Share

Chapter 13

"Maraming salamat ho Manang Sonya, Ej. Wala talaga kasi akong mapuntahan sa ngayon, hayaan niyo ho maghahanap ako ng trabaho sa bayan para makatulong-,"

"No! Hindi ka magtatrabaho," nagulat ako pati si Manang Sonya sa biglang pagtaas ng boses ni Ej. " Hindi ka pwedeng magtrabaho dahil buntis ka."

"Ah. Eh. Maliit pa naman ang tiyan ko at-"

"Mas delikado yon. Madali kang makunan."

"Hindi naman siguro-,"

"Ikaw ang bahala. Kung iyan ang gusto mo. Sinabihan na kita. Baka naman may balak kang ipalaglag ang batang yan kaya gusto mong magtrabaho kahit alam mong buntis ka."

Bakit ba galit siya? Nag suggest lang naman ako. Gusto ko rin makatulong kahit kaunti, kaya ko naman. At saka wala akong balak patayin ang anak ko. Kahit ganito ang kahinatnan ko hinding-hindi ko siya dadamayin sa galit ko sa ama niya. Siya na lang ang lakas ko. Siya na lang ang dahilan para magpatuloy ako sa hamon ng buhay. Kaya anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganon?

"Ej," may pagbabanta na tawag ni Manang Sonya s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status