Pagpasok pa lang ni Jasmine sa silid, biglang sumara ang pinto at itinulak siya ni Yohan. Nakasandal siya ngayon sa matigas na pinto, nakatingin kay Yohan na parang natatakot.“Yohan, ano—”Mabilis at mabigat ang paghinga ni Yohan na dumadampi sa pisngi at tainga niya. Ramdam ni Jasmine na wala na siyang kawala, kailangan na niyang magsabi ng totoo. Ang nakita kasi ni Yohan kanina ay nakapagbigay ng maling akala, at ngayon ay kailangan niyang linawin iyon.Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata. “Ako si… Jasmine Deniz.”Tahimik na nakinig si Yohan, saka marahang itinabi ang ilang hibla ng buhok ni Jasmine mula sa kanyang tainga. Magaan ang kilos pero matalim pa rin ang titig niya.Parang pamilyar kay Jasmine ang sitwasyong iyon. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, pinapaalalahanan ang sarili na si Yohan ito, hindi si Ralph. Siya ang taong minsan nang nagligtas sa kanya.“…Bumalik na ang alaala ko,” mahinahon niyang dagdag.Sandaling natahimik si Yohan habang hinahaplos a
“Mukhang dito siya dumaan.”Mabilis ang hakbang ni Ralph habang sinusundan ang direksyong tinahak ni Jasmine. Hindi nagtagal, muli niyang nasilayan ang babae. May mapanuksong ngiti sa kanyang labi. Habang pinagmamasdan ito, lalong nadagdagan ang kanyang pagnanasa.Maganda nga naman. Pero kung masyado niya itong tatakutin, baka tumakbo lang palayo.Naglakad si Jasmine papunta sa hardin sa gilid ng malaking bahay, nakayuko nang bahagya na para bang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Sadyang nilakasan ni Ralph ang kanyang mga yapak. Napatingin si Jasmine, bahagyang nagulat, pero agad ding ngumiti nang mahinahon at magalang na tumango.“Maaga ka yatang lumabas,” ani Ralph.“Oh… Mr. Advincula, maaga ka ring nagising,” tugon ni Jasmine.“Aba, kilala mo rin pala ako.”Ngumiti si Jasmine na parang walang alam. “Ipinakilala ka kagabi. Nasa tabi rin ako noon.”“’Yon lang? Wala na talagang iba? Ibig mong sabihin, hindi mo talaga ako kilala?”Dahan-dahang ibinaba ni Jasmine ang kanyang mga mata, sak
Sinundan ni Ralph ang tingin ni Christine habang minamasdan itong umiinom ng kape.“Oh…” bulong niya.Nakita niya si Jasmine, na maagang lumabas para maglakad-lakad, ay pababa na ng hagdan.“Mas mabuti na sigurong kay Yohan ako mapunta kaysa ibenta ng pamilya ko kung kani-kanino lang. At least siya ang pinakamabuting choice,” ani Christine, medyo malabo na ang boses.“Ano bang ibig mong sabihin na ibebenta ka?” malamig na balik ni Ralph, pero hindi niya naalis ang tingin kay Jasmine. Halos hindi na siya mapakali sa upuan, gustong-gusto na niyang sundan ito.“Matagal nang maysakit si Papa,” kwento ni Christine. “Simula pa noon, si kuya na ang namamahala. Pero dahil iba ang nanay ko, hindi niya ako kailanman nagustuhan. Kaya gusto niya na lang akong ipakasal kahit kanino, para lang mawala ako sa problema…” Napahinto siya at parang biglang nahilo.Unti-unti siyang tila lumulutang. Nahihilo, pero kasabay noon ay may kakaibang kumpiyansa.Sa gitna ng pagkahilo, malakas at malinaw ang boses
Karamihan sa mga bisitang nagpakasaya sa handaan kagabi ay mahimbing pa ring natutulog. Ngunit si Ralph, na halos hindi nakatulog, ay nakaupo na sa mesa sa hardin sa tapat ng tinutuluyan niya. Paminsan-minsan ay binabati niya ang mga dumaraan at sabay lang sa pag-inom ng kape sa umaga.Pero kahit gaano kabango ang kape, hindi pa rin mapawi ang bigat ng isip niya.‘Sana sinama ko si Hannah.’ sambit niya sa isipan.Mag-isa lang siyang naka-stay sa hotel room. Ang mga VIP na politiko at pinakamayayaman ay nasa penthouse, na mahigpit ang bantay ng mga gwardya. Mula sa kinauupuan niya, sumulyap siya sa terrace sa itaas, doon nakatira si Jasmine kasama ni Yohan.Pakiramdam niya, tila kumukulo ang sikmura niya. Sumagi sa isipan niya na buhay si Jasmine.Dating minahal, pero siya rin mismo ang sumakal hanggang mamatay. Ang negosyo ng pamilyang Deniz na inaakala niyang mapupunta sa kanya ay hawak pa rin nito. Noon, plano niyang palihim na bilhin ang mga shares hanggang siya na lang ang may kon
Maingat na binuksan ni Jasmine ang pinto ng kuwarto. Nandoon si Ahil, na kanina pa nagbabantay sa labas.“Kailangan mo ba ng kahit ano?” tanong nito agad.“Ah, oo… pakisuyo nito.” Iniabot ni Jasmine ang isang sobre na halatang bagong sulat lang.“Gusto ko sanang ipadala ito pero hindi ko alam kung paano,” dagdag niya nang mahina.“Sa akin mo na lang ibigay. Ako na ang bahala. Kanino at saan ito dapat ihatid?”Sandaling nag-isip si Jasmine kung tama bang utusan ang tauhan ni Yohan para sa ganitong bagay. Pero wala na siyang ibang mapagkakatiwalaan.“Pakihatid sa sementeryo. Ang pangalan ng tatanggap ay ‘Lira.’”Tumango si Ahil. “Sige, ako na bahala. Magpahinga ka na lang.”“Salamat, Ahil.”Pagkasara ng pinto, naglakad-lakad muli si Jasmine sa loob ng kuwarto. Kanina, habang sumasayaw siya kasama si Yohan, pakiramdam niya ay bahagyang kumalma ang isip niya. Pero heto na naman, magulo na naman ang lahat.Pakiramdam niya ay may kailangan siyang gawin, pero hindi niya alam kung saan magsis
Flashback - Yohan’s POV:“Boss, nandito ka pa ba?” kasabay ng mahinang katok ay narinig ni Yohan ang boses ni Daniel.Hindi pa rin patay ang ilaw sa opisina niya kahit hatinggabi na. Kinabukasan kasi, kailangan niyang pumunta sa Maynila para dumalo sa malaking pagtitipon para sa founding day ng lungsod, kaya’t inaasikaso na niya ang mga trabahong maiiwan sa kompanya.“Pasok ka,” malamig niyang sagot.Pagpasok ni Daniel, halatang masaya ito at may dalang makapal na tumpok ng mga papel, mga dokumentong pirmahan na naman. Napakunot ang noo ni Yohan habang nakatingin dito.“Ano ’yan?” tanong niya, halatang nainis.“Eh, ano pa nga ba, Boss. Lahat ng ’to, kailangang pirmahan mo ngayon.” Maingat na inilapag ni Daniel ang mga papel sa mesa, pero bumigay ang pagkakatumpok at nagkalat sa sahig.“Ay, sorry!” mabilis niyang pinulot ang mga papel habang pinipilit itago ang ngiti kanina pa sa labi niya. Pero bago niya pa maayos, malamig na tinig ang pumigil sa kanya.“’Wag mo nang galawin.”“Ha?” n