Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2025-07-31 11:52:50

Kinabukasan nag-punta ako ng kompanya na may bitbit na mabigat sa aking loob. Parang mayroong bagaheng nakapatong sa dalawang balikat ko na naging dahilan ng bagal ko sa paglakad.

Pagkatapos kong maihatid si Alessandro kagabi sa bahay niya, nagpahatid na rin ako ng driver niya patungong condo ko. Pagkatapos nun, magdamag akong gising dahil sa bilis ng pangyayari kagabi.

Contract marriage.

Madali lang sabihin at isipin pero ngayong naglalakad na ako patungong opisina ni Alessandro ay para akong iniipit sa pagitan ng langit at lupa. Ayoko muna siyang makita. Sa tingin ko kada oras ako bangungutin sa naging desisyon ko eh.

Bumuntong hininga na lamang ako at pinasadahan ng tingin ang oras sa relo ko. 2 hours from now mayroong board meeting na magaganap. Pagkatapos ng anunsyo ng mga lolo namin kagabi, agad nagpatawag ng emergency meeting ang Chairman ng La Monte para sa new project nila sa China ng lolo ko.

Dapat alas sais pa lang naghanda na ako bilang secretary ni Alessandro pero eto ako ngayon amg bagal ng bawat kilos. Malapit na rin akong ma late eh dahil malapit na mag alas otso. Mabuti nalang tinawagan ko ang Financial and Planning Department kanina na maghanda para sa meeting kaya parang pabaya na ako dito.

Tumunog ang elevator kaya lumabas na ako at naglakad sa hallway. Ang busy ng mga tao dahil sa biglaang announcement ng Chairman. Nag bow naman ang iilang mga nakasalubong ko sa hallway para magbigay pugay saglit kahit nagmamadali na ang mga ito.

Pagkarating ko sa labas ng opisina ni Alessandro, malakas na boses niya ang umalingawngaw sa loob. May pinagalitan na naman ang gung-gong. Ang aga-aga galit na naman siya. Sino na naman ba ang maswerteng nakatanggap ng almusal mula sa CEO nila.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang kasapi ng board of directors na si Lovely Russiana at isang staff ng isang department na nakayuko lamang ang ulo na sa tingin ko siya ang sumalo lahat ng galit ni Alessandro.

Masungit na tinaasan ako ng kilay ni Ms. Lovely sa akin habang nakatingin sa bitbit kong bag.

"Ms. Sanuevoz, you're late. Nakaya mo pa talagang matulog nang matagal gayong ang Chairman ay alas tres pa lang ng umaga nag announce na ng emergency meeting para ngayon?" she chuckled sarcastically. "Anong klaseng secretary ka?" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Mabuti sa siguro itong supervisor ng finance and planning department maaga pa, gayon nga lang lampa." Isang marahas at puno ng pagkainis ang hanging lumabas sa bibig niya at sinamaan ng tingin ang staff. "Hay ang tanga talaga."

Hindi ako kumibo. Pinasadahan ko lang ng tingin ang babaeng nakayuko na tila takot na makasalubong ng tingin sa mga tao.

"Ms. Russiana, it's good that you're always punctual when it concerns about the meetings. At kada bago mag start ang meeting ay lagi kitang naaabutan sa opisina ng CEO na may dalang issue na tila takot kang mapag-usapan sa meeting." Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. "Ano na naman ba ito ngayon Ms. Russiana, hm? At ibang department na naman ba ang naging biktima mo?"

Gumuhit ang inis sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "What are you talking about bitch?"

Nagkibit balikat lamang ako. "Wala lang. Curious lang kasi ako bakit sa tuwing mayroong major meeting, lagi kang present sa opisina at may dalang bomba." Tumango ako at napahawak ako sa aking baba na tila nag-iisip. "Hmm, huwag kang mag-alala kapag hindi na ako busy bigyan ko ng oras para i check ang files mo, okay?" Ngiti ko sa kaniya at saka lalagpasan na sana siya nang bigla niyang hinablot ang braso ko.

Nawala ang ngiti sa labi ko at seryosong napabaling sa kaniya.

"Are you threatening me, Ms. Sanuevoz? Hindi porket ka apilyedo mo ang chairman ng Sanuevoz ay may lakas ka ng magsalita sa akin ng ganiyan. Tandaan mo, isa ka lang hamak na secretary na sa isang tawag ko lang sa Daddy ko matatanggal ka." Nanlisik ang mata niyang nakatingin sa akin.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Oh really.

