"Zimry!" biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib nang marinig ang boses na iyon. Lagot!
"Mommy..." Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Mommy habang tinitingnan si Angel na gumagapang patayo.
"Who's that girl?" tinaasan niya ako ng kilay. Hindi niya makilala si Angel dahil sa dungis nito.
"Harley's..." hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang dumating si Harley. He stared at me intently bago tinulungang makatayo si Angel.
Kahit na sobrang baho at dumi ni Angel ay wala siyang kaarte-arte kung hawakan ito. Aww! How sweet! Ts.
Nagsi-atrasan kami nang makalapit silang dalawa sa amin. Halata rin sa mukha ni Mommy ang pandidiri. Umaalingasaw kasi ang amoy ni Angel.
"Anong ginawa niyo!" malakas na sigaw ni Harley. Maging si Mommy ay napatakip sa kaniyang tainga.
"Calm down, Harley." Matigas na wika ni Mommy ngunit hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha niya.
"No, Tita. Tingnan mo ang ginawa nila kay Angel. Sumosobra ka na talaga, Zimry!" napapairap na lang talaga ako sa sobrang kaartehan nitong si Harley. Kung hindi lang kita mahal...
"Excuse me, Tol. Hinay-hinay ka lang. 'Yang babaeng 'yan ang kusang nagpunta rito. We're enjoying ourselves here tapos aatribida siya? Sinabihan niya ng kung anu-ano ang kaibigan namin. Tinangka niya pa itong saktan. Hindi naman pwedeng tumunganga na lang kami, 'di ba?" sabat ni Nowelle. Nakakuyom na ang kamao nito.
Enjoying ourselves, amp. Parang hindi nga namin siya kasama kanina.
"Pumasok na kayo sa loob. I can handle this." Pagtataboy ko sa kanila ngunit tinaasan lang nila ako ng kilay.
"No way, Zimry. Kilala ka namin. Kahit may pagkademonyita ka, tutuklap at tutuklap ka pagdating sa walang kwentang lalaking 'yan. Ikaw ang pumasok sa loob kung gusto mo." Pinamaywangan pa ako ni Natasha. Halatang galit na rin siya sa nangyayari, hindi na conyo e.
"What's going on? Anong pinagsasabi niyo? Nagpahatid lang ako kay Harley dito para sunduin si Zimry." Naguguluhan kaming tiningnan ni Mommy. Wala pa kasi itong alam sa kung anong nararamdaman ko kay Harley. Hindi nga rin niya alam na naging magboyfriend kami e.
Tiningnan ko ang dalawang nagpapasakit lagi ng ulo ko. Pilit na pinupunasan ni Harley si Angel with his bare hands. Umiiyak naman ang bruha.
"Ipasok mo na si Angel sa loob, paliguan mo na lang siya doon." I'm acting cool but I badly want to cry right now.
"What?" sunud-sunod na reklamo ng mga kaibigan ko.
I should let him go. Tama na. Masyado na akong nasasaktan. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na hindi kami ang para sa isa't-isa. Kaya kahit sa ganitong paraan man lang, makabawi ako sa kanila. Ako rin naman talaga ang nagdala kay Angel sa sitwasyong ito.
Kung hindi ko siya ginawan ng issue, hindi sila maghihiwalay. Hindi sana niya ako ginugulo ngayon, hindi sana palaging galit si Harley. Masaya pa rin sana sila hanggang ngayon.
This is all my fault. And I need is to face the consequences. I need to endure the pain.
"No, umuwi na lang tayo. Baka saktan na naman nila ako." Sabay-sabay kaming napangiwi nang yumakap si Angel kay Harley ngunit hindi niya ito ininda. In fact, niyakap niya rin ito pabalik.
"Buti alam mo." Nakangising saad ni Natasha. Takot na napatingin si Angel sa kaniya lalo na nang umabante ito.
"Let's go home..." pagpupumilit nito kay Harley.
Kawawang lalaki, ang kaniyang puting damit ay naging kulay-kape na.
"Gamit ni Harley ang sasakyan namin. Saan kayo sasakay?" pinandilatan siya ng mata ni Mommy. Sa kaniya ko talaga nakuha ang katarayan. Tsk.
---"Don't worry, this is the last time. I'm sorry for everything.""Siguraduhin mo lang."
That's our last talk since yesterday. Wala silang nagawa kundi ang maglakad pauwi sa dorm ni Angel dahil ayaw ipagamit ni Mommy ang sasakyan namin. Dalawang kanto lang naman 'yon mula rito.
"Nakaya nga niyang lakarin papunta, edi kaya niya ring lakarin pauwi. Babaho lang ang sasakyan, buti kung siya ang maglilinis." Katwiran pa ni Mommy. Hayyy!
Ngayon ang graduation naming tatlo nina Lewisse at Kiz. Bukas pa ang kay Nowelle ngunit ayaw niya kaming samahan, mas gusto pa niyang magmukmok sa apartment. Sumama naman si Natasha sa amin dahil siya ang aming photographer.
