LOGIN
Michelle's POV
"Let's get divorced!" Mula sa pagkakahiga sa kama ay inaninag ko ang bulto ng lalaking pinagmulan ng katagang unti-unting tumatarak sa puso ko. Katagang dahilan kung bakit wasak ang pakiramdam ko. Katagang kahit ayaw kong pakinggan ay dahilan kung bakit hindi ko pa man oras na mamatay ay tila pinapatay na ako. Katagang kinakatakutan kong marinig. Ayaw kong marinig mula sa asawa ko. "B-bakit?" nanginginig ang boses na tanong ko. Kahit alam ko naman na ang dahilan ay para akong tangang nais pang marinig iyon mula sa bibig ni Lucas. Gustong gusto ko talagang saktan ang sarili ko. At sana, ang sakit na hatid niyang muli ang maging dahilan upang tuluyan na akong mamanhid sa sakit. Dahil ayoko na. Si Lucas na ilang taon pa lamang ako ay minahal na ng puso ko. Si Lucas na pinangarap kong maging asawa. Si Lucas na ngayon ay asawa ko na nga pero hindi ko nagawang paibigin. Hindi niya ako magawang mahalin. Dahil may mahal siyang iba. At kailanman ay hindi ko mapapalitan sa puso niya. Bumangon at naupo ako sa gilid ng kama. Tanging ang night lamp lamang na nasa side table ang naging tanglaw naming dalawa. Ako mula sa kamang inukopa ko ng tatlong taon, at siya malapit sa saradong pinto ng kuwarto ko. Kuwarto ko dahil sa tatlong taon na pagsasama namin, hindi kailanman ako nakatungtong sa master's bedroom ng bahay niya. Sa tatlong taon naming mag-asawa ay hindi ko nagawang makatulog sa kanyang kama o makatabi siya sa pagtulog. Sa tatlong taon na iyon ay isa akong kasangkapan na kung kailangan ay ginagamit niya. Pinupuntahan lamang niya ako sa kuwarto ko sa tuwing may pangangailangan siyang pisikal. Ako...bilang babaeng paraùsan niya at hindi bilang asawa. It's my choice to give him my all. Akala ko kasi mamahalin niya ako. "Alam mo na ang sagot, Michelle..." May bigat ang katagang iyon mula sa kanya. Mula sa pagkakatanglaw sa kanya ay iniiwas ko ang aking tingin. Lalo na dahil bigla na lamang namuo ang butil ng luha sa mga mata ko. Yumuko ako para itago ang luhang nag-uunahang magpatakan. Alam ko na ang sagot... Mapait akong napangiti kasabay ng mapait na lasa sa aking bibig. "I can compensate you with anything, Michelle. Do you want money? Kaya kitang bigyan ng malaking halaga kung saan mabubuhay ka ng masagana. Just give what I want..." "Hanggang ngayon pa rin ba, iyon ang tingin mo sa akin, Lucas?" hindi ko maiwasang bulyaw. Napahikbi ako. Nakuyumos ko ang night gown na suot ko habang lumuluhang bumaling sa kanya. "Kung hindi pera ay ano, Michelle? Hindi ba iyon naman ang dahilan kaya pinilit mo ang sarili mo sa akin? Na kahit alam mong may mahal akong iba, ipinagdildulan mo ang sarili mo para pakasalan kita! Because of what? Because of the bankruptcy your father is facing! Because of how selfish you are!" sumbat niya sa akin. Napailing ako ng marahas para pabulaan ang mga akusa niya. Ilang beses ko ng sinabing hindi ko alam ang bagay na iyon. Na humingi pala ang ama ko ng pera sa kanya pagkatapos ng naging kasal namin. Akala ko ay hindi gagawin iyon ng ama ko dahil maging siya ay nagalit sa akin nang pakasalan ko si Lucas. Itinakwil nga nila ako sa pamilya nila. Ginamit pa rin pala ako kahit hindi na nila ako itinuturing na pamilya. 'Nagpakasal ako sa iyo dahil mahal kita'. Nais ko iyong isigaw. Pero pakikinggan ba niya ako? Kailanman ay hindi niya pinakinggan ang mga salita ko. Kailanman ay hindi niya ako pinaniwalaan. Walang salita ko ang pinaniniwalaan niya. Lucas is my only family right now. Siya na lang ang natitirang pinanghahawakan ko na akin. "Now, I want you to sign the divorce agreement, Michelle!" mariin niyang saad. Mabibigat ang mga hakbang niya palapit sa gawi ko. "Three years of us is enough. This is the end of our contract!" Nanatiling hilam ng luha ang mga mata ko habang pinapanood ang paglapit niya sa akin. Nanlalabo man ang mga mata ko ay hindi ako bumitiw sa pagkakatitig sa kanya. Ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Ayaw ko siyang mawala sa akin... Pero siguro nga. Ito na ang wakas. "Three years is enough for this bullshit! Ngayong narito na muli si Olivia, siguro naman, puwede na kaming maging masaya. Give us the happy life you took from us!" Happy life? Ako ba, kailan naging masaya? "But I save her life..." anas ko. "And I paid you for that. Nilaan ko ang tatlong taon ng buhay ko sa walang ka-kuwenta-kuwentang pagsasama na ito!" Walang ka-kuwenta-kuwenta? Hindi ko maiwasang pagak na matawa habang lumuluha. Kapansin-pansin ang biglang pagdilim ng mukha ni Lucas pero wala na akong naging pakialam. Tumayo ako kahit pa tila hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang pagkapunit ng aking puso. Ang pagkawasak ng pag-asang mapapaibig ko rin siya sa loob ng tatlong taong kontrata namin bilang mag-asawa. "Tama nga naman..." usal ko. Mahina lamang pero alam kong nakarating iyon mula sa pandinig niya. Magkalapit na magkalapit na kasi kami sa isat-isa. Nagawa ko siyang tingalain. "These three years were hell, right? Impiyerno sa piling ko..." sabi ko. Sinubukan kong pahirin ang luhang patuloy pa rin sa pagpatak. Namamaos na rin ako dahil pilit kong pinipigilan pumalahaw. Pinipigilan kong magmakaawa na huwag niya akong hiwalayan. Because these three years with him was my happy place. Kahit puno ng pasakit na hatid niya sa akin. Naging masaya akong minahal ko siya. A kind of painful love. Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Pinilit kong abutin iyon mula sa kamay niya pero nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako sa mga bisig niya. Agad niya akong hinawakan sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Nasasaktan ako pero binalewala ko lang. Gaya ng pambabalewala ko at pagtitiis sa ilang taon na pasakit. "You still playing this kind of shit! Hindi mo ako makukuha sa kadramahang ito, Michelle!" ngitngit na usal niya sa teynga ko. Mariin akong napapikit. Bigla ang pagdilim ng paningin ko at panaka-naka akong nawawalan ng malay. Ang masasakit na katagang iyon nga lamang ang nagpapabalik sa aking huwisyo. Na ang lalaking kaharap ko ay walang ibinigay sa akin kundi sakit sa aking kalooban. Ibinuhos ko ang natitira kong lakas para iangat ang mga kamay ko sa dibdib niya. Bahagya ko siyang itinulak para makawala ngunit nanatili niyang hawak ako sa braso. Tila wala akong lakas upang makawala sa kanya. Wala na talaga akong lakas. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko. I stopped drinking my meds, too. Because I want to cherish the life I have inside me. "Kung gusto mo talagang kumawala, you need to push me harder. Or this is another trick of yours, huh?" Nanatili akong hindi kumikibo. My body is swaying. Hindi ko na makontrol. Saglit na nawawalan ako ng malay. Nilalabanan ko lang. Ayaw ko ng magpakita ng kahinaan para kaawaan niya ako. At hindi naman niya ako paniniwalaan kahit sabihin ko pang malapit na ang oras ko. Kahit sa mga huling araw ko ay hindi niya talaga ako hahayaang maging masaya man lamang. Iyon lang naman sana ang hiling ko. Ang maging masaya sa piling niya. Kahit saglit lang sana. "Michelle..." Hindi ko alam kung biglang lumambot ang pagkakatawag niya sa pangalan ko maging ng pagkakahawak niya sa akin. Naramdaman ko na lamang ang daliri niya sa baba ko at ang pagtaas niya ng mukha ko upang matingala siya. Hilam pa rin ng luha ang mga mata kong nanlalabo na. Nag-aagaw ang kamalayan ko at ang kadilimang kumakain na sa akin ng buo. Sumibol ang mapait na ngiti sa mga labi ko nang magtama ang mga mata namin. Hanggang sa hindi pa tuluyang dumidilim ang