"L-last year?" halos maumid ako. "Isang taon mo na akong pinagmukhang-tanga? Hayup ka! Bakit, ano bang ginawa kong mali at hindi mo na ako kayang mahalin?" Nadakma ko ang pitsel na may tubig at hinambalos iyon kay Gavin, kasabay ang pagbaha ng mga luha ko.
Hindi niya naiwasan iyon. Nasapul siya sa dibdib at natapon sa kaniya ang tubig na laman. Basang-basa ang damit niya. Nanlilisik ang mga matang lumapit siya sa akin pero nahila ko ang magnetic wooden knife block na puno ng kutsilyong iba-iba ang laki. Humugot ako ng isa at itinutok sa kaniya.
"Susuntukin mo ako? Sige, subukan mo at nang magkalat iyang laman-loob mo rito sa kusina!" gigil niyang hiyaw.
Umatras siya. Dumaan sa mukha ang takot. Nagtagis siya ng mga bagang.
"Naawa ka sa akin kaya hindi mo masabi na nagtaksil ka? Walang hiya ka! Naaawa ka sa akin kaya ikinakama mo pa rin ako kahit may ibang babae ka na? Ginawa mo akong sawsawan ng karumihan ninyong dalawa?" histerikal kong sigaw at iwinawasiwas ang kursilyo.
"Pirmahan mo na iyang annulment papers natin. Babalik ako bukas para kunin lahat ng gamit ko. Huwag kang magmatigas kung ayaw mong idemanda kita ng frustrated murder dahil sa ginawa mo ngayon!" Kumaripas si Gavin patungong pintuan.
Naiwan akong naghahabol ng hininga dahil sa sikip ng dibdib at pagluha na hindi ko na halos mapakawalan. Sumalampak ako sa sahig. Tatlong taon na wala akong ibang ginawa kundi mahalin si Gavin. Bakit niya nagawang lokohin ako? Saan ba ako nagkulang? Ano bang mali sa akin? Mas maganda ba si Mildred? Mas mabait ba iyon? Mas masarap bang magmahal ang babaeng iyon?
"Ate? Ate, ano'ng nangyari!?" Tarantang dinaluhong ako ni April at inagaw sa akin ang kutsilyo. Niyakap niya ako.
Doon ko lang napalaya ang malakas na hagulgol. Para akong bumagsak sa malalim na bangin. Wala akong makapitan. Tinatadtad ng kirot ang buong katawan ko. Hindi ko man lang na-kondisyon ang sarili para sa araw na ito. Wedding anniversary namin. Akala ko masayang magbubukas ang panibagong taon namin bilang mag-asawa. Akala ko...
"Paano niya nagawa iyon sa akin? Siya lang ang minahal ko!"
"Sabi ng kuya ko hindi na lang mga bagay ngayon ang ninanakaw, pati asawa nanakawin din kung malingat ka. Ang masaklap pa, mas gusto ng mga lalaking iyon na mag-stay roon sa piling ng mga kawatan. Ang tawag sa kanila mga lalaking second-hand. Mga babaeng mumurahin lang din at barat ang nababagay sa kanila."
"April, pwede pa ba akong makiusap sa kaniya? Baka pwede pa, di ba?"
"Huwag na po, Ate. Kapag ginawa mo iyan lalo ka lang nilang sasaktan. Kung ipapakita mong mas mahina ka kung wala siya, aabusuhin ka niya at baka dumating ang araw na pati ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili ay mawala. Hindi ikaw ang tanga, si Kuya po ang bobo, at 'yong kabit niya, cheap ang tawag doon."
"Pero mahal na mahal ko si Gavin! Hindi ako mabubuhay kung-"
"Ate," sinapo ni April sa mga palad ang mukha ko. "Makinig ka po, noong isilang ka hindi mo kasama si Gavin. Malaki ka na nang magkatagpo kayo. Hindi niya hawak ang buhay mo at wala siyang karapatan na saktan ka ng ganito. Huwag kang magpatalo sa pagmamahal na sinayang lang niya. Ilaan mo iyan sa taong mas karapat-dapat.
Pero lahat ng sinabi ni April ay ayaw tanggapin ng utak ko. Parang may kalyo ang isip ko na ang patuloy na isinigaw ay mapabalik si Gavin kahit imposible na.
