Home / Romance / MGA TINIK SA KAMA / Chapter 4 - lollipops

Share

Chapter 4 - lollipops

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-28 12:28:39

Pasado alas tres ng hapon nang tumulak kami ni April patungong munisipyo. Hindi ako sigurado kung ano ang gusto kong pag-usapan namin ni Gavin. Nahahati ako sa hangaring ayusin ang lahat pero may bahagi rin ng puso at utak ko ang nagsasabing huwag nang patawarin ang asawa ko.

"Good afternoon, Ma'am," bati ng isang staff sa amin sa labas ng opisina ng Planning Office. Ito ang tumatao sa front desk.

"Nandiyan ba si Gavin?" tanong ko.

"Nag-leave po siya, Ma'am, three days na. Next week pa ang balik niya."

"Nag-leave?" utas kong naningkit ang kumikirot na mga mata sa likod ng suot kong dark eyeglasses.

Tumango ang staff.

Nanlambot ang mga tuhod ko. Kung wala si April sa aking tabi baka nabuwal na ako. 'Yong tatlong araw na umaalis ng bahay si Gavin, akala ko nasa opisina, malamang ang kasama niya ay ang kabit!

"Zanaya?"

Alisto akong napalingon sa babaeng papalapit sa kinaroroonan namin. Si Engr. Cristy Magallanes. Kasamahan siya ni Gavin dati sa Engineering Office at naging kaibigan ko kahit papaano.

"Kumusta ka na?" tanong niya sa akin.

Pigil-pigil ko ang pagsabog ng emosyon. Hindi ako makangiti kahit peke man lang para sana magkunwari. Namimilog ang ulo ko sa poot. Pero wala akong mapagbuntunan.

"Pinuntahan ko si Gavin, leave raw pala. Ngayon ko lang nalaman, eh." Pagak akong natawa.

"Dito tayo." Iginiya ako ni Engr. Cristy sa bahagi ng hallway na walang gaanong tao. "Matagal ko nang gustong itanong sa iyo ito, kung gaano katotoo. Sabi kasi ni Gavin naghiwalay na raw kayo. Totoo ba?"

Napahikbi ako habang si April ay hinaplos ang aking likod.

"Kagabi nakipaghiwalay siya sa akin."

"Kagabi lang? Pero ang alam namin matagal na, isang taon na raw kayong hiwalay. Civil lang daw kayo sa isa't isa kasi parehas kayong may iba nang gusto. Totoo bang may boyfriend ka?"

Tila umurong pabalik sa aking baga ang hangin na hinugot ko para huminga.

***

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos sa bahay. Nawala na ako kanina sa sarili matapos kaming mag-usap ni Engr. Cristy. Niyuko ko ang annulment papers na hawak. Kanina ko pa tinangkang pirmahan iyon pero ayaw makisama ng kamay kong nanlalambot.

Ngayon sigurado na ako. Hindi na nga ako mahal ni Gavin. Kung ganoon ayos lang pala sa kaniya na magkaroon ako ng ibang lalaki? Ano pa ba ang hindi ko alam na papatay at dudurog sa puso ko? Ano bang naging kasalanan ko? Bakit kailangan kong dumanas ng ganito? Hindi ito patas. Nagiging mabuting asawa ako. Nagsikap akong gampanan ng maayos ang aking responsibilidad. Saan ba ako nagkulang?

Binitiwan ko ang papel at hinayaang mahulog sa sahig. Umiiyak na lumabas ako ng kuwarto. Nasa sala si April, nakahiga sa couch at nahihimbing.

Umalis akong lango sa sobrang kalungkutan. Walang tigil ang mga luha, nakapaa, at hindi alam ang pupuntahan. Minahal ba talaga ako ng asawa? Baka ako lang ang nagmahal ng sobra kaya hindi ko na nakikita ang mga kapintasang dapat ay nagbigay sa akin ng babala noon pa.

Sobrang sakit. Parang hindi ko na kakayanin hanggang bukas. Natatakot akong baka tuluyan na akong masiraan ng bait. Siguro, mas makabubuti kung tatapusin ko na ang lahat ngayon. Tama. Baka makita ni Gavin ang halaga ko kung wala na ako sa mundo.

