Home / Romance / MGA TINIK SA KAMA / Chapter 3 - self-doubt and pity

Share

Chapter 3 - self-doubt and pity

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-28 12:27:45

KUNG wala siguro si April baka kung ano na ang ginawa ko. Sinamahan niya ako roon. Pinilit akong kumain kahit ayaw ko. Pinainom ako ng gamot. Buong katawan ko kasi ang masakit. Hindi ko maintindihan. Hindi ko matukoy kung saan nanggagaling ang hapdi at kirot.

"Hindi ka ba papasok?" mahina kong tanong kay April pagkahiga ko sa kama.

"A-absent muna ako ngayon, Ate, para may kasama ka rito. Nagpaalam na ako sa teacher ko." Inayos niya ang kumot. "Matulog ka po muna, babantayan po kita."

"Salamat, April."

Ginapi ng pagod at depression ang buong katawan ko. Tinangay ako sa pagtulog pero nagising din dahil sa bangungot. Nakikita ko nang paulit-ulit ang eksenang iyon, ang pag-alis ni Gavin sa tahanan namin at wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin, Kuya, hindi ko maiwan si Ate rito, natatakot ako. Baka kung mapaano siya." Boses ni April mula sa sala.

May kausap ba siya. Naudlot ako sa tangkang pagbangon. Ang bigat ng katawan ko. Para akong dinaganan ng malaking troso. Tuyo ang lalamunan ko at mahapdi ang namumugto kong mga mata.

"Nasaan siya?" Malaki, magaspang pero may kakaibang haplos sa tainga ang tinig ng lalaking sumagot.

"Nasa kuwarto, natutulog."

"Bakit mo iniwan?"

"Sinisilip ko siya from time to time, lumabas lang muna ako para itago ang mga kutsilyo."

"Huwag mo siyang iwan, babalik ako mamaya. May urgent meeting lang ako sa labas."

"Sige po, Kuya."

Kuya? Kapatid ba ni April ang lalaking kausap niya? Pilit kong hinatak ang sarili para bumangon at bumaba ng kama. Pakaladkad akong naglakad patungo sa pintong nakabukas ng malaki.

Sinapit ko ang sala at nahagip pa ng tanaw ang malapad na likod ng matangkad na lalaking palabas ng main door.

"Ate, sorry, nagising ka po ba sa ingay namin ni Kuya?" Agad akong dinaluhan ni April.

"Nauuhaw ako," napapaos kong tugon.

"Tubig, ikukuha po kita ng tubig! Upo ka po muna rito." Inakay ako ng dalaga patungo sa couch at pinauupo roon. "Si Kuya ko po iyon, kapatid ko sa ama. Bale, second wife ng Papa namin ang nanay ko." Maiksi nitong kuwento para lang yata maagapan siya sa pagkakatulala.

"Akala ko wala kang kapatid," sabi ko na lamang.

"Hindi ko pala siya nai-kuwento sa iyo, Ate." Naglakad siya patungong kusina. "Bumukod kasi ako sa bahay namin. Gusto ko subukang mag-solo at maging independent ngayong 18 na ako. Siyempre, tutol sina Kuya at ang parents namin pero nagpumilit po ako kaya pinagbigyan na nila, basta magpapakabait daw ako. Parang hindi rin naman ako umalis sa amin kasi halos araw-araw nag-che-check sina Kuya at Mama sa akin." Nilakasan niya ang boses habang nagsasalita mula sa kusina.

Hindi ako sumagot, bagkus ay nilibot ang mga mata sa buong sala. Ano na ang gagawin ko ngayon? Tama pa bang makiusap ako kay Gavin? Hindi na siguro. Magmumukha akong tanga at cheap. Pero kung hindi ako aalis sa bahay na ito, baka mabaliw ako. Narito lahat ng alaala namin ng asawa ko. Uuwi na lang ba ako sa aking mga magulang?

Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay namin roon? Magiging tampulan kami ng tsismis ng mga tao.

"Heto na po ang tubig, Ate." Ibinigay ni April sa akin ang baso.

Muntik pa akong pumiksi nang humalik ang lamig ng likido sa aking labi. Uminom ako at inubos ang laman ng baso.

"April, pwede mo ba akong samahan? Puntahan natin si Gavin sa munisipyo. Kakausapin ko lang siya."

"Sige po, mamaya. Magpahinga po muna kayo.

Tumango ako at tumayo.

Sinamahan ako ni April pabalik ng kuwarto. Pero hindi na ako ulit nakatulog pa. Bumangon ako at nagtungo sa harap ng salamin. Pinagmasdan ko ang sarili. Medyo tumaba na nga pala ako. Slim ako noong ikasal kami ni Gavin.

