Share

CHAPTER 7 The Real Ava

Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler.

“Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya.

Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi.

“Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan.

“May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status