Share

Chapter 5

Author: Cess_caline
last update Last Updated: 2026-02-01 15:01:52

ELARA POV

Nagising ako sa tunog ng mababang boses.

Hindi galit. Hindi rin malambing. Isang boses na malamig, kontrolado, parang walang nangyaring kahit ano kagabi.

“Coffee. Black. No sugar.”

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.

Nasa kwarto pa rin ako. Pero wala na ang bigat sa leeg ko. Wala na ang init ng hininga niya. Wala na ang lalaking natulog na parang ako ang tanging pahinga niya. Ang kama ay maayos na ulit. Ang kurtina ay bahagyang nakabukas. Ang araw ay pumasok na parang walang pakialam sa kaguluhang nangyari kagabi.

At doon ko siya nakita.

Si Kael Mortis ay nakatayo sa gilid ng bintana, naka suit na naman, tuwid ang tindig, parang hindi kailanman bumagsak ang galit niya, parang hindi niya kailanman inilibing ang mukha niya sa leeg ko.

Parang hindi niya ako niyakap.

Parang hindi siya natulog.

“Make sure the meeting room is ready by nine,” dagdag niya sa isang maid. “And cancel my lunch.”

“Yes, sir,” sabay sabay na sagot ng mga tao sa paligid.

Parang may invisible line sa pagitan namin. Hindi siya tumingin sa akin. Hindi niya ako kinausap. Hindi man lang niya kinilala ang presensya ko.

Umupo ako sa kama, nakatulala.

So this is how he does it, sabi ko sa sarili ko. Isang switch. On. Off.

Tumayo ako at nag ayos ng sarili ko. Habang ginagawa ko iyon, patuloy lang siyang nagbibigay ng utos. Precise. Walang emosyon. Billionaire ulit siya. Ang lalaking kayang mag utos ng mundo.

“You,” sabi niya sa isa pang maid. “Make sure her schedule is clear today.”

Napalingon ako.

Her.

Hindi Elara. Hindi ako.

Tumango ang maid. “Yes, sir.”

Lumabas ang mga tao isa isa. Naiwan kaming dalawa sa kwarto. Tahimik. Mabigat. Ngunit ibang uri ng bigat kumpara kagabi.

Hindi pa rin siya lumilingon.

“You may have breakfast in the dining area,” sabi niya. “Security will accompany you.”

Tumayo ako. Lumapit ako ng ilang hakbang.

“Kael,” sabi ko.

Tumigil siya. Pero hindi pa rin humarap.

“Do you remember last night,” tanong ko, maingat.

Tahimik siya ng ilang segundo. Saka siya humarap.

Ang mga mata niya ay malamig. Walang bakas ng pagod. Walang bakas ng kahinaan. Kung hindi ko siya nakita kagabi, iisipin kong hindi iyon nangyari.

“I don’t dwell on unnecessary moments,” sabi niya. “You shouldn’t either.”

Kung tutuusin, dapat nasaktan ako. Dapat nainis. Dapat nagalit.

Pero imbes na iyon, may kakaibang init na umakyat sa dibdib ko.

Gusto kong matawa.

Hindi yung malakas. Hindi yung bastos. Yung lihim na tawa na para lang sa akin.

“Okay,” sagot ko.

Tumango siya, parang tapos na ang usapan. Lumabas siya ng kwarto na parang wala lang.

Habang naglalakad ako papunta sa dining area, hindi ko maiwasang ngumiti. Tahimik. Palihim. Kasi ngayon alam ko na.

Hindi niya kayang harapin ang sarili niya kapag naaalala niya ang gabing iyon.

Sa hapag kainan, umupo ako mag isa. Ang mga maid ay tahimik. Maingat. Parang bawat galaw nila ay may script. May nag abot ng kape. May nag ayos ng plato. Lahat ay nakaayon sa gusto niya.

“You should eat,” sabi ng isa.

“Oo,” sagot ko.

Habang kumakain, naririnig ko ang boses ni Kael mula sa kabilang bahagi ng penthouse. Meeting. Calls. Numbers. One point three billion. Recovery. Damage control. Ang mundo niya ay gumagalaw ulit.

Parang ako ay wala roon.

At doon ko mas naramdaman ang contrast.

Kagabi, ako ang mundo niya. Ngayon, isa lang akong bahagi ng iskedyul.

