Share

CHAPTER 46 "WEDDING RINGS"

MAINIT na damdamin ang humaplos sa puso ni Isla nang matanawan ang isang pamilyar na lugar na nagkaroon ng mahalagang parte sa love story nilang dalawa ni Vincent. At katulad nga ng sinabi nito, ang lahat ay dito nagsimula.

Pareho silang walang imik nang bumaba ng sasakyan. Pero hinawakan pa rin ni Vincent ang kanyang kamay habang papalapit sa naturang lugar.

“Ano sa tingin mo?” ani Vincent na matamis pang ngumiti sa kanya matapos ang mahabang katahimikan. “Hindi totoo ang sinabi mong sinubukan kong alisin sa buhay ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Sa katunayan nanatili ka dito sa puso ko sa loob ng mahabang panahon.”

Nasorpresa si Isla sa rebelasyon iyon ng binata. “Anong sinabi mo?” ang naitanong pa niya kapagkuwan.

Ngumiti lang sa kanya si Vincent saka siya nito hinila at hinalikan sa noo. “Halika na,” anitong iginiya siya sa may paanan ng puno ng akasya. At katulad ng dati, naupo sila doon.

Naging kapuna-una para kay Isla ang pagdidilim ng paligid. Mukhang uulan. Pero sa kalaunan ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aris T. Quesada
update n po ms a.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status