IBANG-IBA sa mga nakita ko sa tv ang senaryo ngayon sa loob ng courtroom. Tahimik. Kontrolado ang pag-uusap. Bawat sulok ay may bailiff o mga bantay na police. Higit sa lahat hindi pinapapasok ang walang direktang kinalaman sa kaso at hindi testigo, gaya ng mga magulang ko at parents ni Gavin. Sa madaling salita, walang audience. Walang pwedeng makiusyuso sa kaganapan.Makaraan ang ilang minuto ay sunud-sunod na pumasok ang court reporter, clerk at court interpreters."Everyone, arise!" anunsiyo ng reporter, hudyat na papasok na rin ang hukom.Tumayo kaming lahat. Pumasok mula sa private door ang lalaking judge na marahil ay mas matanda lamang ng ilang taon kay Papa. Matangkad at makisig. Bakas ang walang pingas na kapangyarihan at otoridad na matikas na tindig. Suot niya ang salamin sa mga mata na nakadagdag sa intimidating niyang aura."Be sitted, everyone!" Ipinukpok niya ang gavel, iyong bagay na gawa sa kahoy at kamukha ng martilyo. "Plaintiff and defendant, you may proceed with
UNANG pagdinig sa kasong adultery at concubinage. Maaga akong dumating sa korte, kasama ang mga magulang ko. Sadyang nag-leave si Papa para sa araw na iyon."Anak, sasalang ka ba mamaya sa tanungan?" tanong ni Mama."Hindi na, Ma. May judicial affidavit na ako. Okay na raw iyon sabi ng abogado.""Zanaya, punta muna tayo ng briefing room," yaya sa akin ni Atty. Ramos."Sige po. Ma, Pa, sa briefing room muna kami." Sumama ako sa abogado patungo sa briefing room. Halos tubuan ako ng pakpak pagpasok nang makita kong naroon si Arkham. May dalawang police ring nakabantay sa labas ng pinto."He requested to see you, hindi siya pwedeng pumasok doon sa courtroom dahil sa issue ninyong dalawa. May ten minutes ka lang," bilin ng abogado sa akin.Tumango ako, hindi inaalis ang tingin kay Arkham na nasa gitna ng silid, nakapamulsa ang mga kamay sa uniporme niyang pantalon at nakatitig sa akin. Nang humakbang siya ay para bang nagkaroon na rin ng sariling buhay ang mga paa ko. Tumakbo ako at sinalu
SUPORTA ng pamilya at mga kaibigan. Siguridad ng hustisya mula sa panig ng batas. Pagkakataong magsimulang muli. Mayroon na ako ng mga ito. Pero hindi pa rin madali ang umusad. Ngayong akala ko ay ayos na ang lahat dahil nakangingiti na ako kahit papaano, saka naman ako pinupukol ng panibagong kasinungalingang kumakalat sa social media at sa komunidad."Huwag mo nang pansinin iyan, Ate. Kung pati ang mga taong hindi mo kilala at hindi ka kilala ay iisipin mo pa, ma-e-stress ka lang." Inaalo ako ni Zoe.Dalawang araw nang pinutakte ng bashing ang facaebook at instragram account ko. Oportunista. Doble-kara. Asawang lagalag. Palamunin. Ilan lang ang mga ito sa nabasa ko.Sa opinyon ng mga taong hindi alam ang tunay na nangyari, ako ang nagloko. Ako ang nagtaksil. At si Gavin ang kawawa. Lumutang din ang usap-usapang kaya kinaladkad ko sa korte ang asawa ko’y para makapagbayad siya ng malaki sa moral damages imbis na magkaroon kami ng patas na hatian sa conjugal properties na mayroon kami
"The complainant added several charges to the women's desk, sexual abuse and rape. She requested a protection order. Allowing you for bail will put her safety at risk. Isa iyan sa maraming dahilan kaya na-deny ang piyansa ninyo," detalyadong sagot ni Arkham."Rape? Ano'ng kalokohan iyan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Gavin."Kasama sa salaysay ni Zanaya na kahit pagod na pagod siya ay pinipilit mo siyang makipagtalik sa iyo. Nagagalit ka kapag tumanggi siya at idinadaan mo siya sa pwersa. That is an element for a rape case, Mr. Arriola.""Kalokohan! Lahat ng ginawa ko sa kaniya ay nagustuhan niya! Hindi naman siya umangal! Malaking kalokohan iyan, Zanaya!""Nabilang ko iyon, Gavin! Anim na beses, umuwi kang lasing. Pinilit mo ako kahit may sinat ako dahil sa sobrang pagod. Nagreklamo ako pero hindi ka nakinig dahil lasing ka! May pagkakataon din na kahit may bisita tayo, kapag inabot ka ng libog, nawawalan ka ng hiya at kinakaladkad mo ako sa kuwarto!""You did this to us, Captain!
NASASAKAL ako sa tension na bumalot sa buong silid. Ngayong araw ako nag-execute ng judicial affidavit para sa kasong pormal na isasampa laban sa dati kong asawa at sa kabit niya.Umapela ang abogado ng depensa kung pwedeng makausap ako ng masinsinan. Susubukan siguro nilang aregluhin na lang at humingi ng tahimik na annulment process.Pwede naman akong tumangging harapin ang dalawa sa pribadong pag-uusap pero naisip kong magmumukha akong duwag. Kahit papaano gusto kong panghawakan pa rin ang aking karapatan bilang legal na asawa at ang estado ko na tinapakan nina Gavin at Mildred."We will be paying twice of the moral damages stipulated in the case or if there are additional conditions from your side," sabi ni Atty. Rama, ang abogado nila."What do you think, Mrs. Arriola?" tanong sa akin ni Atty. Ramos.Umiling ako at iniwasang tingnan sina Gavin at Mildred na nasa kabilang dako ng parihabang conference table. Kahit may suot na surgical mask halata ang pamamaga at pinsala sa nguso n
Pagkaalis ni Arkham ay tinulungan ko sina mama at Zoe na nag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng kuwarto."Anak, huwag mong mamasamain ang sasabihin ko pero mag-iingat ka sana kay Captain." Nagsalita si Mama."Bakit po, Ma?" nagtataka kong tanong."May gusto ba sa iyo ang lalaking iyon."Tumingin ako kay Zoe na ngumuso at kunyari walang narinig na tanong."Tumutulong lang po siya, Ma." Huminga ako ng malalim at binalingan ang mga aklat sa loob ng cardboard box."Tulong na balang araw may kapalit?"Nahinto ako sa paghango ng mga libro. "Ma, huwag naman po nating pag-isipan ng ganoon si Captain. Police po siya, natural na sa kanila ang tumulong sa tao. Mandato nila iyon.""Pasensya ka na, Anak. Nag-aalala lang ako. Baka mahulog ka sa kaniya. Itong kapatid mo, tatlong minuto pa lang yata ayon, na-crush na roon.""Mama!" angal ni Zoe na nagba-blush.Natawa naman ako. Sukol na sukol ang kapatid ko."Prone sa tukso ang mga gaya nilang police at iilan lang ang may tapang na lumaban. Ayaw ko lan