"Pa…" tawag ko. Nakatayo siya sa may railings at malalim ang iniisip.
Napadpad ang tingin niya sa akin nang marinig iyon. "Callista, anak? What are you doing here? May kailangan ka?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Huminga ako nang malalim. "I want you to be honest with me, Pa. Ano ba talagang rason kung bakit niyo ako pinauwi rito?"
Nangunot ang noo niya at buo akong hinarap. "Anong ibig mong sabihin? I told you it was because—"
"Because of the company," I cut him off. "Dahil ba talaga roon o dahil sa ipinagkasundo mo ako sa kasal? Tell me the truth, Pa…" sabi ko, dahilan para matigilan siya.
"Who… who told you that?"
"That's no longer important here, Pa. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit mo nagawang magsinungaling sa akin…" My throat tightened at that. "I trusted you…"
Napayuko siya. "I'm sorry, anak. Sana mapatawad mo ako…"
Napailing ako, hindi makapaniwala. Patawad? Aanhin ko 'yan? Tapos niya nang magsinungaling sa akin. Sa kabila ng mga ginawa niya kay Mama, nagawa ko pa ring magtiwala sa kanya, pero muli niya iyong winasak.
I gasped and broke into tears as he knelt down and hugged my waist. Bakit? Bakit ang dali lang niyang saktan ako? "Do you have any idea how much pain you're causing me right now, Pa? Ako po 'yung anak niyo, pero pakiramdam ko, ako 'yung nakikihati rito. May nagawa po ba akong kasalanan para gawin niyo sa akin 'to?" sabi kong puno ng hinanakit ang tono.
"I'm sorry..." muli niyang sambit, pero hindi man lang n'on pinagaan ang bigat sa dibdib ko.
Huminga ako nang malalim at napakapit sa vanity top. Tinitigan ang sariling repleksiyon sa salamin. Hindi ko mapigilang magbalik-tanaw sa mga nangyari nang dumating ako rito. Ilang beses na akong umiyak, pero hindi pa rin nababawasan ang pait na bumabalot sa sistema ko tuwing naaalala ang mga iyon.
They were unfair to me. Kaso nga lang, hindi nila 'yun nararamdaman. Akala kasi nila na ayos lang sa akin ang lahat dahil lumaki akong ni minsan ay hindi nag-reklamo sa mga utos at gusto nila sa akin noon.
"It's fine, Callista. Ayos lang lahat…" usal sa sarili habang pinipilit ngumiti roon sa kabila ng mga luha.
Ilang segundo akong nanatili sa loob ng banyo, saka lumabas para magbihis. Ngayong araw ako susunduin ni Damon sa El Salvador. I'll be living with him in the same house, which is quite hard for me to digest. Ramdam ko rin ang kaba at takot, sapagkat kilala ang lalaki bilang suplado at hindi marunong magbigay ng pangalawang pagkakataon kapag may nagawang pagkakamali ang mga tao sa paligid niya.
Paano na lang kung hindi sinasadyang nagkamali ako? Tigok agad?
Pero hindi naman siguro.
Tapos na akong mag-ayos sa sarili at hinayaang nakalugay ang mahaba at tuwid kong buhok. Dinampot ko ang paper bag na laman ang wedding gown at isang pares ng sandal na sinuot ko nang ikasal kami. Bigay niya pa ito sa akin kaya kailangan ko talagang dalhin.
Sinalubong ako nina Nanay Lorna at Ate Mella nang mapababa ako ng hagdan, dala ang maleta ko at ilang pang kagamitan.
"Good morning po sa inyo," bati ko.
"Good morning din, anak/Good morning din, Miss Aella," sabay nilang sagot at kinuha sa akin ang mga dala ko.
Nagpasalamat ako sa kanila at nagtungo sa sala kung saan kasalukuyang kinakausap ng aking Papa at ni Tita Sandra ang lalaki. Natigil sila sa usapan nang makita ako.
"Oh, she's finally here," nakangiting wika ng madrasta ko.
Dumako ang paningin ko sa direksyon ni Damon at natigilan nang makita siyang nakatitig sa akin. Suot ang itim na polo shirt, na nakatupi ang mga manggas hanggang siko, at itim na slacks. Nakabukas pa ang unang butones n'on.
He looked devilishly handsome. Teka, saan ko naman iyon napulot?
Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumayo siya at lumapit sa kinatatayuan ko. I was even caught off guard by the next thing he did. Hinalikan niya lang naman ang pisngi ko nang walang pasabi!
"Good morning, Calle…" his deep, husky voice made my stomach churn.
