LOGINScolded
Amara Wala na akong nagawa kundi itigil na muna ang trabaho ko at unahin ang pinapagawa ng maarteng lalaking 'to. Pakiramdam ko talaga sinasadya nitong inisin ang bawat umaga ko. Alam ko talagang maayos na ang ginawa kong report. "Gumawa ka ng bagong report, Miss Sarmiento. I want it on my desk in thirty minutes," malamig nitong sabi bago lumakad papunta sa opisina nito. Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko sa inis. Kung hindi ko lang talaga ito boss, baka kanina ko pa ito nasigawan. Pero bago ito tuluyang pumasok, saglit itong lumingon. "At this time, make sure you're not wasting my time." Umirap pa talaga ang damuhong ito. Pagkaalis ng boss ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naisuntok ko pa sa hangin ang nakakuyom kong kamao sa inis. "Whooaah!" inis na buga ko sa hangin. Ilang beses na akong napagalitan ni Tristan, hindi ko na rin mabilang iyon. Pero tuwing nangyayari iyon, laging pareho ang epekto niya sa akin, takot, kaba, at 'yung kakaibang init na ayaw kong pansinin. Habang nagre-retype ako ng report, nanginginig ang mga daliri ko, takot na magkamali ulit. Ano ba 'tong lalaking 'to? Akala mo kung sinong magaling, wala namang puso. Pero may napansin ako sa kanya, bakit parang may kakaibang titig ito na hindi ko makalimutan? Kakaiba ang paraan ng titig nito na naghahatid ng kilabot sa buo kong katawan. Makalipas ang halos tatlumpung minuto, kumatok na ako agad sa pinto ng opisina ni Tristan. "Sir, nandito na po 'yung revised report ko." "Pasok!" malamig pa rin ang boses. Pagpasok ko, amoy agad ng kape at ang mamahaling cologne nito ang sumalubong sa ilong ko. Amoy na pamilyar sa akin, na kahit itanggi ko, kinahanap-hanap ko pa rin ang amoy nito. Nilapag ko na sa mesa nito ang papel. "Ito na po, sir." Nananalangin ako ng tahimik habang nakatingin sa boss ko. Tahimik si Tristan habang binabasa ang report. Ilang segundo lang, pero parang oras na sa akin. Ramdam ko ang bawat tiklop ng kilay nito, bawat paghinga, at ang tahimik na tensyon sa pagitan namin. Ano na naman kaya ang iniisip na ipapagawa sa akin? Hanggang sa biglang tumigil ito at tumingin sa akin. Napaigtad ako ng magtama ang aming mga mata. "Much better," maikli nitong sabi. Hindi ko na napigilang mapangiti nang bahagya. "Thank you po..." "Pero hindi pa rin ito sapat." Nalaglag ang panga ko at nawala agad ang ngiti ko sa labi. Bwesit ka talagang lalaki ka! "Sir?" Tumayo ito mula sa swivel chair niya at lumapit sa akin. "You're too careful, Miss Sarmiento. Lahat ng ginagawa mo, may takot. That's not how you survive in this company." So nararamdaman rin pala nito ang nararamdaman kong takot sa kanya, takot na magkamaling muli, takot na baka mabulyawan na naman ako, at higit sa lahat, takot na baka masesante na ako ng tuluyan. Pinilit kong tumingin nang diretso sa kanya. "Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, sir." "Hindi," mabilis nitong tugon. "Ginagawa mo lang 'yung safe version ng trabaho mo." Napalunok ako at gusto ko na talagang sagutin ito. "Bakit parang kasalanan ko na matakot sa'yo, sir? Ikaw ba naman ang masigawan, mapagalitan, at halos ipahiya mo na ako sa board members? At araw-araw niyo po akong pinapagalitan at sinisigawan. Wala na nga akong nagagawang tama sa paningin niyo po, sir. Kaya what do you expect po?" Natahimik si Tristan. Ilang segundo bago ito nagsalita muli, sa mababang tono na halos hindi ko na marinig. "Hindi kita pinapagalitan dahil gusto kong takutin ka, Amara." Nanlaki ang aking mga mata. "A... Amara?" Unang beses niya akong tawagin sa aking pangalan nang walang 'Miss Sarmiento.' Hindi kaya ito lalagnatin? Pero masarap sa pandinig ko ang pagbigkas nito sa pangalan ko. Sumikdo ang puso ko sa kakaibang kiliti at kilig. Lumapit pa ito na halos isang dipa na lang ang pagitan namin. "Ginagawa ko 'to dahil gusto ko na matuto ka. Dahil ayokong masayang ka. Matalino ka kaya alam mo ang ibig kong sabihin." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi nito. Parang biglang nawala ang bigat ng atmosphere sa paligid, napalitan ng kakaibang tensyon. Ang init ng titig ni Tristan sa akin ay parang sumusunog sa balat ko. Hindi ko alam kung galit pa ba ito o may ibang dahilan. "Sir..." mahina kong sabi na halos pabulong na lang. "Kung gusto niyo po akong matuto... pwede namang hindi ganito kabigat o lagi nakasigaw, 'di ba? Lagi akong natataranta kapag nagagalit ka na po." Sabay yuko ng ulo ko. Tinitigan niya ako nang matagal, parang may pinipigilan na ayaw sabihin. "Kung alam mo lang, Amara..." Naputol ang sasabihin nito, saka biglang umiwas ng tingin. "Bumalik ka na sa desk mo." Gusto ko sanang magtanong kung ano sana ang sasabihin nito. Kung bakit bigla na lang nag-iba ang tono nito. Pero alam kong wala akong makukuhang sagot at hindi pa ito ang tamang oras. Lumabas na ako ng opisina nito, dala ang pinaghalong pagod, takot, at isang bagay na mas mahirap pang ipaliwanag. 'Yung tibok ng puso ko na hindi mapakali sa bawat salitang binitiwan ni Tristan kanina. Pagbalik ko sa mesa, hindi ko mapigilang sumulyap sa salaming pader ng opisina nito. Nakita kong nakaupo pa rin si Tristan, hawak ang report ko kanina, pero hindi nito binabasa. Nakatingin lang ito sa papel na parang may iniisip na malalim nakatulala kasi ito. At doon ko na-realize na hindi lang ako ang na-tense kanina pati rin ito. Pareho kaming bihag ng tensyon na hindi namin kayang pangalanan, isang tahimik na labanan sa pagitan ng propesyon at damdamin na unti- unting kumikilos sa ilalim ng malamig na hangin ng opisina. Umiwas na ako ng tingin baka makita pa niya akong tinitignan ko siya ng palihim. Baka magsabi na naman ng ikakasakit ng damdamin ko.BACK TO WORK Amara Isang linggo akong hindi pumasok sa trabaho. Hindi na ako ang dating Amara na sige na lang ang lahat. Hindi tumatanggi basta si Tristan ang nag-utos. Magrereklamo man ako, susundin ko pa rin naman siya. Kaya this time, hindi na basta alam kong hindi ko trabaho ang ipapagawa niya. I learned my lesson kahit pa mahal ko siya hindi dapat ganito palagi. Hindi ako mabubuhay sa pagmamahal na ako lang naman yata ang nagmamahal sa aming dalawa ng totoo. Wala na rin akong oras para mag-makeup pa. Tamad na rin akong ngumiti sa mga katrabaho ko. Kahit dati deadma sila, nakangiti pa rin ako sa kanila. Ngayon ay hindi na. Wala na ring "Good morning, Sir." Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako patungong desk ko. Tahimik lang akong pumasok at naupo sa swivel chair ko. Binuksan ang computer at nagsimula na akong halungkatin ang email ko. Iniiwasan ko rin na magkaroon kami ng eye contact ni Tristan. For now, galit at nagtatampo muna ako sa kanya. Wala rin dapat akong pak
TRISTAN VISITS AGAIN Tristan POV Ikatlong araw na ni Amara sa hospital. Kahit ayaw kong makita siya, kailangan kong bumalik sa hospital, hindi dahil nag-aalala ako, kundi dahil lalong nagkakagulo ang opisina. Walang may alam sa trabaho ni Amara sa opisina, kahit pa ang isang assistant secretary ko at ang personal assistant ko. Si Amara lang ang may alam sa trabahong ito. Sa kanya ako nakadepende. "Now what? Pinahirapan mo siya tapos ngayon nai-stress ka dahil nagkagulo na ang opisina?" asar na sabi ko sa sarili ko. Na-stress kasi ako sa mali-maling reports ng isang secretary ko. Dahil alam ko naman na hindi niya porte ang trabaho ni Amara. Kaya wala akong karapatan na pagalitan siya. Pero napagalitan ko pa rin. May mga client na nagrereklamo dahil sa maling mga reports. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang ifi-fix sa reports na iyon. "Ganito na ba ako ka-bobo na nakadepende na lang ako kay Amara? Damn! Fvck!" mura ko! Hindi ko pa rin nakalimutan kung paano tumingin sa
