Share

CHAPTER 3

“HINDI nga? Gago! Chicks, pare!” 

“Kung nakita mo lang, baka yayain mo agad sa kama!” Malakas ang tawanan na narinig ni Maliyah nang magising siya. Sumulyap ang dalaga sa kanyang cellphone at nakitang alas-singko pa lang ng umaga. Naririnig pa nga niya ang tilaok ng manok sa `di kalayuan. 

Bakit ang aga magising ng mga ito? Sa bahay nila nagigising siya ng kahit na ano`ng oras lang. Hindi siya ginigising o pinapakialaman ng mga magulang niya. At wala ring pakialam ang mga ito sa kanya magmula noon pa. 

Patamad na bumangon ang dalaga sa kama at isinuot ang indoor slippers na inilabas ni Joacquin para sa kanya kagabi. Isang white polka-dots fluffy indoor slippers iyon. Hindi na siya nagtaka nang puti ang ibinigay nito. Kung gaano kalinis si Joacquin sa kwarto nito at sa ibang bagay ay ganoon naman siya kasalungat dito. Kahit kailan ay hindi siya naglinis ng sariling kwarto at laging ang mga katulong. Maliyah never liked the idea of cleaning. 

Akmang bubuksan na niya ang pinto nang may nauna nang magbukas nito. Bumungad sa kanya ang bagong gising na mukha ni Joacquin. Gulong-gulo ang buhok at may hawak pang unan at kumot. Sa sala ito natulog at nanghiram ng stand fan sa mga kaibigan sa kabilang kwarto para hindi lamukin sa labas. Nahihiya man si Maliyah ay si Joacquin ang nag-insist na hindi matulog sa kwarto nito kasama siya. 

Inintindi na lamang ng dalaga dahil na rin siguro sa tagal na hindi sila nagkita at may awkwardness pa sa pagitan nilang dalawa. Ngayon nga ay nakatingin ito at nagtaka ang dalaga. 

“Bakit?” Siya na ang unang nagsalita. 

“Pwede ba akong pumasok?” mahinang sabi nito. Nang marinig ang boses ng kaibigan ay tila ba may kung ano`ng kumiliti sa loob-loob ng dalaga. Joseph doesn’t sound like this when waking up in the morning. 

Saka lang niya na-realize na nakaharang pala siya sa pinto at hindi makadaan ang lalaki. 

Agad siyang tumabi at binigyang-daan ito. “I’m sorry, ano kasi, nawala sa isip ko na hindi ko pala kwarto ito,” nahihiya niyang sabi at niluwagan ang pinto. Natatawang inayos ni Joacquin ang nagulong bedsheet at unan sa kama nito. At ulit, nahiya na naman si Maliyah. Wala namang alam ang lalaki na lumaki siyang tamad at walang pakialam sa mga kalat. 

Humakbang si Maliyah nang mabilis at inagaw ang hawak ni Joacquin na kumot. “A-ako na. Ako naman ang humiga sa kama. Mag-ayos ka na lang.” 

“No, it’s okay. I mean, hindi naman malaking bagay ito. Lumabas ka na lang at nandoon na sina La Lourdes at Lo Delfin. Alam nilang may pumasok sa bahay na hindi pamilyar.”

“Lolo at lola ko sila,” aniya at agad na napalingon si Joacquin. Hindi pala niya nasabi kagabi na apo siya ng mga may-ari ng bahay. 

“Talaga? Hindi ko nalaman iyan kagabi o narinig habang nag-uusap kayo ni Jake.”

“Iyong mayabang na lalaki na iyon? Sinabi ko sa kanya na apo ako ng dalawang matanda pero hindi nakinig,” inis niyang wika at padabog na naupo sa kama. Nagulo na naman ang inayos ni Joacquin. 

Nilapitan siya ni Joacquin at ginulo ang kanyang buhok na magulo na talaga. “C’mon, mag-ayos ka at sasamahan kita sa labas. Ikukuha na lang muna kita ng kape.” 

Tinanguan lang niya ang lalaki at tinapos ang pag-aayos ng kama. Kung ano lang ang sa tingin niyang maayos sa kanyang paningin ay iyon na iyon. Binuksan ni Maliyah ang unang pinto ng cabinet at may malaking salamin na nandoon. 

“Pati salamin nasa loob ng cabinet. Dalawa nga full-length mirror ko sa kwarto, e,” pagkausap niya sa sarili. “Sabagay, lalaki naman kasi siya.” 

Inayos niya ang kaninang magulong buhok na hanggang balikat lang ang haba. Maliyah loved having her long hair before but started to cut it when she became too lazy to brush it. And now, she can wake up without worrying how messy it is since it’s short and no need to comb. 

Suot ang pulang fitted crop top at maong na shorts ay lumabas na si Maliyah ng kwarto. Paglingon niya sa kanang bahagi ng hallway ay nandoon ang mga lalaking nakausap niya kagabi at ngayon nga ay nagkakape. Bakit ang aga magising ng mga tao sa bahay na ito? 

