Share

Mahal kita, Kuya
Mahal kita, Kuya
Author: Chelle

Kabanata 1

Author: Chelle
last update publish date: 2025-10-24 09:49:41

Late

Amara

"Argggh!" sigaw ko sa pagkainis.

First day of work ko pa lang ngayon, late na ako. Kung nagkataon, bad impression na agad ang matatanggap ko sa magiging boss ko. Mas masahol pa ay baka ma-disappoint si Tito Lucio sa akin.

Patakbo na akong pumapasok sa Monteverde Corp., halos lumilipad ang ID ko na nakakapit sa aking leeg.

"Perfect," bulong ko sa sarili habang humihingal dahil sa pagtakbo. "First day ko pa lang, palpak na. Nakakainis!"

Paglabas ko ng elevator, nagmamadali na akong tumawid papunta sa kabilang hallway at doon ako kamuntik nang mabangga ng isang pulang sports car na bagong pasok sa basement driveway ng building.

Napahinto ako at napasigaw. Malas talaga ako sa araw na 'to.

"Miss!" rinig kong sigaw ng security guard.

Napaupo ako, sabay hawak sa ulo at takip sa tainga ko sa takot na baka mabangga ako ng sports car. Nakakabinging tunog ang lumikha sa paligid.

Abot-langit ang kaba ng dibdib ko na halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking sarili. Mabuti na lang nakapreno agad ang driver, or else pinaglalamayan na nila ako ngayon.

"Thank God!" mahina kong sambit.

Napatingala ako ng makitang lumabas mula sa kotse ang isang lalaking matangkad, suot ang itim na suit, may malamig na titig at perpektong ayos ng buhok. Napanganga ako ng masilayan ang gwapo nitong mukha.

'Bwesit ka, nagawa mo pa talagang purihin eh, kamuntik ka na niyang mabangga!' sita ng utak ko.

Si Tristan Monticello. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Hindi ba niya ako namumukhaan?

"Are you blind?" malamig na sabi nito.

"Blind? Ako pa talaga ang sinisi mo?" inis na sagot ko.

Tumingin ako sa suot kong relo. "Gosh! Late na ako, kasalanan mo kapag ako napagalitan hu..."

"Late and reckless," putol nito. "Nice combination for a first impression, huh!"

Napayuko ako sa sinabi nito, napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung maiiyak o maiinis ako sa sinabi nito. Siya lang naman itong reckless at mabilis magpatakbo ng sasakyan.

Pero kahit naiinis ako, hindi ko pa rin maiwasang mapansin kung gaano ito kagwapo.

"Blind and reckless, that's the best description of yourself. Hindi ka marunong magdahan-dahan sa pagda-drive. Gwapo ka pa naman sana, kaso never mind!" asar na sagot ko.

Never forget kung paano niya ako sinabihan ng hindi magandang salita kagabi. Kaya nagkunwaring hindi ko narinig ang mga katagang iyon. Gagong 'to, ginawa pa niya akong prosti.

"You're saying that it's my fault when you suddenly just run without even checking the hallway! Stupid!" he gritted his teeth with annoyance.

Lumapit ito sa akin na halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Bahagya akong napaatras.

"Next time, don't be stupid to just run and walk here as if this place is yours!" matalim at madilim ang kanyang mata na nakatitig sa akin.

Mas gwapo pala siya sa umaga, matangkad, commanding, and dangerously calm. Dominant, malakas ang aura na may halong nakakatakot na expression sa mukha. Kaso pangit talaga ang ugali.

Mabilis na akong tumalikod at iniwan siya sa hallway. Hindi ko na siya pinansin pa.

Pagpasok ko sa opisina, kinabahan ako nang malaman kong si Tristan pala ang magiging boss ko dito sa Monteverde Corp.

"You're 10 minutes late! First day of work, first day late? Great!" sabi nito sa malalim na boses.

"I'm... I'm sorry sir, hindi na po mauulit," mahina kong sabi.

