Home / Romance / MGA TINIK SA KAMA / Chapter 5 - the hot captain

Share

Chapter 5 - the hot captain

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-28 12:29:57

"HERE in the front, Lollipop, come on!" Binuksan ni Arkham ang pinto sa front seat ng black Mercedes Benz.

Noon ko lang napansin na naroon pala ang mamahaling sasakyan na iyon. Sa unahan ay nakaparada ang patrol car at nanonood sa amin ang dalawang police officers.

"Ayaw ko, gusto kong maglakad..." tanggi ko at umurong palayo.

Tinanaw niya ang direksiyong papunta ng bahay ko. "Medyo malayo pa rito ang bahay mo, di ba?"

"Alam mo kung saan ako nakatira?"

"Pumunta ako roon kanina."

"Pumunta ka?"

"Kuya ako ni April. Bumalik ako kaninang hapon pero wala kayo."

"Ikaw ang kuya ni April? 'Yong kuya na sinabi niyang nag-aaral ng law?" Hindi ako makapaniwala. Sa pagkakaalam ko ay bilyonaryo ang kuya ni April, kasi siya ang legitimate na anak at tapagamana ng isang Law Conglomerate. Grupo iyon law firms na nagbibigay ng legal na serbisyo sa mga mayayamang mamamayan ng bansa.

"Hindi na ako magugulat kung kinuwento na sa iyo ni April ang buong pagkatao ko," naiiling niyang pahayag.

"Iyon lang naman ang sinabi niya. Hindi nga niya nabanggit na police ka pala."

"Hindi niya sinabing gwapo ako?"

"I wish sinabi niyang mayabang ka para nakapaghanda ako." Umirap ako. "Uwi na ako."

"Alam ko na ngayon kung bakit kasundo mo ang kapatid ko, parehas kayong matigas ang ulo," mahina niyang kastigo. "Sige, maglalakad tayo." Napatingin na naman siya sa mga paa kong may mga galos na.

Pagkuwa'y binuksan niya ang gawi ng backseat at parang may hinahanap sa loob. Pero hindi naman nakita.

"Wala rito ang extra slipper ko. Boys, may tsinelas kayo riyan sa patrol car?" pasigaw niyang tanong sa dalawang kasamahang police.

"Tsinelas, Sir? Wala ho!"

Dismayadong kinamot niya sa daliri ang kilay at para bang nakukunsumi sa mga paa kong walang sapin.

"Gusto mo ng piggy ride? Dito sa likod ko," alok niya.

Umiling ako. Nagbibiro ba siya?

"Sige, kangaroo ride na lang. Dito sa harap." Pilyo siyang kumindat at itinuro ang pundilyo.

"Maglalakad nga ako!" sikmat ko sa kaniya. Bastos niya! Police pa naman. Siguro, malikot din siya sa babae. Wala na talagang matino ngayon.

"Naawa ako sa mga paa mo, size pambata na nga ang sukat tapos ilalakad mo pa. Baka maging size infant na iyan pagdating natin ng bahay mo."

"Hindi nakakatawa ang biro mo, Captain." Ngumuso ako at saglit na natigilan. Bakit feeling close yata kami sa isa't isa?

"Sa bahay ni Lollipop ako matutulog!" Hinagis niya ang susi ng sasakyan sa dalawang police na nakatanaw sa amin. "Dalhin sa presinto ang sasakyan."

"Yes, Sir!" Sumaludo ang dalawa.

"Carry on!"

"At bakit doon ka sa bahay ko matutulog? Wala ka bang bahay?" tanong kong mulagat ang mga mata.

"Kung wala ba akong bahay papayag kang doon ako matulog sa bahay mo?"

"Kung wala kang bahay."

"Sige, ipagigiba ko ang bahay ko bukas at doon na ako sa inyo titira," biro na naman niya.

"Puro ka kalokohan, eh!" Pumihit na ako at naglakad pauwi.

Humabol siya akin. Mahaba ang hakbang niya at umawang na lang ang bibig ko nang maghubad siya ng suot na combat boots at binitbit iyon. Nakapaa na lang din siya gaya ko.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Gentleman ako kaya dadamayan kitang maglakad ng nakapaa lang. Magandang foot therapy rin ito. I used to jog offshore bare-footed. Sa training during my PNPA years, pinatatakbo kami sa batuhan ng nakapaa lang."

"Nagyayabang ka ba?"

"Nagkukuwento."

Ubos na ang kinain kong lollipop, itatapon ko na sana ang stick pero naisip kong itago na lang muna. Paalala iyon na nalagpasan ko ang isa sa pinakamalungkot na gabi sa aking buhay. Bukas na naman ang kailangan kong maitawid at kung ano pa ang naghihintay sa akin sa hinaharap.

"Want more?" Binigyan niya ako ng isa pang lollipop. "Yummy, no? Parang ako lang iyan."

"Laging may hirit?" Rumolyo ang mga mata ko pero tinanggap ko ang lollipop at binalatan. Tuluy-tuloy kong isinubo iyon. Tama nga siya. Naging abala ang utak ko sa lasa at tamis. Kahit pabugso-bugso pa rin ang sikip sa aking puso.

"Ano'ng flavor iyang kinakain mo?" tanong niya habang nagbabalat ng sarili niyang lollipop. Bruskong cute, iyon siya, idagdag pa ang umaalingasaw na sex appeal. Men in uniform are certainly attractive. Pero siya ay kakaiba ang karisma na hindi ko mailatag sa salita.

"Ahmm...milk and macapuno?" sagot ko.

"Milk and ube sa akin." Para siyang batang ipinagmalaki ang pagkain.

"Sana tulad lang ng lollipop ang pagmamahal, pwedeng alamin ang lasa. Matamis ba, maanghang, mapakla o kaya ay pait. Para hindi na mapasubo ang sinuman at makaiwas sa masamang lasa." Hindi iyon sadya, bigla na lang dumulas sa dila ko ang hinanakit. Siguro kailangan ko lang talaga ng outlet. Hindi ko na kayang ipunin lahat sa puso ko. Baka sumabog ako.

"Masakit pa ba?"

"Ang alin?"

"Puso mo."

Hindi ako kumibo. Paano ko ba i-describe ang klase ng sakit na dumudurog ngayon sa puso ko? Parang hindi sapat na sabihin ko lang na masakit o sobrang sakit.

"Alam mo ang pag-aasawa ay parang bahay. May marupok na parte. Kung dumating ang bagyo, wala kang magawa kahit ano'ng pagsisikap mong huwag itong masira."

Tumingin ako sa kaniya. Seryoso na ang mukha niya at nakatingin sa tinutungo naming direksiyon.

"At dapat ba panoorin ko na lang na wasakin ng bagyo ang pagsasama namin ng asawa ko?"

"Sa ngayon, hayaan mo munang manalasa ang bagyo. Sirain ang kaya nitong sirain. Kapag lumipas na ito, saka mo ayusin kung ano ang natitirang pwedeng ayusin. Palitan ang haligi ng mas matibay na pundasyon para sa susunod na may bagyong darating, hindi na ito basta-basta mawawasak."

"Naranasan mo na rin bang masaktan, Captain?"

"Oo naman. Hindi tayo immune sa sakit. Kakambal ng pagsilang natin ang luha. Sino bang sanggol ang isinilang na hindi umiiyak? Di ba, pinapalo pa ng doctor para lang pumalahaw ang bata? Tanda kasi iyon ng buhay. Kung buhay ka, iiyak ka at tatawa. Pero huwag kang mag-focus sa sakit, ituon mo ang atensiyon sa halaga ng buhay. Hindi ka na bata na kailangang paluin pa. Kayang-kaya mo nang pumili kung iiyak ka o tatawa."

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. May punto si Arkham. Hindi ko na pwedeng ipilit pa kay Gavin ang pagsasama namin kung sakit at kalungkutan lang ang idudulot nito sa akin. Kailangan ko nang palayain ang asawa ko pero sisiguruhin kong ang kalayaang iyon ay igugugol niya sa loob ng kulungan kasama ang kabit niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 54 - debt and sex

    "Ano'ng sabi mo, Anikka? Diyan ka na mamamalagi? Hindi ba't may usapan tayo na kapag nakakuha ka ng pera sa ama ng anak mo, babalik ka rito at babayaran mo ang utang natin? Naisangla namin ang lupain nang magkasakit ang iyong ina, baka nakalimutan mo! Kung kailangang ibenta mo 'yang anak mo, gawin mo!"Nakagat ko na lang ang labi para supilin ang pagpatak ng luha. Kamag-anak ko si Tiya Vicky. Sa kaniya kami nanuluyan ni Mama pagkatapos ng trahedya sa Tacloban na ikinasawi ni Papa. Pero hindi naman libre ang pagtira namin doon. Nagtatrabaho si Mama. Ako naman ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Sa madaling salita, katulong kami kaysa ituring na kapamilya.Okay lang naman sana iyon. Hindi nagrereklamo si Mama hanggang sa ipasok siya ni Tiya ng escort sa mga dayuhang bumisita roon sa isla. Doon niya nakuha ang sakit na ikinamatay niya pagkatapos ng mahabang gamutan.Nabaon ako sa utang at kalaunan ay pinasok na rin ang raket na naging dahilan kung bakit nawala sa akin si Mama. "Ano? Baki

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 53 - resolution

    "Relax, Langga." Marahang pinisil ni Ark ang aking kamay. Halata sigurong kabado ako. Sino ba 'yong guest na hinihintay niya? Hindi naman siguro siya gagawa ng underhanded tactic para malusutan ko ang paratang. Ayaw kong ilagay niya sa alanganin ang pangalan niya. Pulis siya at dapat batas at katarungan pa rin ang mangingibabaw sa priority niya."Sino 'yong hinihintay natin?" tanong kong nag-aabang sa pintuan ang mga mata."Si Aling Carol, utility siya ng condo at minsan kinomisyon ng mga unit owner para maglinis." May kumatok sa pinto. "Come in!" Tumayo si Ark at naglakad patungo sa desk nito. Kinalikot ang laptop na naroon.Bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nasa late forties ang edad, malinis na nakatali sa likod ang buhok at may maamong mukha sa kabila. Hinatid siya ng investigator doon.Pagkagimbal ang rumehistro sa mga mata ni Katricia nang makita ang panauhin. "Siya ang witness mo, Captain?" Sarcastic itong tumawa. "Ano'ng kasinungalingan ang pinagsasabi niya sa iyo? Tw

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 52 - lawsuit

    Nagisnan ko si Rex na hinihele ang anak namin. Madaling-araw na at hindi yata siya natutulog sa kababantay sa aming dalawa ng sanggol. Kahapon pa kasi ako inaapoy ng lagnat at nag-advice na ang pedia na huwag ko munang papadehin ang bata at baka mahawa sa trangkaso ko. Si Rex ang nagpupuyat sa pagtitimpla ng gatas at pagpapadede tapos inaalagaan pa niya ako."Nagugutom ka ba? Gusto mo ng gatas?" tanong niya."Bakit gising si baby?" tanong ko."Katatapos lang niya dumede kaya pinapatulog ko. Gusto yata niya diyan sa tabi mo." Bahagya siyang natawa at sinalat ang aking noo. "Mainit ka pa rin." Nanlumo siya at binalingan ang gamot.Nakatulog ang sanggol at agad niya itong ibinaba sa kuna. Lumabas siya ng kwarto at pagbalik ay may bitbit nang lugaw at gatas. May sliced fruits din. Kumain ako at naubos pati ang prutas. Uminom ako ng gamot at muling nakatulog.Magaan na ang pakiramdam ko pagkagising kinabukasan. Narinig ko mula sa may couch ang tawa ni Rex. Nasa harap siya ng laptop at mukh

