Sa panibagong araw, panibagong paninda na naman ako. 'Di tulad kahapon, mukhang kaunti lang ang ipabebentang karne sa 'kin ni Ante Asyang.
"Ito lang po?" tanong ko. "Oo, Mercedes. Paubusin mo lang 'yan at makakauwi ka na. Baka apat na daan lang ang maibibigay ko, ha? Medyo tumumal e," paliwanag ni Ante Asyang. "Wala pong problema sa 'kin," tugon ko. Hindi na niya ako sinagot pa dahil mas inuna niyang sagutin ang tumutunog niyang phone. "Hello? Paparating ka na?... O, sige. Hintayin kita mamaya." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis para makabenta kaagad ng karne. Nagtungo ako sa kabilang barangay para doon maglibot matapos kong sumakay ng trycicle sa bayan. Sampung piso ang pamasahe papunta. Hindi ko pa nakakalahating libutin ang barangay na pinuntahan ko pero agad ko rin'g napaubos ang paninda ko. Kaunti lang din naman kasi. Limang kilo lang ng baboy ang ipinabenta sa 'kin ni Ante Asyang. Alas siete y media, nakabalik na ako sa palengke. Binigay ko kay Ante Asyang ang pinagbentahan ko at binigyan niya ako ng apat na daang piso. "Maraming salamat po," saad ko. Tumalikod ako at akmang maglalakad pero agad naman niya akong tinawag. "Mercedes, sandali." Nilingunan ko si Ante Asyang. Nakita kong sumenyas siya sa ibang direksyon. 'Di kalaunan ay lumitaw ang isang dalagang babae. "Ano po 'yon, Ante Asyang?" tanong ko sa kaniya. "Gusto kang makausap ng anak ko saglit. Halika," sabi naman ni Ante Asyang. Lumapit naman ako sa anak niya na nakangiti sa 'kin. "Magandang umaga po. Bakit po?" tanong ko sa anak ni Ante Asyang. "Hi, ako si Darlene. Nagtatrabaho ako sa isang agency. Naghahanap kasi ako ng tagapagbantay sa senior citizen na lalaki. Nasa ibang bansa ang anak ng matanda kaya nagpapakuha 'yon ng mag-aalaga sa tatay niya. Gusto mo ba? Sa Maynila 'yon," paliwanag ni Darlene. "Po? Magtrabaho sa Maynila?" paninigurado ko. "Oo. Magbabantay ka lang ng senior citizen. Fifty thousand pesos ang sahod buwan-buwan. Libre na rin ang tirahan at pagkain," paliwanag pa ni ate Darlene. Nagpantig ang mga tainga ko sa pagkakarinig ko sa fifty thousand pesos. "A-Ang laki naman po!" namamangha kong sabi. "Oo. Gusto mo ba? Kasi kung papayag ka, aalis din tayo bukas ng umaga para ihatid ka sa bahay ng magiging amo mo." Sa kabila ng pagkabigla at tuwa, bumungad din sa pakiramdam ko ang pag-aalangan. "E... ipapaalam ko pa po muna kina Nanay at Tatay. Ante Asyang, paano po kung—" "Mercedes, kung nag-aalala ka kung sino na ang makakasama ko sa pagbebenta, h'wag kang mag-alala dahil marami naman d'yan. Ang gusto ko, matupad mo ang mga gusto mong mangyari. 'Di ba, nangangarap kang kumita nang malaki? Ito na 'yon," paliwanag ni Ante Asyang. "Pero ipaaalam ko pa po muna kina Nanay at Tatay," sabi ko kay Darlene. "Walang problema. Kapag desidido ka na, pumunta ka lang sa bahay ni mama. Magdala ka na ng mga gamit mo para doon ka na makitulog at diretso alis tayo bukas," sabi pa ni Darlene. "Salamat po nang marami. Mauuna na po ako," paalam ko bago tumalikod at tuluyang umalis. NAKATITIG si Tatay sa isang direksyon habang nag-aalangan sa kaniyang pag-iisip. Si Nanay naman, halata sa hitsura niya ang pag-aalala. Sinabi ko sa kanila ang trabahong naghihintay sa 'kin sa Maynila. "Malaki po ang kikitain ko roon buwan-buwan. Ang sabi po ni ate Darlene, fifty thousand pesos po. Libre na po ang pagkain—" "Hindi naman 'yan ang iniisip namin, anak e. Alam naman natin kung gaano kadelikado ang buhay sa Maynila. Maganda nga ang kita pero marami namang kapahamakan ang maaaring mangyari sa 'yo roon, Mercedes," paliwanag ni Nanay. "Nanay, mag-iingat naman po ako e. Tsaka isa pa po, hindi naman po ako pala-labas ng bahay, 'di ba? Trabaho lang po ang gagawin ko roon," paliwanag ko naman. "Mercedes, anak, bente dos anyos ka pa