HOSPITAL Tristan Pov Nagpasya akong puntahan si Amara sa hospital ng hapon na iyon. Hindi dahil sa nag-aalala ako sa kanya kundi dahil kailangan ko ang trabaho niya. Diretso akong nagtungo sa counter ng hospital. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Naka-sunglasses kasi ako kaya wala akong pakialam kung pagtitinginan nila ako dito. Nagtanong agad ako sa nurse na nadatnan ko roon. "Room of Miss Amara Sarmiento?" tanong ko. "Nasa observation room po siya, Sir. Severe overfatigue and dehydration ang cause ng pagkakahospital niya po," sagot naman ng nurse. Tumango lang ako at tumalikod na. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Amara na naka-IV drip, maputla ang mukha at halatang pagod na pagod. Tulog ito kaya malaya ko itong pinagmamasdan mula dito sa kinatatayuan ko. Payat na rin ito tingnan. Halo 'yung nararamdaman ko sa kanya. Sa isip ko, deserve niya ang masaktan, pero sa kabilang banda ay pakiramdam ko naging masama akong tao dahil sa ibang paraan ng panana
Empty Desk, Cold Realization Tristan POV Mga 7:30 am pa lang ay nandito na ako sa kompanya gusto ko kasi na mas maaga pumasok kesa kay Amara. Para gumawa ng mga trabahong hindi naman niya talaga trabaho. Hindi ko alam kung bakit masaya ang pakiramdam ko kapag nakikita kong nasasaktan si Amara. Sa isip ko kulang pa yan sa sakit na dinulot niya sa dibdib ko. Hindi ko talaga matanggap na niloloko ako ng kasintahan ko. God! Mahal na mahal ko siya tapos ganito ang igaganti niya? Ang lihim na makipagkita sa matandang iyon! Hindi ba niya alam na may kasintahan na ang matandang iyon at ikakasal na sila? Nagpupuyos ng galit ang dibdib ko nang makatanggap ako ng mga pictures galing sa anonymous email.Gusto ko siyang sigawan ng malandi ka! Hindi pa ba ako sapat at sa matanda ka pa talaga lumandi at sa sarili ko pang ama?! Kaso nagpigil ako. Nakita kong masaya sila ng gagong matandang iyon! Nagkatawanan , may pahug at kiss sa pisngi. Bigla akong nandiri sa sarili ko. Pero alam kong ako ang
Exhausted Amara Makalipas ng ilang minuto, nakatanggap na naman siya ng email. Hindi pa nga ako nakakag-get over sa eksena namin ni Tristan, may panibagong ipinapagawa na naman siya. Naibsan man ang gutom ko kanina, hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ko sa pagod at panghihina. Ayaw ko sana basahin, kaya lang baka madagdagan na naman ang pagod ko. Mabinat pa ako kapag nagkataon. Binasa ko na ang email ni Tristan. Napasimangot na ako agad nang mabuksan ko ang email niya. "1:30 pm deadline ng unang report. 3 pm kailangan na ang proposal draft. 5 pm may meeting na ako ang magta-take ng minutes." basa ko. Napa-roll eyes na lang ako. Kahit may ibang secretary naman siyang gagawa noon. Lahat na lang sa akin niya inaasa. Ginawa na niya akong robot niya. "7 pm sana payagan niya akong maagang palabasin at makauwi ng maaga," bulong ko. Pero malabo pa sa sabaw ng pusit kung maaga niya akong pauuwiin. Alam ko na nag-iisip na naman iyon ng bagong ipapagawa sa akin. B
He hurt me Amara Dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. Pinasa ko sa HR ang medical receipt para hindi masabihan na nagkukunwari lang ako. Ganoon din ang ginawa ko sa personal assistant ni Tristan. Sa dalawang araw na iyon, sobrang namimiss ko si Tristan. Kaya ang picture na lang naming dalawa ang madalas kong titigan para mawala ang pangungulila ko sa kanya. Dahil kahit gaano pa niya ako saktan mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Magbaon ako ng maraming biscuits at kendi para stock ko na lang sa drawer ng desk ko. "Papasok ka na, apo?" tanong ni Lola. Katatapos lang namin kumain at nagre-ready na ako para pumasok. "Opo, La," sagot ko. "Oh, dalhin mo ito, snacks mo para hindi ka gutumin sa pagtatrabaho mo. Ubusin mo lahat 'yan ha." Lumapit siya at nilagay na sa lunch bag ko. "Salamat po, Lola," matamis akong ngumiti sa kanya. Yumakap pa ako para hindi siya mag-alala pa. "Umuwi ng maaga, ha? Huwag umuwi ng madaling araw," bilin niya sa akin.







