LOGINInsulted
Amara "Lola, mauna na po ako. May pagkain ka na pong niluto ko mamayang tanghalian. Inumin mo na muna ang gamot mo bago ako pumasok na sa trabaho," sabi ko sa Lola ko. "Nakakalakad at kaya ko pa ang sarili ko, apo. Hayaan mo na ako dito. Kaya ko na ang magluto ng sarili kong pagkain. Ano ka ba, ginagawa mo akong lumpo araw-araw," sita niya sa akin. "Ayoko lang kasi na mapagod ka, Lola. Alam mo naman po na ikaw na lang ang karamay ko sa buhay. Kaya hayaan mo na ako sa ginagawa ko sa iyo, Lola," yakap ko sa kanya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, ang kulit mong bata ka!" ngiti naman ni Lola. Nang maasikaso ko na ang Lola ko, ay nagmadali na ako dahil gusto ko ay maaga akong pumasok sa trabaho. Baka mainis na naman ang boss ko dahil mali-mali ang ginawa kong trabaho kahapon. Ang sungit pa naman ng lalaking iyon. Kung gaano kasarap ang labi niya, ganoon rin ka pasmado. "Bwesit ka, Tristan!" sambit ko. "Alis na ako, Lola, love you po!" lambing ko at humalik na muna ako bago umalis sa simpleng bahay namin. Sana wala pa sa opisina ang masungit kong boss. Pero hindi ako papatalo, kailangan ko lang muna magpakabait ngayon dahil baguhan pa lang ako! Kamalas-malas naman dahil sabay pa kaming dumating sa opisina. Mas nauna lang ako ng kunti sa kanya. Ginawa ko na 'yung pang-umagang routine ko sa opisina. Ang gumawa ng kape. Nilapag ko na rin sa lamesa nito ang mga importanteng dokumento na pipirmahan niya. "Good morning, sir. May meetings ka po sa Chinese restaurant sa Manila mamayang lunch meeting. At meeting kay Miss Thompson around 3pm ng hapon. For dinner appointment naman ay si Mr. Bergaza, " pagbibigay-alam ko sa kanya. "That's all?" tanong nito. "That's all for today, sir. Free ka bukas, wala kang schedule sa labas. Pero online meeting meron po, 10 am ng umaga at 2 pm sa hapon. I'll check properly later, baka may nakaligtaan ako," Habang nagsasalita ako ay matiim naman itong nakatitig sa akin. Nakakailang, pero kailangan kong huwag magpakita ng anumang emosyon at baka kung ano na naman ang sasabihin nito. "Check properly? Hindi ba dapat na-check mo na ang lahat bago ako kausapin? Sinasadya mo ba para lang mapalapit ka sa akin?" malamig na sabi nito na may halong pang-uuyam. "Yes sir, there's nothing wrong with checking things. Ako pa rin naman ang may kasalanan kapag may nakaligtaan ako. Besides, mga importante ang una kong ni-report sa iyo, sir," seryosong sagot ko. Dapat palaging may composure sa sarili, tahimik pero kailangan kong maging malakas at palaban basta tama. Kailangan kong magtimpi para hindi ko siya masagot. Pero minsan, hindi ko maiwasang sagutin ito. "Hindi ba dapat lahat at ako na ang bahalang magkansela? Sino ba ang boss sa ating dalawa?" galit na sabi nito. Heto na naman ang nakakatakot nitong boses. Ang nakakatakot nitong mga mata kapag galit. "Sorry po, sir," sabi ko na lang para hindi lumaki pa ang sagutan namin. "Sorry? Tomorrow, sorry again? And what have I gained from your sorry? Ayusin mo ang trabaho mo dahil kapag ako nagalit, hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa trabaho mo!" sigaw nito. Pati mga panga nito nag-igtingan sa galit. Hindi na lang ako nagsalita at bumalik na sa desk ko. Tahimik na ang buong opisina, maliban sa mahihinang tunog ng mga daliri ko na nagtitipa sa keyboard. Mabuti na iyong tahimik para walang gulo. Ilang beses ko nang binasa ang parehong dokumento, sinusubukan kong 'wag magkamali sa spelling, sa formatting, o kahit sa spacing lang dahil alam ko na kapag nagkamali ako, siguradong may mangyayari na naman. Bwesit siya, napaka-perfectionist! "Miss Sarmiento." 