"Let go of me." Pagbabala ko. "I was always silent about your behavior, Ms. Russiana. Now you dare to mention connections in front of the person who checked all of your assets? Baka nakalimutan mong may pending case ka pa sa finance department? Should I hold all of your accounts, including your father so you can be put to your place, hm?"

Nagtiim bagang siya. Humigpit ang hawak niya sa braso ko habang pinandilatan ako. "You ugly nerd. Just so you wait, matatanggal ka rin sa trabaho mo," aniya at marahas akong binitawan bago nag walk out. Naiwan ang isang staff sa aking tabi na halatang binabalot ng kaba at pag-alinlangan.

"You can go," sabi ko na agad niyang sinunod.

Nakatitig lamang ako sa likod ni Lovely Russiana na halatang galit dahil hindi niya man lang tinignan ang mga taong bumati sa kaniya.

Tss, Russiana, huh? As far as I know, ama niya si Santiago Russiana, isang shareholder at major board of directors ng kompanya. Oo nga't mataas ang posisyon ng ama niya kaya lagi siyang nakakatakas sa mga minor issues na kinakaharap niya ngayon. Kahit mga investigations patungkol sa kaniya ay hindi natuloy dahil brother-in-law ng papa niya ang isa sa mga associate justice ng first division ng court of appeals.

At higit sa lahat, kaya siya galit na galit o laging naiinis sa akin ay sa kadahilanang matagal na siyang may gusto kay Alessandro. Edi sana lumuhod siya sa papa niya para gawin siyang secretary nang sa ganoon makawala ako sa kadenang ito. Akala niya siguro iiyak ako ng dugo sa oras na matanggal ako dito. Ha! Sa sobrang saya ko, regalohan ko pa siya.

Napabuntong hininga na lang ako at kumatok na sa office ng pinto ni Alessandro. Para na naman akong binagsakan ng bato sa balikat dahil sa panlumo ko. Hay. Kahapon boss ko pa siya, ngayon magiging asawa ko na.

"Come in," aniya kaya pumasok ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 23

    Naglakad ako palabas ng Bamboo Garden sa ilalim ng tirik na araw. Hindi na ako lumingon sa aking likuran upang tignan lang pabalik si Alessandro. Bahala na nga siya jan. Naiinis na ako dito. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko sa kaniya dahil sa ginawa niya. Isabay pa itong panahon na walang katapusang init.Mabuti nalang paglampas ko ng gate ay may pararating na na isang taxi cab kaya agad akong nag para. Ngunit bago pa man ito makahinto nang tuluyan sa harapan ko ay isang kotse ang pumaharurot ang daan palabas mula sa bamboo garden. Muntik na akong matumba dahil sa gulat!Dumaan lang naman sa aking harapan na animo'y isang sports car. Nilupad nito ang aking mga buhok at salo ko lahat ang paglanghap ko sa usok na niluwa mula sa exhaust pipe ng sasakyan niya. Malutong akong napamura sa sarili.What the hell? Sino ang walang hiyang bobong 'yon?Pagkatapos kong pagpaypayin ang sarili mula sa mga usok, galit akong napabaling sa sasakyan na unti-unti ng lumalayo sa akin. Isang

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 22

    Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Naabutan ko siyang seryoso pa rin ang mga matang nakatitig sa akin. Siya ang unang napabuga ng hangin at nagsalita na tila talunan sa patagalan ng titig naming dalawa. "Her name was Talliana Tallington, daughter of the Tallington Corp," aniya at humalukipkip. Tumango ako sa sinabi niya. Tallington Corp. huh? I've never heard he's close with the Tallington's. Sa dalawang taon kong paninilbihan sa kaniya bilang isang sekretarya, ngayon ko lang alam na magkasosyo sila ng Tallington Corp. He even knew the daughter.What a coincidence it is, huh? "Your turn, who called you?" tanong niya, habang naka-ukit ang kurba sa mga kilay niya."Friend," simple kong sagot. Alam kong hindi siya naging kuntento sa sinabi ko dahil mas lalo lamang kumunot ang noo niya."Friend who?""None of your business," sabi ko at tumayo. "I'm done eating." Dugtong ko sa pahayag kahit kaka start ko lang kumain kanina. Nagtiim bagang siya sa biglaang inasta ko pero hindi ko siya pi