Kailangan ko na munang magpakabait dahil bago pa lang ako sa trabaho. Sayang naman kapag matanggal agad ako eh, pinaghirapan ko rin naman ang sinagot ko sa interview.

"Coffee. Black. No sugar. And don't make it sweet, like the way you looked at me earlier," komanding nito.

Natigilan ako. Masyado bang obvious ang titig ko sa kanya kanina?

"Faster!" inis na bulyaw nito.

Napaigtad ako sa gulat! Taranta akong nagtungo sa nakita niyang coffee maker doon.

Napakamot ako ng ulo at lumingon sa boss kong busy na sa laptop nito.

"S-Sir?" mahinang tawag ko.

"What?" malakas na tanong nito. "Huwag mo akong landiin dito!"

Hindi ko alam na makapal rin pala ang mukha ng lalaking ito!

"Eh... kasi ano po," napakamot ako sa kilay. Tinuro ko ang coffee maker. Kinakabahan ako na baka bulyawan na naman niya ako.

"Damn!" pagalit na sambit nito.

Yumuko ako at napakagat labi. Nakita kong naglakad ito palapit sa gawi ko.

"This is the last time na ituro ko sa 'yo kung paano gumawa ng kape ko!"

Napaatras ako ng sobrang lapit na niya sa akin. Habang umaatras ako, siya namang paglapit nito. Na-corner niya ako sa tabi ng coffee maker.

"Now take the mug and I'll teach you how to make my coffee," bulong nito sa punong tainga ko.

Nanginig ang mga kamay ko habang kinukuha ang mug. Nag-init ang katawan ko dahil nakadikit na ang likod ko sa harapan nito. Napakislot ako dahil ramdam ko ang bukol na tumutusok sa pang-upo ko.

"H-Hindi mo na kailangan tumayo sir sa likuran ko," naiilang kong sabi na may kaba sa dibdib.

"Now you look like an innocent girl who never does such things like what you did last night," pang-uuyam na sabi nito.

"I-I don't know what you're talking about, sir," tanggi ko agad.

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin?

"Now you're denying, huh! Did you forget what you did to me in the club?"

Umiling-iling ako dahil ayokong aminin na alam ko ang ginawa ko kagabi.

"Liar!"

"I'm drunk!" I blurted out.

Akala ko pa naman hindi niya ako makikilala. Iyon pala, namumukhaan niya ako. Pati ang ginawa kong kalokohan sa club, naalala pa nito.

Nag-away kami ng Nanay ko kaya naisipan kong mag-club kasama ang mga mayayaman kong kaibigan. At ayon nga ang nangyari, basta ko na lang siya hinalikan sa labi ng walang pakundangan.

"You suddenly show up at our table and shamelessly kiss me in front of my friends. Do you like my kisses?" anas nito sa punong tainga ko na halos dumikit na ang labi nito roon.

"P-Please, sir, trabaho ang pinunta ko dito. A-And I didn 't know that I did that to you last night, sir," pagsisinungaling ko.

Ngayon pa lang alam ko na sa araw na ito, magsisimula ang hindi ko inaasahang laban. Laban sa pride, sa galit, sa guilt, at sa damdaming unti-unti kong hindi mapigilan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gabriel Pattern
Hooooooy Ang ganda atake!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 122

    Hapon dito sa Hacienda THIRD POV Tahimik ang probinsya nang dumating siya dito. Banayad ang hangin na kay sarap damhin. Umiindayog ang mga puno ng niyog dahil sa hangin habang papalubog na ang araw. Sa malawak na damuhan, naghahabulan ang kambal habang tawa nang tawa. Paborito talaga ng kambal ang maglaro sa damuhan kaya hinahayaan lang rin nila. "Faith! Huwag kang mandaya!" sigaw ni Hope. "Hindi ako nadadaya! You are just slow," sigaw rin ni Faith. Napailing si Amelia habang nagdidilig ng mga halaman sa veranda. Ito rin ang paborito niyang trabaho ang magdilig sa mga bulaklak. "Mana yata talaga sa ama," bulong ni Aling Cora na nasa likod niya. Muntik nang matigilan si Amelia. "Ha?" "Makukulit," mabilis na bawi ni Aling Cora habang natatawa. Pati si Amelia natawa na rin. Pero bago pa siya makasagot, may malakas na tunog ng sasakyan sa labas ng gate. Hindi iyon pangkaraniwang sasakyan ng probinsya. Masyadong mamahalin ang tunog ng sasakyan. Unti-unting huminto

