LOGINOvernight
Amara Sobrang busy ko sa trabaho. Ang daming pinagawa sa akin ng boss ko. Hapon na, hindi ko pa rin nakalahati ang report na ginawa ko. Nagugutom na rin ako. Next time magbaon na ako ng pagkain ko para hindi na ako lalabas pa. Kailangan kong tawagan ang Lola ko para ipaalam na gagabihin ako ng uwi mamaya. *Phone call* "Hello, apo ko." "Hello, Lola. Baka po gabihin ako ng uwi mamaya. Huwag mo na po akong hintayin, La. May susi naman po ako. Paki-lock ng mabuti ang mga bintana at pintuan, ah. Kumain ka na rin po, damihan mo ang kumain, okay po?" malambing na bilin ko sa aking Lola. "Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko, apo. Ginawa mo na naman akong bata!" Napangiti ako dahil nagsungit na naman ito. "Oo na, Lola. Nagsungit ka na naman po. Sige na po. Ba-bye na po. Love you!" Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagulat pa ako sa pagtikhim ng boss ko sa di kalayuan dito sa desk ko. Nakikinig kaya ito sa usapan namin ni Lola? Tsk! Chismoso! Tahimik ang buong opisina nang hapon na 'yon. Isa-isa nang nagsiuwian ang mga empleyado, maliban sa akin at kay Tristan. Naiwan na lang ang ilaw mula sa opisina ni Tristan at sa mesa ko. Marami pa ring mali sa mga dokumentong binasa ko buong araw, halos mahulog na sa mesa ko dahil sa dami ng pinarepaso ni Tristan, ang perfectionist kong boss. Kilala ito sa pagiging perfectionist at walang pasensya kahit sa maliit na pagkakamali lang. Kaya doon ako sobrang naiinis sa kanya. "Miss Sarmiento," malamig na boses mula sa loob ng opisina. "Pumunta ka nga rito saglit." Napakurap ako sa gulat. Patay. Boses pa lang nito, alam ko nang may mali. Pumasok na ako agad, dala ang folder na huli kong inayos. Baka sisigaw na naman. "Sir?" maingat kong tanong. Tinaas ni Tristan ang isang papel. "Ano 'to? You missed the third page of the report. I told you, every page matters!" Sabay tilapon nito sa harapan ko ang hawak na papel. Nataranta ako sa ginawa nito. Tila puputok na ang ugat sa sentido nito sa galit. "Pasensya na po, sir. Nagmamadali kasi akong ipasa kanina dahil..." napatigil ako sa pagsasalita ng magsalita agad ito. "Always excuses," putol ni Tristan. "Hindi ako nagbabayad para sa palusot mo, Miss Sarmiento. I need precision. Hindi pwedeng sabihin na 'pwede na ito.'" Nanuyo ang lalamunan ko. "I'll gonna fix it right away, sir." "Good. Dahil kailangan ko 'yan bago ako umalis." Sinilip nito ang suot na relo. "Which, apparently, won't be soon, thanks to you," sarcastic nitong sabi. Tinablan ako ng hiya at inis. Siraulo ka, Tristan! Bakit ba parang ako lagi ang mali kahit hindi naman gano'n kalala? Ano na naman ba ang kalokohan ng boss kong ito? Pagkatapos kong pulutin ang papel na tinapon nito ay lumabas na ako sa opisina, halos mariin kong tinipa ang keyboard dahil sa pagkayamot. "Hindi pwedeng sabihin na 'pwede na ito,'" mahina kong bulong. "Eh siya nga minsan late magpirma, gusto perfect ako palagi. Nakakainis ka!" Nakarinig ako ng bahagyang kaluskos mula sa pinto, si Tristan, nakasandal ito sa doorframe, nakakunot ang noo. Chismoso talaga. "Did you just say something, Miss Sarmiento?" Mabilis akong ngumiti. "W-wala po, sir! Keyboard sound lang 'yon." Tumikhim si Tristan, tsaka bumalik sa mesa nito. Pero may bahagyang ngisi sa gilid ng kanyang labi, parang narinig nito ang sinabi ko. Makalipas ang ilang oras, halos gabi na. Tahimik na ang buong building. Ang tanging tunog ay ang click ng mouse na gamit ko at ang tunog ng printer. "Finally..." bulong ko habang inaayos ang bagong report. Inilagay ko sa folder, nilagyan ng label para maayos bago pumasok muli sa opisina ni Tristan. Natigilan ako. Wala nang ilaw sa loob maliban sa desk lamp. Si Tristan ay nakasandal sa upuan nito, nakapikit na at halatang pagod. 