Share

CHAPTER 11 Nightmare

“Ang yabang naman ng Griyegong iyon,” himutok ni Garreth nang dalawin ito ni Nica sa bahay kinabukasan. Katabi niya sa upuan si Jen. “Porke nakapatay lang ng isang nocturno, akala niya, bida na siya agad.” Bakas pa sa mukha ng binata ang mga sugat na nilikha ng nocturno na nakalaban nito kagabi.

“Sinungitan ko nga sa sobrang inis ko, eh,” sabi niya upang mabawasan kahit papaano ang pagseselos ni Garreth. Katulad ni Matthaios, utang din niya ang buhay sa lalaking kausap kaya sa ngayon ay ayaw niya itong bigyan ng ikasasama ng loob lalo na’t nakamarka pa sa mukha’t katawan nito ang mga bakas ng pagtatanggol sa kanya.

“Pero paano kung bumalik dito ang Matthaios na iyon?” may pagdududang tanong ni Jen. “Palibhasa’y medical frontliner kung kaya malaya siyang nakakalabas-pasok ng Maynila at mga karatig-lugar. Nabanggit din ni Edgar na may tinutuluyan daw iyong hotel dito sa Tagaytay.” Si Edgar na tinutukoy ni Jen ay ang binatilyong nagsilbing guide ni Matthaios nong
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status