ANMELDENTahimik pa rin si Arah sa loob ng comfort room.Nakasandal siya sa sink, mahigpit ang kapit sa gilid nito habang pilit pinapakalma ang sariling paghinga. Basang-basa ang pisngi niya, pero hindi na niya pinupunasan.Parang wala na ring saysay.Sa isip niya, paulit-ulit pa rin ang boses ni Joan.Temporary wife ka lang.Hindi ka bagay sa mundo niya.Ako pa rin ang babalikan niya.Huminga siya nang mabigat.“Alam ko…” mahina niyang bulong. Sa labas ng pinto—may naririnig na siyang footsteps.Mabagal. Maingat. Parang may bigat.Pagkatapos, tumigil.Sandaling katahimikan.At biglang bumukas ang pinto.Napalingon si Arah.Si Karen.Nanlaki ang mata nito nang makita siya.“Arah!” mabilis nitong lapit.“Girl, anong nangyari sa’yo?”Hindi agad nakasagot si Arah. Mabilis niyang pinunasan ang pisngi niya, pero huli na.Halata na.Halata na ang bagsak niya.“Okay ka lang ba?” mahinang tanong ni Karen, hinawakan siya sa braso.Umiling si Arah.Hindi niya kaya magsinungaling.“Karen…” basag ang bo
Tahimik ang buong comfort room maliban sa mahinang tunog ng tubig mula sa faucet. Pero para kay Arah— parang sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Nakatayo si Joan sa harap ng malaking salamin, eleganteng inaayos ang buhok niya habang tila walang pakialam sa bigat ng tensyon sa pagitan nila. Parang hindi ito ang babaeng ilang oras nang umiiyak. Parang hindi ito ang babaeng nasaktan. Pero alam ni Arah— mas delikado si Joan ngayon. Kasi tahimik ito. Controlled. At bawat salitang lumalabas sa bibig nito— diretsong sumasaksak. “You know what I really hate?” malamig na tanong ni Joan habang inaayos ang hikaw niya. Tahimik si Arah. Hindi niya alam paano sasagot. Hindi rin niya alam paano aalis. Pakiramdam niya— nakapako siya sa sahig. Dahan-dahang humarap si Joan sa kanya. “Girls in the office are looking at you like some kind of Cinderella story.” Mapait itong napatawa. “Poor pregnant employee suddenly becoming Mrs. Avelino.” “Ms. Joan…” “Anong meron ka?” mabilis nito
Sa buong umaga ng pagtatrabaho ni Arah, ramdam na ramdam niya ang kakaibang atmosphere sa buong floor.Tahimik kapag napapadaan siya.Pero kapag nakatalikod siya—may bulungan.May tinginan.May mga matang halatang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.Mahigpit na napahawak si Arah sa documents na hawak niya habang naglalakad papunta sa desk niya.Kahit walang direktang nagsasalita—alam niyang siya ang topic.“Ayan na…”“Si Mrs. Avelino…”“Grabe, totoo pala talaga…”Mahina lang ang mga bulong.Pero sapat para marinig niya.Napayuko si Arah.Hindi pa rin siya sanay.Hanggang ngayon, pakiramdam niya panaginip pa rin lahat.Ang kasal.Si Edison.At ang biglaang pagbabago ng buhay niya.Pagkaupo niya sa desk, agad lumapit si Karen.“Arah!”Umupo ito sa tabi niya, halatang hindi mapakali.“Totoo ba talaga?!” bulong agad nito.Napakurap si Arah.“Ang alin?”Nanlaki mata ni Karen.“Girl, buong company pinag-uusapan ka!”Napabuntong-hininga si Arah.“Karen…”“Wait—so kasal ka na talaga kay Mr
Pagkapasok ni Edison kasama ang kanyang secretary sa executive office niya, agad niyang nakita si Joan.Nakatayo ito malapit sa glass window, nakatalikod sa kanya. Nakakunot ang noo habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag niya. Kahit hindi pa ito lumilingon, alam na agad ni Edison—galit na galit ito.“Close the door,” malamig niyang utos sa secretary.Tahimik na sumunod ang babae bago sila naiwan sa loob.Sandaling katahimikan.Pagkatapos—“Explain.”Hindi malakas.Pero nanginginig.Dahan-dahang humarap si Joan.Joan Alcantara.Twenty-eight years old. One of the top fashion models in the country. Laging nasa luxury campaigns, runway shows, magazine covers, at international brand endorsements. Sa mata ng publiko—perpekto, composed, at untouchable.Pero ngayon, wala na ang image na iyon.Namumula ang mga mata niya. Halatang ilang oras nang umiiyak. Pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili.“You got married,” mahina pero diretso niyang sabi. “Tell me… joke lang ‘to.”Tahimik si
Mabigat ang pakiramdam ni Arah pagdilat pa lang niya kinabukasan.Saglit siyang natulala habang nakatingin sa puting kisame ng kwartong hindi pa rin niya masanay tawaging kanya.Tahimik.Masyadong tahimik.Walang ingay ng tricycle sa labas. Walang tunog ng TV ng ama niya tuwing umaga. Walang amoy ng nilulutong almusal ng kanyang ina. Tanging malamig na aircon at mahinang tunog lang ng lungsod mula sa napakataas na penthouse ang maririnig.Unti-unti siyang napabangon.At doon lang muling bumalik lahat sa kanya.Kasal na siya.Kay Edison Avelino.Napapikit siya sandali.Parang hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat.Tahimik siyang bumangon at inayos ang sarili bago bumaba.Pagdating niya sa dining area, agad siyang natigilan.Nandoon na si Edison.Naka-black long sleeves. Maayos ang buhok. Tahimik na nagkakape habang may hawak na tablet.Mukhang handang-handa na agad para sa trabaho.At kagaya kahapon— sobrang cold pa rin ng aura nito.“Good morning po,” mahina niyang bat
Tahimik ang buong biyahe.Mula sa isang private function room kung saan ginanap ang kanilang kasal—wala nang ibang narinig si Arah kundi tunog ng makina ng sasakyan at malamig na boses ni Edison kapag may kinakausap ito sa phone. Katabi niya ang lalaking ngayon ay legal nang asawa niya. Pero pakiramdam niya… estranghero pa rin ito. Mahigpit niyang pinisil ang laylayan ng puting dress niya habang nakatingin sa madilim na kalsada sa labas ng tinted window. Hindi pa rin siya makapaniwala. Parang kahapon lang — isa siyang babaeng iniwan ng nobyo habang buntis. Ngayon— isa na siyang Mrs. Avelino. Pero hindi kay Adrian. Kundi sa kuya nito. Napapikit siya sandali nang maalala ang pirma niya sa kontrata. Temporary marriage. Hanggang sa bumalik si Adrian. Parang may kung anong sumikip sa dibdib niya. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit— ang katotohanang iniwan siya ni Adrian… o ang katotohanang ang lalaking katabi niya ngayon ay pinakasalan lang siya dahil obligasyon. Hin