paningin ko ay pinakatitigan ko ang mukha ni Lucas. Ang mukha ng lalaking minahal ko ngunit tanging pasakit lang ang napala ko. "I thought, I could melt your heartless heart, Luke," sa nanghihinang boses ay ika ko. "Nagkamali ako. I could never win your heart. You will never love me. Tanggap ko na... mas tatanggapin mo ang kamatayan ko kesa ang pagmamahal ko sa iyo..." Ramdam ko ang biglang paghigpit ng hawak niya sa baba ko. "Stop this nonsense!" singhal niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha. Isang multo ng ngiti ang namutawi sa mga labi kong wala ng kulay. I'm tired. Pagod na pagod na akong lumaban. Ilaban ang pagmamahal ko. Ilaban ang buhay ko. I'm sorry, my angel. Mas pipiliin ko na yatang magkasama na lamang tayo sa kabilang mundo. "You don't need my signature. You will be free, Lucas..." Sinubukan ko siyang itulak kahit wala ng lakas. Nanatiling nakatingala ako dahil hindi niya kailanman binitiwan ang baba ko. "My heart will stop beating and loving you..." Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng mga kamay ko. Bumagsak na lamang iyon mula sa pagkakadampi sa dibdib niya. Unti-unti akong pumikit kasabay ng pagbagsak ng ulo ko mula sa pagkakahawak niya. "Michelle..." Kay sarap pakinggan ng boses niya. Nang pagtawag niya sa pangalan ko ngayon. I can sense fear. Natatakot ba siyang mawala ako? Pero huli na ang lahat Huli na. I will stop loving him as my life stops right here. I don't want to feel pain anymore. Pain of loving him. Sumusuko na ako. Sinusukuan ko na siya."Hi Basti," bati ni Samantha kay Basti nang mabungaran nito ang lalake na mag-isa sa sala. May hawak itong lapis at papel at tila may ini-sketch. Nakaupo ito sa pandalawahang sofa at kahit na may upuan pa ay nakisiksik siya roon. "Sa—" natigil sa ere ang sasabihin nito nang bigla niya itong harapin at ngitian. Medyo umusod ito palayo pero umusod din siya palapit. "I have to go—" "Basti!" pigil niya sa pagtayo nito. She cling to his arm at hinila ulit ito paupo. "Huwag ka ngang umiwas sa akin..." aniya. Nakangiti pa rin. Walang pakialam sa naging asal ng lalake. Kumunot ang noo ni Basti kay Samantha. "I am not!" ika niya. Hindi naman talaga. Pero medyo asiwa siya sa presensiya nito. At bakit dumidikit-dikit ito sa kaniya. Paano kung makita sila ni Ethan. Si Ethan. "Tell me..." "Hmmmm, what is it?" buo ang atensiyon na saad nito. Nagningning ang mga mata na para bang ang saya-saya na nanatili siya at kinakausap niya. "You and Ethan...." Nagsalubong ang mga kilay nito. "What a
Sa isang kuwarto si Ethan at Samantha nanatili. Sa isa naman ay naroon si Basti at Leila. Parehong nagpapakiramdaman. Parehong hindi mapalagay ang mga isipan. Lumabas si Ethan saktong ganoon din si Leila. Medyo napatda si Leila at agad na umiwas ng tingin. "How is she?" medyo nautal pa niyang tanong. Mariin namang napatitig si Ethan sa babae. May hinihintay na reaksyon. "She's okay. She's resting..."Tahimik. Bigla silang nanahimik na dalawa. "Hmmm...may balita na ba sa gustong pumatay sa akin?""How's your neck?"Halos sabay silang nagsalitang muli. "It's better.""No news yet."Sabay na naman silang sumagot. Pormal lang si Ethan. Natuto na siyang itago ang nararamdaman. Si Leila naman, habang tumatagal ay talagang aminado siyang apektado siya sa lahat ng may kinalaman kay Ethan. Naiinis siya sa sarili dahil akala niya, wala na iyon sa tagal na panahon ang lumipas. Hindi pala ganoon nabubura ang isang damdaming natanim na ng husto at nag-ugat sa kaniyang puso."Hmmmm, okay. I'm
