Mag-log inTwo weeks na nakalipas mula nang huling pag-uusap nila ni Adrian.
Maaga pa lang, gising na si Arah. Hindi dahil gusto niya. Kundi dahil hindi siya pinatulog ng sakit. Buong linggo, paulit-ulit sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Adrian—parang sirang plaka na hindi tumitigil. “Hindi pwede.” “Mag-aaral ako.” “Maghintay ka lang.” Maghintay. Para saan? Para sa lalaking kayang iwan siya kahit alam nitong buntis siya? Napapikit si Arah, pero mas lalo lang luminaw ang alaala—ang ulan, ang malamig na boses ni Adrian, at ang katahimikan matapos niyang sabihin ang katotohanan. At ang pinakamasakit— ‘yung hindi siya pinili. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Mabigat ang katawan niya, parang may humihila pababa sa kanya. Sa gilid ng mesa, nandoon pa rin ang pregnancy test. Dalawang guhit. Hindi panaginip. Hindi pagkakamali. Totoo. Unti-unti niya itong inabot, nanginginig ang kamay. Parang sa bawat segundo na hawak niya iyon, mas lalo siyang nilalamon ng realidad. “Anong gagawin ko…” bulong niya. Tahimik ang kwarto. Tahimik ang buong mundo niya. Pero alam niyang hindi magtatagal ang katahimikang iyon. Dahil sa oras na malaman ito ng pamilya niya— magbabago ang lahat. Paglabas niya ng kwarto, bumungad sa kanya ang amoy ng kape at pritong itlog. Nasa kusina ang ina niya—si Almira Cervantes, isang simpleng maybahay na buong buhay ay inalay para sa pamilya. Si Arah Cervantes lang ang nag-iisang anak. Kahit hindi marangya ang buhay, ginawa ng mga magulang niya ang lahat para mapag-aral siya. Ngayon, 25 years old na siya at may maayos na trabaho bilang marketing staff sa Axion Prime Holdings, isang elite multinational conglomerate na kilala hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa international business scene—isang kumpanyang may saklaw sa real estate, investments, technology, at luxury development. Isa iyon sa ipinagmamalaki ng kanyang ama sa buong barangay. Kaya mas masakit. Mas mabigat. Dahil hindi lang sarili niya ang nadadala niya— kundi ang pangalan ng pamilya niya. Habang nakatayo siya sa harap ng salamin malapit sa kusina, saglit siyang napahinto. Tinitigan niya ang sarili niya. Maputi siya—minana niya ang balat na may halong Kastila mula sa kanyang ina. Namumula ang labi niya kahit walang kolorete, parang natural na buhay ang kulay nito. Matangkad siya para sa isang babae, balingkinitan ang katawan, at may hubog na sakto lang—hindi sobra, hindi kulang, ang tipo ng kagandahang hindi pilit. Ang buhok niya ay natural na kulay brown, mahaba at malambot tingnan, may alon sa dulo na nagbibigay ng lambing sa kanyang itsura. Sa panlabas, parang maayos ang lahat sa kanya. Pero sa loob— durog na durog na siya. “Maaga ka ngayon,” sabi ng nanay niya habang inilalapag ang pagkain. “May pasok ka ba nang maaga?” Piliting ngumiti si Arah. “Opo, Ma… may gagawin lang po.” “Umupo ka muna. Kumain ka.” Tumango siya, kahit parang wala siyang lakas para lumunok. Umupo siya sa mesa, pero hindi niya magawang galawin ang pagkain. Nakatitig lang siya sa plato, parang hindi niya na kilala ang sarili niya. Napatingin ang kanyang ina. “Okay ka lang ba? Mukha kang may sakit.” “Okay lang po,” mabilis niyang sagot. “Hindi lang po nakatulog.” Hindi kumbinsido ang kanyang ina. Ramdam iyon ni Arah. Hindi lang pag-aalala ang nasa tingin nito—kundi kutob. Napayuko siya. Hindi niya kayang magsinungaling nang matagal. Pero hindi pa ngayon. Hindi pa siya handa. Pagkatapos kumain, nagmadali siyang bumalik sa kwarto. Kailangan niyang itago ang pregnancy test. Kailangan niyang itago ang katotohanan. Pero pagpasok niya— parang huminto ang mundo. Bukas ang ilaw. At naroon ang ina niya. Hawak ang pregnancy test. Nanlamig ang buong katawan ni Arah. “Ma…” mahina niyang tawag. Dahan-dahang ito lumingon sa kaniya. Gulat. Galit. At sakit. “Ano ‘to, Arah?” nanginginig ang boses nito. Hindi siya makasagot. “Sumagot ka!” mas malakas na ngayon ang tinig nito. Napaatras si Arah. “Ma…” “Buntis ka ba?!” Diretso. Walang lusot. Napapikit si Arah. At sa katahimikan niya— alam na ng ina niya ang sagot. “Diyos ko…” napahawak ito sa ulo niya. “Anak… anong ginawa mo…” “Ma… sorry…” umiiyak