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 51 - unsettled

    Tumawag sa bahay ang hospital at ipinaalam sa amin na nagising na si Katricia. Pero hindi ako umalis. Hinintay ko si Ark. Mahigpit niyang bilin sa akin na huwag akong pumunta mag-isa. Tanghali na siyang nakauwi ng bahay galing ng police station. Kaagad kaming tumulak patungong provincial hospital. Sinugod agad ako ni Mrs. Marquez pagpasok pa lang namin pero niyakap ako ni Ark at iniharang niya ang sarili."Mrs. Marquez, we came here to check on Katricia, hindi kami narito para maghanap ng gulo o para saktan mo ang fiancee ko. Like I said, she is innocent.""Cookies lang niya ang kinain ko, Ark!" palahaw ni Katricia. "You better tell the truth or I will personally investigate this matter. Oras na malaman kong may ginawa ka para i-frame si Zanaya, dadalhin ko sa korte ang kaso at hindi kita titigilan hangga't hindi ka nakukulong.""Ark," pigil ko sa kaniya. "Langga, nagsisinungaling siya.""How dare accused my daughter about lying, Capt. Columbus. You know, we are very disappointed of

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 50 - poison

    "Hindi ka ba nauuhaw, Anikka?" tanong ni Ate Chona sa akin pagkababa namin ng van."Careful." Kaagad akong sinaklot ni Rex sa baywang habang karga niya sa kanang bisig ang anak namin."Nagugutom ako," sabi kong tumingala kay Rex."Let's get inside, Chona, ipaasikaso mo na ang mga gamit sa back-ups ko," utos ni Rex kay Ate Chona. "And kindly follow-up the food I ordered from the restaurant. It should be here by now, umaga ko pa iyon na-book.""Sige po, Sir."Tumuloy kami sa loob ng bahay. Nasa high-end subdivision iyon sa karatig na lungsod ng Juan Luna. Lumipat na naman kami pagkatapos ng report tungkol sa kahina-hinalang mga tao na pumupunta ng hospital at doon sa bahay na dati kong tinitirhan."Rex, paki-check naman si baby, baka umihi," sabi kong naupo sa couch at minasahe ang kanan kong binti. Namimitig na naman. Mabigat pa talaga ang katawan ko at hindi pa ako dapat idi-discharge. Mabuti na lang at na-enroll ako for out-patient."How did you know she pee?" manghang tanong ni Rex

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 49 - cookies

    Hindi ako makahinga sa kaba at pananabik habang humahagod sa tiyan ko ang ultrasound transducer. Nakatuon ang paningin ko sa monitor. Pigil ko ang hininga nang lumitaw doon ang images. "There's our baby," hinagkan ako ni Ark sa labi. Nag-ulap sa saya ang mga mata ko at hindi kumukurap habang nakatitig sa screen. "Ang baby ko," mahina kong usal. "Baby boy," anunsiyo ng doctor. "You have nothing to worry, malakas ang heartbeat niya at mahigpit ang kapit niya sa sinapupunan mo. Continue mo lang ang routine at doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa panganib, okay? Bantayan din ang kinakain. I-konsulta lagi sa nutritionist kung may food kang gustong kainin. Dagdagan mo rin ng masa maraming veggies ang menu mo.""Thank you, Doc. Madalas nga pala akong nagkakaroon ng cramps.""Baka sobra ang iniinom mong malamig na tubig. Try lukewarm water sometimes. Very cold water may not affect the baby directly but your body will have reactions to it depending on the amount you take, cramps is one

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status