Share

Chapter 4

Penulis: Cess_caline
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-01 15:01:20

ELARA POV

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas matapos ang gulo sa ibaba.

Ang alam ko lang, nasa kwarto na kami. Hindi yung kwarto ko. Hindi rin yung opisina niya. Isang mas tahimik na espasyo sa loob ng penthouse, may ilaw na dim, may kurtinang makapal na parang sinadya para itago ang mundo. Nakatayo ako sa gitna ng silid, hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko. Ang amoy ng wine at dugo ay parang nakadikit pa rin sa alaala ko.

Sa likod ko, narinig ko ang pinto na isinara niya.

Hindi malakas. Hindi padabog. Isang maingat na tunog, parang ayaw niyang magulat ako.

“You should sit,” sabi ni Kael, mababa ang boses.

Umupo ako sa gilid ng kama, tuwid ang likod, nakapatong ang mga kamay ko sa tuhod. Pakiramdam ko parang hinihintay ko ang hatol ko. Sa likod ng isip ko, bumabalik ang imahe ng basag na salamin sa kamay niya. Ang dugo. Ang galit na kaya niyang itago sa isang iglap.

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga.

“They crossed a line,” sabi niya, mas para sa sarili niya kaysa sa akin. “People forget who they work for.”

“Someone stole from you,” sabi ko, mahina.

“Someone tried,” sagot niya. “No one steals from me.”

Tumayo siya sa harap ko. Tinitigan niya ako nang matagal, parang tinitimbang kung dapat ba siyang magsalita pa. May galit pa rin sa mga mata niya, pero hindi na iyon para sa akin. Mas parang pagod.

“You shouldn’t have seen that,” sabi niya ulit.

“I was already there,” sagot ko. “I couldn’t move.”

Tumango siya, parang naiintindihan niya. Lumapit siya at biglang umupo sa harap ko, sa sahig, nakasandal ang likod niya sa kama. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko inaasahan na ang lalaking kinatatakutan ng lahat ay uupo sa sahig sa harap ko na parang wala na siyang lakas.

“You don’t have to be afraid of me,” sabi niya.

Hindi ko alam kung kasinungalingan iyon o paalala lang.

Sa labas ng kwarto, may mga boses. Malalalim. May pagtatalo. Naririnig ko ang pangalan niya. Ang pera. Ang salitang betrayal. Hindi ko maintindihan lahat, pero alam kong galit na galit siya kanina. At ngayon, parang inuubos ng galit na iyon ang natitirang lakas niya.

Bigla siyang tumayo. Lumapit siya sa kama at humiga, hindi man lang nag alis ng sapatos. Humarap siya sa akin, ang ulo niya ay dumampi sa tiyan ko.

Nanigas ako.

“Kael,” sabi ko, halos pabulong.

“Stay,” sabi niya agad. Isang salita lang. Isang utos. Isang pakiusap.

Hindi ako gumalaw.

Ilang segundo ang lumipas. Nararamdaman ko ang paghinga niya. Mabagal. Mabigat. Ang noo niya ay nasa may leeg ko na ngayon. Ang bigat ng katawan niya ay parang unti unting nawawala.

Sa labas, mas lumakas ang boses. May sumigaw. May tumutol. Parang may argumentong nagpapatuloy tungkol sa nawalang one point three billion. Naririnig ko ang sigaw ng isa sa mga tauhan niya, galit, desperado.

Kael did not move.

Instead, mas isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Hindi dahil sa takot lang. Kundi dahil sa kakaibang intimacy na hindi ko alam kung paano haharapin.

“Kael,” ulit ko.

“Don’t move,” sabi niya, mas mahina ngayon. “Just… stay.”

Sa unang pagkakataon, wala siyang kontrol sa boses niya. Pagod ito. Basag. Parang isang lalaking matagal nang hindi nagpapahinga.

Unti unti, naramdaman kong bumagal ang paghinga niya. Ang bigat sa katawan ko ay naging pamilyar. Parang nakatulog siya doon mismo. Sa leeg ko. Parang ang mundo sa labas ay hindi na mahalaga.

Hindi ko alam kung paano ako hihinga.

Sa labas ng kwarto, may katahimikan bigla. Parang naramdaman ng lahat na may hangganan ang galit niya ngayong gabi. Walang pumasok. Walang kumatok. Walang naglakas loob magsalita.