Marahan akong napalunok at pilit na ngumiti sa kanya. "Uhm, good morning…"
Hinarap ng lalaki ang dalawa. "We're leaving. Thank you for the coffee," sabi niya. Inabot niya ang aking kamay at hinila ako palabas ng aming bahay.
Nakita kong umalis sina Papa at Tita Sandra sa sala at sumunod sa amin.
Ibinalik ko ang tingin sa harap at pinagmasdan ang malapad niyang balikat. And those biceps of his were screaming to be freed against his sun-kissed skin. Maitim ang kanyang buhok na sa tingin ko ay sobrang lambot kapag hinawakan.
Bumaba ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi iyon mahigpit, ngunit hindi rin maluwag ang kapit niya. Tama lang upang hindi ako masaktan.
Pinakawalan niya ako nang makarating kami sa nakaparadang itim na Ford Mustang. Nilapitan ko ang dalawang katulong at isa-isa silang niyakap. They were the people whom I considered family, along with Nanay Wilma. Kaso, nalaman ko na lamang na umalis ito dalawang taon na ang nakalipas nang hindi man lang sinasabi ang dahilan.
"I'll miss you two, lahat kayo rito," wika ko, na nagpangiti sa dalawa.
"Kami rin, anak. Mag-ingat ka roon," paalala ni Nanay Lorna.
Tumango ako at ngumiti nang malapad. My eyes turned to the two people who just arrived. Unang yumakap sa akin si Papa.
"Don't forget that I am so proud of you, Callista. Take care and be a good wife," bulong nito sa akin.
Tumango ako. "I will, Pa…"
Tita Sandra enclosed me in a hug after my father let me go. "Mamimiss ka namin, hija. Mag-ingat ka at i-enjoy ang buhay bilang bagong kasal. Bumisita ka rin dito paminsan-minsan," sambit ng babae.
Napangiti ako roon. Kahit kailangan, naging mabait sa akin ang madrasta ko. Maliban na lamang sa anak nitong hindi ko makasundo. Teka, nasaan na nga kaya 'yun? Gusto ko pa naman sanang magpaalam kahit galit ito sa akin.
Binuksan ni Damon ang pinto ng front seat para sa akin. I uttered a thank you to him before I stepped in. Siya na rin mismo ang nagsara no’n at lumigid sa kabilang pintuan at pumasok.
Hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman ko ang kakaibang emosyon habang paalis kami sa mansyon. Hindi iyon lungkot o kahit ano pa man. Tila may binunot sa puso ko upang maramdaman ang bahagyang katiwasayan.
Hindi ko maiwasang matakot tuwing naaalala ko ang nasaksihan kagabi. I have no idea what happened to him last night, and what made him so mad at me. Pero ang tanging alam ko ay dugo niya ang nakita ko sa kanyang damit kagabi.Sa totoo lang, nag-aalala ako para sa kanya. Unang pagkakataon kasing nakita ko siya sa ganoong sitwasyon kaya talagang nakapagtataka. Everything about him was too mysterious. Kahit ang mismong pagsang-ayon niya sa kasal. Hindi ko naman sinasabing may mabigat na rason siya kung bakit niya ako pinakasalan, pero parang ganun na nga.Ewan, naguguluhan ako.Kahit ayaw ko pang lumabas sa kwarto, napilitan ako sapagkat pinangakuan ko si Aling Janet kahapon na tutulungan ko siya sa pamamalengke ngayon. Wala kasi akong ibang magawa at nakakabagot na. I missed my job so much. Nasanay akong palaging may ginagawa at nagtuturo. At hinahanap-hanap iyon ng katawan ko.Pasimple kong sinuri ang bawat sulok ng mansyon habang pababa ako ng hagdanan. Ilang beses nang hiling ng utak
Sa mga sumunod na araw, naiwan ako sa mansyon kasama ang mga kasambahay. Mag-iisang linggo na ako sa Salvacion, pero ni isang beses, hindi ko pa nakita o kahit pinakilala niya man lang sa akin ang pamilya niya. Nakapagtataka sapagkat wala namang kumakalat na balitang patay na ang mga magulang niya.I really wanted to ask him about it, but I don't want him to get mad at me for being curious. Mas gugustuhin kong manahimik na lang, gayong may nagawa akong kasalanan sa kanya nitong nakaraang araw."Good morning po sa inyong lahat," nakangiti kong bungad sa tatlong babae na nasa kusina at may ginagawa.They looked at me and smiled."Good morning din po, Ma'am Aella," sabay-sabay nilang bati sa akin.Kasama ni Nanay Rose si Bebang sa kitchen island at naghihiwa ng iba pang putahe. Si Aling Janet naman ay binabantayan ang niluluto nito sa stove. Lumigid ako papunta sa gawi ng dalawa at naisipang tumulong sa kanila."Gusto niyo po bang ipaghanda namin kayo ng breakfast, Ma'am?" tanong sa akin