lang. Alam ko naman kung gaano mo gustong makatulong sa 'min pero hindi namin hahayaan na malagay ka sa kapahamakan," sabi naman ni Tatay. "Nanay. Tatay, alam ko naman po kung gaano niyo ako pinoprotektahan e, pero isipin niyo na lang po ang kinabukasan natin kapag lumuwas po ako ng Maynila. Makakatulong po 'yon sa 'tin para magpatuloy pa ng pag-aaral sina Mae, Myrna at Min-Min, mababayaran na natin ang natitira nating utang, magpapagawa tayo ng bahay at magtatayo tayo ng pagkakakitaan. Hindi na po kayo mapapagod kalalaba at kaaararo," paliwanag ko. Hinawakan ko ang mga kamay nina Nanay at Tatay. Tinignan nila ako na may pag-aalala. "Nanay. Tatay, payagan niyo na po ako. Pangako po na hindi po ako magkukulang sa pagtawag at pag-text sa inyo kapag nandoon na po ako," saad ko pa. Nagtinginan sina Nanay at Tatay. Nagbuga sila ng malalim na paghinga. Tila ba ay nahabag sila sa pakikiusap ko. "Papayagan ka namin, anak. Ipangako mo lang sa 'min na hinding hindi ka magbabago. Babaunin mo lahat ng pangaral namin sa 'yo ng Nanay mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong pa ni Tatay. Binigyan ko sila ng malapad na ngiti at tinanguan. Tumayo ako upang yakapin sila nang mahigpit. "Maraming salamat po, Nanay at Tatay!" sabi ko sa kanila. Matapos nito, nagsimula na akong mag-impake ng damit at ng mga iilang gamit na pwede kong dalhin sa Maynila. Sa pagdating ng hapon, dumating na ang mga kapatid ko. Nagtaka sila kung bakit ako nag-iimpake. "Saan ka po pupunta, ate Mercedes?" tanong ni Min-Min sa 'kin. "Mae, Myrna, Min-Min, luluwas si ate sa Maynila," pagbibigay alam ko sa kanila. Bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla. "T-Totoo?" "Iiwan mo na kami?" Napangiti ako sa mga kapatid ko at niyakap ko sila. "Babalik naman ako pero magtatrabaho muna ako roon para may maipangdagdag sa gastusin natin sa araw-araw. Magpapakabait kayo kina Nanay at Tatay, ha? Pagbutihin niyo rin ang pag-aaral ninyo," payo ko sa mga ito. Mas lalo akong niyakap ng mga kapatid ko sa lungkot. Ito ang kauna-unahang beses na mapapalayo ako sa pamilya ko. "Mag-iingat ka po ro'n, ate, ha? Mami-miss ka po namin," sambit ni Min-Min. Ngumiti ako't tumango bilang sagot. "Sige na, mauuna na ako. Doon na ako makikitulog kina Ante Asyang para diretso na kami alis bukas ni Darlene. Nanay, Tatay, Mae, Myrna at Min-Min, mag-iingat kayong lahat," sambit ko sa kanila at nagyakapan kaming buong pamilya."Kumusta po?" tanong ko kay Manang Lucelle. Ngumiti siya sa 'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa.Mabuti naman. Nagsisimula pa lang kami."Mercedes, kinakabahan ako. Baka mamaya nito, kahit na gawin ko ang plano natin, hindi naman niya ako mamahalin sa huli," pag-aalalang sabi ni Manang Lucelle nang lapitan niya ako."Manang Lucelle, h'wag po kayong mag-alala. Nasa likod niyo lang po ako. Basta po, gagawin natin yung pinag-usapan nating plano," bulong ko naman kay Manang Lucelle para lumakas ang loob niya. Ngumiti naman siya sa 'kin.Naging abala kami ni Manang Lucelle sa kani-kaniya naming trabaho. Tinanggap naman siya ni sir Fiandro para bumalik dahil nakiusap ako. Alam ko naman kasing mabuting tao si Manang Lucelle.Kaya lang, sa pagbabalik niya, hindi na siya ang mayordoma. Naging isa siya sa mga kasambahay. Siya ang nakatoka sa paglilinis ng pool, tumutulong sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa pagbabalik niya, pansin ko ang maraming inis na inis—isa na ro'n si Anj
