LOGIN"Oh, nandito na pala kayo. Natagalan kayo, ah," bungad ni Mama nang makauwi kami."Pasensya na po," tanging nasabi ni Axel.Napalingon ako sa kaniya. Tahimik niyang inilalapag ang mga pinamili namin sa lamesa.Kanina, habang nasa biyahe, walang naglakas-loob na magsalita sa aming dalawa. Inaasahan kong tatanungin niya ako tungkol sa sinabi ni Mario. Ngunit wala akong natanggap ni kahit isang tanong mula sa kaniya.Bagay na ikinabahala ko. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya roon o hindi.Kasi kung magtatanong siya sa akin tungkol dito, hindi ko rin alam ang isasagot. Hindi ko nga alam kung ipagpapasalamat ko ba ang hindi niya pagtatanong o mas mabuti pang maging kampante na lamang ako roon.Ngunit hanggang kinagabihan, nababahala pa rin ako."Ang tahimik yata ni Kuya Axel ngayon, Ate," bulong sa akin ni Rafaella habang naghuhugas kami ng pinggan.Tapos na kaming kumain. Ngunit ni kahit isang sulyap mula kay Axel ay hindi ko natanggap.Napansin kong nakikipaglaro pa rin siya kay Lexi
We ended up taking a tricycle. Tahimik kaming dalawa habang bumibiyahe hanggang sa makarating kami sa bayan. Akmang kukuha na sana ako ng barya upang magbayad nang unahan na ako ni Axel. This time, hindi na ito katulad noon na isang libo ang ibinigay niya. He simply handed the driver the exact amount. Napailing ang tricycle driver. "Hindi na po, Doc Axel. Libre ko na po sa inyo ito ng misis niyo." Namula ang mga pisngi ko sa narinig. "No, just take it. Pambili mo pa iyan ng gasolina para sa hanapbuhay ninyo," pilit na pangungumbinsi ni Axel. Ni hindi man lang niya itinanggi ang maling akala ng driver tungkol sa amin. "Naku, okay lang po. Tutal, ang dami niyo na rin pong naitulong sa amin. Hindi po namin makakalimutan lahat ng iyon, Doc." Tila may humaplos sa puso ko nang marinig iyon. Kilalang-kilala na talaga si Axel dito sa amin. Hindi bilang babaero, tulad ng pagkakilala ko sa kaniya noon, kundi bilang isang taong bukas-palad sa mga nangangailangan. Isang taong handang tumu
Hawak-hawak ni Axel ang lahat ng pinamili namin. Iniisip ko tuloy kung magkakasya pa ba ang mga iyon sa tricycle mamaya.Ngunit nagulat ako nang paglabas namin ay naroon na ang sasakyan niya. Gulat akong napalingon sa kaniya."Pinadala ko na lang dito ang sasakyan. Baka kasi mahirapan tayo kapag tricycle pa ang gagamitin natin," paliwanag niya nang mapansin ang pagtitig ko.Napatango na lamang ako. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon dahil may punto naman siya.Ipinagbuksan niya ako ng pinto. Agad naman akong pumasok. Pinanood ko siyang inilagay ang lahat ng pinamili namin sa backseat hanggang sa matapos siya sa ginagawa.Tahimik kami habang nasa biyahe. Ni isa sa amin ay walang naglakas-loob na magsalita.Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang may mamataan ako sa gilid ng kalsada."Axel, can you stop the car?" utos ko sa kaniya habang bahagyang tinatapik ang balikat niya.Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkalito, ngunit agad din niyang sinunod ang sinabi ko."Bakit?" tanong niya
We ended up taking a tricycle. Tahimik kaming dalawa habang bumibiyahe hanggang sa makarating kami sa bayan.Akmang kukuha na sana ako ng barya upang magbayad nang unahan na ako ni Axel. This time, hindi na ito katulad noon na isang libo ang ibinigay niya. He simply handed the driver the exact amount.Napailing ang tricycle driver."Hindi na po, Doc Axel. Libre ko na po sa inyo ito ng misis niyo."Namula ang mga pisngi ko sa narinig."No, just take it. Pambili mo pa iyan ng gasolina para sa hanapbuhay ninyo," pilit na pangungumbinsi ni Axel. Ni hindi man lang niya itinanggi ang maling akala ng driver tungkol sa amin."Naku, okay lang po. Tutal, ang dami niyo na rin pong naitulong sa amin. Hindi po namin makakalimutan lahat ng iyon, Doc."Tila may humaplos sa puso ko nang marinig iyon.Kilalang-kilala na talaga si Axel dito sa amin. Hindi bilang babaero, tulad ng pagkakilala ko sa kaniya noon, kundi bilang isang taong bukas-palad sa mga nangangailangan. Isang taong handang tumulong at
Lumabas ako ng bahay habang hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Rafaella sa akin.Pinaglalaruan ba ako ni Axel?Napadako ang tingin ko kay Axel na ngayon ay nagsisibak ng kahoy. Napalingon ako sa mga kapitbahay naming halos humaba na ang mga leeg sa kakasilip."Nagkabalikan na pala sila ni Ezrha?""Nagkaayos na nga. Hindi lang iyan, may anak na rin sila!""Grabe! Akala ko ba hindi pa iyan bumubukaka? May anak na pala!""Hoy! Ang bibig mo! Baka marinig ka ni Ezrha!""Eh, totoo naman! Tinago pa nga sa atin ang pagbubuntis niya!""Hindi kaya may kasunod na agad iyan? Tingnan mo naman ang asawa niya. Pangarap ng lahat!"Napailing ako habang pinakikinggan ang walang katapusang usapan ng mga ito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa mga naririnig ko.Pero bago pa man ako makapagsalita, tila may kung anong alaala ang biglang sumagi sa isip ko.Parang nakita ko na ang eksenang ito.Parang naranasan ko na rin ang ganitong tagpo.I could almost remember the exact same scen
Ano'ng tungkol sa kanila ni Mario?Napalingon ako kay Axel na ngayon ay tahimik na hawak ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Hindi kami patungo sa kabilang bayan kundi pauwi sa bahay."B-bakit tayo uuwi?" tanong ko kay Axel matapos ang ilang sandaling katahimikan."Alam kong pagod ka na kaya uuwi na lang tayo," simpleng sagot niya sa akin."Paano iyong pupuntahan natin?"Nagkibit-balikat siya. "Maraming tao roon," aniya habang hindi makatingin sa akin nang diretso."A-ano nga pala ang ibig sabihin ni Alex tungkol kay Mario?" hindi ko mapigilang tanungin siya."I'll tell you... kapag sinabi mo rin sa akin kung bakit ka umiinom ng gamot," tugon niya sa akin na ikinasimangot ko.Hindi talaga niya ako tatantanan. Wala talaga siyang balak na magpatalo."T-tatanungin ko na lang pala si Mario," wika ko.Biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ngunit batid kong sapat na puwersa lamang ang ginamit niya upang hindi ako masaktan."Ezrha, I want to know everything. It hurts me to k







