Teilen

MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER
MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER
AnneVillamin

PROLOGUE

last update Veröffentlichungsdatum: 09.05.2026 18:35:27

Malakas ang ulan.

Hindi na ito basta patak lang—parang galit na galit ang langit, sabay-sabay bumabagsak ang tubig sa bubong ng sasakyan. Malalakas na hampas, parang bawat patak ay may dalang bigat na hindi maipaliwanag. Dumudulas ang tubig sa windshield, tinatakpan ang malinaw na daan—parang eksaktong katulad ng nararamdaman ni Arah sa sandaling iyon.

Magulo. Mabigat. Nakakatakot.

Tahimik ang loob ng kotse.

Hindi ‘yung komportableng katahimikan—kundi ‘yung katahimikang masakit sa tenga. Yung parang may sumisigaw, pero walang lumalabas na boses.

Nakahawak si Arah sa gilid ng upuan. Mahigpit. Halos mamuti ang knuckles niya sa lakas ng kapit. Pinipigilan niyang manginig, pero hindi niya mapigilan ang kaba na unti-unting gumagapang sa buong katawan niya.

Hindi niya alam kung bakit—

pero pakiramdam niya, may mali.

May mangyayaring hindi niya kayang tanggapin.

Dahan-dahan siyang napalingon kay Adrian.

Nasa driver’s seat ito, nakatingin lang sa unahan. Mahigpit ang hawak sa manibela. Kita sa tensyon ng panga nito na may pinipigilan. May iniisip. May hindi masabi.

At iyon ang mas lalong kinakatakot ni Arah.

“Love…” mahina niyang tawag, halos lamunin ng ingay ng ulan ang boses niya. “Bakit parang may inililihim ka?”

Walang sagot.

Ni hindi man lang siya tinignan.

Mas lalong sumikip ang dibdib ni Arah.

“Please…” halos pakiusap na ang tono niya. “Sabihin mo na kung ano ‘yon. Natatakot ako…”

Dahan-dahang pumikit si Adrian.

At sa ilang segundong iyon—

parang doon nagdesisyon ang lahat.

Nang dumilat siya, iba na ang mga mata niya.

Mas malamig.

Mas malayo.

“Aalis na muna ako, Love.”

Parang may humila sa puso ni Arah pababa.

Parang biglang nawala ang hangin sa paligid.

“Ano…?” halos wala siyang marinig na sarili niyang boses.

“Pinapunta ako ni Dad sa America,” dagdag ni Adrian, diretso pero walang emosyon. “Mag-aaral ako doon.”

Hindi agad nakapagsalita si Arah.

Hindi dahil hindi niya maintindihan—

kundi dahil ayaw niyang tanggapin.

“Kailan?” halos pabulong na tanong niya.

“This week.”

Parang may sumabog sa loob niya.

“This week?!” napalingon siya sa kanya, hindi makapaniwala. “Adrian… ang bilis naman—”

“Biglaan talaga,” putol nito. “Pero malaking bagay ‘to. Para sa future ko.”

Para sa future ko.

Hindi para sa’tin.

Hindi para sa kanila.

Unti-unting napangiti si Arah—pero walang saya doon. Pilit. Masakit. Yung ngiti na ginagawa mo para hindi ka tuluyang mabasag.

“Okay…” mahina niyang sabi. “Para sa future mo lang…Paano yung para sa future natin, Adrian. ”

“Pagbalik ko, saka na tayo magpapakasal.”

Doon tuluyang gumuho ang lahat.

Parang may salaming nabasag sa loob niya—malinaw, matalim, at hindi na mabubuo ulit.

“Magpapakasal…?” halos hindi siya makahinga.

Tumango si Adrian, parang normal lang ang lahat.

“Mas magiging maayos pag ganun. Stable na ako. Kaya na kitang buhayin.”

Napatahimik si Arah.

Hindi niya alam kung matatawa siya o iiyak.

Hindi niya alam kung magagalit siya o iintindihan niya si Adrian.

Pero isa lang ang sigurado—

hindi siya kasama sa desisyon.