  • Mahal kita, Kuya   kabanata 121

    Gabi sa Silid ni Amara Amara Pov Tahimik na ang buong bahay. Kaya nakapagpahinga na rin ako sa kaingayan nilang dalawa. Kaya napagod na ang kambal na magkatabing natutulog, may bakas pa ng icing sa pisngi. Hindi pa sila nakapagbihis ay nakatulog na sila agad. Malamlam lang ang ilaw ng lampshade para mahimbing ang tulog nila. Sa labas naman ay maririnig ang kuliglig at hangin na dumadampi sa mga dahon. Probinsyana feels talaga at kay sarap pakinggan ang tunog. Mas ganito ang gusto kong tunog kaysa sa ingay sa Maynila. Nakatayo ako sa gilid ng kama. Pinagmamasdan ang mga anak ko. Sila lang ang nakakapagpakalma sa akin. Uupo na sana ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Mahina lang iyon kaya imbes na umupo ako ay tinungo ko na ang pinto para makita kung sino ang kumakatok. Pero sapat para bumigat ang dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto, si Mama ko ang kumakatok. "Pasok po," sabi ko. Dahan-dahang binuksan ko ang pinto. Walang ngiti pero seryoso ang mukha. Walang sosyal

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 120

    Another Celebration AMARA POVKinaumagahan, ay namasyal kami sa batis kasama ang mga pamilya ko at sila Lola kasama ang pamilya ni Ate Rena. Masaya pa rin ang mga bisita na nagtatawanan at aliw na aliw sila sa kambal na nakikipaglaro rin sa mga batang bisita. May mga batang tumatakbo. May nagbubukas ng soft drinks kahit ang aga pa para uminom. May nagbibiruan sa mesa habang nag-ba-barbecue. Request ko kasi ang barbecue kaya marami silang ihaw na ginagawa. "Nakakainis. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may kambal ka na," bulalas ni Xena. "Ang gaganda nila, nakakagigil," masaya rin na sabi ni Kelly. "Nakakatuwa silang pagmasdan. Ang cute at bibo nila kausap kahit bulol," segundong sabi rin ni Bena. "Gulat na gulat rin kami kagabi ng malaman na anak pala ni Amara ang kambal," sabi ni Ate Rena. Nandito kasi kami sa ihawan habang sila Lola at Mama kasama si Lolo. Nag-uusap habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Sa veranda naman ay may nakita akong dala

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 119

    Amara Pov Nang magsimula ng maglakad ang pamilya ko papasok sa pavilion, tumugtog ang isang soft and elegant melody. Sa unahan nila ay naglalakad ang mga flower girls, dahan-dahang nagkakalat ng rose petals sa aisle na diretso sa grand stage. Kabongga naman ang engranding birthday ng kambal may ganito pa. Pero ang sabi ni Mama, ganito rin daw ang second birthday ko noon. Kaya lang, hindi na alam ni Mama saan niya nilagay ang recorder ng video ko noong baby pa ako. Tahimik na pumalakpak ang mga bisita. Dahil bawal kumuha ng litrato, nagkasya na lang sila sa pagtingin sa kambal. Habang ang iba naman ay nakangiting pinapanood ang napaka-cute na eksena. Ang fairy lights sa kisame ng pavilion ay kumikislap na parang mga bituin, habang ang malalaking chandeliers ay nagbigay ng mainit at eleganteng liwanag sa buong venue. Naririnig ang mahihinang tawa ng kambal habang naglalakad, at parang napuno ng masayang enerhiya ang buong pavilion. Pagdating nila sa harap ng stage, muling nagsali