'My God! Ano na naman ba ang nagawa kong mali!' inis na sigaw ng utak ko. Napahinto ako sa pagtitipa sa keyboard ng computer ko. Kinilabutan ako sa boses na iyon, mababang tono pero matalim, parang palaging may dalang problema. Naramdaman ko agad ang kaba at paninikip ng dibdib ko. Huminga ako nang malalim bago tumingin sa boss ko. No wonder na kinatatakutan ng buong departamento ang boss namin dahil boses pa lang, manginginig ka na sa takot. Nakatayo na ito sa harap ng desk ko, suot ang itim na suit na parang ito na lang ang suit na perpekto sa kanya. Hawak nito ang folder na kanina ko pa ipinasa sa kanya. "Anong tawag mo rito?" malamig nitong tanong habang itinaas ang dokumentong hawak. "R-Report po, sir. 'Yong summary ng..." "Summary? Ito ba ang tinatawag mong summary, Miss Sarmiento, ay may mali sa apat na petsa at tatlong figures?" Napalunok ako. Ilang beses ko kayang ni-revise iyon. Mali pa rin? "Tatlong oras kang nagtagal dito, pero kahit basic data hindi mo pa rin nakuha nang tama," bulyaw nito. Napapikit at namutla ako sa sigaw nito. "Sir, pasensya na po, ilang ulit ko namang binasa at inisa-isa ang mga nakasulat diyan. Hindi ko napansin na may mali pala. A-At baka mali lang ang pagkakabasa mo at..." natigilan ako nang putulin niya ang paliwanag ko. "Mali? Mali ako ng pagkakabasa, gano'n ba?" mainit na naman ang ulo nito. Lumapit ito sa desk ko, mabagal pero mabigat ang bawat hakbang. Nataranta ako sa takot na baka tuluyan na niya akong sisantehin. "Hindi mo na nga napansin, ako pa ang sinisi mo. Kaya nga hindi ka umaangat, Miss Sarmiento, dahil sa ganyang katwiran mo. Ang trabaho rito ay hindi puro 'baka' o 'hindi ko napansin.' Kung hindi ka sigurado, ayusin mo. Hindi ka nandito para mag-try lang. Nandito ka para magtrabaho. Para saan pa ang pinag-aralan mo kung wala ka namang alam!" insulto niya sa akin. Namula ang mukha ko sa sinabi nito. Ramdam ko ang init ng aking mukha habang pinipigilan ko ang sarili kong mapaluha. "Opo, sir. Pasensya na," mahinang sagot ko. Tahimik. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng aircon at ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng galit nito, may kung anong bigat sa paraan ng pagkakatitig ni Tristan sa akin, parang hindi lang ito inis, kundi may halo na kung anong bagay na hindi ko maipaliwanag.The project AmaraKahit puyat na puyat ako dahil sa assignment na kailangan kong tapusin, maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Ginawa ko na ang umagang routine ko dito sa loob ng bahay, ang maglinis, magluto ng agahan, pagtimpla ng gatas ng aking Lola, at maligo na bago kumain. "Lola, hindi ka po ba bisita ni Mama?" tanong ko. Kita ko ang pagsimangot ni Lola. "Hindi ba't sinabi na niya noon na hindi na niya ako bibisitahin dahil wala naman raw siyang obligasyon sa akin? Okay lang naman iyon dahil hindi naman niya ako ina." "Ayos lang, Lola, nandito naman ako. Hindi kita pababayaan hangga't nabubuhay ako. Kaya 'wag ka na malungkot, ha," lambing ko. Ngumiti naman ito sa sinabi ko. Hindi rin nagtagal ay gumayak na ako para pumasok na sa trabaho. "Mag-iingat ka sa daan apo ko. Tumawag ka kapag may problema. Naka-volume ang cellphone ko para marinig ko agad kapag tatawag ka, apo," natawa naman ako sa sinabi nito. "Opo, Lola. Ikaw rin po, mag-iingat dito, ha? Huwag magpa
CalmDalawang buwan na ang nagdaan at unti-unti ko nang nakukuha ang loob ng boss ko. Pero unti-unti rin akong napapamahal sa kanya. Alam ko na hindi ko siya kayang maabot dahil mayaman ito at mahirap lang ako. Masaya na ako kapag napapansin niya. Lihim akong kinikilig kapag tumitingin siya sa akin. Pero ayokong mahalata niya ako at baka mag-iba na naman ang pakikitungo nito sa akin. "Stay low-key in love," bulong ko. Isa-isa na namang nagsiuwian ang mga empleyado, pero ako, kailangan ko na namang mag-overtime. Kagaya ng dati, ay naiwan na naman akong mag-isa dito sa opisina. Hindi pa kasi ako tapos sa mga reports na gusto ni Tristan bukas ng umaga na ito kailangan. "Huwag sanang mapadaan si Tristan dito," bulong ko habang pinipilit matapos ang spreadsheet. Ngunit sa hindi ko inaasahang sandali, bumukas ang pinto ng opisina ni Tristan. Napatigil ako sa pagta-type at napalingon sa gawi ni Tristan. "Miss Sarmiento." "S-Sir, akala ko po ay umuwi na kayo?" kabado kong