Sinapit ko ang tulay. Pero napatda nang madatnan ang lalaking sumampa sa railing. Tatalon ba siya? Tarantang tumakbo ako at sakto lang na papalundag na ang lalaki nang abutan ng yakap ko ang mga binti niya.

"Sandali! Teka lang!" hiyaw kong humahangos. "Maghunos-dili ka! Hindi solusyon sa problema ang pagpapakamatay! Isipin mo ang mga taong masasaktan ang malulungkot sa pagkawala mo!"

Wait! Hindi ba iyon din ang iniisip kong gawin kaya ako nandito? Tumalon para matapos na ang lahat? Sumobra na ang katangahan ko. Paano ang mga magulang ko kung magpapakamatay ako? Binitiwan ko ang lalaki at sumalampak sa pavement sa gilid. Humagulgol.

"Ang tanga ko!" gigil kong piniga ang ulo.

"Hey...stop it! You're hurting yourself!" Nag-panic siya at tumalon pababa ng railing. Umuklo siya sa harap ko. "Ayos na, okay. Ligtas na ako."

Umiling ako. Hindi pa rin mapatigil ang mga luha. Inuuhog na ako.

"Ang tanga ko talaga," kastigo ko sa sarili. "Dapat ang asawa ko ang mamatay dahil cheater siya!"

Nag-squat sa harap ko ang lalaki. "Surplus ba ang asawa mo? Hayaan mo na iyon. Defective ang mga lalaking ganyan mula utak hanggang puso. Stop crying now." Pinahid niya sa daliri ang luha ko at tinikman. "Ang tamis ng luha mo, ah. Huwag mong sayangin sa taong bulok ang panlasa." Hinugot niya ang panyo at pinunasan pati uhog ko.

"Ipapakulam ko ang talipandas na iyon!" gigil kong angil.

"May kilala kang mangkukulam?" tanong niya.

"Wala," iling ko.

Bahagya siyang tumawa. "Here, sweets are good when you're depress." Isang milk lollipop ang isinubo niya sa akin matapos balatan iyon. "Mas epektibo ito kaysa kulam."

Ibinuka ko ang bibig at kinain iyon. Lasang gatas iyon na parang may makapuno at mani.

"Gamot ito sa depression?"

"Not literally, but sweets boost your energy, gives you more time to think properly." Hinaplos niya ang ulo ko.

Tumitig ako sa mukha niyang natatanglawan ng mapusyaw na liwanag mula sa poste ng ilaw. Olive-toned ang kulay ng balat niya. Kabaliktaran sa mga mata niyang hilaw na tsokolate at wari ay manipis na alikabok sa bundok. Pero kung tumitig ay para bang sinisisid ang aking mga laman. May malalago siyang mga kilay at matangos na ilong na may nunal sa gilid.

Suminghap ako at muntik nang mabilaukan sa lollipop, iniharang ko ang kamay sa mukha nang tamaan ng ilaw mula sa pumaradang patrol car na naka-hazard.

"Captain!"

"Pull that car over to the other side of bridge, assholes! You are scaring the lady...and turn-off the headlights!" matigas niyang utos.

Kumaripas ang dalawa pabalik sa sasakyan.

Captain? Kumurap-kurap ako. Tinawag siyang captain ng dalawang police na sakay ng patrol car. Opisyal siya ng polisya?

"Police ka ba?" tanong kong naalarma at inalis muna sa bibig ang lollipop.

"Yes, Ma'am!" masigla niyang sagot. "Police Capt. Arkham Columbus, station commander of Juan Luna PNP."

"Bakit gusto mong tumalon kanina?"

"I accidentally drop the heirloom ring given by my late mother. That was intended for my future wife. Kaya lang nahulog at nataranta ako kaya lulundagin ko sana para sisirin doon sa tubig sa ibaba."

Napanganga ako. Another round of stupidity for her.

"Sorry, paano na iyon? Makikita mo pa ba 'yong singsing?"

"I'm not sure. Susubukan kong sisirin iyon. Pero hindi na ako tatalon mula rito. I'll find a safer way down."

"Paano kung hindi mo na iyon mahanap?"

"No choice, aasawahin kita. Payag ka ba?"