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 118

    Amara Pov Papasok na ako sa venue nang una kong makita ang kaibigan kong kumukuha ng video sa paligid. Pwede pa naman ang kumuha ng mga picture at video. May area pa nga na pinasadya para sa pagpa-picture. Sa isang bahagi naman ng pavilion ay may luxurious play area para sa mga bata, na may miniature castles, plush toys, at soft pastel decorations. Isang maliit na enchanted corner na ginawa para sa mga batang bisita. Nagulat ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Kelly. Tumili pa talaga ito. Nahiya ako bigla nang halos lumingon sila sa gawi ko. Napatakip ako ng mukha sa hiya. Natatawa naman na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Masaya ako dahil present silang tatlo. "Na-miss ka namin, senyorita!" sabay-sabay pa nilang bigkas. Niyakap nila ako at bineso-beso pa. "Ang ganda ng venue, halatang yayamaning tao ang may anak sa kambal na may kaarawan ngayon," bulalas ni Bena. "Ako na kahit may kaya sa buhay, hindi ganito ka-engrande ang birthday party ko. One fourth lang dito

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 117

    Twins Birthday Amara POV Ikalawang kaarawan ng kambal ko. Maaga palang gising na ang buong bahay dito sa probinsya. Gusto ni Lolo na bongga ang party kaya kahapon pa lang ay may mga tao nang nag-ayos sa pavilion para sa party na gaganapin. Nauna na si Mama sa pavilion para i-check ang decorations. Kailangan daw maganda at magugustuhan ng kambal. Excited na ang kambal dahil sabi ni Lola, may surprise daw ito sa kambal. Ang hindi alam ng kambal ay birthday nila ngayon. "Mimiii... Look, ma-petty ako, right?" matamis na ngiti ni baby Faith. Tapos na kasing ayusan ng nerentahan nila Lolo na galing pa daw Manila sa sikat na salon ang mga ito. Kinuntra ko agad si Lolo pero niyakap lang ako at hindi na nakinig. Meron naman sa bayan, manila pa talaga. Pwede naman ako na ang mag-ayos sa kambal. "Yes, baby ko, so pretty," puri ko naman. "And me, Mimi?" nguso naman ni Baby Hope na tanong. "Of course, baby ko, you're so pretty too. Pareho kayong maganda. So pretty and beau

  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 95

    Shock Amara Pov "Hindi... hindi po maaari." Umiling-iling pa ako habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Siguro dahil hindi niya inasahan na ganito ang reaksyon ko. Wala namang mali sa reaksyon ko. Gulat lang ako at hindi makapaniwala na ina ko siya.

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 94

    Pag-amin ni Amelia Amara Pov Nahihiwagaan ako sa kinikilos ng ginang. Curious rin ako sa gusto niyang sabihin sa akin. Gusto ko siyang tanungin kapag dumadalaw siya dito, kaso nauuna ang hiya ko. Mas madalas na rin siyang mamasyal at mas marami pang pasalubong ang binibigay niya sa amin ng kam

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 90

    Eating with Amelia Amara POV "Kumain na po tayo, Ma'am Amelia, habang tulog pa ang mga anak ko. Sana po magustuhan mo ang ulam na luto ko," nahihiya kong sabi. Nahiya rin ako kasi konti lang ang gamit kong pangkusina. Sana hindi siya maarte dahil may kalumaan na ang gamit ko. Buti na lang bago a

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • Mahal kita, Kuya   Kabanata 88

    Panauhin Amara POV Hindi pa rin ako tulog nang may kumatok. Mahina lang ang katok, na parang alam nila na may batang natutulog dito. May paggalang ang paraan ng pagkatok ng kung sino man ang nasa labas. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang isang ginang, maayos ang postura, pero nanginginig ang kama

    last updateLast Updated : 2026-03-31
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status