Overtime Amara Halos wala akong tulog, madaling araw na pala. Sobrang tahimik ang paligid, at ang tanging maririnig lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa labas. Malamig sa opisina, mabuti na lang dahil may dala akong jacket, at hininaan kanina ni Tristan ang aircon kundi, nanigas na ako dito na parang yelo. Pumipikit na ang mga mata ko. Nakapangalumbaba na ako sa mesa nang hindi ko namamalayan. Nakahawak pa ako ng ballpen at bahagyang nakabuka ang bibig dahil na rin sa pagod. Ang laptop ko ay inayos ko na muna at sure na naka-save draft mode. Pero kailangan kong labanan ang antok hanggang sa huling minuto. Nilingon ko si Tristan na nakahilig sa sofa sa loob ng opisina, suot pa rin ang puting long sleeves, pero nakabukas ang dalawang butones sa itaas, kita ko tuloy ang matipuno nitong dibdib. "Ang unfair lang na parang mas pagod pa ito sa akin. Mas marami naman akong ginawa sa kanya. Nakaka-stress pa sa dami nitong pinagawa," simangot ko habang nakatin
Overnight Amara Sobrang busy ko sa trabaho. Ang daming pinagawa sa akin ng boss ko. Hapon na, hindi ko pa rin nakalahati ang report na ginawa ko. Nagugutom na rin ako. Next time magbaon na ako ng pagkain ko para hindi na ako lalabas pa. Kailangan kong tawagan ang Lola ko para ipaalam na gagabihin ako ng uwi mamaya. *Phone call* "Hello, apo ko." "Hello, Lola. Baka po gabihin ako ng uwi mamaya. Huwag mo na po akong hintayin, La. May susi naman po ako. Paki-lock ng mabuti ang mga bintana at pintuan, ah. Kumain ka na rin po, damihan mo ang kumain, okay po?" malambing na bilin ko sa aking Lola. "Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko, apo. Ginawa mo na naman akong bata!" Napangiti ako dahil nagsungit na naman ito. "Oo na, Lola. Nagsungit ka na naman po. Sige na po. Ba-bye na po. Love you!" Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagulat pa ako sa pagtikhim ng boss ko sa di kalayuan dito sa desk ko. Nakikinig kaya ito sa usapan namin ni Lola
Scolded Amara Wala na akong nagawa kundi itigil na muna ang trabaho ko at unahin ang pinapagawa ng maarteng lalaking 'to. Pakiramdam ko talaga sinasadya nitong inisin ang bawat umaga ko. Alam ko talagang maayos na ang ginawa kong report. "Gumawa ka ng bagong report, Miss Sarmiento. I want it on my desk in thirty minutes," malamig nitong sabi bago lumakad papunta sa opisina nito. Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko sa inis. Kung hindi ko lang talaga ito boss, baka kanina ko pa ito nasigawan. Pero bago ito tuluyang pumasok, saglit itong lumingon. "At this time, make sure you're not wasting my time." Umirap pa talaga ang damuhong ito. Pagkaalis ng boss ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naisuntok ko pa sa hangin ang nakakuyom kong kamao sa inis. "Whooaah!" inis na buga ko sa hangin. Ilang beses na akong napagalitan ni Tristan, hindi ko na rin mabilang iyon. Pero tuwing nangyayari iyon, laging pareho ang epekto niya sa akin, takot, kaba, at 'yung kakaibang init
Insulted Amara "Lola, mauna na po ako. May pagkain ka na pong niluto ko mamayang tanghalian. Inumin mo na muna ang gamot mo bago ako pumasok na sa trabaho," sabi ko sa Lola ko. "Nakakalakad at kaya ko pa ang sarili ko, apo. Hayaan mo na ako dito. Kaya ko na ang magluto ng sarili kong pagkain. Ano ka ba, ginagawa mo akong lumpo araw-araw," sita niya sa akin. "Ayoko lang kasi na mapagod ka, Lola. Alam mo naman po na ikaw na lang ang karamay ko sa buhay. Kaya hayaan mo na ako sa ginagawa ko sa iyo, Lola," yakap ko sa kanya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, ang kulit mong bata ka!" ngiti naman ni Lola. Nang maasikaso ko na ang Lola ko, ay nagmadali na ako dahil gusto ko ay maaga akong pumasok sa trabaho. Baka mainis na naman ang boss ko dahil mali-mali ang ginawa kong trabaho kahapon. Ang sungit pa naman ng lalaking iyon. Kung gaano kasarap ang labi niya, ganoon rin ka pasmado. "Bwesit ka, Tristan!" sambit ko. "Alis na ako, Lola, love you po!" lambing ko at humalik na mu