Tinitigan ko ang litrato ni sir Fiandro. Ito pala siya noong kabataan niya. Mga nasa 20 mahigit siguro ang edad niya rito?"Binigay niya 'yan sa 'kin kasama ng maikling sulat," sabi pa ni Manang Lucelle. Dahil doon ay binasa ko ang nakasulat sa likod ng litrato.'Mahal na mahal kita, Lucelle. Itago mo 'to bilang tanda ng pagmamahal ko. Magsasama pa tayo sa habang buhay, tandaan mo.'Nakakalungkot lang isipin na ang pangakong nakasulat dito ay hindi tinupad ni sir Fiandro."Alam niyo, Manang Lucelle, may nakita nga rin po ako noong naglinis ako sa opisina ni sir Fiandro e. Nakaipit po sa libro. Kasama nga po ito noong itatapon ko na ang mga litrato sa basurahan," sabi ko at saka kinuha ang litrato ng magandang babaeng tinago ko. "Ito po."Nangilid sa mga mata ni Manang Lucelle ang namuong luha nang tignan ang ipinakita kong larawan."A-Ako ito," sambit niya.Ha?! Siya 'to?!Hindi ko akalain na ito si Manang Lucelle noong kabataan niya. Napakaganda! Hindi ko maitatangging habulin at lig
Kinabukasan ng umaga, inasikaso ko na ang kakainin na almusal ni sir Fiandro. Hinain ko na sa mesa ang mga pagkain kaya't sakto ang pagdating niya."Good morning—este—magandang umaga, Mercedes," pagbati kaagad ni sir Fiandro. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako dahil sa pagbago ng pakikitungo niya."M-Magandang umaga po," pagbati ko naman pabalik. Ngumiti siya sa 'kin bago siya naupo para kumain."Pabalik na rito si Lucelle. Pwede mo siyang kausapin. Ako naman, pupunta na muna ng opisina saglit," sabi nito."Sir, 'di po ba dapat niyo akong isama kasi ako po ang alalay ninyo?" tanong ko."H'wag kang mag-alala, sasaglit lang ako. Kausapin mo muna si Lucelle at pakiayos ng mga damit ko sa closet. Ikaw na ang bahala," sabi pa ni sir."Opo," sagot ko na lamang. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni sir Fiandro habang abala siya sa pagkain.Ang gaan sa loob kapag ganito siya kakalmado. Sana, ganito na siya araw-araw.Matapos lamang ng pagkain ni sir ay kumilos akong
"Hindi naman po kayo nag-iisa, sir. Kahit sino, pwede niyong makasama, basta't maging mabuti lang kayo sa mga nakapaligid sa inyo," sambit ko rito. "Hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin nang maayos ang buhay ko, Mercedes. Kunsabagay, hindi ko na kailangan pang umasa dahil matanda na ako. Nalalapit na rin naman ang kamatayan ko kaya—" "H'wag nga po kayong magsalita ng gan'yan," agad kong sabi sa kaniya. Tinignan naman ako ni sir Fiandro at nakita ang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon ay napapangiti na siya kahit kapiranggot. "Sir, hindi naman po natin alam kung kailan tayo mamamatay e. Ang importante, hangga't may buhay po tayo, matuto tayong maging mabuti sa kapwa, libangin yung sarili natin sa mga magagandang bagay na gustong gawin, at yung mahanap yung pagpapatawad sa puso. 'Di ba nga po, ang kadalasang sinasabi, hangga't may buhay, may pag-asa? Gano'n lang naman po kasimple e," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit na Grade 6 lang ang tinapos mo, matino at maayos kang kausap. Ew
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni sir Fiandro. Totoo ba ang narinig ko? Kailangan niya ako?"Para saan, sir? Hindi niyo naman po kailangan ng alalay e," seryoso kong sabi at akmang maglalakad na ngunit pinigilan na naman niya ako."Mercedes, tinanggal ko si Lucelle dahil sa ginawa niya. Siya ang totoong may gawa kaya nagalit ako sa 'yo nang matindi. Hindi man lang kita hinayaang makapagsalita. Mercedes, bumalik ka na sa trabaho," sabi pa ni sir Fiandro."Bakit po ba kasi sinundan niyo pa ako para dito? Marami pa naman po kayong pwedeng kuhanin na mag-aalalay sa inyo, ah?""Sinundan kita dahil inuusig ako ng konsensya ko, hija. Handa ko pang taasan ang suweldo mo, kung gusto mo? Kung maghahanap pa ako ng ibang mag-aalalay sa 'kin, baka hindi sila na kagaya mo na—""Kagaya ko na alin po, sir?" tanong ko. Sandali pa siyang napahinto sa pag-iisip."N-Na may busilak na puso," sagot nito.Hindi naman ako umimik ngunit nananatili pa rin akong nakatingin nang seryoso sa kaniya."
Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa