LOGIN
ZANAYA ARRIOLA. Married.
Proud ako lagi na isulat iyon sa status entry ng anumang official document. Masasabi kong isa ako sa mga nag-asawa na hindi nagsisi sa naging desisyon ko kahit tutol dati ang mga magulang ko sa lalaking pinili kong pakasalan. Nakulangan kasi sila sa pundasyon ng pagmamahal sa akin ng asawa ko. Masyado raw mabilis. Three months lang kaming mag-on tapos kasal agad. Wala raw akong pagkakataong kilalanin muna si Gavin.
"All done, Ma'am, thank you for giving me your personal info. I will settle this right away and give you updates afterwards," sabi ng agent na kausap ko online.
Nag-apply ako ng life insurance. Medyo maganda na kasi ang kita ng pastry business ko. Banana cookies, cupcakes at macaroons. Kaninang umaga nakabinta ako ng 50 pieces na banana cake, 50 boxes ng macaroons at 50 boxes na cupcake. Tatlong beses sa isang lingo ako nagluluto, sobrang nakapapagod kasi kung aaraw-arawin ko.
Nagtungo ako sa sala at tinawagan si Mama Minda. May problema siyang idinulog kahapon pero sandali lang kaming nagkausap dahil kailangan kong asikasuhin si Gavin.
"Kumusta na si Maricel, Ma?" tanong kong nag-alala.
Kinakapatid ko si Maricel. Inaanak siya ng mga magulang ko sa binyag. Battered wife siya at kahapon ay pinagbuhatan na naman ng kamay ng asawa niya. Hindi makaalis sa poder ng lalaki dahil ginagamit na rason ang dalawang anak.
"Sinamahan namin ni Papa mo sa barangay kanina, ni-refer kami sa women's desk."
"Ilang beses na po ba iyan? Sana magawan na ng action."
"Tutulungan kami ni kapitan."
"Mabuti naman po."
Madalas kong marinig mula sa mga matatanda na ang pag-aasawa ay hindi kaning mainit na pwedeng iluwa kapag napaso ang dila. Ang pag-aasawa, kahit iluwa mo pa ay mag-iiwan ng sugat na maaring hindi maghihilom kahit sa paglipas ng maraming taon.
"Sige na, Anak, tatawag ulit ako bukas. Mag-iingat ka riyan at maraming salamat sa pera. Umiyak si Maricel nang i-abot ko sa kaniya ang padala mo." Nagpaalam si Mama.
"Walang anuman po, update n'yo ko bukas ha? Bye, ingat din kayo ni Papa."
Dalawa lang kaming magkapatid, puro babae. Noong dalaga pa ako, takot akong mag-asawa lalo na at hinulaan ng kapitbahay naming na hindi magiging successful ang married life ko. Magtataksil daw ang mapapangasawa ko. Halos maniwala ako sa hula na iyon kaya umabot ako sa edad na twenty-five bago nagkaroon ng boyfriend.
Si Gavin Arriola, first boyfriend ko at ngayon ay asawa na. Engineer siya at head officer ng City Planning and Development Office ng LGU-Juan Luna City. Four years na kaming kasal at hindi pa rin biniyayaang magkaanak pero hindi naman iyon naging issue sa pagsasama namin. Mas madalas ang ugat ng pagtatalo namin ay tungkol sa kagustuhan kong bumalik sa pagtuturo.
Licensyadong guro ako ng public school noong nagkakilala kami. Matapos naming magpakasal ay pinahihinto niya ako. Pinagbigyan ko na rin, gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa kaniya at sa magiging anak namin. Pero dahil mahal ko ang pagtuturo, may mga sandaling sumasagi sa isip kong bumalik kahit sa day care center man lang.
"Ate, tapos ko na po ligpitin ang mga sinampay. Bukas ko na lang po titiklupin." Sumilip sa akin roon sa sala si April. Stay-out maid naming siya at working student. Nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi.
"Okay na iyan, April. Ako na ang magtutupi mamaya. Aalis ka na ba?" tanong ko.
"Opo, mag-re-review pa ako roon sa library. Prelims na kasi namin ngayong week na ito."
Inabot ko ang wallet na nasa ibabaw ng divider. Binuksan at kumuha ng five hundred pesos na papel.
"Idagdag mo na ito sa allowance mo at may banana cake roon sa ref, kumuha ka ng isa para may snacks ka mamaya."
"Pwede po ba akong kumain na rin ng hapunan, Ate? I-uulam ko po 'yong tira na ham at corned beef kaninang umaga."
"Bakit iyon ang iuulam mo? May marinated chicken diyan sa ref, magluto tayo. Mabilis lang naman, halika."
Nag-prito ako ng mabilisan ng manok at si April ay nagsaing sa rice cooker.
Napansin kong panay ang sulyap niya sa akin na para bang may gustong sabihin pero nag-aalangan.
"May problema ka ba sa school? Huwag kang mag-atubiling sabihin sa akin lalo na kung sa financial, okay?"
"Okay lang naman po ang pag-aaral ko, Ate. Ano lang kasi, may sasabihin ako pero huwag po kayong magalit ha?" Nilingon niya ako, nasa mga mata ang pagkabalisa.
"Bakit naman ako magagalit? Ano ba iyon?" Bahagya pa akong natawa at lumayo ng kunti sa kawali para makaiwas sa tilamsik ng mantika.
"Ah...noong Sunday nagpunta kami ng classmate ko sa National Book Store, tapos paglabas namin nakita ko si Kuya, pumasok sa McDo, may kasama po siyang babae. Inaakbayan niya tapos hinalikan sa sentido. Gusto ko po sana silang sundan kaya lang nagmamadali na 'yong classmate ko at hindi ko pa po kabisado kung paano sumakay ng bus doon sa siyudad."
Tumawa lang ako. Marami na akong naririnig na ganoon tungkol kay Gavin mula sa mga kaibigan kong guro. Pero may tiwala ako sa asawa ko. Hindi niya ako lolokohin.
"Baka pinsan niya iyon. Close si Gavin sa mga pinsan niyang babae at sobrang lambing. Hindi mo pa nakita ang iba niyang pinsan, no?"
"Hindi pa po. Pero namukhaan ko po 'yong babae, Ate. Nurse po iyon diyan sa City Health Office, si Mildred Las Peñas. Kaya pamilyar sa akin kasi dalawang beses na siyang dinala ni Kuya rito noong nag-deliver ka ng paninda mo."
Bumigat ang tibok ng puso ko. Ayaw kong isipin na kaya akong lokohin ni Gavin. Pero wala namang dahilan para magsinungaling si April. Ako ba ang nagkamali? Masyado ba akong nagtiwala sa asawa ko kaya nagbubulag-bulagan ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko? Gayunpaman, gusto ko pa ring bigyan ng benefit of the doubt si Gavin.
"Ate, sorry po ha, ngayon ko lang sinabi. Ayaw ko kasing sumama ang pakiramdam mo. Anniversary n'yo pa naman bukas ni Kuya."
"Okay lang," matamlay kong sagot.
Tuluyan akong nawala sa focus at nasunog ang piniritong manok. Biglang sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung paano kakausapin si Gavin pag-uwi niya. Siguradong hindi niya magugustuhan kung ang ibubungad ko sa wedding anniversay namin ay ang tungkol sa posibilidad ng pagtataksil niya.
Pero noong gabing iyon ay hindi umuwi sa akin ang asawa ko. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa kaniya buong magdamag. Lalo tuloy naghimagsik ang emosyon ko kahit gusto kong bigyan siya ng pagkakataong isalba ang sarili sa pagdududang kumakain sa akin.
"Pasensya ka na, nag-overtime ako kagabi." Nasa kusina ako at naghahanda ng breakfast nang dumating siya. First time na hindi ko siya sinalubong.
"Hindi ka man lang tumawag?" sita kong hindi siya sinulyapan. Baka sumabog na lang ako sa sobrang poot at takot na nadarama.
Niyakap niya ako mula sa likod. "Sobrang busy lang talaga. May inasikaso kaming madaliang upgrading para sa CLUP ng LGU. Kailangan na kasing maipasa iyon sa province ngayong week na ito."
Bulong ng isip ko kasinungalingan iyon pero gusto kong maniwala dahil takot akong harapin ang totoo.
"Upgrading ng CLUP o ng secret affair mo kay Mildred sa city health?" Umikot ako paharap sa kaniya at itinulak siya. "Are you cheating on me, Gavin? Umamin ka!" Sadya kong nilangkapan ng tapang ang tono kahit umuuga ang mga tuhod.
Rumehistro sa mukha niya ang gulat at ang mabilis na pagdaan ng guilt sa mga mata ay indikasyon na tama nga ang sinabi ni April. Nagtaksil sa akin ang asawa ko. Para akong inabandona ng katinuan.
"Anniversary natin ngayon, tapos ito ang ireregalo mo sa akin? Kapal ng mukha mo! Gaano katagal na ha? Gaano katagal mo na akong niloloko?" Sinampal ko siya pero sinalo niya ang kamay ko at itinulak ako.
Bumuga siya ng hangin at bagsak ang mga balikat na binuksan ang sling bag na nakabitin pa rin sa katawan. May kinuha siyang brown envelope sa loob. Nilapag iyon sa kalapit na mesa.
"Annulment papers ang laman nito, pirmahan mo. Matagal ko nang balak na makipaghiwalay sa iyo, Zanaya. Last year pa noong nanganak si Mildred sa baby namin. Hindi ko lang magawa dahil naaawa ako sa iyo. Pero intindihin mo sanang hindi na kita kayang mahalin pa."
Tigagal akong humawak sa edge ng kitchen counter. Kinapos ako ng hangin. Pakiramdam ko ay umurong ang aking utak. Kumirot ang ulo ko at ang dibdib ko ay parang sasabog sa hindi ko maipaliwanag na sakit.
"Ano'ng sabi mo, Anikka? Diyan ka na mamamalagi? Hindi ba't may usapan tayo na kapag nakakuha ka ng pera sa ama ng anak mo, babalik ka rito at babayaran mo ang utang natin? Naisangla namin ang lupain nang magkasakit ang iyong ina, baka nakalimutan mo! Kung kailangang ibenta mo 'yang anak mo, gawin mo!"Nakagat ko na lang ang labi para supilin ang pagpatak ng luha. Kamag-anak ko si Tiya Vicky. Sa kaniya kami nanuluyan ni Mama pagkatapos ng trahedya sa Tacloban na ikinasawi ni Papa. Pero hindi naman libre ang pagtira namin doon. Nagtatrabaho si Mama. Ako naman ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Sa madaling salita, katulong kami kaysa ituring na kapamilya.Okay lang naman sana iyon. Hindi nagrereklamo si Mama hanggang sa ipasok siya ni Tiya ng escort sa mga dayuhang bumisita roon sa isla. Doon niya nakuha ang sakit na ikinamatay niya pagkatapos ng mahabang gamutan.Nabaon ako sa utang at kalaunan ay pinasok na rin ang raket na naging dahilan kung bakit nawala sa akin si Mama. "Ano? Baki
"Relax, Langga." Marahang pinisil ni Ark ang aking kamay. Halata sigurong kabado ako. Sino ba 'yong guest na hinihintay niya? Hindi naman siguro siya gagawa ng underhanded tactic para malusutan ko ang paratang. Ayaw kong ilagay niya sa alanganin ang pangalan niya. Pulis siya at dapat batas at katarungan pa rin ang mangingibabaw sa priority niya."Sino 'yong hinihintay natin?" tanong kong nag-aabang sa pintuan ang mga mata."Si Aling Carol, utility siya ng condo at minsan kinomisyon ng mga unit owner para maglinis." May kumatok sa pinto. "Come in!" Tumayo si Ark at naglakad patungo sa desk nito. Kinalikot ang laptop na naroon.Bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nasa late forties ang edad, malinis na nakatali sa likod ang buhok at may maamong mukha sa kabila. Hinatid siya ng investigator doon.Pagkagimbal ang rumehistro sa mga mata ni Katricia nang makita ang panauhin. "Siya ang witness mo, Captain?" Sarcastic itong tumawa. "Ano'ng kasinungalingan ang pinagsasabi niya sa iyo? Tw