“Adrian…” nanginginig ang boses niya. “Hindi mo ba naiisip kung ano mangyayari habang wala ka?”

Saglit na tumingin si Adrian sa kanya.

Pero agad din itong umiwas.

“Maghintay ka lang,” sabi niya. “Kaya mo naman ‘yon.”

At doon—

doon siya tuluyang nasaktan.

Hindi dahil aalis ito.

Kundi dahil parang… napakadali lang para dito na iwan siya.

Na parang wala lang.

Na parang kaya niyang mabuhay kahit wala siya.

“Adrian…” dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito.

Mainit pa.

Pero bakit pakiramdam niya, ang lamig na?

“May sasabihin ako.”

Napalingon si Adrian sa kanya, may bahagyang pag-aalala sa mata.

“Ano ‘yon?”

Hindi agad siya nakapagsalita.

Parang may bumara sa lalamunan niya.

Parang bawat salita ay mabigat. Parang bawat letra ay may kasamang takot.

Pero kailangan niyang sabihin.

Kailangan nitong malaman.

“Kahit anong mangyari… hindi ka pwedeng umalis nang hindi mo ‘to alam.Baka sakaling magbago pa ang isip mo……baka sakaling hindi ka na umalis.”

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya.

Pakiramdam niya, maririnig na iyon ni Adrian.

“Buntis ako.”

Tumigil ang mundo.

Hindi lang sa paligid—

kundi pati sa loob niya.

Nakatitig lang si Adrian sa kanya.

Parang hindi niya narinig.

Parang ayaw niyang marinig.

“Ano…?” halos pabulong.

“Buntis ako,” ulit ni Arah, mas malinaw na ngayon kahit nanginginig. “Ikaw ang ama.”

Tahimik.

Napakatahimik.

Mas masakit pa sa sigaw.

Hindi siya makagalaw.

Hindi siya makahinga.

At si Adrian—

nakatitig lang.

Parang may iniisip.

Parang may kinukwenta.

Parang may pinipiling desisyon.

“Sigurado ka?” tanong nito.

At doon—

doon tuluyang nabasag si Arah.

“Adrian…” napailing siya, tuloy-tuloy na ang luha. “Ikaw lang ang—”

“Hindi ko inaasahan ‘to,” putol nito.

“Hindi ko rin inaasahan!” napasigaw siya, nanginginig ang buong katawan. “Pero nandito na ‘to! Buntis ako! Anak natin ‘to!”

Napahawak si Adrian sa ulo niya, halatang naguguluhan.

“This is complicated…”

Complicated.

Iyon ang tawag niya.

Sa anak nila.

Sa pagmamahalan nila.

Sa lahat ng pinagsamahan nila.

“Complicated…?” mahina niyang ulit, pero punong-puno ng sakit.

“Arah, hindi pa ako ready,” sabi ni Adrian. “Mag-aaral pa ako. May plano si Dad—”

“Paano ako?” naputol niya ito. “Paano ‘yung anak natin?”

Tahimik ulit.

At doon niya nakita ang sagot.

Hindi sa salita—

kundi sa katahimikan.

“‘Wag ka na umalis…” pakiusap niya, halos pabulong na lang. “Please, Adrian…”

Napapikit si Adrian.

At doon pa lang—

alam na niya ang sagot.

“Hindi pwede.”

Dalawang salita.

Pero sapat para sirain ang lahat.

Parang may sumakal sa dibdib niya.

Parang may pumutol sa hininga niya.

“Hindi pwede…” ulit niya, parang wala nang natitirang lakas.

“Maghihintay ka lang,” sabi ni Adrian. “Pagbalik ko—”

“Paano mo aayusin habang ako nandito, buntis?” umiiyak na siya ngayon. “Paano mo aayusin kung pinili mong umalis?”

Walang sagot.

Walang paliwanag.

Walang laban.

At iyon ang pinaka masakit.

Hindi siya ang pinili.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya mula sa kamay ni Adrian.

Parang doon pa lang—

tinapos na niya ang lahat.

“Ang dali lang pala para sa’yo,” bulong niya. “Iwan ako.”