Nakatulog siya.

Si Kael Mortis, ang lalaking kayang sirain ang mundo ng iba sa isang utos, ay mahimbing na natutulog sa leeg ko.

Dahan dahan kong inangat ang kamay ko, nanginginig. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Marahan kong inilapag ang kamay ko sa balikat niya. Ramdam ko ang tensyon sa mga kalamnan niya kahit tulog. Parang handa pa rin siyang lumaban kahit sa panaginip.

Sa labas ng bintana, kumikislap ang siyudad. Hindi ko alam kung ilang oras pa ang lilipas. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagising siya.

Ang alam ko lang, sa sandaling iyon, ako ang pahinga niya.

At iyon ang pinaka delikado sa lahat.

May kumatok sa pinto.

Isang beses lang.

Tumigil ang kamay ko. Hindi gumalaw si Kael.

“Sir,” sabi ng isang boses sa labas, maingat. “Everything is contained. The funds will be recovered.”

Walang sagot.

Nag antay sila. Walang sumagot.

Umatras ang boses. Umalis.

Nanatili kaming ganoon. Ako, nakaupo. Siya, natutulog sa akin. Parang isang lihim na eksenang walang dapat makakita.

Unti unti, naramdaman kong bumigat ang talukap ng mata ko. Hindi dahil inaantok ako, kundi dahil pagod na pagod na rin ako. Sa takot. Sa kaba. Sa emosyon.

Pero hindi ako pumikit.

Takot akong gumalaw. Takot akong magising siya. Takot sa kung anong magiging Kael Mortis kapag nagising siya.

Dahan dahan, bahagyang gumalaw ang ulo niya. Umungol siya ng mahina. Mas lalo siyang lumapit. Ang braso niya ay umangat at napadapo sa bewang ko. Hindi mahigpit. Parang instinct lang.

Ang puso ko ay halos lumabas sa dibdib ko.

Hindi ko siya tinulak.

Hindi ko siya niyakap pabalik.

Nanatili lang akong nandoon, parang haligi, habang ang lalaking kinatatakutan ng lahat ay humihinga nang maayos sa leeg ko, sa gitna ng kaguluhan na siya mismo ang may gawa.

Sa labas ng kwarto, ang mundo niya ay nag aayos ng gulo.

Sa loob, ako ang tahimik na sentro ng bagyo.

At alam kong kapag dumilat siya, wala na akong babalikan na dating ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 5

    ELARA POVNagising ako sa tunog ng mababang boses.Hindi galit. Hindi rin malambing. Isang boses na malamig, kontrolado, parang walang nangyaring kahit ano kagabi.“Coffee. Black. No sugar.”Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.Nasa kwarto pa rin ako. Pero wala na ang bigat sa leeg ko. Wala na ang init ng hininga niya. Wala na ang lalaking natulog na parang ako ang tanging pahinga niya. Ang kama ay maayos na ulit. Ang kurtina ay bahagyang nakabukas. Ang araw ay pumasok na parang walang pakialam sa kaguluhang nangyari kagabi.At doon ko siya nakita.Si Kael Mortis ay nakatayo sa gilid ng bintana, naka suit na naman, tuwid ang tindig, parang hindi kailanman bumagsak ang galit niya, parang hindi niya kailanman inilibing ang mukha niya sa leeg ko.Parang hindi niya ako niyakap.Parang hindi siya natulog.“Make sure the meeting room is ready by nine,” dagdag niya sa isang maid. “And cancel my lunch.”“Yes, sir,” sabay sabay na sagot ng mga tao sa paligid.Parang may invisible line sa

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 4

    ELARA POVHindi ko alam kung ilang oras ang lumipas matapos ang gulo sa ibaba.Ang alam ko lang, nasa kwarto na kami. Hindi yung kwarto ko. Hindi rin yung opisina niya. Isang mas tahimik na espasyo sa loob ng penthouse, may ilaw na dim, may kurtinang makapal na parang sinadya para itago ang mundo. Nakatayo ako sa gitna ng silid, hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko. Ang amoy ng wine at dugo ay parang nakadikit pa rin sa alaala ko.Sa likod ko, narinig ko ang pinto na isinara niya.Hindi malakas. Hindi padabog. Isang maingat na tunog, parang ayaw niyang magulat ako.“You should sit,” sabi ni Kael, mababa ang boses.Umupo ako sa gilid ng kama, tuwid ang likod, nakapatong ang mga kamay ko sa tuhod. Pakiramdam ko parang hinihintay ko ang hatol ko. Sa likod ng isip ko, bumabalik ang imahe ng basag na salamin sa kamay niya. Ang dugo. Ang galit na kaya niyang itago sa isang iglap.Narinig ko ang mabigat niyang paghinga.“They crossed a line,” sabi niya, mas para sa sarili niya kaysa sa

