Se connecterThe Truth He Hides
Hindi ko sinagot ang message ni Joaquin kagabi. Nasa screen pa rin ang huling text niya: Tomorrow. My office. Come alone. Bago iyon, sinabi niyang may kailangan akong malaman tungkol kay Mateo. Gusto niyang itanong ko kung saan nanggaling si Mateo bago umuwi at kung sino ang kasama nito. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. Mas hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan. “Sol?” Napalingon ako kay Mateo. Nasa kama siya, nakasandal sa headboard habang may binabasang email sa tablet. “You’ve been staring at your phone for ten minutes.” “May hinihintay lang akong reply,” sagot ko. “From who?” “A friend.” Hindi na siya nagtanong. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. “Come here. You’ve been distant lately.” Sumandal ako sa dibdib niya. Familiar ang amoy niya, ang init ng katawan niya, at ang paraan ng paghaplos niya sa buhok ko. Ito ang taong minahal ko. Siya ang pinili ko, at siya ang gusto kong makasama. Kaya bakit hindi ko kayang patahimikin ang isip ko? “Sorry,” bulong ko. “For what?” “Wala. Pagod lang ako.” Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. “Then get some sleep. I’m here.” Kinabukasan, bumaba ako para mag-almusal. Umaasa akong hindi ko makakasabay si Joaquin, pero naroon siya sa dining area, nagbabasa sa tablet. Naka-white shirt at dark trousers siya. Simple lang ang suot niya, pero sapat na iyon para maalala ko ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Pagkarinig niya sa akin, tumingin siya. “Good morning, Solana.” “Morning,” sagot ko, dumiretso sa coffee machine. “Hindi mo sinagot message ko.” Napahigpit ang hawak ko sa mug. “Wala naman akong kailangang sabihin.” “Akala ko gusto mong malaman kung ano ang tinutukoy ko tungkol kay Mateo.” Napatingin ako sa kanya. “Hindi ko sinabi na gusto kong malaman.” “Pero iniisip mo.” “Hindi mo alam ang iniisip ko, Joaquin.” “Then tell me I’m wrong.” “Hindi dito,” sabi ko. “At huwag mong gamitin si Mateo para lang kausapin ako.” Nawala ang bahagyang ngiti niya. “Hindi ko siya ginagamit.” “Then ano’ng ibig mong sabihin sa text mo? Bakit mo sinabing tanungin ko kung nasaan siya bago siya umuwi?” Tinitigan niya ako sandali. “May mga bagay kayong dapat pag-usapan. Pero hindi ako ang taong dapat magkuwento para sa kanya.” “Kung may alam ka, sabihin mo na lang.” “Hindi ganoon kasimple.” Napailing ako. “Of course. Wala namang simple sa’yo.” Tumayo siya at kinuha ang tablet. “Kung gusto mong marinig ang sagot, puwede mo akong puntahan sa office. Pero hindi kita pipilitin.” “Hindi ako pupunta.” “Okay.” Pagdating ni Mateo, pilit kong inayos ang itsura ko. “Morning, love.” Hinalikan niya ako sa pisngi at umupo sa tabi ko. “You look tired.” “Hindi lang ako nakatulog nang maayos.” “May iniisip ka ba?” Muntik na akong magtanong tungkol sa text ni Joaquin. Pero hindi ko alam kung paano sisimulan nang hindi ipinapakitang nag-uusap kami ng kapatid niya tungkol sa kanya. “Work lang,” sabi ko. Ngumiti si Mateo at hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “You know you can tell me anything, right?” Tumango ako, pero hindi ko siya matingnan nang diretso. Hindi ko kayang sabihin ang buong katotohanan. Hindi tungkol kay Joaquin, at hindi rin tungkol sa kung gaano ako naguguluhan sa sarili ko. “I miss you, Sol,” sabi niya. “Parang ang layo mo lately.” “Sorry. Hindi