako sa opisina ni sir Fiandro e. Nakaipit po sa libro. Kasama nga po ito noong itatapon ko na ang mga litrato sa basurahan," sabi ko at saka kinuha ang litrato ng magandang babaeng tinago ko. "Ito po."Nangilid sa mga mata ni Manang Lucelle ang namuong luha nang tignan ang ipinakita kong larawan."A-Ako ito," sambit niya.Ha?! Siya 'to?!Hindi ko akalain na ito si Manang Lucelle noong kabataan niya. Napakaganda! Hindi ko maitatangging habulin at lig

  • Loving The Tarvande   Chapter 23

    Kinabukasan ng umaga, inasikaso ko na ang kakainin na almusal ni sir Fiandro. Hinain ko na sa mesa ang mga pagkain kaya't sakto ang pagdating niya."Good morning—este—magandang umaga, Mercedes," pagbati kaagad ni sir Fiandro. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako dahil sa pagbago ng pakikitungo niya."M-Magandang umaga po," pagbati ko naman pabalik. Ngumiti siya sa 'kin bago siya naupo para kumain."Pabalik na rito si Lucelle. Pwede mo siyang kausapin. Ako naman, pupunta na muna ng opisina saglit," sabi nito."Sir, 'di po ba dapat niyo akong isama kasi ako po ang alalay ninyo?" tanong ko."H'wag kang mag-alala, sasaglit lang ako. Kausapin mo muna si Lucelle at pakiayos ng mga damit ko sa closet. Ikaw na ang bahala," sabi pa ni sir."Opo," sagot ko na lamang. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni sir Fiandro habang abala siya sa pagkain.Ang gaan sa loob kapag ganito siya kakalmado. Sana, ganito na siya araw-araw.Matapos lamang ng pagkain ni sir ay kumilos akong

  • Loving The Tarvande   Chapter 22

    "Hindi naman po kayo nag-iisa, sir. Kahit sino, pwede niyong makasama, basta't maging mabuti lang kayo sa mga nakapaligid sa inyo," sambit ko rito. "Hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin nang maayos ang buhay ko, Mercedes. Kunsabagay, hindi ko na kailangan pang umasa dahil matanda na ako. Nalalapit na rin naman ang kamatayan ko kaya—" "H'wag nga po kayong magsalita ng gan'yan," agad kong sabi sa kaniya. Tinignan naman ako ni sir Fiandro at nakita ang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon ay napapangiti na siya kahit kapiranggot. "Sir, hindi naman po natin alam kung kailan tayo mamamatay e. Ang importante, hangga't may buhay po tayo, matuto tayong maging mabuti sa kapwa, libangin yung sarili natin sa mga magagandang bagay na gustong gawin, at yung mahanap yung pagpapatawad sa puso. 'Di ba nga po, ang kadalasang sinasabi, hangga't may buhay, may pag-asa? Gano'n lang naman po kasimple e," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit na Grade 6 lang ang tinapos mo, matino at maayos kang kausap. Ew

  • Loving The Tarvande   Chapter 21

    Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni sir Fiandro. Totoo ba ang narinig ko? Kailangan niya ako?"Para saan, sir? Hindi niyo naman po kailangan ng alalay e," seryoso kong sabi at akmang maglalakad na ngunit pinigilan na naman niya ako."Mercedes, tinanggal ko si Lucelle dahil sa ginawa niya. Siya ang totoong may gawa kaya nagalit ako sa 'yo nang matindi. Hindi man lang kita hinayaang makapagsalita. Mercedes, bumalik ka na sa trabaho," sabi pa ni sir Fiandro."Bakit po ba kasi sinundan niyo pa ako para dito? Marami pa naman po kayong pwedeng kuhanin na mag-aalalay sa inyo, ah?""Sinundan kita dahil inuusig ako ng konsensya ko, hija. Handa ko pang taasan ang suweldo mo, kung gusto mo? Kung maghahanap pa ako ng ibang mag-aalalay sa 'kin, baka hindi sila na kagaya mo na—""Kagaya ko na alin po, sir?" tanong ko. Sandali pa siyang napahinto sa pag-iisip."N-Na may busilak na puso," sagot nito.Hindi naman ako umimik ngunit nananatili pa rin akong nakatingin nang seryoso sa kaniya."

  • Loving The Tarvande   Chapter 20

    Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status