'Tulugan sa opisina, huh?' Bahagya akong ngumiti, pero tinakpan ko agad ng propesyonal na mukha. "Sir," mahina kong tawag. "Ito na po 'yong revised file..." napatalon pa ako sa gulat ng dumilat ang mga mata nito. "It's done?" tanong nito na medyo groggy pa siya. "Yes, sir. Na-check ko na rin lahat, may digital copy na rin sa drive, po." Tumahimik ito saglit, parang nag-aalangan pa sa sinabi ko. "Magaling. But since it's already past ten, I think you'll have to stay for the client meeting early tomorrow," anunsyo nito. "H-ha? Sir, hindi pa ba puwedeng..." "Wala nang uwian, Miss Sarmiento. May presentation sa umaga 7:30am, at gusto kong ikaw ang mag-aayos ng visuals. Unless gusto mong magising ng 4am para bumalik dito." Napatingin ako sa kanya, bahagyang namula ang mukha ko sa inis. "Anong magagawa ko, di ba wala? At Sir, kahit naman matulog ako rito, 4am pa rin ako gigising, di ba? Para sa trabaho ko, no choice ako!" inis na sabi ko. "Good. Then we understand each other." Ngumisi ito ng pasimple, tsaka bumalik na ang paningin sa laptop. Mayat-maya habang inaayos ko ang mga papel, biglang umulan nang malakas sa labas. May hangin pang pumasok sa bintana, kaya napaigtad ako sa gulat. "Ay!" Biglang napunta ang atensyon ni Tristan sa akin. "Careful." Lumapit ito at isinara ang bintana sa likod ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa na halos maramdaman ko na ang hininga nito sa batok ko. Tahimik at ramdam ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Naamoy ko na naman ang mamahalin nitong pabango, 'yong tipong hindi malakas pero tumatatak at humahatak. "B-Bumalik ka na sa trabaho mo, sir. Ako na ang bahala dito," sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili. "Don't mess it up this time." "Hindi ko na uulitin, sir," sagot ko. Pero may bahagyang ngiti sa boses ko. Lumipas pa ang mga oras. Alas-dose na ng hatinggabi. Pareho na kaming antok na antok pero walang gustong sumuko. Napayuko na ako sa harapan ng laptop, halos pumikit na sa sobrang antok. Si Tristan naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin, hindi na masyadong nagsusungit. "Miss Sarmiento," sabi nito sa wakas. "You did well today. Despite the chaos." Napaangat ang ulo ko bigla. "Po? Did you just... compliment me, sir?" "Don't get used to it," mabilis na sagot nito, pero halatang napangiti rin. Ngumisi ako pabalik. "Too late, narinig ko na, sir." Natahimik na kaming dalawa pagkatapos noon, pero iba na ang hangin sa pagitan namin. Hindi na lang basta CEO at secretary, may kakaibang init sa mga tinginan naming dalawa. Habang walang tigil pa rin ang ulan sa labas, pareho kaming nagpatuloy sa trabaho, hanggang ang inis ay napalitan ng kakaibang koneksyon na hindi namin inaasahan.The project AmaraKahit puyat na puyat ako dahil sa assignment na kailangan kong tapusin, maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Ginawa ko na ang umagang routine ko dito sa loob ng bahay, ang maglinis, magluto ng agahan, pagtimpla ng gatas ng aking Lola, at maligo na bago kumain. "Lola, hindi ka po ba bisita ni Mama?" tanong ko. Kita ko ang pagsimangot ni Lola. "Hindi ba't sinabi na niya noon na hindi na niya ako bibisitahin dahil wala naman raw siyang obligasyon sa akin? Okay lang naman iyon dahil hindi naman niya ako ina." "Ayos lang, Lola, nandito naman ako. Hindi kita pababayaan hangga't nabubuhay ako. Kaya 'wag ka na malungkot, ha," lambing ko. Ngumiti naman ito sa sinabi ko. Hindi rin nagtagal ay gumayak na ako para pumasok na sa trabaho. "Mag-iingat ka sa daan apo ko. Tumawag ka kapag may problema. Naka-volume ang cellphone ko para marinig ko agad kapag tatawag ka, apo," natawa naman ako sa sinabi nito. "Opo, Lola. Ikaw rin po, mag-iingat dito, ha? Huwag magpa
CalmDalawang buwan na ang nagdaan at unti-unti ko nang nakukuha ang loob ng boss ko. Pero unti-unti rin akong napapamahal sa kanya. Alam ko na hindi ko siya kayang maabot dahil mayaman ito at mahirap lang ako. Masaya na ako kapag napapansin niya. Lihim akong kinikilig kapag tumitingin siya sa akin. Pero ayokong mahalata niya ako at baka mag-iba na naman ang pakikitungo nito sa akin. "Stay low-key in love," bulong ko. Isa-isa na namang nagsiuwian ang mga empleyado, pero ako, kailangan ko na namang mag-overtime. Kagaya ng dati, ay naiwan na naman akong mag-isa dito sa opisina. Hindi pa kasi ako tapos sa mga reports na gusto ni Tristan bukas ng umaga na ito kailangan. "Huwag sanang mapadaan si Tristan dito," bulong ko habang pinipilit matapos ang spreadsheet. Ngunit sa hindi ko inaasahang sandali, bumukas ang pinto ng opisina ni Tristan. Napatigil ako sa pagta-type at napalingon sa gawi ni Tristan. "Miss Sarmiento." "S-Sir, akala ko po ay umuwi na kayo?" kabado kong