"Zimry, smile! You're always nakasimangot. It's your graduation day, not your burol." Pinandilatan ko ng mata si Natasha dahil natuon sa amin ang atensyon ng ibang tao. Bwisit na 'to!
Kaniya-kaniyang picture ang mga tao rito sa loob ng gymnasium. Hindi pa kasi nagsisimula ang ceremony.
"Zimry, dear!" salubong sa akin ni Tita Hera, Mommy ni Harley. Nakipagbeso ako sa kaniya, nagmano naman ako kay Tito Ralf, Daddy ni Harley na nasa likod ni Tita. Nahagip pa ng paningin ko si Harley na mariing nakatingin sa akin, hindi ko na lang siya pinansin.
As much as possible, I don't want to see him anymore. I want to move on.
Kakauwi lang nila ngayong araw galing sa Canada. Kaya nagpaiwan si Daddy at Harley sa bahay para masabayan sila papunta rito.
"Hi po, Tita and Tito." Biglaang sulpot ni Angel.
"Hello, Angel." Tipid lang na sagot ni Tita. Nginitian lang din siya ni Tito pagkatapos ay tumalikod na sa amin upang kausapin sina Daddy at Harley.
"Ang ganda mo talaga!" mahinang hinampas ni Tita ang balikat ko. Tuluyan na niyang hindi pinansin si Angel na nasa tabi ko.
Kitang-kita ko tuloy ang biglang pagbabago sa ekspresyon ni Angel. From angel to devil. Lol!
"I really like your face, dear. Fierce, nakaka-intimidate. Parang ako lang!" She giggled in a sophisticated way.
"Hindi talaga ako fan ng mala-anghel na mukha. Oh! No offense, Angel, ha?" nahihiyang tumango si Angel. Nilingunan niya si Harley ngunit busy pa rin sila sa pag-uusap.
"Correction, wala naman akong problema sa mga mukhang parang hindi makabasag pinggan. Ang ayaw ko lang ay 'yong mga itinatago ang kademonyohan nilang ugali sa kanilang mukha."
"Ahmm... Tita, I have to go na po." Mabilis na umalis si Angel kahit na hindi pa nakakasagot si Tita.
"Hindi ko alam kung bakit nagustuhan 'yon ng anak ko. Tsk."
"Tita, you're so rude!" suway ko sa kaniya ngunit nginisihan niya lang ako.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Angel sa kaniya para ayawan niya ito. Dahil mag-bestfriend sina Tito at Daddy, naging magkaibigan na rin si Mommy at Tita. Mas lalo pang nag-click ang pagkakaibigan nila dahil pareho sila ng ugali.
Silang dalawa yata ang nagturo sa kamalditahan ko.
"Mommy, where's Angel?" tanong ni Harley. Lumapit na rin sina Mommy, Daddy, at Tito sa gawi namin.
"Nasa impyerno." Mahinang wika ni Tita na ako lang yata ang nakarinig. Sabay pa kaming tumawang dalawa. Nakuha pa naming makipag-apir sa isa't-isa kahit na gulong-gulo na si Harley sa inaasta namin.
"Rhy, where's your freaking father?""Mommy, bumalik ka na sa opisina. Maiiinitan ka lang dito!""Tawagin mo ang bwisit mong ama!" nakapamaywang na ako sa harap nito. Habang ang anak ko nama'y namumula dahil sa pinaghalong inis at sa init ng araw."Bakit ako hinahanap ng asawa ko? Na-miss mo naman ako kaagad. Pa-kiss nga!""Lumayo ka nga! Ang baho mo, amoy araw ka!""Itong asawa ko talaga oh! Nasa bukid tayo, tirik na tirik ang araw. Magtaka ka kung amoy ulan ako.""Anong amoy ulan ang pinagsasabi mo riyan!" parang tanga talaga itong gagong 'to!"Hay! Humihina na ang kokote ng asawa ko.""Aba't! Walang hiya ka talaga!" hahampasin ko na sana siya ngunit may maliit na kamay na humawak sa aking paa."M-mommy! Momm-y!""Zenia! Ilang beses kong sinabi sa'yong huwag kang gumapang-gapang dito?" inis ko siyang binuhat at pinagpagan ang damit nito."Hmp!" pag-iinarte niya sabay irap sa akin."Nagtataray ang p
It's been three days when my friends return to their own places. Kami na lang ulit ni Rhy ang narito sa apartment.Kung noong nakaraan ay sobrang weird ng pakiramdam ko, ngayon naman ay mukhang si Rhy ang may kakaiba sa kaniya. Palagi siyang nagkukulong sa kuwarto at minsan ay nadadatnan kong may kausap.Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi dahil sobrang hina ng boses nito. Minsan naiisip kong baka may kalaro siyang multo rito. Tsk!That's why, I decided to go home already. Uuwi na kami sa bahay nina Mommy. Tutal mukhang wala namang paki-alam si Harley sa amin. Kahit minsan ay hindi man lang siya nagtangkang kausapin ako. Gabi-gabi akong umiiyak, I feel so worthless.Ngunit kung iisipin, baka nga mas lalo niyang ginusto ang desisyon ko dahil mahal na rin niya 'yong babaeng 'yon.I will just focus on my business from now on. I don't want him to enter my life again. I gave him a chance but he ruined it again. Wala talaga siyang kayang gawin kun'd
