Share

CHAPTER 2

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-05-09 18:43:49

Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Tanging tunog lang ng makina habang mahigpit na nakahawak si Arah sa bag niya. Katabi niya ang kanyang ina sa likod, habang nasa driver’s seat ang ama niyang si Kapitan Ernesto.

Walang nagsasalita.

Pero ramdam niya ang galit.

Ramdam niya ang kahihiyan.

At higit sa lahat—ramdam niyang unti-unti nang nababasag ang pamilya niya dahil sa kanya.

Palihim niyang hinawakan ang tiyan niya.

Hindi pa man lumalaki—pakiramdam niya, pasan-pasan na niya ang buong mundo.

“Ano ba kasing pumasok sa isip mo?” biglang sabi ng ama niya habang nakatingin sa daan. “Pinag-aral ka namin nang maayos para sa ganito?”

Napapikit si Arah.

“Pa…”

“Tumigil ka,” malamig nitong putol. “Wala akong gustong marinig.”

Tahimik ulit.

Napatingin ang nanay niya sa kanya, bakas pa rin ang pagkadismaya sa mukha nito.

“Akala namin matino kang bata,” mahina pero masakit nitong sabi. “Hindi namin inakalang mabubuntis ka nang hindi kasal.”

Parang may humigpit sa dibdib ni Arah.

Gusto niyang magsalita.

Gustong ipagtanggol si Adrian kahit papaano.

Pero paano?

Eh iniwan nga siya nito.

“Hindi ko po ginusto…” mahinang bulong niya.

Napatawa nang mapait ang ama niya.

“Pero ginawa mo.”

Tahimik na namang muli ang loob ng sasakyan.

At habang palapit sila nang palapit sa subdivision ng mga Avelino—mas lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ni Arah.

Hindi niya alam kung ano ang mas kinakatakutan niya.

Ang galit ng pamilya ni Adrian—

o ang posibilidad na baka totoo ngang wala na itong balak panagutan siya.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking gate.

Avelino Mansion.

First time lang niyang makapunta roon.

Lihim lang kasi ang relasyon nila ni Adrian sa pamilya nito. Ayaw pa raw kasi ng ama nito na magka-girlfriend si Adrian dahil marami pa itong plano para sa anak.

Kaya ngayon lang niya tunay na nakita kung gaano kalaki ang agwat nila sa buhay.

Malawak ang bakuran.

Eleganteng fountain.

Mamamahaling sasakyan.

At mismong mansion pa lang—halatang sobrang yaman na ng pamilya.

Lahat tungkol sa mga Avelino ay sumisigaw ng kapangyarihan.

Humigpit ang kapit niya sa bag habang bumababa sila ng sasakyan.

Pagdating sa malaking pinto, agad silang sinalubong ng isang maid.

“Yes po?”

“Nandiyan ba si Adrian?” diretso at malamig na tanong ng ama niya.

“Wala po, pero sandali lang po. Tatawagin ko po si Sir Evan.”

Ilang segundo lang, bumukas ang mas malaking pinto.

At bumungad si Evan Avelino—ama ni Adrian.

Matangkad ito at maayos manamit. Halatang sanay sa marangyang buhay at mataas na posisyon. Kahit may edad na, nandoon pa rin ang tikas at awtoridad sa kilos nito.

Pero agad nagbago ang mukha nito nang makita sila.

“Ano’ng kailangan ninyo?” nagtataka nitong tanong.

Hindi agad nakasagot si Arah.

Pero ang ama niya—diretso.

“Nasaan ang anak mo?”

Nagulat si Evan sa tono nito.

“Excuse me?”

“Nasaan si Adrian?” madiing ulit ni Kapitan Ernesto. “Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa anak ko!”

Nanlamig ang mukha ni Evan.

“Ano bang ibig mong sabihin?”

Huminga nang malalim ang ama ni Arah.

“Buntis ang anak ko.”

Parang huminto ang oras.

Kitang-kita ni Arah ang gulat sa mukha ni Evan.

“Ano…?” mahina nitong sabi habang napatingin sa kanya.

Unti-unting tumulo ang luha ni Arah.

“Adrian is the father?” tanong nito, halatang hindi makapaniwala.

Mahinang tumango si Arah.

Tahimik.

Napakatahimik.

Hanggang sa may marinig silang yabag mula sa hagdan.

“Pa, who’s—”

Naputol ang boses ng lalaking kabababa lang.

Napatigil si Arah.

At ganoon din ito.

Matangkad.

Naka-itim na polo.

Malamig ang ekspresyon.

Mas mature.

Mas seryoso.