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 21

    "Saan tayo pupunta?" Ako na ang pumutol sa katahimikang namayani sa loob ng kotse kahit naiinis ako sa kaniya. Ilang minuto na rin kasi siyang nagmamaneho at iilang restaurant na rin ang nadaanan namin. Malapit pa naman ang area ng La Monte Group sa mga kainan at hotels kaya maraming mapipilian agad agad kapag lalabas ng building.Pero ang gung-gong na ito, dinadaanan niya lamang ang lahat na akala mo nagsawa na siya sa mga 'yan. Akala mo talaga ni minsan ay naka-apak na siya sa bawat kainang nandito."Where are we going?" Tanong ko ulit dahil hindi niya sinagot ang una kong tanong.Maikli niya lamang akong pinasadahan ng tingin bago tumugon. "Secret. Surprise nga hindi ba?"Napa-irap ako. Huwag niyang sabihin na totohanin niya talaga ang lahat ng kasinungalingang sinabi niya kanina sa mga chairman? Surprise, my ass! Pinaglalaruan niya lang talaga ako."Pwede ba? Hindi ako nagbibiro dito.""What? Me neither," aniya at nagfocus lamang sa pagmamaneho. Pinagsingkitan ko siya ng mata. "

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 20

    Mabuti nalang paglabas naming dalawa, wala na dun ang mga executives ng La Monte group na buntot na buntot sa dalawang chairman kanina. Dumiretso si Alessandro sa private elevator at nang magbukas ito ay agad siyang pumasok habang hila-hila pa rin niya ang kamay ko. Nang tuluyan kaming dalawa makapasok ay agad ko ng binawi mula sa kaniya ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Tsk!"Wala na ang mga matatanda dito," agaran kong sabi. Inunahan ko na siya bago pa pumutok ulit ang bibig niya at magreklamo.Tinitigan niya lamang ako at at bumuntong hininga habang umiiling dahil sa inasta ko."Felicia Sanuevoz, this is why up until now you're still single. You should consider dating nang sa ganoon ay may alam ka sa mga simpleng bagay kagaya ng simpleng paghawak kamay," aniya.I scoffed sarcastically. Umirap ako dahil sa sinabi niya. Ano na namang pake niya sa relationship status ko sa buhay? Like as if makakarelate siya sa akin eh sa dami ng babae niya, napaka insensitive niya sa lahat

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 19

    "Felicia Sanuevoz, bakit mo ako binabaan ng tawag—!"Natigil siya at napakurap nang makita ang dalawang matandang naka-upo sa couch. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin bago bumalik sa dalawang chairman at agad itinikom ang bibig na naiwang nakaawang sa ere.Tumikhim ito. "Mr. Chairman...Mr. Sanuevoz," bati niya at binigyan ako ng tinging nagtatanong kung bakit naparito ang dalawa. Nagkibit balikat lamang ako sa kaniya. Aba malay ko, hindi ko alam kung ano na namang binabalak ng dalawang 'yan. "Quit the formalities, apo. We're here to talk about our personal matter," sabi ni Lolo M saka sumenyas sa upuan.Tumango lamang si Alessandro at tumabi ng upo sa akin. Magkaharap na kaming dalawa sa mga chairman ngayon.Nang maka-upo si Alessandro sa tabi ko, matalim kaming tinitigan ng dalawang matanda kaya hindi ko mapigilan ang mailang. Pinagsingkitan kami ng mata ni Lolo na tila may pagdududa siya sa isipan.Napalunok na lamang ako dahil sa tingin niya. What if alam nilang nagsinungal

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 18

    Naiwan ako sa office niya na matamang nakasimangot dahil sa naging suggestions niya sa akin. Kahit kailan talaga pala desisyon siya sa buhay ko eh! Ayaw ko ngang umuwi bahala siya jan.Napabuntong hininga na lamang ako at saka padabog na lumabas ng opisina niya. Ngunit agad din akong napahinto sa gulat dahil bumungad sa akin ang dalawang chairmen kasama ang mga secretary nila. Sa likod ay nakasunod pa ang iilang mga major shareholders.Napakurap ako at hindi makapagsalita."A-Ah...uhm...good morning, again Mr. Sanuevoz and Mr. Chairman," bati ko sa awkward na tono ng aking boses. Bahagya lamang akong ngumiti sa kanilang dalawa. Tahimik ko silang sinasabihan gamit ang mga mata na makisakay nalang din sa trip ko.However, my Lolo couldn't stop chuckling from my reaction.Seriously, Lo! Pinandilatan ko siya nang mata. Lolo naman, eh! Anong pinaplano mo jan! Bahagya na lang ding napatawa ang chairman ng La Monte na si Lolo M dahil sa naging reaksyon ko."What a rude behavior." Binali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status