로그인THIRD PERSON:Pagkarating nila sa harap ng bahay ni Mang Alberto. Maingat na kinatok ni Dominic ang pintuan, at sandaling tumahimik bago ito bumukas. Sa una, halatang nagulat si Mang Alberto, nagtataka sa hitsura ni Dominic at nang mapansin si Mira. At nang makita si Mira ni Mang Alberto sa tabi ni Dominic at unti-unti niyang nakilala ang dalaga.“Ay… Ineng, ikaw pala iyan!” tuwa ni Mang Alberto nang makilala si Mira at agad na lumapit ito sa kanya.“Magandang hapon po, tatay." bati ni Mira, mahinahon ngunit may ngiting punong-kahulugan ng kabutihang-loob.“Naku, tuloy kayo. Pasensya na ha, maliit lamang ang bahay namin,”“Ayos lang po iyon,” sagot ni Mira, mahinahon ngunit halatang magaan sa pakikitungo sa ibang tao.Napansin ito ni Dominic, at bahagya siyang napangiti 'Talaga ang laki na ng pinagbago niya' sa isip naman ni Dominic.Tuloy na pumasok silang dalawa, at agad nilang napansin ang bata na nakahiga sa may sopa, at may maliit na panyo nakapatong sa may noo. Napatingin si Mir
THIRD PERSON:Dahil makitid ang daan sa lugar, napilitan silang ihinto ang van sa may ibaba ng eskinita.Mula roon ay naglakad na lamang sila.Mas lalong napansin ng grupo na paakyat ang daan, at sa bandang dulo ay may makikitang hagdan na patungo sa mga bahay na nakatayo sa itaas ng maliit na burol.Habang naglalakad, walang tigil ang kwentuhan nina Marites, Joy, Rod, Felix, at Lisa.“Grabe naman dito,” reklamo ni Marites habang hinihingal. “Parang hiking na ata ‘to, ah.”“Arte mo naman,” natatawang sabi ni Joy.Ngunit nang mapatingin si Marites sa mahabang hagdan na kailangan pa nilang akyatin, bigla itong napahinto.“Grabi…” bulalas niya habang nakatingala sa hagdan. “Parang di ko na ata kayang humakbang diyan sa hagdan na ‘yan.”Napahawak pa siya sa tiyan niya na tila ba biglang sumuko ang katawan.“Ayan kasi,” agad na sagot ni Felix. “Ang dami mong kinain kanina.”“Tumahimik ka nga diyan!” inis na sagot ni Marites sabay irap sa kanya, di din nagpatalo ng irap si Felix sa kanya.N
THIRD PERSON:Sa loob ng opisina ng Grand Aurelius Hotel, tahimik na nakatayo lamang si Mang Alberto sa harap ng mesa ng manager. Nakatungo ang kanyang ulo, habang mahigpit niyang pinagdidikit ang kanyang mga kamay para pigilan ang panginginig.Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na sumabog ang galit ng manager.“KASALANAN MO ITO, MANG ALBERTO!” sigaw nito. “Kung chineck mo sana ang sasakyan bago mo isinundo ang bisita, hindi sana nagkaaberya!”Napapikit si Mang Alberto.Alam niyang may mali.Alam niyang bago pa siya umalis kahapon, may napansin na siyang kakaiba sa sasakyan, at nai-report niya iyon.Pero hindi ito pinansin.Ngayon… sa kanya ibinabato ang lahat.“Sir…” mahina niyang sabi, nanginginig pa ang kanyang boses. “Na-report ko naman po iyon kahapon sa maintenane—”“Are you trying to reason out?” putol agad ng manager, matalim ang tingin. “Ikaw ang driver. Responsibilidad mo i-check ang sasakyan!”Napayuko na lang si Mang Alberto. Sa sandaling iyon, naunawaan niya.Hindi
THIRD PERSON:Mabilis na lumabas ng bahay si Mira nang makita niyang sa tapat mismo ng kanilang bahay ay may nakaparadang isang van na kulay itim.At sa tabi nito ay nakatayo sina Joy, Lisa, Rod, Marites, at Felix.“Bakit kayo nandito?” tanong niya, halatang naguguluhan, pero ramdam pa rin ang tuwa sa kanyang tinig."Umiral kasi pagiging seloso ni Sir Domini kaya kami nandito." sabat naman bigla ni Felix habang napa tingin sa sasakyan kung saan di pa lumalabas si Dominic, si Mira naman ay nagugulan. "A-ano?"******Hours ago…“Bakit mo nga pala gustong makausap si Mira?” hindi na napigilan ni Dominic na tanungin si Mr. Adrian.Bahagyang sumandal si Mr. Adrian sa upuan bago sumagot.“Gusto ko kasing magpasama sa kanya. Pupuntahan namin ang naging driver ko kahapon,” kalmadong sagot niya. “Malamang ngayon, wala na iyon sa trabaho. Posibleng tinanggal na siya ng Grand Aurelius Hotel dahil pinilit kong magpahatid sa kanya dito sa hotel mo.”Nagkatinginan sina Felix at Dominic.Bahagyang
Dominic’s POVDahan-dahan kong inabot sa kanya ang hawak kong bulaklak.“Uhm… habang papunta ako dito, may nadaanan akong flower shop,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili. “Naisipan ko lang bumili… para sa magandang ngiti mo.”Pagkasabi ko noon, parang bigla kong na-realize kung gaano ka-OA ang tunog ng sinabi ko.Napakamot tuloy ako sa batok ko sa hiya.Sa harap ko, dahan-dahang kinuha ni Mira ang bulaklak.“Salamat po,” mahina niyang sabi.Sa sandaling iyon, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mr. Adrian kanina.“You’re lucky to have her.”Bahagya akong napangiti.“Ako dapat ang magpasalamat sa’yo.”Napakunot ang noo ni Mira habang nakatingin sa akin.“Po?”Bahagya lang akong napailing.“Wala… basta.”Sandali akong natahimik bago ko naalala ang dahilan kung bakit ako pumunta.“Nga pala,” sabi ko habang nakatingin sa kanya, “pwede ka bang pumasok muna bukas sa hotel?”"Sino po?"“May gustong kumausap sa’yo,” dagdag ko. “Isa sa mga mahalagang guest namin.”Kita sa mukha niy
THIRD PERSON:Matapos ang mahabang araw sa hotel, kung saan inasikaso nina Dominic ang pagdating at pag-welcome kay Mr. Adrian, halos gumabi na nang tuluyang matapos ang lahat ng gawain.At natuloy rin ang pag punta niya sa bahay nila Mira.Pagdating niya roon, napansin niyang may nakaupo sa beranda ng maliit na bahay. Tahimik itong nakatanaw sa kalsada, para bang may hinihintay.Nang makalapit siya ay saka niya nakilala ang nakaupo.Si Aling Carmen.“Magandang gabi po, Nanay Carmen,” magalang na bati ni Dominic.Bahagyang nagulat ang ginang at agad na napatingin sa kanya.“Sir Dominic?” gulat nitong sambit habang dahan-dahang tumatayo mula sa pagkakaupo nang mamukhaan ang binata.“Bukas po iyan, tuloy ka,” sabi pa ni Aling Carmen habang itinuro ang maliit na pinto ng bakod.Ngumiti si Dominic at agad na binuksan ang bakod bago pumasok sa loob ng bakuran.“Salamat po,” sagot niya.Napansin ni Aling Carmen ang dala ni Dominic na boque ng bulaklak at maliit na paper bag, at agad niyang