Bandang tanghali, dumaan siya ulit sa dining area. Hindi siya tumigil. Hindi siya tumingin. Dumiretso lang siya sa opisina.

“You’re not allowed to leave the penthouse today,” sabi niya habang naglalakad. “Security risk.”

“Okay,” sagot ko.

Huminto siya sandali. Lumingon.

“You find that amusing,” sabi niya bigla.

Napatingin ako sa kanya. “What do you mean?”

“Your mouth,” sabi niya. “You’re smiling.”

Agad kong kinontrol ang mukha ko. “Sorry.”

Lumapit siya ng kaunti. Hindi masyado malapit. Pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya.

“You shouldn’t misunderstand things,” sabi niya. “What happened last night was situational.”

“Nothing happened,” sagot ko agad.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Isang segundo.

Dalawa.

May kung anong dumaan sa mukha niya. Isang maliit na bitak sa kontrol. Mabilis na nawala.

“Good,” sabi niya. “Then we’re clear.”

Umalis siya ulit.

At doon na ako natawa.

Hindi ko napigilan. Mahina lang. Para sa sarili ko. Kasi kitang kita ko na.

Ang lalaking kayang basagin ang baso sa kamay niya ay mas takot sa alaala ng kahinaan niya kaysa sa galit niya.

Buong hapon, ganon siya. Utos dito. Utos doon. Walang emosyon. Walang tingin. Parang ako ay isang anino lang sa gilid ng mundo niya.

Pero tuwing dumadaan siya malapit sa akin, tuwing nararamdaman ko ang presensya niya, may kakaibang tensyon. Parang may gustong sabihin ang katawan niya pero hindi pinapayagan ng isip niya.

Sa isang pagkakataon, nagkasalubong kami sa hallway.

“Excuse me,” sabi niya, pormal.

“Go ahead,” sagot ko.

Habang dumadaan siya, bahagyang dumampi ang braso niya sa akin.

Nanigas siya.

Halos hindi halata. Pero ramdam ko.

Mabilis siyang lumayo. Parang nasunog.

“Watch where you’re standing,” sabi niya, masyadong mabilis.

“Sorry,” sagot ko, pigil ang ngiti.

Pagdating ng gabi, tahimik ulit ang penthouse. Nasa kwarto ako, nakaupo sa gilid ng kama, iniisip ang araw na iyon.

Kung kahapon nakita ko ang halimaw.

Ngayon nakita ko ang lalaking takot sa sarili niyang pangangailangan.

Bandang hapon, lalo pang naging tahimik ang penthouse. Yung uri ng katahimikan na hindi komportable, parang lahat ay naglalakad sa manipis na yelo. Ang mga maid ay mas maingat kaysa kanina. Ang security ay mas madalas dumaan sa hallway. Ramdam ko na kahit wala siyang sinasabi, lahat ay nakaayon pa rin kay Kael.

At si Kael mismo, mas lalong naging malamig.

Nasa study area ako, kunwari nagbabasa ng librong hindi ko naman talaga binabasa. Ang totoo, nakikinig ako. Sa tunog ng mga yapak niya. Sa boses niya kapag may kausap sa telepono. Sa paraan ng pagbukas at pagsara niya ng pinto. Lahat ay eksakto. Walang sablay. Parang isang makina na nag reset pagkatapos masira.

“You’re late,” narinig kong sabi niya sa may hallway.

“Apologies, sir,” sagot ng isang staff.

“Apologies don’t fix delays,” malamig niyang tugon.

Napapikit ako sandali. Kagabi, ang parehong lalaking iyon ay nakasubsob sa leeg ko, humihinga na parang doon lang siya ligtas. Ngayon, parang hindi niya kilala ang salitang pahinga.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina, kailangan ko ng tubig. Habang nagbubukas ako ng ref, naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Hindi ko siya narinig dumating, pero alam kong siya iyon.

“You shouldn’t wander alone,” sabi niya.

Hindi ako lumingon agad. “I was just getting water.”

“You could have asked,” sagot niya.

Ngumiti ako ng bahagya, hindi niya kita. “You were busy.”

Tahimik siya. Ilang segundo. Nararamdaman ko ang tingin niya sa likod ko, parang sinusuri kung anong bersyon ko ang kaharap niya ngayon. Yung babaeng natakot kagabi o yung babaeng ngumiti kanina.