Kinabukasan, maaga akong nagising at nag-ayos sa sarili para bumaba at tumulong sa kusina. Tulad ng sinabi noon ni Mama sa akin, na bilang maybahay, kailangan kong ipaghanda ng agahan ang asawa ko at hindi i-asa sa mga katulong.Pero nasira lang ang plano ko nang makarating ako sa kusina."Maaga pong umaalis si sir Damon para pumunta sa planta, Ma'am. Saka sapat na po kay sir ang isang tasa ng kape at hindi na rin siya nag-aagahan," sabi sa akin ni Aling Janet.Naglaho ang ngiti ko dahil doon. "Ganun po ba…" Hindi ko napigilang makaramdam ng kaunting panghihinayang.Tumigil ang babae sa pagpupunas ng countertop nang mapansin ang pagbabago sa tono ko. "Wag ka na po malungkot, Ma'am. Pwede mo naman pong tanungin si sir kung gusto niyang mag-agahan. Baka po sumabay siya sa inyo."Umiling ako rito at tipid na ngumiti sa babae. "It's fine, Aling Janet. Mamaya na lang siguro," wika ko.Tumango ang babae at binalikan ang naiwan nitong gawain.Mag-isa akong nagtungo sa dining table at naupo.
Dumating kami sa Salvacion. Hindi ko magawang itikom ang aking bibig dahil sa mga tanawin. Ang lupain nang makapasok kami sa entrada, hanggang sa makarating sa mansyon ay pagmamay-ari niya. Mali pala, palasyo na dahil sa sobrang laki at lapad. Ang mansyon namin sa El Salvador ay hindi man lang nangalahati sa laki ng bahay niya.The mansion was quite distant from the gate, which gave me a chance to look around. All I could see was a clean, cozy environment and walls without any vines of dirt crawling on them, which had been preserved for so many years.Inalis ko ang seatbelt sa katawan at binuksan ang pinto nang huminto ang sasakyan sa harap ng bahay. Bumaba ako. My eyes began to wander around and I saw the beds of flowers at every corner of the yard. There was also a sleek, modern fountain in the middle, emerging from a circular, metallic structure that featured a striking waterfall designed to flow gracefully through the center. Water cascaded from an upper tier, creating a shimmerin
"Pa…" tawag ko. Nakatayo siya sa may railings at malalim ang iniisip. Napadpad ang tingin niya sa akin nang marinig iyon. "Callista, anak? What are you doing here? May kailangan ka?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.Huminga ako nang malalim. "I want you to be honest with me, Pa. Ano ba talagang rason kung bakit niyo ako pinauwi rito?"Nangunot ang noo niya at buo akong hinarap. "Anong ibig mong sabihin? I told you it was because—""Because of the company," I cut him off. "Dahil ba talaga roon o dahil sa ipinagkasundo mo ako sa kasal? Tell me the truth, Pa…" sabi ko, dahilan para matigilan siya."Who… who told you that?""That's no longer important here, Pa. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit mo nagawang magsinungaling sa akin…" My throat tightened at that. "I trusted you…"Napayuko siya. "I'm sorry, anak. Sana mapatawad mo ako…"Napailing ako, hindi makapaniwala. Patawad? Aanhin ko 'yan? Tapos niya nang magsinungaling sa akin. Sa kabila ng mga ginawa niya kay Mama, nagawa ko p
Dalawang linggo pa lamang ako sa El Salvador, pero hindi ko inaasahang magbabago ang takbo ng buhay ko. Bumalik ako sa Pilipinas sa pag-aakala na kailangan ng tulong ko ang kumpanya. Iyon pa rin naman ang dahilan, kaso ako ang naging kapalit para bumangon ang negosyo ni Papa sa pamamagitan ng pagpapakasal.I am married, and I still can't believe that every moment I think about it. Sa edad na bente-singko, kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko ang pagpapakasal. Mahal ko ang aking trabaho, na halos wala na akong iniisip pa kundi iyon. Subalit sa pagkakataong ito, dumating sa buhay ko ang bagay na minsan nang hindi naging importante sa akin."How do you feel now that you got married yesterday, hija?" Tita Sandra asked me during our breakfast.Nahinto ako sa pagkain at tumingin sa madrasta ko na nakaupo sa kabila. Tipid na ngumiti rito. "I feel fine, Tita," tugon ko.She nodded at that and flashed me a smile.Hindi sinasadyang napatingin ako sa katabi nitong dalaga, ang aking stepsister