"Ate?" Pumasok doon si April.

"Hindi lang naman sa akin nangyari ito, di ba, April? Hindi naman ako ang pinaka-kawawa sa mundo pero bakit naaawa ako sa sarili ko? Ngayong nasa harap ako ng salamin nakikita ko ang mukha ng isang babaeng wala nang pag-asa."

"Ate, huwag mong sabihin iyan. Kung hahayaan mong kontrolin ka ng kasalanan ni Gavin, para mo na ring tinanggap na tama sila ng kabit niya. Huwag kang magpatalo."

Nilingon ko ang dalaga. "Ganyan din ako kay Maricel. Panay ang payo ko sa kaniya pero ngayong ako ang nasa krisis, parang tumitigil sa paggana ang utak ko."

"Sabi ni Kuya sa akin, dapat marunong tayong tumanggap ng tulong at payo mula sa ibang tao. Kapag dumaan daw tayo sa pagsubok hindi stable ang emosyon at mental condition natin. Para tayong lungsod na binabagyo. Baha rito, baha roon. Wasak ang mga bahay. Kailangan natin ng suporta habang pinahuhupa natin ang bagyo."

"Abogado ba ang kuya mo?"

"Hindi pa, nag-aaral pa po siya sa law school ngayon. Isinisingit niya habang nasa trabaho siya. Promise, marami kang matututunan sa kaniya once makakausap mo siya." May pagmamalaki sa tono ni April.

Tumango ako at muling ibinalik ang malungkot na tingin sa refleksiyon kong na sa salamin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mi Chelle
abogado pla at hindi pulis..hehe abogado sana o pulis sasabihin ko knina kso nag stick n ko sa pulis
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 50 - poison

    "Hindi ka ba nauuhaw, Anikka?" tanong ni Ate Chona sa akin pagkababa namin ng van."Careful." Kaagad akong sinaklot ni Rex sa baywang habang karga niya sa kanang bisig ang anak namin."Nagugutom ako," sabi kong tumingala kay Rex."Let's get inside, Chona, ipaasikaso mo na ang mga gamit sa back-ups ko," utos ni Rex kay Ate Chona. "And kindly follow-up the food I ordered from the restaurant. It should be here by now, umaga ko pa iyon na-book.""Sige po, Sir."Tumuloy kami sa loob ng bahay. Nasa high-end subdivision iyon sa karatig na lungsod ng Juan Luna. Lumipat na naman kami pagkatapos ng report tungkol sa kahina-hinalang mga tao na pumupunta ng hospital at doon sa bahay na dati kong tinitirhan."Rex, paki-check naman si baby, baka umihi," sabi kong naupo sa couch at minasahe ang kanan kong binti. Namimitig na naman. Mabigat pa talaga ang katawan ko at hindi pa ako dapat idi-discharge. Mabuti na lang at na-enroll ako for out-patient."How did you know she pee?" manghang tanong ni Rex

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 49 - cookies

    Hindi ako makahinga sa kaba at pananabik habang humahagod sa tiyan ko ang ultrasound transducer. Nakatuon ang paningin ko sa monitor. Pigil ko ang hininga nang lumitaw doon ang images. "There's our baby," hinagkan ako ni Ark sa labi. Nag-ulap sa saya ang mga mata ko at hindi kumukurap habang nakatitig sa screen. "Ang baby ko," mahina kong usal. "Baby boy," anunsiyo ng doctor. "You have nothing to worry, malakas ang heartbeat niya at mahigpit ang kapit niya sa sinapupunan mo. Continue mo lang ang routine at doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa panganib, okay? Bantayan din ang kinakain. I-konsulta lagi sa nutritionist kung may food kang gustong kainin. Dagdagan mo rin ng masa maraming veggies ang menu mo.""Thank you, Doc. Madalas nga pala akong nagkakaroon ng cramps.""Baka sobra ang iniinom mong malamig na tubig. Try lukewarm water sometimes. Very cold water may not affect the baby directly but your body will have reactions to it depending on the amount you take, cramps is one