"Where's Mommy?" takhang tanong ko sa robot na nasa harapan ko ngayon.Inilapag niya ang bag na hawak, mukhang mga damit ni Rhy ang laman, at iniabot naman sa akin ang dalawang plastic na may lamang mga pagkain."Hindi ako pwedeng magsalita. Pasensya na po," sagot niya at mabilis na umalis sa harap ko. May pinindot siya sa kaniyang dibdib at bigla na lamang itong lumipad.Really, anong meron sa pamilya ko ngayon? They are so weird! Hindi ba dapat ay nag-aalala sila ngayon? Bakit parang wala lang sa kanila itong nangyayari?Padabog kong isinara ang pintuan sa sobrang inis na nararamdaman. Ngunit muling binuksan ang pintuan dahil nakalimutan kong kunin ang bag na puno ng damit ni Rhy."Mommy, lumabas po kayo? Sana ginising mo na lang po ako para may kasama ka?" Pupungas-pungas na tanong ni Rhy habang pababa ng hagdan."No, anak. Nagpautos lang ako kay Lola mo ng pagkain natin, at mga damit mo. Do you want to change your clothes?" tanong ko sa
"Mommy, what are you doing?" gulat na tanong ni Rhy habang nakakapit ng mahigpit sa kaniyang upuan.Mabilis ko kasing iniliko ang sasakyan pabalik sa Tuguegarao. I changed my mind."We are not going to Tita Dan and Tita Natasha's house anymore. Let's just stay in our apartment for a while," sagot ko, abala pa rin sa pagmamaniobra ng sasakyan."Hmmm? Okay," nagtatakang saad nito ngunit hindi naman na niya pinahaba pa ang usapan.Nang maayos na ang takbo ng sasakyan ay kinuha ko ang aking cellphone at muling tinawagan ang aking pinsan."Hello? Where are you na?" bungad ni Natasha sa kabilang linya."Hindi na pala kami tutuloy riyan. We're not going to Manila anymore. Doon na lang muna kami sa apartment tutuloy pansamantala." Narinig ko ang boses ni Dan sa background, mukhang maraming tanong kay Natasha."Ha? Why are going to stay in our apartment? I thought, magbabakasyon lang kayo ni Rhy here. But... did Harley pinalayas you!? Did you
"Ano na naman ba ang nangyari?" naguguluhang tanong sa akin ni Mommy."Anong pinagsasabi mong hindi na matutuloy ang kasal? Hoy, Zimry! Nagpagawa na ako ng damit ko!" singit naman ni Tita Hera, nagdadabog pa ito habang inaayos ang mga dalang pagkain."Nag-away ba kayo?" muling tanong ni Mommy. Tita Hera gave her a sarcastic smile."Malamang, bakit makikipaghiwalay kung hindi naman pala nag-away? Ano, tinopak lang 'yang anak mo?""Tumahimik ka, Hera. Baka naman nagloko na naman 'yang anak mo, ha? Ako na talaga ang makakalaban niyan," pagbabanta ni Mommy, naka-pamaywang pa ito at masamang tinitigan si Mommy.Dito ako dumeretso kanina dahil dito iniiwan ni Harley si Rhy tuwing nasa bukid ito. Sakto namang bumisita si Tita Hera at nadatnan akong aligaga habang pinipilit si Rhy na sumama sa akin.I had no choice but to tell them the truth. Maging sina Daddy at Tito ay natulala sa sinabi ko. Kinuha ko ang oportunidad na 'yon para umalis kasama ni
Isang linggo na ang nakalipas simula noong pagdating ko rito sa Manila. Harley and I are doing good now.Mukhang nakatulong ang unang away naming dalawa bilang nasa long distance relationship para maging mas mapagkumbaba at matatag.Hindi rin naman niya ako natiis noon at agad na tumawag pagkauwi niya. Nag-sorry siya dahil naging mapilit daw ito, humingi rin naman ako ng tawad dahil naging matigas din ako sa kaniya at hindi man lang siya mapagbigyan sa simpleng hiling. Pareho kaming may mali, at pareho namang nagpakumbaba kaya naging maayos mulikaming dalawa.As much as he wants to go here, hindi naman siya pinapayagan ng kaniyang bukid. Kailangang-kailangan siya roon ngayon dahil anihan at bentahan na ng ani.Gusto ko rin naman sanang umuwi kahit minsan lang ngunit mas dumoble pa ang oras na kailangan kong gugulin ngayon dahil ako lang ang mag-isang nagta-trabaho ng lahat. Mabuti na lang ay nagboluntaryo sina Charlie na sila na ang bahala sa pagha-hire n