Agad na dinala ni Ethan ang babae sa kabilang kuwarto. Kumuha agad ng palangganang may tubig at pamunas. Pinagpapawidan ito at medyo mainit ang katawan. Si Leila naman na nagpapahinga ay nabulabog sa maliit na kumosyon kaya napalabas sa kuwarto. "Basti... what happened?" Ininguso ni Basti ang kabilang kuwarto. Bukas ang pinto kaya nakita ni Leila ang ginawang pagpunas ni Ethan sa katawan ng babae at ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatitig sa babae. Napanguso siya. Iyon ba ang babaeng kausap niya sa telepono? Paano na si Cristina na die-date nito? Nagulat siya nang akmang huhubaran ni Ethan ang babae. "Hoy anong ginagawa mo...." Masakit pa ang katawan niya dahil sa pagkakabangga pero mabilis siyang pumasok sa kuwarto. Agad na tumambad sa kaniya ang magandang mukha ng isang babae nang makalapit na.. May mga sugat ito sa kamay at mukha pero hindi maipagkakailang maganda talaga. "I need to change her clothes..." ika ni Ethan na hindi siya tiningnan. Ipagpapatuloy na sana n
Hindi mapakali si Leila kahit na pagod ang katawan niya. Hindi din siya makatulog kahit na wala pa siyang naging tulog simula kahapon. Iniisip niya ang Mama at kapatid niya. Baka nag-aalala na rin ang mga ito sa pagkawala niya. Hindi siya mapakali dahil alam niya ang kalagayan ng ina at ang hindi maaasahan na kapatid."Are you okay, Leila? Did you sleep well?" tanong ni Basti na pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya. Ngumiti siya. Pilit na pilit. "Pasensiya ka na Basti, nadamay ka dito..." ika niya. Kahapon pa niya gustong humingi ng pasensiya sa lalake. Umiling naman ito agad. "Wala ito, Leila. Importante ang kaligtasan mo. Ayon kasi kay Ethan, nanganganib ang buhay mo kaya kailangan kang itago..." sabi naman ni Basti. Kinausap niya kanina si Ethan. Gusto niyang malaman ang lahat para ready din siya."Iniisip ko sila Mama...""Don't worry about them. Uncle Lucas was looking after them now..." Parehong silang napatingin ni Basti sa may pinto. Naroon si Ethan. May dalang tray ng
Masakit ang ulo ni Leila nang magising. Nasapo niya ang leeg dahil pakiramdam niya ay may nakalagay doon."You have a neck brace, careful..." Dahan-dahan na bumaling siya sa nagsalita. Napalunok siya nang magtagpo ang mga mata nila ni Ethan. May benda ito sa ulo."Are...you okay?" nagawa niyang itanong kahit na medyo nakakaramdam siya ng hiya dito nang maalala ang nangyari. "Yeah, maliit lang na sugat sa noo ang natamo ko. You, are you feeling okay?"Iniiwas niya ang tingin. "Bukod sa parang na-stiff neck ako? I feel okay, naman..." sagot niya."If that's the case, we need to go...""Huh?"Nagulat siya. Gusto niyang sumigaw pero parang nalunok niya ang dila niya. Wala din siyang magawa dahil parang nanghihina pa siya. Tapos..."Saan mo ako dadalhin, Ethan?" Nanlaki ang mga mata niya dahil buhat-buhat siya nito. Ipinagtaka din niya ang pag-iwas nito sa ilang mga nakikitang staff ng hospital at sa mga pulis.Ginamit din nito ang backdoor ng hospital para makaalis sila mula roon."Etha
Nanginginig pa si Leila habang naroon na ang mga pulis at kinukuha ang laman ng package na ipinadala sa kaniya. "A death threat..." iyon ang ika ng isang pulis na babae. Sinusuri ang laman ng box. Napayakap si Leila kay Lilybeth na siyang tumawag agad ng mga pulis pagkatapos niyang sumigaw pagkabukas ng package. May picture din iyon ng kanyang ama at mga letrang nagsasaad na siya ang susunod."We will run an investigation, Miss Schutz. We will take this with us..." sabi ng pulis. Inutusan ang isang kasamahan na dalhin na ang package palabas sa opisina niya.Kinuha ang testimonya niya maging ni Lilybeth na siyang tumanggap ng package. Ibinigay din sa kaniya iyon mula sa receptionist area kaya ngayon ay tinatrack ng pulis ang delivery man. Maging ang mga surveillance camera. "Kung sana ganito ang ginawa ng iyong ama noon. Baka sakaling buhay pa siya ngayon..."Agad na lumipad ang tingin ni Leila kay Lilybeth dahil sa sinabi nito. Wala na ang mga pulis at sila na lamang doon. "A-lam