ko sinasadya.” “Then let me in. Whatever it is, we’ll figure it out.” “Wala, Mateo,” sagot ko. “Promise.” Tinitigan niya ako sandali, saka tumango. “Okay. I trust you.” Ang sakit marinig na buong buo ang tiwala niya sakin. Pagkatapos ng almusal, umalis si Mateo para pumunta sa office. Hinalikan niya ako bago lumabas. Nang magsara ang p***o, napahawak ako sa pisngi ko at napapikit. Around lunch time, nagpunta ako sa library para kunin ang librong sinimulan kong basahin. Pagpasok ko, nakita ko si Joaquin sa tabi ng bookshelf. Nakasuksok ang isang kamay sa bulsa niya, at may hawak siyang libro sa kabila. Napahinto ako. “Relax,” sabi niya. “Hindi kita susundan.” “Hindi ko naman sinabi.” “Your face did.” Dumiretso ako sa kabilang shelf. “Hindi lahat tungkol sa’yo.” “Good. At least may isang bagay tayong magkapareho.” Kumuha ako ng libro para umalis, pero nagsalita siya bago ako makarating sa p***o. “Solana, sandali.” Huminto ako. “Ano na naman?” “Hindi ko gustong gawing mas mahirap ito para sa’yo.” “Then stop bringing up Mateo. Kung may problema kayo, kayo ang mag-usap.” “Hindi tungkol sa problema namin ang gusto kong sabihin.” Bumaba ang tingin niya sa hawak kong libro. “Gusto kong malaman kung okay ka.” “Why do you care?” “Dahil may nangyari sa atin.” “At hindi dapat nangyari iyon.” “I know.” “May boyfriend ako. Kapatid mo siya.” “I know that, too.” Hindi tumaas ang boses niya. “Hindi ko sinasabing tama ang nangyari. Hindi ko rin hinihinging kalimutan mo kung sino si Mateo.” “Pero gusto mong puntahan kita sa office.” “Gusto kong makausap ka nang hindi ka laging naghahanap ng paraan para makatakas.” Napahawak ako nang mas mahigpit sa libro. “Dahil wala tayong dapat pag-usapan.” “Kung ganoon, tingnan mo ako at sabihin mong wala kang naramdaman.” Hindi ako nakasagot. Galit ako sa kanya dahil sa tanong niya, pero mas galit ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang sabihin ang gusto niyang marinig. “Hindi ko alam ang nararamdaman ko,” sabi ko sa wakas. “At ayokong alamin.” Tumango siya, parang tinanggap niya ang sagot ko kahit hindi iyon ang gusto niyang marinig. “Okay. Hindi kita pipilitin.” “Good.” Tumabi siya para bigyan ako ng daan. Walang paghawak, walang pagharang, walang pilit na paglapit. Pero nang dumaan ako sa tabi niya, naramdaman ko pa rin ang lapit niya at ang hirap na huwag siyang tingnan. “Solana,” sabi niya bago ako makalabas. Huminto ako, pero hindi lumingon. “Yung sinabi ko tungkol kay Mateo, hindi ko sinabi para pagdudahan mo siya dahil lang sa akin. Kung may tanong ka, siya ang tanungin mo. Huwag mong hayaang ako ang magdesisyon para sa’yo.” Dahan-dahan akong humarap. Sa unang pagkakataon, hindi siya mukhang nang-aasar. “Kung ayaw mong guluhin ako, bakit mo pa ako minessage?” “Dahil may gusto akong sabihin. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin nang hindi ka mas lalong nasasaktan.” “Then maybe you shouldn’t say it.” “Maybe.” Sandali siyang natahimik. “Pero hindi ibig sabihin na wala akong nararamdaman.” Parang nawala ang mga salitang inihanda ko. “Please, Joaquin,” sabi ko nang mahina. “Huwag mo akong gawing masamang tao.” “Hindi ikaw lang ang may responsibilidad dito, Solana.” Tumingin siya sa akin. “Alam kong mali. Alam kong kapatid ko si Mateo. Hindi ko iyon nakakalimutan.” “Kung alam mo, bakit parang gusto mong maulit?” Hindi siya sumagot agad. “Dahil hindi ko kayang magpanggap na wala akong naramdaman. Pero hindi kita pipilitin na gawin ang kahit ano.” Napalunok ako. Gusto kong sabihin na wala akong naramdaman, na gusto ko lang kalimutan ang gabing iyon, na hindi ko na siya gustong makasama. “I should leave” sabi ko. Tumabi siya. “Okay.” Lumabas ako ng library nang hindi lumilingon. Pero pagdating ko sa kuwarto, hindi ko agad naibalik sa shelf ang libro. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang noo ko. Mahal ko si Mateo. Ayokong maging dahilan para masaktan siya, at lalong ayokong masira ang relasyon nilang magkapatid. Pero hindi sapat ang pag-iwas kay Joaquin para burahin ang nangyari sa amin. Habang naglalakad ako papunta sa kuwarto, naalala ko ulit ang text niya tungkol kay Mateo. Kung may dapat akong itanong kay Mateo, kaya kong gawin iyon nang hindi pumupunta sa office ni Joaquin. Nang mag-message si Mateo at tanungin kung gusto kong sabay kaming mag-dinner, napangiti ako kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Sumagot ako ng oo. Gusto kong maging present sa relasyon namin at huwag isipin si Joaquin. Hindi ko alam kung kakayanin ko, pero kailangan kong subukan ngayon. Ang mas nakakatakot ay hindi ang posibilidad na gusto niya akong makita ulit. Kundi ang katotohanang may parte sa akin na gustong makita rin siya.The Woman I BuiltMatagal kong tinitigan ang mensahe ni Mateo bago ko tuluyang pinatay ang screen ng cellphone ko.Can we talk tomorrow? I miss you. I don't want to lose you.Dati, sapat na ang ganoong mensahe para mawala ang lahat ng pag-aalinlangan ko. Ngayon, hindi ko alam kung paano sasagutin ang isang taong mahal ko pa rin, pero hindi ko na kayang pagkatiwalaan nang buo.At mas masakit aminin na habang iniisip ko si Mateo, si Joaquin ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.Pero kahit wala siya, naroon pa rin ang alaala ng halik namin.Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Kailangan kong magtrabaho. Sa harap ng mga plano, floor layouts, at design proposals, mas madali sanang magpanggap na maayos ang lahat.Ako si Solana Reyes, twenty-seven years old, architect, at may-ari ng sarili kong architectural firm. Hindi basta ibinigay sa akin ang puwesto ko. Pinaghirapan ko iyon.Parehong abogado ang mga magulang ko. Sila ang nagtatag at nagpalago ng sarili nilang law firm. I grew
Wanting More Of YouNakatayo si Joaquin sa harap ko, tahimik at hindi inaalis ang tingin sa akin.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulo—ang bigla niyang pagdating o ang paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang alam niyang ilang beses ko nang pinigilan ang sarili kong hanapin siya.“Can I come in?” mahinahon niyang tanong.Dapat tumanggi ako. Dapat sinabi kong hindi magandang ideya ang pagpunta niya rito, lalo na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Mateo.Pero sa halip na magsalita, umatras ako at binigyan siya ng daan.Pumasok siya nang hindi nagmamadali. Nang maisara ko ang pinto, biglang naging mas maliit ang pakiramdam ng condo ko. O baka dahil sa presensya niya.“Hindi ka dapat pumunta rito,” sabi ko habang nakatalikod sa kanya.“I know.”“Then why are you here?”“Because I wanted to see you.”Napapikit ako. Simple lang ang sagot niya, pero sapat para guluhin ang isip ko.“Hindi mo ba naiintindihan na mas lalo mong pinapahirap ang lahat?”“I understand.”