Si Edison Avelino.

Kuya ni Adrian. Mas gwapo kaysa kay Adrian.

Hindi madalas nagpapakita sa family gatherings dahil abala ito sa sarili nitong negosyo.

Naalala ni Arah ang mga kwento ni Adrian tungkol dito.

Ayon kay Adrian, nagtayo ng sariling kumpanya si Edison.

Ilang taon na ang nakalipas na mabilis lumaki hindi lang sa Pilipinas kundi pati abroad.

Mas mayaman pa raw ito ngayon kaysa sa mismong kumpanya ng pamilya nila.

Kaya si Adrian ang hahawak ng Avelino Group.

Malamig na tumingin si Edison sa kanila.

“What’s going on?”

“Buntis si Arah,” diretsong sabi ng ama niya.

Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Edison.

Pero napatingin ito kay Arah.

Diretso.

Matalim.

Parang sinusubukang basahin ang buong pagkatao niya.

“At nasaan ang kapatid mo?” galit na tanong ni Kapitan Ernesto.

Tahimik si Evan.

Hanggang sa dahan-dahan itong nagsalita.

“Umalis na si Adrian.”

Parang muling bumagsak ang mundo ni Arah.

“Ano pong ibig ninyong sabihin?” nanginginig niyang tanong.

“He left for America three days ago.”

Hindi agad siya nakahinga.

Three days ago.

Umalis ito.

Hindi man lang siya kinausap ulit.

Tuluyan talaga siyang iniwan.

“Tumakas siya?!” galit na sigaw ng ama niya.

“Kalmahan mo ang boses mo sa pamamahay namin,” malamig na sabi ni Edison.

Agad napatingin rito si Kapitan Ernesto.

“At ikaw sino ka para makialam?”

“Edison Avelino.”

Diretso.

Walang emosyon.

At doon lang tila natauhan ang ama ni Arah.

Pero wala pa rin itong pakialam.

“Wala akong pakialam kung sino ka,” galit nitong sabi. “Ang kapatid mo ang nakabuntis sa anak ko!”

Tahimik si Edison.

“Ang kapal ng mukha niyang tumakas!” sigaw ng ama niya. “Ano gusto niya? Akuin namin lahat habang nagpapakasarap siya sa ibang bansa?!”

“Enough,” malamig na sabi ni Edison.

Natahimik silang lahat.

Kahit si Arah.

May kakaibang bigat ang boses nito. Hindi kailangan sumigaw—pero kusang tumatahimik ang paligid.

Humakbang si Edison palapit.

At ngayon lang talaga napansin ni Arah kung gaano ito ka-intimidating.

Matalim ang mata.

Matigas ang panga.

At halos walang emosyon ang mukha.

“Pananagutan ng pamilya namin ang problemang iniwan ni Adrian,” malamig nitong sabi.

Napatingin si Arah dito.

Hindi siya sigurado kung bakit—pero may kakaibang bigat ang mga salitang iyon.

“Ano ibig mong sabihin?” tanong ng ama niya.

Sandaling natahimik si Edison.

Pagkatapos—diretso itong tumingin kay Arah.

“At this point,” malamig nitong sabi, “maghintay muna kayo habang kinakausap namin si Adrian about sa issue na ito.”

“At gaano katagal n’yo kami paghihintayin?!” galit na sagot ng ama niya. “Kapag nanganak na si Arah?!”

“Mga ilang araw lang,” sagot ni Edison. “Manahimik muna kayo para hindi kumalat ang issue na buntis ang anak niyo.”

Tahimik si Arah.

Kasi alam niyang tama ito.

Sa kompanyang pinapasukan niya…

sa barangay ng ama niya…

sa mga tao—

kapag nalaman nilang iniwan siyang buntis—

sisirain siya ng mga tsismis.

“Tara na, Arah,” madiing sabi ng ama niya.

Hinila siya nito sa braso para paalisin.

Pero bago siya tuluyang makalayo—

biglang nagsalita si Edison.

“Wait.”

Napatigil silang lahat.

Dahan-dahang lumingon si Arah.

At agad siyang natigilan nang makitang nakatingin pa rin si Edison sa kanya.

Diretso.

“Hindi maaayos ang issue na ’to sa sigawan,” malamig nitong sabi. “Give us time to contact Adrian.”

Napatawa nang mapait si Kapitan Ernesto.

“Time?” galit nitong ulit. “Habang ano? Habang araw-araw pinagchichismisan ang anak ko?”

“Ernesto…” mahinang awat ng asawa nito.

Pero halatang galit na galit pa rin ang lalaki.

