Share

CHAPTER 19

Author: Anna Marie
last update Last Updated: 2025-11-05 19:33:40

"PLEASE, sweetie, it's bedtime. You need to change your clothes." matamis niyang nginitian ang anak. "And your toys are waiting for you upstairs."

tiningnan niya sa mata ang anak at pilit kinukuha ang atensyon nito. "Come on, sweetie," inilahad ni Ceryna ang dalawang kamay sa anak.

Nagpalipat lipat ng tingin ang mata ni Kael sa mommy niya at sa mukha ni Adrian na para bang nalilito sa kanilang dalawa.

Pigil ang hininga ni Ceryna habang nginingitian ang anak.

Ngunit mas pinili nito sa A
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 71

    MALAYO PA LAMANG si Adrian ay tanaw na niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ceryna habang kausap si Claire. Nakikita na niya mula sa malayo kung ano ang sinasabi ni Claire kay Ceryna. At tila hindi komportable si Ceryna sa mga oras na iyon. "Adrian, you're here," tinig ni Ricardo iyon. Halos sabay pang napalingon si Claire at Ceryna sa kanya. Ang mga nandoon sa table ay halos sa kanya napatingin. Nakita niyang tumayo si Gilbert habang si Anthony ay tila nag-iba ang mood. Tumayo si Claire at humalik kay Adrian. Nahagip ni Adrian na umiwas ng tingin sa kanya si Ceryna at humarap kay Anthony na kunwari ay abala sa pakikipag-usap. "What are you wearing?" tila dismayadong tanong ni Claire sa binata. "I'm not comfortable with suits but at least I bring my coat," nakangiting tugon ni Adrian at bahagyang pinagpag ang kwelyo ng coat na suot. Napapailing na lamang si Claire at binalingan si Ricardo. Nagkibit balikat lamang ito. Lumapit si Gilbert sa kanila at bah

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 70

    MULA SA SECOND floor ng hotel ay tanaw ni Adrian ang mga taong nagsidalo sa anibersaryo ng kumpanya nila. Nakatindig siya doon na parang hari at ang mga nasa ibaba ay ang tagasunod niya. Hindi siya sumunod sa dress code ng pagtitipon bagkus ay isang black skinny jeans at plain white t-shirt lamang ang suot niya. Nakasuot lang din siya ng branded sneaker at itim na coat na nakahampay sa isang balikat niya. Wala siyang hilig sa ganoong pagtitipon at nararamdaman niyang magiging kabagut bagot lamang ang gabi niya. It was Claire who pursued him to attend the celebration, at nagbanta na ito sa kanya na magagalit kung hindi siya pupunta. At iyon ang ayaw niyang mangyari, kahit alam niyang hindi din siya nito matitiis. Kitang kita ni Adrian ang bawat galaw ng mga tao sa ibaba at hindi na nakakapagtaka kung bakit may mga panauhin si Gilbert na makapangyarihan na tao sa bansa. Iyon talaga ang nais nito upang makatulong sa negosyo nito. Tumingin siya sa suot niyang relo at marahan nang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 69

    NALULULA SI CERYNA sa venue na pinagdausan ng naturang selebrasyon. Tila hindi pangkaraniwang selebrasyon lamang ang magaganap ngayon gabi. May mga live bands at djs pa at ang ayos ng nasabing venue ay talagang pinaghandaan. Maging ang mga panauhing pandangal ay talagang hindi basta basta. Bawat iharap sa kanila ng byenan niya ay mga pawang kilala bilang mga bigating negosyante at makapangyarihang tao, at may mga politiko din na may mataas na posisyon sa bansa. Hindi ito katulad noong nakaraang taon na dinaluhan niya na pawang mga empleyado lamang ng kumpanya at mga shareholders ang nandoon. Kaya marahil ganoong damit ang pinadala sa kanya ng kumpanya upang maging angkop sa mga bisitang naroon. Pakiramdam niya ay hindi lang simpleng anibersaryo ang mayroon ngayong gabi. Habang pinapakilala siya bilang asawa ni Anthony sa mga taong naroon na noon lang din niya nakita at nakaharap ay hindi niya maiwasang mainlang lalo na sa tuwing titigan siya ni Anthony at bahagyang kakabigin sa bayw