“Drink and go back to your room,” sabi niya sa wakas.

Lumingon ako. “You’re avoiding me.”

Mabilis siyang tumingin sa akin, parang hindi niya inaasahan ang diretsong iyon.

“I don’t avoid things,” sagot niya. “I prioritize.”

“Right,” sabi ko. “That’s your favorite word.”

May dumaan sa mukha niya. Isang anino ng inis o pagkailang, hindi ko masabi. Hindi siya sumagot. Lumabas siya ng kusina na parang tapos na ang usapan.

At doon ko muling naramdaman ang tawang pilit kong kinokontrol.

Hindi dahil nananalo ako. Hindi dahil may kapangyarihan ako. Kundi dahil malinaw na malinaw na kahit gaano siya ka sanay mag kontrol ng mundo, hindi niya kayang kontrolin ang alaala ng isang gabi.

Pagbalik ko sa kwarto, napansin kong may iniwang folder sa mesa. Hindi ko dapat galawin. Alam ko iyon. Pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Binuksan ko. Mga papeles. Mga numero. Mga pangalan. Isang mundo na hindi para sa akin.

Isinara ko agad. Hindi ko kailangan ng dahilan para mas lalo siyang magalit.

Humiga ako sa kama, nakatingin sa kisame. Sa isip ko, bumabalik ang pakiramdam ng hininga niya sa leeg ko. Ang bigat ng katawan niya. Ang katahimikan pagkatapos ng galit.

Hindi ko alam kung kailan ako nakatulog saglit.

Nagising ako sa tunog ng pinto.

Nakatayo siya sa pintuan. Walang emosyon ang mukha, pero may kung anong pag aalangan sa tindig niya.

“Dinner will be served soon,” sabi niya.

“Okay,” sagot ko.

Hindi siya umalis agad.

“You shouldn’t laugh at dangerous men,” dagdag niya, mababa ang boses.

Umupo ako. “I wasn’t laughing at you.”

“Then what,” tanong niya.

Saglit akong nag isip. “At the situation.”

“Be careful,” sabi niya. “You might misunderstand your place.”

Tumingin ako sa kanya. “And you might be pretending too hard.”

Tahimik siya. Matagal.

Saka siya umalis.

Naiwan akong mag isa, nakangiti, kinakabahan, at mas lalong naguguluhan.

Sa iisang araw, nakita ko ang dalawang Kael Mortis.

Ang lalaking kayang matulog dahil sa akin.

At ang lalaking nagkukunwaring wala akong epekto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 5

    ELARA POVNagising ako sa tunog ng mababang boses.Hindi galit. Hindi rin malambing. Isang boses na malamig, kontrolado, parang walang nangyaring kahit ano kagabi.“Coffee. Black. No sugar.”Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.Nasa kwarto pa rin ako. Pero wala na ang bigat sa leeg ko. Wala na ang init ng hininga niya. Wala na ang lalaking natulog na parang ako ang tanging pahinga niya. Ang kama ay maayos na ulit. Ang kurtina ay bahagyang nakabukas. Ang araw ay pumasok na parang walang pakialam sa kaguluhang nangyari kagabi.At doon ko siya nakita.Si Kael Mortis ay nakatayo sa gilid ng bintana, naka suit na naman, tuwid ang tindig, parang hindi kailanman bumagsak ang galit niya, parang hindi niya kailanman inilibing ang mukha niya sa leeg ko.Parang hindi niya ako niyakap.Parang hindi siya natulog.“Make sure the meeting room is ready by nine,” dagdag niya sa isang maid. “And cancel my lunch.”“Yes, sir,” sabay sabay na sagot ng mga tao sa paligid.Parang may invisible line sa

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 4

    ELARA POVHindi ko alam kung ilang oras ang lumipas matapos ang gulo sa ibaba.Ang alam ko lang, nasa kwarto na kami. Hindi yung kwarto ko. Hindi rin yung opisina niya. Isang mas tahimik na espasyo sa loob ng penthouse, may ilaw na dim, may kurtinang makapal na parang sinadya para itago ang mundo. Nakatayo ako sa gitna ng silid, hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko. Ang amoy ng wine at dugo ay parang nakadikit pa rin sa alaala ko.Sa likod ko, narinig ko ang pinto na isinara niya.Hindi malakas. Hindi padabog. Isang maingat na tunog, parang ayaw niyang magulat ako.“You should sit,” sabi ni Kael, mababa ang boses.Umupo ako sa gilid ng kama, tuwid ang likod, nakapatong ang mga kamay ko sa tuhod. Pakiramdam ko parang hinihintay ko ang hatol ko. Sa likod ng isip ko, bumabalik ang imahe ng basag na salamin sa kamay niya. Ang dugo. Ang galit na kaya niyang itago sa isang iglap.Narinig ko ang mabigat niyang paghinga.“They crossed a line,” sabi niya, mas para sa sarili niya kaysa sa