“Kapag hindi umuwi ang kapatid mo para panagutan ang anak ko,” madiin nitong sabi kay Edison, “sisiguraduhin kong masisira rin pangalan ng pamilya niyo.”

Tahimik si Edison.

Hindi ito natakot.

Hindi rin nagalit.

Pero ramdam ni Arah ang bigat ng tensyon sa pagitan nila.

Pagkatapos noon, tuluyan na siyang hinila ng ama niya palabas ng mansion.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 117

    ​Ang katahimikan ng madaling araw sa Bonifacio Global City ay naging pansamantalang kalasag nina Arah at Leo mula sa nagbabadyang unos. Sa loob ng marangyang condominium unit, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang marahang paghinga ng natutulog na bata ang naririnig. Pumasok si Julian mula sa balkonahe matapos ang kaniyang lihim na pakikipag-usap sa kaniyang Boss. Natagpuan niya si Arah na nakatayo malapit sa p***o ng silid ni Leo, nakasandal sa pader habang matatag na nakakapit sa kaniyang ibabang tiyan. Bakas pa rin ang pamumutla sa mukha nito, ngunit ang kaniyang mga mata ay gising na gising—puno ng determinasyong hindi kayang patayin ng pisikal na sakit. ​"Arah, bakit hindi ka pa nagpapahinga?" mahinang tanong ni Julian upang hindi magising ang bata. "Kailangan mo ng lakas. Ilang oras na lang at sasapit na ang umaga. Nakalapag na ang eroplano ni Edison sa Maynila." ​Humarap sa kaniya si Arah, isang tipid at malamig na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. "Paano ako maka

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 116

    ​Binalot ng nakatutuling ingay ng mga alon ang dalampasigan ng Palawan, ngunit para kay Edison, ang tanging naririnig niya ay ang paulit-ulit na boses ni Teresa sa kaniyang isip. Kinuha niya si Leo. Wala na ang bata.​Ang buhangin na nakasapo sa kaniyang mga palad ay tila naging kasing bigat ng semento. Ang gabi na binalot ng dilim ay lalong nagpadilim sa kaniyang mundo. Lahat ng pagod, ang puyat, ang milyong-milyong pisong ginastos niya para sa mga imbestigador, at ang pagmamadali niyang marating ang islang ito ay naging isang malaking biroi. Habang hinahabol niya para makita si Arah sa Palawan, ang totoong ay nasa kaniyang sariling mansyon sa Maynila si Arah—kinukuha ang kanilang anak.​"Sir Edison!"​Mabilis na lumapit si Gabriel at hinawakan ang siko ni Edison upang alalayan itong tumayo. Ang imbestigador ay bakas din ang gulat sa mukha matapos marinig ang bahagi ng sigaw ng kaniyang amo sa telepono. "Sir, anong nangyari? Kailangan nating kumilos."​Dahan-dahang itinaas ni Edison

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 115

    ​Hindi na napigilan ni Leo ang kaniyang sarili. Binitawan ng bata ang hawak nitong laruan at mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Arah. Ang kaniyang maliliit na bisig ay mahigpit na pumalupot sa baywang ng kaniyang ina, habang ang mga luha na matagal nitong kinimkim ay tuluyan nang umagos.​Napasandal si Arah sa gilid ng pinto. Ang biglaang pagbangga ni Leo sa kaniyang katawan ay nagdulot ng matinding kuryente ng sakit sa kaniyang ibabang tiyan—isang paalala na ang tahi mula sa kaniyang emergency Cesarian section ay sariwa pa at hindi pa tuluyang naghihilom. Napakagat-labi si Arah, pinalipas ang ilang segundong hininga upang hindi mabuwal, ngunit mas nanaig ang kaniyang pagiging ina. Lumuhod siya, maingat na iniwasan ang kaniyang sugat, at niyakap nang napakahigpit ang kaniyang anak.​"Mommy... Sabi ni Daddy hahanapin ka niya... Sabi niya babalik ka," hikbi ng bata, isinusubsob ang mukha sa balikat ni Arah. "Huwag mo na po akong iiwan, Mommy. Natatakot po ako rito mag-isa."​