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 48 - illness

    "Baka naman pati sa kaarawan ni April ay pagbabawalan mong pumunta si Ark?" sita ni Mama sa akin habang nag-aayos kami ni Maricel ng cookies at macaroons sa estante. Nilingon ko si Mama. "Unreasonable na po iyon, Ma.""Hindi mo ba napansin na ilang buwan ka nang unreasonable pagdating sa nobyo mo?"Natawa si Maricel sa pag-aakalang biro ang sinabi ni Mama. "Dala lang iyan ng pagdadalang-tao niya, Auntie. Ganyan talaga pag buntis, hindi mo maintindihan ang mood swings.""Hindi mood swings iyan," agap ni Mama."Ako noong nagbubuntis grabe rin ang insecurity ko lalo na at may kabit ang asawa ko. Dumadaan talaga sa ganyang krisis ang mga buntis.""Hindi ko rin po gusto itong umiikot sa utak ko, Ma. Pero hindi ko talaga ma-control." Katuwiran ko at nilikom na ang mga karton at itinabi. "Buo naman ang tiwala ko kay Ark pero natatalo ako ng pangamba at takot. Bumabalik sa isip ko mga ginawa ni Gavin noon."Umiling na lang si Mama habang si Maricel ay hinaplos ang likod ko. Nakokonsensya ako

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 47 - danger

    Ibinaba ko ang cellphone at bumuntong-hininga. Si Ate Zanaya ang kausap ko ngayon lang. Siya lang at ang pamilya niya ang nasa contacts ko bukod kay Rex. Hindi madalas pero halos once a week akong tinatawagan ni Ate Zai para kumustahin. First time na nagsumbong siya tungkol sa problema niya. She said nagi-guilty siya. Pero kung si Capt. Ark ay umiiwas sa mga babae, gusto kong sabihin kay Ate Zai na kabaliktaran si Rex dahil kasa uwi rito sa bahay ay iba't ibang jowa ang bitbit. Iyon lang hindi ko masabi dahil sekreto ang estado ko ngayon habang narito sa poder ni Rex. Ibinaba ko sa bed ang cellphone at tumayo. Pero naudlot ang paghakbang ko nang mapansin ang pag-agos ng dugo sa aking binti, kasunod ang pagsigid ng kirot sa kaning tiyan. "Ate Chona!" sigaw kong nataranta. Hindi ko pa kabuwanan! Manganganak na ba ako? "Ate, tulong po!"Humahangos na pumasok doon si Ate Chona at nagulantang nang makita ang dugo sa sahig at sa maternity dress ko. "Diyos ko! Manganganak ka na ba? Teka,

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 46 - inner battle

    Naka-loud speaker ang cellphone ko at nasa holder habang kausap ko si Ark. Nagbi-bake kasi ako ng banana cake nang tumawag siya. Nagpaalam siyang may dinner meeting sa labas kasama ang ilan sa superiors niya at batchmate sa PNPA."Basta umuwi ka agad pagkatapos ng dinner, okay?" bilin kong abala ang kamay sa paghalo ng mga ingredient sa mixing bowl. "Nagyaya si Gen na uminom, ilang shots lang naman," apela niya."Kasama mo si Katricia?" tanong kong sumimangot. "Oo, narito ang ama niya at-""Hindi ka pwedeng uminom kung ganoon. Umuwi ka pagkatapos ng dinner, maliwanag?" sikmat ko sa kaniya. "Langga, hindi naman ako maglalasing.""Talaga? Paano mo natitiyak na hindi ka malalasing kung tatagayan ka ng mga kaninuman mo? Tatanggi ka? Bakit ka pa sasama sa inuman kung tatanggihan mo lang pala ang alak?" Natigil na sa ginagawa ang mga kamay ko dahil sa pag-angat ng tension sa aking sistema. Is he that innocent of the temptations around him? Hindi niya naisip na pwedeng maging avenue ang a

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 45 - ghost of insecurity

    Sa loob ng apat na araw na umuwi si Rex doon sa bahay, apat na iba't ibang babae rin ang kasama niya. Hindi ako umiimik dahil wala naman akong karapatang sitahin siya as long as sumusunod siya kung ano ang nasa kasunduan namin. Hindi siya nakikipag-sex sa mga babaeng iyon. Naroon siyempre ang harutan habang kumakain sila at nag-iinuman. Kahit nasa loob lang ako ng kuwarto'y naririnig ko pa rin. Ano kayang tingin ng mga babaeng iyon sa akin? Halatang hindi nila naiisip na may ugnayan kami ni Rex at anak niya ang ipinabubuntis ko kasi wala akong makitang pag-aatubili sa kilos at pagsasalita nila tuwing nilalandi nila si Rex."Hindi ka pa kakain, Anikka?" tanong ni Ate Chona na sumunod sa akin sa laundry area. Kasalukuyan kong nilalabhan ang undies ko. Hindi ko kasi maatim na palabhan iyon sa ibang tao. "Busog pa ako, Ate. Kakain ako mamaya pagkatapos ko rito. Nakaalis na po ba ang bisita ni Rex?" pahabol kong tanong."Hindi pa, baka mamayang alas-nueve pa aalis iyan. Energetic pa rin k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status