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 3

    ELARA POVMay mga sandali na mararamdaman mo ang panganib kahit wala pang nagsasalita.Naramdaman ko iyon sa hagdan pa lang.Tahimik ang buong penthouse pero mali ang uri ng katahimikan. Hindi ito payapa. Mabigat. Parang may bagyong nakatigil sa hangin, naghihintay lang ng signal para sumabog. Nakatayo ako sa ikalawang baitang ng marble stairs, hawak ang railing, hindi alam kung bababa ba ako o aakyat pabalik sa kwarto. Sa ibaba, nandoon sila. Mga lalaki naka suit. Mga taong sanay mag utos at sumunod. Pero ngayon, lahat sila ay parang estatwa.At sa gitna nila, si Kael.Hindi ko pa siya nakikitang ganito.Nakatayo siya sa harap ng mahabang mesa sa living area, may hawak na baso ng wine. Ang postura niya ay tuwid, kalmado sa unang tingin, pero ang mga daliri niya ay mahigpit na nakapulupot sa salamin. Ang mga mata niya ay madilim. Hindi galit na sumisigaw. Mas masahol. Galit na tahimik.“Say it again,” sabi niya, mababa ang boses, pero bawat salita ay parang kutsilyo.Isa sa mga lalaki

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 2

    ELARA P.O.VNagising ako sa katahimikan.Hindi yung ordinaryong tahimik na naririnig mo kapag madaling araw. Iba ito. Mabigat. Parang may matang nakamasid kahit sarado ang pinto, kahit mag isa ka lang. Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame, pilit inaalala kung nasaan ako. Ilang segundo bago bumalik lahat. Ang kontrata. Ang penthouse. Siya.Kael Mortis.Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Nakasuot pa rin ako ng damit na ibinigay ng assistant niya kagabi. Masyadong sakto ang sukat, parang alam na alam nila ang katawan ko. Isa na namang paalala na mula nang pumasok ako sa mundong ito, wala nang bagay na aksidente.Lumapit ako sa bintana. Ang araw ay unti unti nang sumisilip sa pagitan ng mga gusali. Ang siyudad ay mukhang tahimik mula rito, parang walang gulo, walang utang, walang takot. Parang pwede kang magpanggap na ligtas ang mundo.May tunog ng yapak sa labas ng kwarto.Hindi ako gumalaw. Hindi ako tinawag. Alam kong siya iyon. Hindi ko alam kung paano, pero alam ko. Ang pr

  • Marked as His: A contract of Possession    Chapter 1

    ELARA P.O.VHindi ko maalala kung kailan nagsimulang mawalan ng boses ang mundo ko. Ang alam ko lang, sa sandaling binuksan ko ang pinto ng penthouse na iyon, hindi na ako kay Elara Virelle. Ako ay naging pag aari na niya.Hindi dahil sinabi niya.Kundi dahil ramdam ko.Tahimik ang lugar, sobrang linis, sobrang lawak. Parang walang puwang para sa kahit anong pagkakamali. Ang sahig ay malamig sa ilalim ng paa ko, at bawat hakbang ko ay may echo na parang paalala na wala akong dapat galawin nang walang pahintulot. Amoy mamahalin ang hangin. Hindi pabango. Hindi bulaklak. Amoy kapangyarihan. Amoy kontrol.Nakatayo siya sa harap ng floor to ceiling window. Kael Mortis. Nakatagilid ang ulo, isang kamay nasa bulsa, ang isa may hawak na baso na hindi ko alam kung tubig ba o alak. Hindi siya lumingon agad. Parang alam niyang nandoon na ako. Parang matagal na niya akong hinihintay.“Close the door,” sabi niya, malamig, diretso.Sinunod ko. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil wala akong lakas par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status