“Love—”

“Huwag mo na kong tawagin nang ganyan,” putol niya, nanginginig ang boses. “Wala ka nang karapatan.”

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse.

Agad siyang sinalubong ng malamig na ulan.

Basa agad ang buhok niya. Ang damit niya. Ang buong katawan niya.

Pero wala na siyang pakialam.

“Arah, please—” tawag ni Adrian.

Hindi siya lumingon.

Hindi siya pwedeng lumingon.

Kasi kapag lumingon siya—

baka bumalik siya.

At hindi na niya kakayanin ‘yon.

“Goodbye, Adrian.”

Mahina.

Pero tapos na.

Naglakad siya sa gitna ng ulan.

Walang payong.

Walang kasama.

Walang kasiguraduhan.

Pero may dala siyang isang bagay—

isang buhay na hindi niya kayang iwan.

Mahigpit niyang hinawakan ang tiyan niya.

“Hindi kita iiwan,” bulong niya, umiiyak.

“Hindi ako tulad niya…”

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 11

    Tahimik pa rin si Arah sa loob ng comfort room.Nakasandal siya sa sink, mahigpit ang kapit sa gilid nito habang pilit pinapakalma ang sariling paghinga. Basang-basa ang pisngi niya, pero hindi na niya pinupunasan.Parang wala na ring saysay.Sa isip niya, paulit-ulit pa rin ang boses ni Joan.Temporary wife ka lang.Hindi ka bagay sa mundo niya.Ako pa rin ang babalikan niya.Huminga siya nang mabigat.“Alam ko…” mahina niyang bulong. Sa labas ng pinto—may naririnig na siyang footsteps.Mabagal. Maingat. Parang may bigat.Pagkatapos, tumigil.Sandaling katahimikan.At biglang bumukas ang pinto.Napalingon si Arah.Si Karen.Nanlaki ang mata nito nang makita siya.“Arah!” mabilis nitong lapit.“Girl, anong nangyari sa’yo?”Hindi agad nakasagot si Arah. Mabilis niyang pinunasan ang pisngi niya, pero huli na.Halata na.Halata na ang bagsak niya.“Okay ka lang ba?” mahinang tanong ni Karen, hinawakan siya sa braso.Umiling si Arah.Hindi niya kaya magsinungaling.“Karen…” basag ang bo

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 10

    Tahimik ang buong comfort room maliban sa mahinang tunog ng tubig mula sa faucet. Pero para kay Arah— parang sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Nakatayo si Joan sa harap ng malaking salamin, eleganteng inaayos ang buhok niya habang tila walang pakialam sa bigat ng tensyon sa pagitan nila. Parang hindi ito ang babaeng ilang oras nang umiiyak. Parang hindi ito ang babaeng nasaktan. Pero alam ni Arah— mas delikado si Joan ngayon. Kasi tahimik ito. Controlled. At bawat salitang lumalabas sa bibig nito— diretsong sumasaksak. “You know what I really hate?” malamig na tanong ni Joan habang inaayos ang hikaw niya. Tahimik si Arah. Hindi niya alam paano sasagot. Hindi rin niya alam paano aalis. Pakiramdam niya— nakapako siya sa sahig. Dahan-dahang humarap si Joan sa kanya. “Girls in the office are looking at you like some kind of Cinderella story.” Mapait itong napatawa. “Poor pregnant employee suddenly becoming Mrs. Avelino.” “Ms. Joan…” “Anong meron ka?” mabilis nito