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 3

    ELARA POVMay mga sandali na mararamdaman mo ang panganib kahit wala pang nagsasalita.Naramdaman ko iyon sa hagdan pa lang.Tahimik ang buong penthouse pero mali ang uri ng katahimikan. Hindi ito payapa. Mabigat. Parang may bagyong nakatigil sa hangin, naghihintay lang ng signal para sumabog. Nakatayo ako sa ikalawang baitang ng marble stairs, hawak ang railing, hindi alam kung bababa ba ako o aakyat pabalik sa kwarto. Sa ibaba, nandoon sila. Mga lalaki naka suit. Mga taong sanay mag utos at sumunod. Pero ngayon, lahat sila ay parang estatwa.At sa gitna nila, si Kael.Hindi ko pa siya nakikitang ganito.Nakatayo siya sa harap ng mahabang mesa sa living area, may hawak na baso ng wine. Ang postura niya ay tuwid, kalmado sa unang tingin, pero ang mga daliri niya ay mahigpit na nakapulupot sa salamin. Ang mga mata niya ay madilim. Hindi galit na sumisigaw. Mas masahol. Galit na tahimik.“Say it again,” sabi niya, mababa ang boses, pero bawat salita ay parang kutsilyo.Isa sa mga lalaki

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 2

    ELARA P.O.VNagising ako sa katahimikan.Hindi yung ordinaryong tahimik na naririnig mo kapag madaling araw. Iba ito. Mabigat. Parang may matang nakamasid kahit sarado ang pinto, kahit mag isa ka lang. Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame, pilit inaalala kung nasaan ako. Ilang segundo bago bumalik lahat. Ang kontrata. Ang penthouse. Siya.Kael Mortis.Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Nakasuot pa rin ako ng damit na ibinigay ng assistant niya kagabi. Masyadong sakto ang sukat, parang alam na alam nila ang katawan ko. Isa na namang paalala na mula nang pumasok ako sa mundong ito, wala nang bagay na aksidente.Lumapit ako sa bintana. Ang araw ay unti unti nang sumisilip sa pagitan ng mga gusali. Ang siyudad ay mukhang tahimik mula rito, parang walang gulo, walang utang, walang takot. Parang pwede kang magpanggap na ligtas ang mundo.May tunog ng yapak sa labas ng kwarto.Hindi ako gumalaw. Hindi ako tinawag. Alam kong siya iyon. Hindi ko alam kung paano, pero alam ko. Ang pr

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 1

    ELARA P.O.VHindi ko maalala kung kailan nagsimulang mawalan ng boses ang mundo ko. Ang alam ko lang, sa sandaling binuksan ko ang pinto ng penthouse na iyon, hindi na ako kay Elara Virelle. Ako ay naging pag aari na niya.Hindi dahil sinabi niya.Kundi dahil ramdam ko.Tahimik ang lugar, sobrang linis, sobrang lawak. Parang walang puwang para sa kahit anong pagkakamali. Ang sahig ay malamig sa ilalim ng paa ko, at bawat hakbang ko ay may echo na parang paalala na wala akong dapat galawin nang walang pahintulot. Amoy mamahalin ang hangin. Hindi pabango. Hindi bulaklak. Amoy kapangyarihan. Amoy kontrol.Nakatayo siya sa harap ng floor to ceiling window. Kael Mortis. Nakatagilid ang ulo, isang kamay nasa bulsa, ang isa may hawak na baso na hindi ko alam kung tubig ba o alak. Hindi siya lumingon agad. Parang alam niyang nandoon na ako. Parang matagal na niya akong hinihintay.“Close the door,” sabi niya, malamig, diretso.Sinunod ko. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil wala akong lakas par

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status