Overtime Amara Halos wala akong tulog, madaling araw na pala. Sobrang tahimik ang paligid, at ang tanging maririnig lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa labas. Malamig sa opisina, mabuti na lang dahil may dala akong jacket, at hininaan kanina ni Tristan ang aircon kundi, nanigas na ako dito na parang yelo. Pumipikit na ang mga mata ko. Nakapangalumbaba na ako sa mesa nang hindi ko namamalayan. Nakahawak pa ako ng ballpen at bahagyang nakabuka ang bibig dahil na rin sa pagod. Ang laptop ko ay inayos ko na muna at sure na naka-save draft mode. Pero kailangan kong labanan ang antok hanggang sa huling minuto. Nilingon ko si Tristan na nakahilig sa sofa sa loob ng opisina, suot pa rin ang puting long sleeves, pero nakabukas ang dalawang butones sa itaas, kita ko tuloy ang matipuno nitong dibdib. "Ang unfair lang na parang mas pagod pa ito sa akin. Mas marami naman akong ginawa sa kanya. Nakaka-stress pa sa dami nitong pinagawa," simangot ko habang nakatin
Overnight Amara Sobrang busy ko sa trabaho. Ang daming pinagawa sa akin ng boss ko. Hapon na, hindi ko pa rin nakalahati ang report na ginawa ko. Nagugutom na rin ako. Next time magbaon na ako ng pagkain ko para hindi na ako lalabas pa. Kailangan kong tawagan ang Lola ko para ipaalam na gagabihin ako ng uwi mamaya. *Phone call* "Hello, apo ko." "Hello, Lola. Baka po gabihin ako ng uwi mamaya. Huwag mo na po akong hintayin, La. May susi naman po ako. Paki-lock ng mabuti ang mga bintana at pintuan, ah. Kumain ka na rin po, damihan mo ang kumain, okay po?" malambing na bilin ko sa aking Lola. "Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko, apo. Ginawa mo na naman akong bata!" Napangiti ako dahil nagsungit na naman ito. "Oo na, Lola. Nagsungit ka na naman po. Sige na po. Ba-bye na po. Love you!" Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagulat pa ako sa pagtikhim ng boss ko sa di kalayuan dito sa desk ko. Nakikinig kaya ito sa usapan namin ni Lola
Scolded Amara Wala na akong nagawa kundi itigil na muna ang trabaho ko at unahin ang pinapagawa ng maarteng lalaking 'to. Pakiramdam ko talaga sinasadya nitong inisin ang bawat umaga ko. Alam ko talagang maayos na ang ginawa kong report. "Gumawa ka ng bagong report, Miss Sarmiento. I want it on my desk in thirty minutes," malamig nitong sabi bago lumakad papunta sa opisina nito. Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko sa inis. Kung hindi ko lang talaga ito boss, baka kanina ko pa ito nasigawan. Pero bago ito tuluyang pumasok, saglit itong lumingon. "At this time, make sure you're not wasting my time." Umirap pa talaga ang damuhong ito. Pagkaalis ng boss ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naisuntok ko pa sa hangin ang nakakuyom kong kamao sa inis. "Whooaah!" inis na buga ko sa hangin. Ilang beses na akong napagalitan ni Tristan, hindi ko na rin mabilang iyon. Pero tuwing nangyayari iyon, laging pareho ang epekto niya sa akin, takot, kaba, at 'yung kakaibang init
Insulted Amara "Lola, mauna na po ako. May pagkain ka na pong niluto ko mamayang tanghalian. Inumin mo na muna ang gamot mo bago ako pumasok na sa trabaho," sabi ko sa Lola ko. "Nakakalakad at kaya ko pa ang sarili ko, apo. Hayaan mo na ako dito. Kaya ko na ang magluto ng sarili kong pagkain. Ano ka ba, ginagawa mo akong lumpo araw-araw," sita niya sa akin. "Ayoko lang kasi na mapagod ka, Lola. Alam mo naman po na ikaw na lang ang karamay ko sa buhay. Kaya hayaan mo na ako sa ginagawa ko sa iyo, Lola," yakap ko sa kanya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, ang kulit mong bata ka!" ngiti naman ni Lola. Nang maasikaso ko na ang Lola ko, ay nagmadali na ako dahil gusto ko ay maaga akong pumasok sa trabaho. Baka mainis na naman ang boss ko dahil mali-mali ang ginawa kong trabaho kahapon. Ang sungit pa naman ng lalaking iyon. Kung gaano kasarap ang labi niya, ganoon rin ka pasmado. "Bwesit ka, Tristan!" sambit ko. "Alis na ako, Lola, love you po!" lambing ko at humalik na mu