"Ha?"

Tumawa siya at pinisil ang ilong ko. Tumayo. "Grab on, let me take you home." Nag-alok siya ng palad sa akin.

Tameme akong kumapit sa kamay niya at nagpahila. Pero nalaglag sa mga paa ko ang paningin niya. Halos sinukin ako sa gulat nang kargahin niya ako. Mistula akong lobo na unti-unting nauubusan ng hangin habang nasa mga bisig niya.

"What's your name by the way?"

"Zanaya," piyok kong sagot at isinubo na muli ang lollipop.

"Bagay sa apelyido ko, tingin mo?" Kumindat siya at kumawala sa lalamunan ang seksing tawa.

Sa munting interaksiyon na iyon ay nakalimutan ko ang dahilan kung bakit ako tinangay ng mga paa roon sa tulay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
peste kakaumpisa k lng basahin andun kilig ...
goodnovel comment avatar
Mi Chelle
tama pla ko pulis na mgiging abogado eto nga yonnnnnn,thanks redink
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 54 - debt and sex

    "Ano'ng sabi mo, Anikka? Diyan ka na mamamalagi? Hindi ba't may usapan tayo na kapag nakakuha ka ng pera sa ama ng anak mo, babalik ka rito at babayaran mo ang utang natin? Naisangla namin ang lupain nang magkasakit ang iyong ina, baka nakalimutan mo! Kung kailangang ibenta mo 'yang anak mo, gawin mo!"Nakagat ko na lang ang labi para supilin ang pagpatak ng luha. Kamag-anak ko si Tiya Vicky. Sa kaniya kami nanuluyan ni Mama pagkatapos ng trahedya sa Tacloban na ikinasawi ni Papa. Pero hindi naman libre ang pagtira namin doon. Nagtatrabaho si Mama. Ako naman ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Sa madaling salita, katulong kami kaysa ituring na kapamilya.Okay lang naman sana iyon. Hindi nagrereklamo si Mama hanggang sa ipasok siya ni Tiya ng escort sa mga dayuhang bumisita roon sa isla. Doon niya nakuha ang sakit na ikinamatay niya pagkatapos ng mahabang gamutan.Nabaon ako sa utang at kalaunan ay pinasok na rin ang raket na naging dahilan kung bakit nawala sa akin si Mama. "Ano? Baki

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 53 - resolution

    "Relax, Langga." Marahang pinisil ni Ark ang aking kamay. Halata sigurong kabado ako. Sino ba 'yong guest na hinihintay niya? Hindi naman siguro siya gagawa ng underhanded tactic para malusutan ko ang paratang. Ayaw kong ilagay niya sa alanganin ang pangalan niya. Pulis siya at dapat batas at katarungan pa rin ang mangingibabaw sa priority niya."Sino 'yong hinihintay natin?" tanong kong nag-aabang sa pintuan ang mga mata."Si Aling Carol, utility siya ng condo at minsan kinomisyon ng mga unit owner para maglinis." May kumatok sa pinto. "Come in!" Tumayo si Ark at naglakad patungo sa desk nito. Kinalikot ang laptop na naroon.Bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nasa late forties ang edad, malinis na nakatali sa likod ang buhok at may maamong mukha sa kabila. Hinatid siya ng investigator doon.Pagkagimbal ang rumehistro sa mga mata ni Katricia nang makita ang panauhin. "Siya ang witness mo, Captain?" Sarcastic itong tumawa. "Ano'ng kasinungalingan ang pinagsasabi niya sa iyo? Tw

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 52 - lawsuit

    Nagisnan ko si Rex na hinihele ang anak namin. Madaling-araw na at hindi yata siya natutulog sa kababantay sa aming dalawa ng sanggol. Kahapon pa kasi ako inaapoy ng lagnat at nag-advice na ang pedia na huwag ko munang papadehin ang bata at baka mahawa sa trangkaso ko. Si Rex ang nagpupuyat sa pagtitimpla ng gatas at pagpapadede tapos inaalagaan pa niya ako."Nagugutom ka ba? Gusto mo ng gatas?" tanong niya."Bakit gising si baby?" tanong ko."Katatapos lang niya dumede kaya pinapatulog ko. Gusto yata niya diyan sa tabi mo." Bahagya siyang natawa at sinalat ang aking noo. "Mainit ka pa rin." Nanlumo siya at binalingan ang gamot.Nakatulog ang sanggol at agad niya itong ibinaba sa kuna. Lumabas siya ng kwarto at pagbalik ay may bitbit nang lugaw at gatas. May sliced fruits din. Kumain ako at naubos pati ang prutas. Uminom ako ng gamot at muling nakatulog.Magaan na ang pakiramdam ko pagkagising kinabukasan. Narinig ko mula sa may couch ang tawa ni Rex. Nasa harap siya ng laptop at mukh

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 51 - unsettled

    Tumawag sa bahay ang hospital at ipinaalam sa amin na nagising na si Katricia. Pero hindi ako umalis. Hinintay ko si Ark. Mahigpit niyang bilin sa akin na huwag akong pumunta mag-isa. Tanghali na siyang nakauwi ng bahay galing ng police station. Kaagad kaming tumulak patungong provincial hospital. Sinugod agad ako ni Mrs. Marquez pagpasok pa lang namin pero niyakap ako ni Ark at iniharang niya ang sarili."Mrs. Marquez, we came here to check on Katricia, hindi kami narito para maghanap ng gulo o para saktan mo ang fiancee ko. Like I said, she is innocent.""Cookies lang niya ang kinain ko, Ark!" palahaw ni Katricia. "You better tell the truth or I will personally investigate this matter. Oras na malaman kong may ginawa ka para i-frame si Zanaya, dadalhin ko sa korte ang kaso at hindi kita titigilan hangga't hindi ka nakukulong.""Ark," pigil ko sa kaniya. "Langga, nagsisinungaling siya.""How dare accused my daughter about lying, Capt. Columbus. You know, we are very disappointed of

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 50 - poison

    "Hindi ka ba nauuhaw, Anikka?" tanong ni Ate Chona sa akin pagkababa namin ng van."Careful." Kaagad akong sinaklot ni Rex sa baywang habang karga niya sa kanang bisig ang anak namin."Nagugutom ako," sabi kong tumingala kay Rex."Let's get inside, Chona, ipaasikaso mo na ang mga gamit sa back-ups ko," utos ni Rex kay Ate Chona. "And kindly follow-up the food I ordered from the restaurant. It should be here by now, umaga ko pa iyon na-book.""Sige po, Sir."Tumuloy kami sa loob ng bahay. Nasa high-end subdivision iyon sa karatig na lungsod ng Juan Luna. Lumipat na naman kami pagkatapos ng report tungkol sa kahina-hinalang mga tao na pumupunta ng hospital at doon sa bahay na dati kong tinitirhan."Rex, paki-check naman si baby, baka umihi," sabi kong naupo sa couch at minasahe ang kanan kong binti. Namimitig na naman. Mabigat pa talaga ang katawan ko at hindi pa ako dapat idi-discharge. Mabuti na lang at na-enroll ako for out-patient."How did you know she pee?" manghang tanong ni Rex

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 49 - cookies

    Hindi ako makahinga sa kaba at pananabik habang humahagod sa tiyan ko ang ultrasound transducer. Nakatuon ang paningin ko sa monitor. Pigil ko ang hininga nang lumitaw doon ang images. "There's our baby," hinagkan ako ni Ark sa labi. Nag-ulap sa saya ang mga mata ko at hindi kumukurap habang nakatitig sa screen. "Ang baby ko," mahina kong usal. "Baby boy," anunsiyo ng doctor. "You have nothing to worry, malakas ang heartbeat niya at mahigpit ang kapit niya sa sinapupunan mo. Continue mo lang ang routine at doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa panganib, okay? Bantayan din ang kinakain. I-konsulta lagi sa nutritionist kung may food kang gustong kainin. Dagdagan mo rin ng masa maraming veggies ang menu mo.""Thank you, Doc. Madalas nga pala akong nagkakaroon ng cramps.""Baka sobra ang iniinom mong malamig na tubig. Try lukewarm water sometimes. Very cold water may not affect the baby directly but your body will have reactions to it depending on the amount you take, cramps is one

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status