Share

Chapter Eighty Four

TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki.

"Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.

Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.

Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.

Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.

Nakahiga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status