na siya. “Sorry?!” napasigaw ito. “Alam mo ba ang mangyayari sa atin?! Sa pangalan natin?!” Biglang bumukas ang pinto. Malakas ang yabag. Si Kapitan Ernesto Cervantes—ang ama niya. Isang respetadong barangay captain. Kilala. Ginagalang. At higit sa lahat— ayaw na ayaw ng kahihiyan. “Ano’ng nangyayari?” malamig nitong tanong. Tahimik. Bigat ng hangin. “Buntis ang anak mo,” nanginginig na sabi ng nanay niya. Parang may sumabog sa loob ng bahay. Dahan-dahang napatingin ang ama niya kay Arah. Hindi agad galit ang nasa mukha nito. Kundi disbelief. “Hindi totoo ‘yan…” mahina nitong sabi. Hindi makatingin si Arah. “Arah,” mas madiin ang boses nito, “sumagot ka.” “…Opo.” Isang salita. At doon nagbago ang lahat. Galit. “Sinong ama?” malamig nitong tanong. “Si… Adrian po.” Biglang nag-iba ang hangin. “Adrian?” ulit nito. “Yung anak ng Avelino?” Tumango si Arah, umiiyak na. Kilalang-kilala nila si Adrian—mabait, maayos, at maasikaso. Ang perpektong boyfriend sa mata ng lahat. Hindi nila alam— na kaya rin nitong mang-iwan. “Nasaan siya?” tanong ng ama niya. Tahimik. “Sumagot ka!” “Hindi ko po alam…” halos pabulong. “Hindi mo alam?!” sigaw nito. At doon na sumabog ang galit. “Tumakas?!” galit na galit ito. “Ginawa ‘to sa’yo tapos iiwan ka?!” Napahagulhol si Arah. “Opo…” “Hindi pwede ‘to!” hinampas nito ang mesa. “Alam mo ba kung ano kahihiyan at pagkasira ng reputasyon ng pamilya natin kapag hindi ka pinanagutan ng Adrian na yan?!” galit na galit ang tinig nito. Napapikit si Arah. Alam niya. “Isa akong barangay captain!” sigaw nito. “Anong sasabihin ng mga tao?!” Doon siya tuluyang nadurog. Hindi lang dahil iniwan siya— kundi dahil kahihiyan na siya ngayon. “Maghanda ka,” utos ng ama niya. “Pupunta tayo sa kanila.” “Pa—” “Kakausapin ko ang pamilya niya!” putol nito. “Pananagutin nila ‘to!” Napaupo si Arah. Umiiyak. Pagod. Walang lakas. Mahigpit niyang hinawakan ang tiyan niya. “Sorry…” bulong niya. “Hindi ko alam kung paano kita ipagtatanggol…” Sa labas— sigawan. Galit. Luha. At siya— nasa gitna ng lahat. Pero kahit basag na basag na siya— isang bagay lang ang natitira: isang buhay na kailangang niyang ipaglaban. Pinunasan niya ang luha niya. Tumayo. Hindi pa siya handa. Pero wala na siyang choice. Dahil simula ngayon— hindi na siya lang anak ng barangay captain. Isa na siyang ina.Tahimik pa rin si Arah sa loob ng comfort room.Nakasandal siya sa sink, mahigpit ang kapit sa gilid nito habang pilit pinapakalma ang sariling paghinga. Basang-basa ang pisngi niya, pero hindi na niya pinupunasan.Parang wala na ring saysay.Sa isip niya, paulit-ulit pa rin ang boses ni Joan.Temporary wife ka lang.Hindi ka bagay sa mundo niya.Ako pa rin ang babalikan niya.Huminga siya nang mabigat.“Alam ko…” mahina niyang bulong. Sa labas ng pinto—may naririnig na siyang footsteps.Mabagal. Maingat. Parang may bigat.Pagkatapos, tumigil.Sandaling katahimikan.At biglang bumukas ang pinto.Napalingon si Arah.Si Karen.Nanlaki ang mata nito nang makita siya.“Arah!” mabilis nitong lapit.“Girl, anong nangyari sa’yo?”Hindi agad nakasagot si Arah. Mabilis niyang pinunasan ang pisngi niya, pero huli na.Halata na.Halata na ang bagsak niya.“Okay ka lang ba?” mahinang tanong ni Karen, hinawakan siya sa braso.Umiling si Arah.Hindi niya kaya magsinungaling.“Karen…” basag ang bo
Tahimik ang buong comfort room maliban sa mahinang tunog ng tubig mula sa faucet. Pero para kay Arah— parang sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Nakatayo si Joan sa harap ng malaking salamin, eleganteng inaayos ang buhok niya habang tila walang pakialam sa bigat ng tensyon sa pagitan nila. Parang hindi ito ang babaeng ilang oras nang umiiyak. Parang hindi ito ang babaeng nasaktan. Pero alam ni Arah— mas delikado si Joan ngayon. Kasi tahimik ito. Controlled. At bawat salitang lumalabas sa bibig nito— diretsong sumasaksak. “You know what I really hate?” malamig na tanong ni Joan habang inaayos ang hikaw niya. Tahimik si Arah. Hindi niya alam paano sasagot. Hindi rin niya alam paano aalis. Pakiramdam niya— nakapako siya sa sahig. Dahan-dahang humarap si Joan sa kanya. “Girls in the office are looking at you like some kind of Cinderella story.” Mapait itong napatawa. “Poor pregnant employee suddenly becoming Mrs. Avelino.” “Ms. Joan…” “Anong meron ka?” mabilis nito