The Temptation I couldn’t resistAlas-nuwebe na nang marinig ko ang doorbell.Matagal akong nakatayo sa harap ng pinto bago ko ito binuksan. Alam kong si Mateo iyon. Hindi ko siya tinanggihan nang sabihin niyang gusto niya akong makausap, pero hindi ko rin alam kung handa akong marinig ang lahat ng sasabihin niya.“Hi,” bati niya.“Come in.”May dala siyang pagkain mula sa paborito naming restaurant. Naalala kong hindi pa yata ako nagdi-dinner.“Naalala kong hindi ka pa kumakain,” sabi niya habang inilalapag ang paper bag sa mesa.“Thanks.”Umupo kami sa sofa. Si Mateo ang unang nagsalita.“I know I hurt you.”“Hindi mo lang ako nasaktan, Mateo. You made me question everything.”“I understand.”“Do you? Kasi habang iniisip ko kung ano ang nagawa kong mali, ikaw pala may ibang taong nilalapitan.”Napayuko siya. “It wasn't because of you.”“Hindi naman iyon ang point. You made a choice. Tapos pinili mong itago sa akin.”“I'm not proud of what happened with Andrea. I should've told you b
Between Two BrothersHindi ko alam kung bakit parang mas bumigat ang pakiramdam ko nang marinig kong papunta na si Mateo sa opisina ni Joaquin.Nakatayo si Joaquin sa tabi ng desk niya habang ako naman ay nananatiling malapit sa sofa.“Do you want me to leave?” tanong ko.“Kung gusto mong umalis, hindi kita pipigilan.”Napailing ako. “Hindi mo ba kayang minsan sabihin kung ano talaga ang gusto mo?”Tumingin siya sa akin. “Gusto kong manatili ka. Pero alam kong hindi dapat ako ang dahilan kung bakit ka nandito.”Bumukas ang pinto bago pa ako makapagsalita.Pumasok si Mateo at agad kaming tiningnan. Saglit na natigil ang mga mata niya sa akin bago lumipat kay Joaquin.“Solana. You're here.”“Obviously,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko.“Can we talk?”“I'm listening.”Napatingin siya sa kapatid niya. “Can we have a little privacy?”“She's not leaving,” sagot ni Joaquin.“I'm talking to my girlfriend, not you.”“Then talk to her. I'm not stopping you.”“Enough,” putol ko. “Hin
The Name He Wouldn't SayHindi ako nakatulog nang maayos.Paulit-ulit kong binasa ang messages ni Joaquin, umaasang may susunod pa siyang sasabihin. Pero pagkatapos ng huling text niya, wala na. Ilang beses kong binuksan ang chat namin at ilang beses ko ring isinara. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng tinutukoy niya, pero ayokong magmukhang naghahabol ako sa kanya.Mas lalong ayokong aminin na gusto ko siyang makita.Kinabukasan, nag-message si Mateo.Mateo: Good morning, love. Can I take you to lunch? I want to make up for last night.Matagal akong nakatitig sa screen bago sumagot.Ako: Sure. What time?Mateo: One. I'll pick you up.I put my phone down. Isang oras lang ang pagitan ng lunch namin at ng tanong na matagal ko nang gustong itanong. Pero hindi ko alam kung kaya kong gawin iyon nang hindi nahahalata ni Mateo.Alas-onse, habang naghahanda ako, may tumawag mula sa unknown number.“Hello?”“Solana?” Boses iyon ng isang babae. “This is Andrea. I think we need to talk.”Na
The Things We HideHindi ko alam kung paano ako nakauwi nang hindi tuluyang bumibigay ang mga tuhod ko.Paglabas ko sa building, wala nang bagong message mula kay Joaquin. Pero kahit wala siyang sinasabi, parang naririnig ko pa rin ang boses niya—mahinahon, mababa, at punong-puno ng mga salitang hindi namin dapat binigkas.I crossed the line.At ang mas nakakatakot, hindi ko alam kung gusto ko pa itong balikan.Pagdating ko sa condo, dumiretso ako sa bathroom at matagal na naghilamos. Nang tumingin ako sa salamin, nakita ko ang babaeng ilang oras lang ang nakalipas ay may boyfriend na hinihintay siyang sunduin para sa dinner.Ngayon, may lihim na siya sa kapatid nito.Nag-vibrate ang phone ko.Joaquin: Are you home?Tinitigan ko ang message bago nag-type.Ako: Yes.Joaquin: Good. I won't ask you to explain what happened. But I won't pretend it meant nothing.Napapikit ako. Pinatay ko ang screen.Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit nang tumawag si Mateo.“Love, nasa condo ka na?” tano







