LOGINHello sa lahat. Pasensya na kung medyo matagal pa ang pagkikita ni Tristan at Amara. Maraming salamat rin po pala sa lahat ng nagbabasa ng akdang ito. 🫶🩵
Another Celebration AMARA POVKinaumagahan, ay namasyal kami sa batis kasama ang mga pamilya ko at sila Lola kasama ang pamilya ni Ate Rena. Masaya pa rin ang mga bisita na nagtatawanan at aliw na aliw sila sa kambal na nakikipaglaro rin sa mga batang bisita. May mga batang tumatakbo. May nagbubukas ng soft drinks kahit ang aga pa para uminom. May nagbibiruan sa mesa habang nag-ba-barbecue. Request ko kasi ang barbecue kaya marami silang ihaw na ginagawa. "Nakakainis. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may kambal ka na," bulalas ni Xena. "Ang gaganda nila, nakakagigil," masaya rin na sabi ni Kelly. "Nakakatuwa silang pagmasdan. Ang cute at bibo nila kausap kahit bulol," segundong sabi rin ni Bena. "Gulat na gulat rin kami kagabi ng malaman na anak pala ni Amara ang kambal," sabi ni Ate Rena. Nandito kasi kami sa ihawan habang sila Lola at Mama kasama si Lolo. Nag-uusap habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Sa veranda naman ay may nakita akong dala
Amara Pov Nang magsimula ng maglakad ang pamilya ko papasok sa pavilion, tumugtog ang isang soft and elegant melody. Sa unahan nila ay naglalakad ang mga flower girls, dahan-dahang nagkakalat ng rose petals sa aisle na diretso sa grand stage. Kabongga naman ang engranding birthday ng kambal may ganito pa. Pero ang sabi ni Mama, ganito rin daw ang second birthday ko noon. Kaya lang, hindi na alam ni Mama saan niya nilagay ang recorder ng video ko noong baby pa ako. Tahimik na pumalakpak ang mga bisita. Dahil bawal kumuha ng litrato, nagkasya na lang sila sa pagtingin sa kambal. Habang ang iba naman ay nakangiting pinapanood ang napaka-cute na eksena. Ang fairy lights sa kisame ng pavilion ay kumikislap na parang mga bituin, habang ang malalaking chandeliers ay nagbigay ng mainit at eleganteng liwanag sa buong venue. Naririnig ang mahihinang tawa ng kambal habang naglalakad, at parang napuno ng masayang enerhiya ang buong pavilion. Pagdating nila sa harap ng stage, muling nagsali
Amara Pov Papasok na ako sa venue nang una kong makita ang kaibigan kong kumukuha ng video sa paligid. Pwede pa naman ang kumuha ng mga picture at video. May area pa nga na pinasadya para sa pagpa-picture. Sa isang bahagi naman ng pavilion ay may luxurious play area para sa mga bata, na may miniature castles, plush toys, at soft pastel decorations. Isang maliit na enchanted corner na ginawa para sa mga batang bisita. Nagulat ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Kelly. Tumili pa talaga ito. Nahiya ako bigla nang halos lumingon sila sa gawi ko. Napatakip ako ng mukha sa hiya. Natatawa naman na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Masaya ako dahil present silang tatlo. "Na-miss ka namin, senyorita!" sabay-sabay pa nilang bigkas. Niyakap nila ako at bineso-beso pa. "Ang ganda ng venue, halatang yayamaning tao ang may anak sa kambal na may kaarawan ngayon," bulalas ni Bena. "Ako na kahit may kaya sa buhay, hindi ganito ka-engrande ang birthday party ko. One fourth lang dito
