Opo, aminado ako⌠medyo nadala tayo dito sa eksena. đ Pero please wag niyo po akong pagalitan, ha! isa lang po akong inosenteng manunulat na nadadala sa kilig at init ng kwento. Hehehe. đ¤đĽ Good girl lang po akong manunulat na marunong lang sumunod sa dikta ng mga karakter. đđđ
The Grand Wedding: Ang buong lungsod ay tila tumigil nang araw na iyon. Isang engrandeng kasal ang ginaganap sa isa sa pinakamalalaking hotel-resort sa bansaâisang five-star property na pagmamay-ari mismo ni Sebastian Montgomery. Labas pa lang, nagsisiksikan na ang mga mamamahayag, photographers, at mga taong nais masaksihan ang kaganapan. Ang buong paligid ay nababalot ng ningning: nakapila ang mga luxury cars, nakasabit ang mga kandelabra at bulaklak na imported mula sa ibaât ibang panig ng mundo, at bawat sulok ay punĂ´ ng mahigpit na seguridad. Hindi lamang ito basta kasalâito ay isang selebrasyon ng kapangyarihan, ng yaman, at higit sa lahat, ng pag-ibig na pinagdaanan ang lahat ng unos bago tuluyang nagtagumpay. ANCHOR (voice-over, kasabay ng montage): âNgayong araw, saksi kayo sa kasaysayanâito ang kasal ng taon!âang pagbubuklod ng tagapagmana ng Santiagoâs Corporation na si Isabella Santiago, at ng bilyonaryo at makapangyarihang negosyanteng si Sebastian Montgomery.â Ang
THIRD PERSON:Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik si Sebastian. Paulit-ulit na inaatay ni Isabella ang sandaling magsasalita ito, umaasang magkukwento o magpapaliwanag kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya natagalan matapos ang engkuwentro laban kina Rocco. May mga pagkakataong nais na niyang itanong, ngunit sa tuwing napapatingin siya kay Sebastian at masasalubong ang matalim nitong mga mata, kusa na lang siyang tumitikom.Napatingin pa siya rito ngayonâabala si Sebastian sa pagbabalat ng hilaw na mangga sa mesa. Seryoso ang mukha nito habang maingat na hinihiwa ang maasim na prutas, para bang nakatuon lamang ang mundo nito sa hawak na kutsilyo.Samantala, si Isabella naman ay nakaupo sa sofa, bahagyang nakahilig at tutok na tutok sa pinapanood na drama sa TV. Wala siyang imik, halos nakalimutan ang paligid dahil sa lalim ng eksenang pinapanuod niya, subalit sa loob-loob niyaây ramdam pa rin ang bigat ng mga tanong na hindi niya masabi.Biglang bumukas ang pinto at puma
THIRD PERSON:Lumapit ulit si Isabella sa lalaking nakausap niya kanina, halos nanginginig pa rin sa kaba at galit. âAt please lang, huh! Huwag mo na akong matawag-tawag sa pangalang âBellaâ,â madiin niyang sabi, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tumigil siya, saka halos pabulong na dagdagâpuno ng kirot, ngunit matapang: âSiya lang⌠siya lang ang may karapatang tumawag noân sa akinâŚâNapayuko ang lalaki, halatang nahiya at natigilan, habang si Isabella ay mariing pumikit, pinipigilan ang luha na pilit gustong kumawala. Sa bawat banggit ng pangalang iyon, bumabalik sa kanyang alaala ang tinig ni Sebastianâmalumanay, puno ng lambing, at parang musika na kailanman ay ayaw niyang kalimutan.âPa-pasensya na poâŚâ mahina lamang ang naging sagot ng lalaki, nakayuko at tila walang lakas ng loob na tumingin sa kanya. Napairap si Isabella, pilit itinatago ang namumuong emosyon, saka siya marahang lumakad palapit sa isang itim na van na nakaparada sa unahan.At doon⌠parang
THIRD PERSON: Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magising si Isabella sa ospital. Dalawang linggo rin siyang araw-araw na umaasang papasok si Sebastian sa pintuan, may ngiti sa labi at yakap para sa kanya. Ngunit heto siya ngayonânakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hinihimas ang kanyang tiyan, habang dahan-dahang bumabalot sa kanya ang malamig na katahimikan. Mabigat ang dibdib niya, at bawat araw ng paghihintay ay parang tingga sa puso. Sa bawat pagdilat niya ng mata, si Sebastian pa rin ang una at huling laman ng kanyang isip. Ngunit wala. Wala pa ring balita, wala pa ring presensya. Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha, dumulas pababa sa pisngi. "SebastianâŚ" bulong niya, mahina at halos hindi marinig. Naramdaman niyang lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, para bang may kulang, may iniwang malaking butas na hindi niya alam kung kailan muling mapupunan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok sina Riley at Jane, parehong may pilit na ngiti, ngunit halatang
THIRD PERSON:Dahan-dahang iminulat ni Isabella ang kanyang mga mata, ngunit nanlalabo pa ang kanyang paningin. Puti. Puti ang paligid. Naamoy niya ang malinis at malamig na hangin na agad niyang nakilalaâospital.Ang malamig na amoy ng alcohol, ang tunog ng beeping monitor, at ang bigat ng katahimikan ang lalong nagpakaba sa kanya. Ospital... mahina niyang bulong, halos maputol ang hininga. Ito ang lugar na pinakaayaw niyang puntahan, ang lugar na madalas nagdadala ng takot at alaala ng pagkawala.Pilit niyang inangat ang kanyang likod ngunit agad siyang napasinghap, âAhhh!â Napakapit siya sa kamay niya nang mahila ang dextrose na nakakabit dito.Agad na lumapit si Riley, halatang gulat. âOyyy, Isa! Huwag ka munang kumilos, baka mas matagal pa yang dextrose mo. Please, wag ka na munang magpumilit.âDoon lang niya napansin ang noo ni Riley, may nakabalot na benda at bakas ang sugat sa ilalim nito.âA-asan si Seb?â aniya, halos pabulong pero puno ng kaba nang di niya ito makita sa tabi
THIRD PERSON:âAt ikaw namanâŚâ malamig na sabi ni Rocco, mabagal, tila nilalasap ang bawat salita. âAng susunod naming lalaruin.ââHindi!!! Bitiwan niyo ako, hayop ka!!!â sigaw ni Isabella, nagpupumiglas, halos mamamaos na ang boses. âSebastian!!â desperado niyang tawag, nanginginig sa takot.âHayop ka!!!â bulyaw ni Sebastian, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit. Pilit siyang tumayo, ngunit bago pa man siya makalapitâpumutok ang baril.âArghhh!!â sigaw niya nang tamaan sa hita, at napahandusay sa malamig na sahig. Ramdam niya ang nagbabagang apoy ng bala sa laman, umaagos ang dugo sa kanyang binti, nanginginig ang mga kamay sa kirot. Ngunit higit pa sa sakit, mas nag-alab ang galit sa kanyang mga mata. Kahit sugatan, desperado siyang naghahanap ng kahit anong tyempo para makalaban.Ngumisi si Rocco at yumuko, halos idikit ang mukha kay Sebastian. âManood ka na lang, hari. Manood ka kung paano namin lalaruin ang pinakamamahal mo.âPilit na umaangat si Sebastian mula sa sahi