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 114

    Habang ang pribadong eroplano ni Edison Monteverde ay bumabasag sa makakapal na ulap patungong Palawan, isang pampasaherong flight naman ang pabalik ng Maynila. Sa loob ng eroplanong iyon, magkatabing nakaupo sina Arah at Julian.​Nakatitig si Arah sa bintana, pinapanood ang unti-unting pagliit ng mga isla ng Palawan kung saan naiwan ang pinakamalaking pighati ng kaniyang buhay—ang kaniyang pumanaw na sanggol. Ang kaniyang mukha ay blangko, walang kahit anong emosyon, ngunit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay may naglalagablab na apoy. Isang linggo matapos ang kaniyang emergency Cesarian section at pagkakakoma, pinilit niyang magpalakas. Hindi para sa sarili, kundi para sa nag-iisang dahilan kung bakit nananatili pa siyang humihinga sa mundong ito: si Leo.​"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Arah?" mahinang tanong ni Julian, binabasag ang katahimikan sa pagitan nila. "Masyado pang maaga. Sariwa pa ang tahi mo, at ayon sa huling ulat ng mga tauhan ko, mahigpit pa rin ang seguridad sa pa

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 113

    ​Ang pribadong silid sa ospital sa Palawan ay muling binalot ng isang nakabibinging katahimikan matapos mailabas ni Julian ang mga dokumento ng kamatayan ng sanggol. Si Arah ay nanatiling nakaupo sa gilid ng kaniyang kama, ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa kawalan. Wala nang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata, dahil tila natuyo na ang lahat ng balon ng emosyon sa kaniyang katawan matapos ang isang linggong pagkakakoma. Ang hapdi ng tahi sa kaniyang ibabang tiyan mula sa emergency Cesarian section ay hindi man lang niya pinapansin; mas matindi ang hapdi ng kawalan na nararamdaman niya sa kaniyang sinapupunan at sa kaniyang puso.​" Arah," basag ni Julian sa katahimikan, habang maingat na inilalapit ang isang basong tubig. "Kailangan mo nang uminom. Sabi ng doktor, masyado pang mahina ang katawan mo . Kung hindi ka pa magpapalakas, baka bumuka ang mga tahi mo at magkaroon muli ng komplikasyon."​Dahan-dahang binalingan ni Arah si Julian. Ang kaniyang tingin ay napakalamig—isang t

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 112

    ​Wala pa sa kaniyang kabuwanan si Arah, ngunit ang matinding stress, ang gabi-gabing pag-iyak dahil sa pangungulila kay Leo, at ang takot sa kaniyang nakaraan ay nagbunga ng maagang pag-labor. Ang kaniyang tiyan ay naninigas, at ang bawat hininga niya ay parang hinuhugot mula sa kaniyang lalamunan.​"Arah! Huminga ka nang malalim, parating na ang ambulansya!" Ang boses na iyon ay mula kay Julian.​"Julian... ang anak ko... masakit... hindi ko kaya..." umiiyak na pagsusumamo ni Arah habang nakakapit nang mahigpit sa braso nito. Ang kaniyang mga binti ay binalot na ng malamig na pawis, at ang dugo ay nagsimula nang dumaloy, isang senyales na nanganganib ang kaniyang dinadala.​Nang makarating sila sa pinakamalapit na pribadong ospital sa lungsod, mabilis na isinugod si Arah sa Emergency Room. Ang mga doktor ay nagkakagulo. Ang kaniyang vital signs ay mabilis na bumababa, at ang tibok ng puso ng sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan ay unti-unti nang humihina.​"Kailangan natin siyang

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 5

    Buong gabi, hindi nakatulog si Arah.Paulit-ulit niyang tinitigan ang marriage contract na nasa harapan niya habang tahimik ang buong kwarto.Parang bawat pahina nito ay unti-unting sumisikip sa dibdib niya.Marriage Agreement.Hindi niya kailanman inisip na darating ang araw na magpapakasal siya—

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 4

    Hindi pa rin makapaniwala si Arah sa nangyari sa conference room.Buong araw siyang halos hindi makagalaw sa desk niya habang paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Edison.“The child she’s carrying is mine.”Parang hanggang ngayon, naririnig pa rin niya iyon.At mas lalong hindi niya

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 3

    Tatlong araw mula nang pumunta sila sa mansion ng mga Avelino.Tatlong araw ding walang paramdam si Adrian.Walang tawag.Walang message.At habang lumilipas ang bawat araw—mas lalo lang nababasag si Arah.Tahimik siyang nakaupo sa jeep habang mahigpit na yakap ang bag niya. Nakatingin lang siya sa

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   PROLOGUE

    Malakas ang ulan.Hindi na ito basta patak lang—parang galit na galit ang langit, sabay-sabay bumabagsak ang tubig sa bubong ng sasakyan. Malalakas na hampas, parang bawat patak ay may dalang bigat na hindi maipaliwanag. Dumudulas ang tubig sa windshield, tinatakpan ang malinaw na daan—parang eksak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status