“Nakaayos ka na pala,” nakangiting sabi ni Joacquin na mukhang kagagaling lang sa kusina. Ang dalawang hallway ay magkasalubong sa salang nasa gitna at magkabilaang dulo no`n ay commom bathroom at kitchen. 

“Salamat,” masayang wika niya at inabot ang isang tasa ng kape mula sa lalaki. “Gising na ba sina— ang may-ari nitong boarding house?” 

Kaagad na kumunot ang noo ng lalaki sa naging tanong niya. “You don’t call them lola and lolo?” 

“It’s been years since the last time I saw them. And no, I don’t call them lolo and lola.” 

Bumuntung-hininga ang lalaki at hinila siya pabalik sa loob ng kwarto. “Maupo ka muna,” pakiusap nito at kaagad naman siyang sumunod. Alam na ni Maliyah kung bakit pa sila bumalik ng kwarto. It’s about what she said last night and just now. 

Pabalik-balik na naglakad si Joacquin sa kanyang harapan at nasa baba nito ang kanyang kamay. Malalim ang iniisip at malamang hindi alam kung paano uumpisahan ang kanilang usapan. 

“It’s true that I didn’t grieve for my parent’s death. And I am not yet ready to tell it to—“

“I know. Kaya rin hindi ko alam kung paano uumpisahan since ang tagal nating hindi nagkita. And I don’t force you to tell me about your personal issues.” 

“Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, Joacquin. You are my best friend since we were kids and you are special to me, but there are things I want to keep to myself.” 

Malamlam ang mga matang tiningnan siya ng lalaki at tinanguan. Agad din namang tumayo si Maliyah para yakapin ang kaibigan. Though it’s been years, she’s trying her best not to make things awkward between them. Whether they’ll admit it or not, they’re already grown-ups and a lot of things changed and will never be the same as before. 

“Tara na. Your grandparents doesn’t know you’re here.” 

Sabay silang lumabas ng kwarto at natigil ang tawanan ng mga lalaki sa sala. Sila na naman ang naging sentro ng atensyon sa pagkakataong ito. Ganoon pa rin ang ayos ng mga lalaki, naka-boxer umagang-umaga at may kanya-kanyang hawak na tasa ng kape. 

Gustong mainis ni Maliyah dahil kung hindi maingay ang mga lalaking nandoon ay sana mamayang alas-diyes pa siya gigising. Wala rin naman siyang pakialam kahit pa sabihing kay Joacquin ang kwartong iyon at magkaibigan sila. 

“Magandang umaga sa pinaka-gwapong boarder ng Liyah!” nakangiting bati ng isang lalaki na may blue boxers at itinaas ang hawak nitong tasa. Pero hindi ang boxers ang concern ni Maliyah kundi ang pangalang binanggit ng lalaki. 

“Wait, ano`ng sinabi mo? Ano ang pangalan ng lugar na ito?”

“Liyah, hija. Liyah ang pangalan ng bahay na ito. Bakit?” Sumulpot sa pinakaunang kwarto sa kaliwa ang isang matandang lalaki na ngayon ay suot-suot ang berde at manipis na long-sleeves, straw hat at gloves. Mahaba rin ang pantalong suot nito at itim na botas.

The old man’s white hair and beard are visible to her. This is her grandfather that she hasn't seen for a long long time. Her mother obviously looks like him and she can’t deny that fact. 

Ganoon pa rin ang mukha nito kahit noong mga panahong huli niya itong nakita. She can even see them in other people’s faces sometimes. 

“Nagugutom ka na ba? Maghahain lang ng pagkain ang lola mo,” saad ng kanyang lolo at hindi siya umimik. Hindi alam ng dalaga kung ano ba ang dapat niyang sabihin. The old man isn’t even curious about what she’s doing in his place. And will Maliyah even tell her grandparents about her real motive? 

“Paupuin na muna ninyo ang apo ko. Siya nga pala, Maliyah ang kanyang pangalan.” Apo ko. Apo raw siya nito. Parang gusto niyang matawa sa sinabi nito pero kailangan niyang maging mabait sa mga mata ng dalawang matanda. In that case, she can get what she wants. After that, she’ll leave the place and will never ever come back or see them again. 

Maliyah already planned everything the moment her parents died. All she needs to do is to make it happen and then she can live her peaceful life.

Matapos sabihin iyon ng kanyang lolo ay bumalik ito sa loob ng kwarto para siguro sabihan ang kanyang lola tungkol sa kanyang pagdating. Nagsipag-usog sa upuan ang mga lalaking kanina pa nakikinig sa usapan. Maging si Joacquin ay naupo sa kanyang tabi. Doon na rin nakita ni Maliyah si Jake na nakatayo sa railings at umiinom ng kape. 

Mataray niyang tiningnan ang lalaki. “See? Ayaw mong maniwala na apo ako ng mag-asawang may-ari ng upahan na ito.” May diin ang kanyang pagkakasabi at ibinaba ni Jake ang kaninang tasa na nasa bibig nito. 

Tiningnan siya nito sabay hingang malalim. “Sana rin naiintindihan mo na hindi ka namin kilala. Sana rin ipinakita mo sa amin ang identification card mo para nalaman namin na nagsasabi ka ng totoo,” supladong sabi nito at mabilis na tumalikod. Ito pa talaga ang may ganang maging suplado na ito na ang may kasalanan? 