Twins Birthday Amara POV Ikalawang kaarawan ng kambal ko. Maaga palang gising na ang buong bahay dito sa probinsya. Gusto ni Lolo na bongga ang party kaya kahapon pa lang ay may mga tao nang nag-ayos sa pavilion para sa party na gaganapin. Nauna na si Mama sa pavilion para i-check ang decorations. Kailangan daw maganda at magugustuhan ng kambal. Excited na ang kambal dahil sabi ni Lola, may surprise daw ito sa kambal. Ang hindi alam ng kambal ay birthday nila ngayon. "Mimiii... Look, ma-petty ako, right?" matamis na ngiti ni baby Faith. Tapos na kasing ayusan ng nerentahan nila Lolo na galing pa daw Manila sa sikat na salon ang mga ito. Kinuntra ko agad si Lolo pero niyakap lang ako at hindi na nakinig. Meron naman sa bayan, manila pa talaga. Pwede naman ako na ang mag-ayos sa kambal. "Yes, baby ko, so pretty," puri ko naman. "And me, Mimi?" nguso naman ni Baby Hope na tanong. "Of course, baby ko, you're so pretty too. Pareho kayong maganda. So pretty and beau
Bonding with the twins Amara POV Mainit ang araw ng hapon na iyon pero presko ang hangin sa hacienda. Sa damuhan sa likod ng bahay, naglalaro ang kambal. Nagtatakbuhan silang dalawa. Tawanan, habulan at sigawan. Ang lilikot na nilang dalawa at kahit nahihirapan sina Lolo at Lola, ay ayos lang daw dahil ganito raw talaga ang mga makukulit na bata. Exercise na rin daw nila ang mabilis na maglakad para lumakas pa lalo ang mga tuhod nila. Halos hirap na kasi silang tumakbo dahil sa katandaan. Ang mga grandparents ko ay hirap nang maglakad ng mabilis. Itong mga kukulit na bata nagpapahabol pa sa mga matatanda. Kaya may kasambahay silang kasama kapag naglalaro sila sa labas. Ngayon ay kaming tatlo na lang ang naglalaro dahil gusto ko rin silang masolo. Tuwang-tuwa naman silang nakita ako noong umuwi ako dito. Nag-iyakan pa nga. "Miii! Huli mo si Fey!" sigaw ng isa. Hindi niya kasi mahabol. Tuwang-tuwa naman ang kakambal nito. "Habol mo ako," sigaw rin ng isa sabay hagikhik. "
Meeting with family Amara Pov Tulog na ang kambal at si Nanay Elsie na muna ang nagbabantay sa kwarto. May mahalaga lang kasi akong ididiskusyon sa pamilya ko. "Hello po. Magandang gabi sa inyong lahat," bati ko agad nang makita ko silang nasa library na sila sa first floor lahat. "May sasabihin ka ba, apo ko?" malumanay na tanong ni Lolo. Tumango ako at umupo sa tabi ni Mama Amelia. Kaharap ko si Lolo tapos sila Lola at Mama naman ang magkaharap. Napalingon ako kay Mama nang hawakan niya ang isa kong kamay. Gumaan ang pakiramdam ko ng magaan niya akong nginitian. "Mama, may mga mensahe akong natanggap kanina bago ako umuwi dito. Parang naguguluhan pa rin ako dahil sa mga nabasa ko. Pero hindi ko na muna ito inintindi dahil mas lalo lang sasakit ang ulo ko," panimula ko. "Patingin ng mga mensaheng iyan, apo," sabi naman ni Lolo. Isinuot nito ang makapal niyang salamin sa mata. Ipinakita ko ang litrato ng birth certificate na may stamp na AMENDED - BY COURT ORDER. Sa
Shock Amara Pov "Hindi... hindi po maaari." Umiling-iling pa ako habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Siguro dahil hindi niya inasahan na ganito ang reaksyon ko. Wala namang mali sa reaksyon ko. Gulat lang ako at hindi makapaniwala na ina ko siya.
Pag-amin ni Amelia Amara Pov Nahihiwagaan ako sa kinikilos ng ginang. Curious rin ako sa gusto niyang sabihin sa akin. Gusto ko siyang tanungin kapag dumadalaw siya dito, kaso nauuna ang hiya ko. Mas madalas na rin siyang mamasyal at mas marami pang pasalubong ang binibigay niya sa amin ng kam
Eating with Amelia Amara POV "Kumain na po tayo, Ma'am Amelia, habang tulog pa ang mga anak ko. Sana po magustuhan mo ang ulam na luto ko," nahihiya kong sabi. Nahiya rin ako kasi konti lang ang gamit kong pangkusina. Sana hindi siya maarte dahil may kalumaan na ang gamit ko. Buti na lang bago a
Panauhin Amara POV Hindi pa rin ako tulog nang may kumatok. Mahina lang ang katok, na parang alam nila na may batang natutulog dito. May paggalang ang paraan ng pagkatok ng kung sino man ang nasa labas. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang isang ginang, maayos ang postura, pero nanginginig ang kama