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 68

    TININGNAN NI CERYNA ang sariling repleksyon mula sa lifesize mirror. Suot niya ang gown na binigay mismo ng kompanya ng byenan niya. Ito ang ikalawang taon na dinaluhan niya ang anibersaryo ng kompanya pero nagtataka siya dahil noong isang araw ay may dumating na malaking box na naglalaman ng formal gown at naka-address sa pangalan niya. Akala niya ay galing iyon kay Anthony ngunit nakita niya sa bandang sulok ng kahon ay ang logo ng kompanya ng biyenan niya. Hindi na niya nagawang magtanong sa byenan niya tungkol sa gown dala ng hiya. Ang gown na suot niya ngayon ay isang emerald green na may napaka-elegante at mukhang mamahalin na nagpatingkad pa lalo ng kaputian niya. Maaaring exclusive ang katulad ng gown niyang suot para sa mga kaanak ng may mataas na posisyon ng kompanya. Ang bodice ay fitted at hugis-korset ang tabas kaya mas naiaangat ang hugis ng katawan niya. Mayroon itong sheer o bahagyang see-through na base na tinapalan ng masinsing lace appliqué at beadwork. Ang bur

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 67

    "BAKIT UMALIS KA sa mansion?" tanong ni Ricardo nang nasa loob na sila ng opisina nito. Simula ng paghaharap nilang tatlo ay ngayon na lamang ulit sila nagkita. "May inayos lang ako, 'Pa. Hindi naman totoo ang death threats, hindi na kailangan ni Daddy ng bodyguard," tugon niya. Relax na relax si Adrian habang nakaupo sa sofa. "Nagreport sa akin si Brix at Jordan, nagpapaabiso sila na isang linggo na lamang iyong walong kasamahan nila," tinukod ni Ricardo ang kamay sa lamesa. Tumango si Adrian. "Inutos ko iyon. Si Brix at Jordan lamang ang matitira. Kailangan mo na ulit mag-assign ng security officer sa subdivision," relax na sumandal si Adrian. Tiningnan siya ni Ricardo na tila binabasa kung ano ang nasa isip niya. "Are you planning of something without my knowledge?" hindi na nakatiis nitong tanong. Napamaang si Adrian. "What are you talking, 'Pa?" "Adrian, papaalalahanan lang kita, huwag na huwag kang gagawa ng aksyon na labag sa batas," seryosong nakatitig si Ri

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 66

    PAGBABA PA LAMANG ni Adrian mula sa sasakyan ay naghihintay na si Claire sa kanya. Pagpasok pa lamang niya ng gate ay namataan na siya nito. Nakagloves pa ito at mukhang abala sa pagtatanim. Inaasahan niyang nasa loob ng bahay ito at nagsisiesta sa ganitong oras. "Hi, 'Ma. I missed you," sabi ni Adrian nang makalapit na kay Claire. Mula sa likod niya ay nilabas niya ang bulaklak na pasalubong dito. Inakbayan si Claire at hinalikan sa noo. Nagtatampo ang mga matang tumingin si Claire sa alaga at kinuha ang bulaklak. "Where have you been?" nilangkapan ni Claire ang tono ng boses ng kasungitan. Ngumiti si Adrian sa inasal ni Claire. "May inayos lang ako, 'Ma. Isusurprise sana kita kaya lang nakita mo kaagad ako," napapakamot sa ulong sabi ni Adrian. Inirapan ni Claire ang alaga. "You have a lot of things to explain, Adrian," wika nito. "I know, 'Ma," pabuntong hiningang tugon ng binata. "Let's go inside," aya ni Adrian at giniya si Claire papasok sa loob ng bahay habang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status