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 9

    Sa buong umaga ng pagtatrabaho ni Arah, ramdam na ramdam niya ang kakaibang atmosphere sa buong floor.Tahimik kapag napapadaan siya.Pero kapag nakatalikod siya—may bulungan.May tinginan.May mga matang halatang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.Mahigpit na napahawak si Arah sa documents na hawak niya habang naglalakad papunta sa desk niya.Kahit walang direktang nagsasalita—alam niyang siya ang topic.“Ayan na…”“Si Mrs. Avelino…”“Grabe, totoo pala talaga…”Mahina lang ang mga bulong.Pero sapat para marinig niya.Napayuko si Arah.Hindi pa rin siya sanay.Hanggang ngayon, pakiramdam niya panaginip pa rin lahat.Ang kasal.Si Edison.At ang biglaang pagbabago ng buhay niya.Pagkaupo niya sa desk, agad lumapit si Karen.“Arah!”Umupo ito sa tabi niya, halatang hindi mapakali.“Totoo ba talaga?!” bulong agad nito.Napakurap si Arah.“Ang alin?”Nanlaki mata ni Karen.“Girl, buong company pinag-uusapan ka!”Napabuntong-hininga si Arah.“Karen…”“Wait—so kasal ka na talaga kay Mr

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 8

    Pagkapasok ni Edison kasama ang kanyang secretary sa executive office niya, agad niyang nakita si Joan.Nakatayo ito malapit sa glass window, nakatalikod sa kanya. Nakakunot ang noo habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag niya. Kahit hindi pa ito lumilingon, alam na agad ni Edison—galit na galit ito.“Close the door,” malamig niyang utos sa secretary.Tahimik na sumunod ang babae bago sila naiwan sa loob.Sandaling katahimikan.Pagkatapos—“Explain.”Hindi malakas.Pero nanginginig.Dahan-dahang humarap si Joan.Joan Alcantara.Twenty-eight years old. One of the top fashion models in the country. Laging nasa luxury campaigns, runway shows, magazine covers, at international brand endorsements. Sa mata ng publiko—perpekto, composed, at untouchable.Pero ngayon, wala na ang image na iyon.Namumula ang mga mata niya. Halatang ilang oras nang umiiyak. Pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili.“You got married,” mahina pero diretso niyang sabi. “Tell me… joke lang ‘to.”Tahimik si

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 7

    Mabigat ang pakiramdam ni Arah pagdilat pa lang niya kinabukasan.Saglit siyang natulala habang nakatingin sa puting kisame ng kwartong hindi pa rin niya masanay tawaging kanya.Tahimik.Masyadong tahimik.Walang ingay ng tricycle sa labas. Walang tunog ng TV ng ama niya tuwing umaga. Walang amoy ng nilulutong almusal ng kanyang ina. Tanging malamig na aircon at mahinang tunog lang ng lungsod mula sa napakataas na penthouse ang maririnig.Unti-unti siyang napabangon.At doon lang muling bumalik lahat sa kanya.Kasal na siya.Kay Edison Avelino.Napapikit siya sandali.Parang hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat.Tahimik siyang bumangon at inayos ang sarili bago bumaba.Pagdating niya sa dining area, agad siyang natigilan.Nandoon na si Edison.Naka-black long sleeves. Maayos ang buhok. Tahimik na nagkakape habang may hawak na tablet.Mukhang handang-handa na agad para sa trabaho.At kagaya kahapon— sobrang cold pa rin ng aura nito.“Good morning po,” mahina niyang bat

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 6

    Tahimik ang buong biyahe.Mula sa isang private function room kung saan ginanap ang kanilang kasal—wala nang ibang narinig si Arah kundi tunog ng makina ng sasakyan at malamig na boses ni Edison kapag may kinakausap ito sa phone. Katabi niya ang lalaking ngayon ay legal nang asawa niya. Pero pakiramdam niya… estranghero pa rin ito. Mahigpit niyang pinisil ang laylayan ng puting dress niya habang nakatingin sa madilim na kalsada sa labas ng tinted window. Hindi pa rin siya makapaniwala. Parang kahapon lang — isa siyang babaeng iniwan ng nobyo habang buntis. Ngayon— isa na siyang Mrs. Avelino. Pero hindi kay Adrian. Kundi sa kuya nito. Napapikit siya sandali nang maalala ang pirma niya sa kontrata. Temporary marriage. Hanggang sa bumalik si Adrian. Parang may kung anong sumikip sa dibdib niya. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit— ang katotohanang iniwan siya ni Adrian… o ang katotohanang ang lalaking katabi niya ngayon ay pinakasalan lang siya dahil obligasyon. Hin

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status