Humigpit ang hawak ni Maliyah sa tasa ng kape na hawak niya ngayon. Wala pang gumanito sa kanya kahit mga kaibigan niya.

“Sino ba ang lintik na iyon?!” pagalit niyang tanong sa mga lalaking kaharap. “Akala mo kung sino makaasta.” 

“Si Jake,” sagot naman ng lalaki na nakaupo lang sa tapat niya. Gwapo rin at moreno. Malalaki ang biceps na talaga namang baka mahilig sa gym o physical work ang area. 

Nagtataka ang mukha nito. “Hindi ba kayo mag-pinsan? Apo rin siya nina La Lourdes at Lo Delfin, e. Si Jake. Ilang taon na siyang nandito sa lugar na ito,” pahayag nito. Inakala ng mga ito na pinsan niya ang mokong na gwapong iyon?

Gwapo? Inamin niyang gwapo ito? Well, kahit naman umamin siyang may hitsura ito ay walang mawawala sa kanya. Aminado rin si Maliyah na hindi nawala sa isip niya ang hitsura ni Jake kagabi bago siya matulog at nakapagtataka iyon. 

“No, he’s not Maliyah’s cousin. Nag-iisang anak lang ang kanyang mama at dalawa lang ang pinsan niya sa father’s side.” Si Joacquin na ang sumagot para sa kanya dahil natutulala na naman siya sa gitna ng pag-uusap. 

“Bakit ba ang aga ninyo nagigising?” Iyon talaga ang una niyang naging tanong sa mga lalaki na pare-parehas ang pattern ng boxers at tahimik. 

“Ang ganda ng tulog ko pero bigla kayong nagtawanan kaya nagising ako na sana ay alas-diyes pa ang gising ko talaga!” Nagtaray na siya. Mukhang ipinanganak talaga siyang mataray. 

“Dahil may kanya-kanya kaming mga trabaho. Kailangan naming magising nang maaga,” sagot ng lalaking may dalawang biloy sa magkabilaang pisngi. “I’m Alden,” pagpapakilala nito. 

Napataas siya ng kaliwang kilay at sa huli ay natawa. “Ang galing ko,” sarkastiko niyang sabi. “Alden. Bagay naman. Hindi ako magagalit sa `yo dahil Alden ang pangalan mo.”

“Crush mo?” tanong ng lalaking naka-de-kwatro at cool na cool uminom ng kape. “Ako, Daniel ang pangalan ko. Pwedeng Daniel Padilla or Daniel Matsunaga. Hindi ka na rin galit sa akin?” Nagpa-cute pa talaga at gulong-gulo ang buhok. Maganda ang pangangatawan. His set of teeth is so good to look at. Moreno rin ito at mukhang gym ang madalas uwian. 

Umiling siya. “Wala kang hawig sa dalawa, tsong.” 

Narinig niya ang mahinang tawa ni Joacquin sa kanyang tabi at nang tingnan niya ay naging seryoso bigla ang mukha. 

Sumandig siya sa sofa habang ang ibang nandoon ay kanya-kanyang nagsitayuan at pumasok sa mga kwarto. Mayamaya ay lumabas ang iba at may nakasabit ng tuwalya sa mga balikat. 

“Maghahanda na sila para sa mga trabaho.” Si Daniel ang nagsalita. 

“Ano`ng mga trabaho nila?” tanong niya. Lima ang mga iyon at tahimik din nang nag-uusap-usap sila roon sa sala. 

“Nagtatrabaho sila sa restaurant ni Jake,” sagot ni Alden. “Jake owns a restaurant.” 

Na-impress siya bigla nang marinig ang sinabi ng lalaki. Iyong lintik na suplado at mayabang? Isang restaurant owner? Mukhang magiging kaibigan niya ito. 

"Joacquin told you about him and his restaurant last night, Maliyah!" sigaw ng isip niya. Nakalimutan niya iyon. 

“And ikaw Joacquin?” baling niya sa katabi habang naka-krus ang mga braso. “Saan ka nagta-trabaho?” aniya. 

“I own a bookshop. Within this year, baka bumalik na ako sa business ng parents ko. They would love to see you, Ling.”

“I am a DJ pero hindi si Daniel Padilla, ah?”pagloloko ni Daniel. “`Di hamak na mas gwapo naman ako kaysa kay Joacquin. Hindi ba, Alden?” 

“Alam mo, Daniel? Maligo ka na lang doon at maghandang pumasok sa trabaho. Kanina ka pa nag-iingay, e,” inis niyang sabi. “Wala ka nga sa kalahati ng mukha nitong si Joacquin.” 

“Wala siyang trabaho,” sabat ni Joacquin. “Tumutulong muna siya rito sa dalawang matanda. Daniel’s been kicked out from their house and business,” wika ni Alden. 

So, ano? Kapag nandito siya sa bahay ay makakasama niya buong araw ang makulit na lalaking ito? Buti na lang naging gwapo! 

“Oh, shit!” bulong niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status