Nagisnan ko si Rex na hinihele ang anak namin. Madaling-araw na at hindi yata siya natutulog sa kababantay sa aming dalawa ng sanggol. Kahapon pa kasi ako inaapoy ng lagnat at nag-advice na ang pedia na huwag ko munang papadehin ang bata at baka mahawa sa trangkaso ko. Si Rex ang nagpupuyat sa pagtitimpla ng gatas at pagpapadede tapos inaalagaan pa niya ako."Nagugutom ka ba? Gusto mo ng gatas?" tanong niya."Bakit gising si baby?" tanong ko."Katatapos lang niya dumede kaya pinapatulog ko. Gusto yata niya diyan sa tabi mo." Bahagya siyang natawa at sinalat ang aking noo. "Mainit ka pa rin." Nanlumo siya at binalingan ang gamot.Nakatulog ang sanggol at agad niya itong ibinaba sa kuna. Lumabas siya ng kwarto at pagbalik ay may bitbit nang lugaw at gatas. May sliced fruits din. Kumain ako at naubos pati ang prutas. Uminom ako ng gamot at muling nakatulog.Magaan na ang pakiramdam ko pagkagising kinabukasan. Narinig ko mula sa may couch ang tawa ni Rex. Nasa harap siya ng laptop at mukh
Tumawag sa bahay ang hospital at ipinaalam sa amin na nagising na si Katricia. Pero hindi ako umalis. Hinintay ko si Ark. Mahigpit niyang bilin sa akin na huwag akong pumunta mag-isa. Tanghali na siyang nakauwi ng bahay galing ng police station. Kaagad kaming tumulak patungong provincial hospital. Sinugod agad ako ni Mrs. Marquez pagpasok pa lang namin pero niyakap ako ni Ark at iniharang niya ang sarili."Mrs. Marquez, we came here to check on Katricia, hindi kami narito para maghanap ng gulo o para saktan mo ang fiancee ko. Like I said, she is innocent.""Cookies lang niya ang kinain ko, Ark!" palahaw ni Katricia. "You better tell the truth or I will personally investigate this matter. Oras na malaman kong may ginawa ka para i-frame si Zanaya, dadalhin ko sa korte ang kaso at hindi kita titigilan hangga't hindi ka nakukulong.""Ark," pigil ko sa kaniya. "Langga, nagsisinungaling siya.""How dare accused my daughter about lying, Capt. Columbus. You know, we are very disappointed of
"Hindi ka ba nauuhaw, Anikka?" tanong ni Ate Chona sa akin pagkababa namin ng van."Careful." Kaagad akong sinaklot ni Rex sa baywang habang karga niya sa kanang bisig ang anak namin."Nagugutom ako," sabi kong tumingala kay Rex."Let's get inside, Chona, ipaasikaso mo na ang mga gamit sa back-ups ko," utos ni Rex kay Ate Chona. "And kindly follow-up the food I ordered from the restaurant. It should be here by now, umaga ko pa iyon na-book.""Sige po, Sir."Tumuloy kami sa loob ng bahay. Nasa high-end subdivision iyon sa karatig na lungsod ng Juan Luna. Lumipat na naman kami pagkatapos ng report tungkol sa kahina-hinalang mga tao na pumupunta ng hospital at doon sa bahay na dati kong tinitirhan."Rex, paki-check naman si baby, baka umihi," sabi kong naupo sa couch at minasahe ang kanan kong binti. Namimitig na naman. Mabigat pa talaga ang katawan ko at hindi pa ako dapat idi-discharge. Mabuti na lang at na-enroll ako for out-patient."How did you know she pee?" manghang tanong ni Rex
Hindi ako makahinga sa kaba at pananabik habang humahagod sa tiyan ko ang ultrasound transducer. Nakatuon ang paningin ko sa monitor. Pigil ko ang hininga nang lumitaw doon ang images. "There's our baby," hinagkan ako ni Ark sa labi. Nag-ulap sa saya ang mga mata ko at hindi kumukurap habang nakatitig sa screen. "Ang baby ko," mahina kong usal. "Baby boy," anunsiyo ng doctor. "You have nothing to worry, malakas ang heartbeat niya at mahigpit ang kapit niya sa sinapupunan mo. Continue mo lang ang routine at doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa panganib, okay? Bantayan din ang kinakain. I-konsulta lagi sa nutritionist kung may food kang gustong kainin. Dagdagan mo rin ng masa maraming veggies ang menu mo.""Thank you, Doc. Madalas nga pala akong nagkakaroon ng cramps.""Baka sobra ang iniinom mong malamig na tubig. Try lukewarm water sometimes. Very cold water may not affect the baby directly but your body will have reactions to it depending on the amount you take, cramps is one