Sa buong umaga ng pagtatrabaho ni Arah, ramdam na ramdam niya ang kakaibang atmosphere sa buong floor.Tahimik kapag napapadaan siya.Pero kapag nakatalikod siya—may bulungan.May tinginan.May mga matang halatang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.Mahigpit na napahawak si Arah sa documents na hawak niya habang naglalakad papunta sa desk niya.Kahit walang direktang nagsasalita—alam niyang siya ang topic.“Ayan na…”“Si Mrs. Avelino…”“Grabe, totoo pala talaga…”Mahina lang ang mga bulong.Pero sapat para marinig niya.Napayuko si Arah.Hindi pa rin siya sanay.Hanggang ngayon, pakiramdam niya panaginip pa rin lahat.Ang kasal.Si Edison.At ang biglaang pagbabago ng buhay niya.Pagkaupo niya sa desk, agad lumapit si Karen.“Arah!”Umupo ito sa tabi niya, halatang hindi mapakali.“Totoo ba talaga?!” bulong agad nito.Napakurap si Arah.“Ang alin?”Nanlaki mata ni Karen.“Girl, buong company pinag-uusapan ka!”Napabuntong-hininga si Arah.“Karen…”“Wait—so kasal ka na talaga kay Mr
Pagkapasok ni Edison kasama ang kanyang secretary sa executive office niya, agad niyang nakita si Joan.Nakatayo ito malapit sa glass window, nakatalikod sa kanya. Nakakunot ang noo habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag niya. Kahit hindi pa ito lumilingon, alam na agad ni Edison—galit na galit ito.“Close the door,” malamig niyang utos sa secretary.Tahimik na sumunod ang babae bago sila naiwan sa loob.Sandaling katahimikan.Pagkatapos—“Explain.”Hindi malakas.Pero nanginginig.Dahan-dahang humarap si Joan.Joan Alcantara.Twenty-eight years old. One of the top fashion models in the country. Laging nasa luxury campaigns, runway shows, magazine covers, at international brand endorsements. Sa mata ng publiko—perpekto, composed, at untouchable.Pero ngayon, wala na ang image na iyon.Namumula ang mga mata niya. Halatang ilang oras nang umiiyak. Pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili.“You got married,” mahina pero diretso niyang sabi. “Tell me… joke lang ‘to.”Tahimik si
Mabigat ang pakiramdam ni Arah pagdilat pa lang niya kinabukasan.Saglit siyang natulala habang nakatingin sa puting kisame ng kwartong hindi pa rin niya masanay tawaging kanya.Tahimik.Masyadong tahimik.Walang ingay ng tricycle sa labas. Walang tunog ng TV ng ama niya tuwing umaga. Walang amoy ng nilulutong almusal ng kanyang ina. Tanging malamig na aircon at mahinang tunog lang ng lungsod mula sa napakataas na penthouse ang maririnig.Unti-unti siyang napabangon.At doon lang muling bumalik lahat sa kanya.Kasal na siya.Kay Edison Avelino.Napapikit siya sandali.Parang hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat.Tahimik siyang bumangon at inayos ang sarili bago bumaba.Pagdating niya sa dining area, agad siyang natigilan.Nandoon na si Edison.Naka-black long sleeves. Maayos ang buhok. Tahimik na nagkakape habang may hawak na tablet.Mukhang handang-handa na agad para sa trabaho.At kagaya kahapon— sobrang cold pa rin ng aura nito.“Good morning po,” mahina niyang bat
Tahimik ang buong biyahe.Mula sa isang private function room kung saan ginanap ang kanilang kasal—wala nang ibang narinig si Arah kundi tunog ng makina ng sasakyan at malamig na boses ni Edison kapag may kinakausap ito sa phone. Katabi niya ang lalaking ngayon ay legal nang asawa niya. Pero pakiramdam niya… estranghero pa rin ito. Mahigpit niyang pinisil ang laylayan ng puting dress niya habang nakatingin sa madilim na kalsada sa labas ng tinted window. Hindi pa rin siya makapaniwala. Parang kahapon lang — isa siyang babaeng iniwan ng nobyo habang buntis. Ngayon— isa na siyang Mrs. Avelino. Pero hindi kay Adrian. Kundi sa kuya nito. Napapikit siya sandali nang maalala ang pirma niya sa kontrata. Temporary marriage. Hanggang sa bumalik si Adrian. Parang may kung anong sumikip sa dibdib niya. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit— ang katotohanang iniwan siya ni Adrian… o ang katotohanang ang lalaking katabi niya ngayon ay pinakasalan lang siya dahil obligasyon. Hin







